Good morning. Stay tuned for more updates! Huwag kalimutang mag-iwan ng komento sa bawat kabanata. Paki-rate na lang din po ang libro. Maraming salamuch 🫶
Chester's POV Pagdating ko sa ospital, hindi pa man ako nakakababa nang maayos ng sasakyan ay sinalubong na ako ng isang nurse—hingal at mukhang nagmamadali. "Dr. Villamor! Emergency case sa ER! Multiple casualties due to a car accident along the highway!" Agad akong nagmadaling pumasok, nakalimutan na ang pagod at ang nakakaaliw na bangayan namin ni Celeste kaninang umaga. Sa sandaling ito, wala akong oras para sa ibang bagay. Sa loob ng ospital, isa lang ang dapat kong pagtuunan ng pansin—ang buhay ng mga pasyente ko. Pagpasok ko sa ER, sinalubong ako ng ingay ng mga tao—sigawan, iyakan, at tunog ng medical equipment. Ilang stretchers ang nakahilera, bawat isa may sakay na pasyenteng dumaranas ng matinding pinsala. "Status report!" sigaw ko habang hinuhubad ang aking coat at nagsusuot ng surgical gloves. "Dalawang critical cases, may isa na may possible internal bleeding. Dalawa pa ang may major fractures, at may isang bata na may head trauma!" sagot ng isa sa mga residente.
Chester's POV Naupo ako sa isa sa mga waiting chairs at binuksan ang food container. Amoy pa lang, alam ko nang paborito kong ulam ang nasa loob—beef stroganoff with garlic rice. I took the first bite, and I swear, I almost moaned. “Celeste, gusto mo ba akong pakasalan ulit?” biro ko, sabay nguya. She rolled her eyes. “Masyado kang pagod. Huminto ka na sa kakalokohan mo.” Napangiti ako habang tumitingin sa kanya. She looked tired, but she was still beautiful—her sharp features softened by the warm lights of the hospital lobby. Mas lalo pa siyang gumanda dahil kay Caleigh, na mahimbing na natutulog sa kanyang mga bisig. "Ikaw ba ang nagluto nito?" tanong ko. "Si Mama," sagot niya, sinabayan ng irap. "Alam mo namang hindi ako marunong magluto." Napangiti ako. “Well, you delivered it, so that still counts. I appreciate it.” Bahagya siyang yumuko, parang iniiwasang makita ko ang reaksyon sa mukha niya. Pero hindi ako bulag. Kitang-kita ko ang bahagyang pagngiti niya bago niya ako
Chester's POV Maaga pa lang, bago pa sumikat ang araw, bumangon na ako mula sa kama. Tahimik ang buong penthouse, at tanging mahihinang tunog lang ng air conditioning ang maririnig. Lumingon ako sa tabi ko at nakita si Celeste—mahimbing na natutulog, bahagyang nakakunot ang noo, na para bang kahit sa panaginip ay may bumabagabag sa kanya. I wanted to smooth those worries away. Dahan-dahan akong bumangon, siniguradong hindi ko siya magigising. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa kanyang mukha at marahang hinalikan ang noo niya. "Sleep tight, my love," bulong ko, kahit alam kong hindi niya maririnig. Sa totoo lang, hindi ko maintindihan ang sarili ko. May mga kasambahay naman kami na pwedeng maghanda ng almusal, pero may kung anong nagtulak sa akin para ipagluto siya. Para bang gusto kong iparamdam sa kanya na hindi lang siya basta obligasyon o isang papel sa buhay ko bilang ina ng anak ko. Gusto kong iparamdam sa kanya na siya ang buhay ko. Pagdating sa kusina, ag
