Good afternoon 🩷
Celeste's POV Tahimik kong pinunasan ang ibabaw ng coffee table habang bumabakas sa labi ko ang isang maliit na ngiti. Sabado. Day off namin ni Ninong Chester. Sa wakas, isang araw kung kailan wala akong kailangang haraping kaso, walang pagod na pagtatalo sa korte, at higit sa lahat—walang mga matang nagmamasid sa akin sa law firm. Napabuntong-hininga ako habang nilingon ang bukas na kusina kung saan abala si