Chester's POV Ang tamis ng sandali namin ni Celeste ay biglang naputol nang marinig namin ang sunod-sunod na pagkatok sa pinto. Halos kasabay niyon ay ang pagpasok ng isang kasambahay, may bahagyang pag-aalangan sa mukha. "Dok, may bisita po kayo sa baba. Kanina pa po siya naghihintay." Mabilis akong tumuwid ng upo. "Sino?" Saglit na nag-atubili ang kasambahay bago marahang sumagot. "Si… Engr. Charles Villamor po." Agad akong nanigas sa kinauupuan ko. Damn it. Mula sa gilid ng paningin ko, nakita kong biglang nagbago ang ekspresyon ni Celeste. Hindi ko man siya tiningnan nang diretso, alam kong nararamdaman niya ang tensyon na biglang bumalot sa katawan ko. I clenched my jaw. What the hell is he doing here? Mabilis akong tumayo at hinila pababa ang suot kong t-shirt, pilit na pinapakalma ang sarili. Pero hindi ko maitago ang paninigas ng panga ko at ang malamig na ekspresyon sa mukha. "Chester…" malumanay na tawag ni Celeste. "Do you want me to—" "No," putol ko, hindi ko na
Celeste's POV Tatlong buwan. Tatlong buwang tila isang panaginip—isang mundong malayo sa magulong realidad ng pagiging isang abogada. Tatlong buwang kasama ang aking anak, si Caleigh, at ang asawa kong si Chester, na sa kabila ng lahat ay patuloy pa ring nagpapakita ng pagmamahal sa kabila ng mga unos na pinagdaanan namin. Ngunit gaya ng isang mandirigmang kailangang bumalik sa laban, wala akong pagpipilian kundi harapin ang mundong matagal kong iniwan. Ngayon, nandito na ulit ako sa harap ng Villareal & Associates Law Firm. Malamig ang hangin ng umagang iyon, ngunit hindi sapat upang mapawi ang tensyon na bumalot sa aking dibdib. Huminga ako nang malalim bago ako pumasok sa loob ng gusali. Isang mataimtim na titig mula sa receptionist ang agad kong sinalubong, sinundan ng mahihinang bulungan mula sa mga legal assistants na nasa lobby. Hindi ko kailangan ng husay sa batas para maintindihan ang mga tingin nila—hindi ito pagtanggap, kundi paghuhusga. "Here we go." Dire-dir
Celeste's POV Matapos ang isang mahabang araw sa opisina, pakiramdam ko ay mas mabigat pa sa sampung kilong case files ang pagod na dala ko. Hindi ko alam kung alin ang mas mahirap—ang harapin ang mga kasamahan kong hindi ako tinatanggap, o ang patunayan muli ang sarili ko sa korte matapos ang tatlong buwang pagkawala. Dala ang shoulder bag at ilang dokumentong kailangang pag-aralan sa bahay, lumabas na ako ng law firm. Ramdam ko ang malamig na hangin ng gabi, tila pinapawi ang tensyon sa katawan ko. Ngunit hindi pa ako nakakalayo nang bigla akong makabangga ng isang matigas na dibdib. "Damn it." Muntik nang mahulog ang hawak kong mga dokumento, pero maagap kong naitama ang sarili ko. Napaatras ako ng bahagya, handang humingi ng paumanhin, pero ang mga mata ko'y nanlaki nang makita kung sino ang nakaharang sa harapan ko. Si Charles Villamor. Ang bunsong kapatid ni Chester. Ang mortal na kaaway ng asawa ko. At ang lalaking minsan ay nagpumilit na maging bahagi ng buhay ko noon.
Celeste's POV Ang buong maghapon ay isang emosyonal at mental na labanan. Mula sa pagbalik ko sa law firm, sa mga mapanuring tingin ng mga kasamahan ko, hanggang sa di-inaasahang pagtatagpo ko kay Charles Villamor—ang bunsong kapatid ng asawa kong si Chester at isa sa mga panggagalingan ng pinakamasakit at nakakairitang alaala ng nakaraan ko. Naalala ko pa ang matalim niyang tingin, ang mayabang niyang ngiti na tila ba pinagtatawanan ako. "You should have chosen me back then, Celeste. But no, you had to go for my brother. Guess I was right. You were never interested in me… You just wanted a Villamor." Naningkit ang mga mata ko sa alaala. The audacity. Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili habang nagmamaneho pauwi. Hindi ko dapat dinadala ang negativity mula sa labas papunta sa bahay ko—sa tahanan naming tatlo. Pagkapasok ko sa penthouse, agad akong sinalubong ng malumanay na tunog ng duyan at ang mabining pag-hele ni Chester sa aming anak na si Caleigh.
Celeste's POV "You've always been strong, Celeste. You’ll get through all of this," bulong ni Chester. Pinuno ako ng init ng kanyang mga salita. May mga sandali na hindi ko naisip kung gaano karami ang mga bagay na nagawa ko at naranasan sa buhay ko. Pero ang mga simpleng bagay tulad ng yakap na ito at ang mga salitang nagmumula sa kanya ay nagpatunay na bawat sakripisyo ko ay may halaga. “I know… I just… I guess, I miss the simple times." I let out a sigh, my head resting on his chest. “I miss not worrying so much.” Naramdaman ko ang pag-angat ng kanyang mga kamay upang hawakan ang aking buhok, na parang hinihimas ang aking mga pagod na utak. It felt soothing and comforting. I couldn't help but close my eyes for a moment as I allowed myself to relax, forgetting about the world outside for a while. "Well, the good thing is, we're together now," Chester said, his voice was warm and low as he hugged me tighter. "And I’ll always be here for you, Celeste. No matter what happens." He
Celeste’s POVTila nanlambot ang tuhod ko, ngunit hindi sa kahinaan—kung 'di sa panibagong bugso ng init na gumapang mula ulo hanggang talampakan. Kasabay ng tibok ng puso ko ang bawat pintig ng pagnanasa ko para sa kaniya.Hindi ako nagsalita. Hindi ko na kailangan ng salita. Dahan-dahan akong bumaba mula sa lababo. Lumapit ako kay Chester habang siya ay nakaupo sa gilid ng bathtub, ang mga mata niya ay punong-puno ng pananabik at paggalang. Ang tingin niya sa akin ay tila ako ang pinakamagandang tanawin sa mundo—hindi isang bagay ng pagnanasa lang, kung 'di isang dambanang nararapat sambahin.Hinawakan niya ang beywang ko at iginiya ako pataas, at nang ako ay pumatong sa mukha niya, para akong isang reyna sa trono—isang diyosang kinikilala ng lalaki sa ibaba ko.“Celeste,” mahinang sambit niya, puno ng pagnanasa, habang dahan-dahang ibinuka ang aking mga hita.Ramdam ko ang init ng hininga niya sa pinaka-sensitibong bahagi ng katawan ko. Nanginginig ako—hindi sa lamig ng tubig mula
Celeste's POV Para akong unti-unting binuhusan ng malamig na tubig sa ulo—hindi dahil sa galit kundi sa pagkagising mula sa matagal na pagkabulag sa katotohanan. Sa dami ng hinanakit ko sa puso ko, sa dami ng tanong na hindi ko na sana inaasahang masasagot pa, biglang may liwanag na unti-unting pumatay sa dilim na bumabalot sa akin. Ang galit ko kay Mama—bagama’t hindi pa tuluyang naglalaho—ay tila nabawasan, nabigyan ng paliwanag. Masakit ang katotohanang inilihim nila sa akin ang lahat, pero mas masakit pa pala ang dinanas nila noon. Ngayon ko lang naisip kung gaano kabigat ang pinasan nilang sikreto. Pinilit nilang itago ang buong katotohanan hindi dahil sa kasinungalingan kundi dahil sa takot—takot na masira ang pamilya, takot na ilayo kami sa isa’t isa, takot na mawalan ng kapayapaan. Naalala ko ang panakaw na tingin ni Papa noon tuwing tinatanong ko siya tungkol sa pagkabata ko. Ang pilit niyang ngiti, ang pagbaling ng usapan. Lahat pala ‘yon ay paraan para protektahan ako mul
Celeste's POV Sabay kaming lumabas ni Chester ng kwarto—magkayakap pa rin, ang kamay niya ay nakapulupot sa beywang ko na para bang ayaw niya akong bitiwan. Halos hindi ako makatingin sa unahan habang papalapit kami sa sala. At doon ko siya nakita—si Joaquin, nakaupo sa couch, tahimik, pero halatang nagpipigil ng emosyon. Hindi ko alam kung ilang minuto na siyang naghihintay roon, o kung gaano karami sa nangyari ang narinig niya. Pero ang titig niya sa akin ay sapat na para manginig ang buo kong katawan sa hiya. Napako ang tingin ko sa lamesita. Doon nakapatong ang isang bouquet ng puting rosas, simple pero elegante. Alam kong para sa akin iyon. At sa mismong pagtagpo ng mga mata namin, nakita ko sa mga mata niya ang sakit. 'Yung uri ng sakit na tahimik, pero ramdam mo ang bigat. Naramdaman ko ang biglang paghigpit ng hawak ni Chester sa beywang ko. Parang sinasadya niyang idiin ako sa katawan niya, ipinapamukha kay Joaquin na akin ka na muli—na hindi na siya bahagi ng mundong mulin
Celeste's POV Pareho kaming hingal na hingal habang nakahandusay sa ibabaw ng study table. Basang-basa ang balat ko ng pawis at parang nanginginig pa rin ang tuhod ko sa sobrang lakas ng sensasyong bumulusok mula sa pagkababae ko papunta sa kabuuan ng katawan ko. Pakiramdam ko ay namamaga na ako sa tindi ng walang humpay na paglabas-masok niya—walang pahinga, walang habag. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib ni Chester. Ramdam ko pa ang mabilis na tibok ng puso niya habang yakap-yakap ko siya na para bang ayokong matapos ang sandaling ito. Sa kabila ng lahat ng sakit, galit, at hindi pagkakaunawaan—narito kami. Sa isa’t isa. Muling nagtagpo. Muling bumigay. Pagkalipas ng ilang minuto, bumangon siya at naglakad papunta sa banyo. Tumitig pa siya sa akin at ngumiti. “Sabay tayong maligo,” yaya niya, pero umiling lang ako. “Hindi. Kapag sumabay ako, baka hindi na naman ako makalabas ng buhay sa loob ng shower,” natatawa kong sagot, pero totoo naman. Iba ang Chester kapag nasa tubig—mas
Celeste's POV Nagising ako sa banayad na paghaplos sa aking braso. Marahan, tila takot siyang magising ako—o baka naman gusto lang niyang namnamin ang bawat segundo ng katahimikan na kasama ako. Bahagyang umangat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang mukha ni Chester. Hindi siya nakatingin sa akin. Bagkus, nakatuon ang paningin niya sa bawat pagdampi ng labi niya sa balikat ko, sa leeg ko, pababa sa aking dibdib, na para bang idinidiin niyang totoo ang bawat saglit. "Good morning, Wifey," bulong niya. May tinig ng panibugho at pananabik. Para bang sa mga simpleng salita na iyon, gusto na niyang bawiin ang lahat ng panahong nawala sa amin. "Good morning, Hubby," sagot ko habang pinagmamasdan ang malalim na tingin sa mga mata niya. Ipinatong ko ang isa kong paa sa kanyang balikat, isang kilos na hindi lamang pang-aakit kung 'di simbolo ng pagtanggap. Sa kabila ng lahat, siya pa rin ang pinili ko. Napakapit ako sa buhok niya nang muli kong maramdaman ang haplos ng kanyang labi sa p
Celeste's POV Namumula ang mga mata ni Chester nang muli ko siyang tingnan—mga matang punong-puno ng lungkot, pangungulila, at isang napakatinding pagsusumamo. Para siyang batang naiwan sa ulan, basang-basa ng pait at pag-asa, nakatingin sa akin na parang ako na lang ang natitirang dahilan ng mundo niya para magpatuloy. At sa bawat pilit niyang pagngiti sa kabila ng nangingilid na luha, ramdam ko ang bigat ng pinipigil niyang damdamin—ang matagal nang pangungulila, at ang sakit ng pagbitaw. Hindi ko na kayang tiisin pa ang tingin niyang iyon. Pagod na ako—pagod nang lumayo, magkunwaring buo ako, magkunwaring wala na akong nararamdaman. Ilang gabi na akong umiiyak habang yakap si Caleigh, iniisip kung tama ba ang ginawa kong pagputol sa amin, kung makakaya ko bang mabuhay sa mundong alam kong wala siya. At ngayong narito siya, kaharap ko, sugatan pero humihiling pa rin ng ikalawang pagkakataon, bakit pa ako magpapanggap? Kung dati ay binigyan niya ako ng pag-asa, binigyan niya ako n
Celeste’s POV Tahimik ang buong paligid habang hinahayaan kong lamunin ng katahimikan ang kuwarto. Sa labas ay ang patak ng ulan, tila nakikiayon sa bigat ng damdaming pilit kong kinukubli. Sa loob ng banyo, maririnig ang pagbuhos ng tubig sa shower—si Chester. Naliligo siya matapos ang mahabang araw. At heto ako ngayon, nakatayo sa gitna ng kuwartong minsan naming pinagsaluhan ng mahihiwagang gabi’t masalimuot na umaga. Habang nagpapahid ng luha, pinilit kong ibaling ang atensyon ko sa isang praktikal na bagay—ang hanapan siya ng maisusuot ngayong gabi. Hindi ko siya kayang paalisin sa ganitong oras. At saka, bahay niya rin ito, kahit pa ako ang naiwan dito. Siya ang nagpatayo ng bahay na ito, siya ang nagdisenyo ng bawat dingding, bawat sulok. Lahat ay may bakas niya. Binuksan ko ang closet at halos mapangiti nang makitang nandoon pa rin ang ilan niyang lumang damit. Maayos pa rin ang pagkaka-fold, parang hinihintay siyang muling bumalik. Kinuha ko ang isang puting cotton shirt at
Celeste's POV Napakabigat. Para akong binuhusan ng isang drum ng malamig na tubig habang binubuhat ng libo-libong batong nakapatong sa dibdib ko. Hindi ko alam kung paano ako humahakbang palabas ng ospital, hindi ko rin alam kung paano ako humihinga habang patuloy lang ang pagbagsak ng luha ko—tila walang katapusan, parang ilog na hindi maampat ang agos. Kasabay ng bawat patak ng luha ko ay ang paulit-ulit na tanong sa isip ko—bakit? Bakit kailangang itago sa akin ang katotohanan? Bakit kailangang malaman ko ito sa ganitong marahas at masakit na paraan? Hindi ba ako karapat-dapat malaman kung sino talaga ako? Pagkalabas namin ni Chester sa ospital, bigla akong napahinto sa tabi ng pader. Doon ko na hindi na napigilan ang sarili ko. Napaupo ako sa malamig na semento, nakayuko, habang walang tigil ang pag-iyak ko. Nanginginig ang buong katawan ko, hindi dahil sa lamig, kundi dahil sa sobrang sakit at pagkabigo. I felt like a stranger in my own skin. Hindi ko na kilala ang sarili ko.
Celeste’s POV Isang linggo na ang lumipas, ngunit para pa rin akong binabagabag ng bawat alaalang parang sariwa pa ring humihiwa sa puso ko. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang nangyari—ang pagsubok ni Isabelle na patayin si Reginald, ang duguang katawan niya sa sahig ng Villamor Mansion, at ang mukha ni Chester, puno ng takot, galit, at pagkawasak. Pero higit sa lahat, ang pinakamahirap tanggapin ay ang katotohanan—na si Chester ay hindi isang tunay na Villamor, at ako... ako pala ang anak ng hayop na si Reginald Villamor. Isang bunga ng kasalanan. Isang patunay ng isang gabi ng karahasan at panggagahasa. Walang araw na lumilipas na hindi ko tanungin ang sarili ko kung paano ko kakayaning tanggapin ang katotohanang iyon. Hindi ko nga alam kung paanong hindi ko nasuka ang sarili ko sa tuwing naiisip ko kung sino talaga ang gumawa sa akin. Sa tuwing sinisilip ko ang silid ni Reginald, para akong sinasakal ng galit at pandidiri. Naputol lang ang pag-iisip ko nang biglang tumabi s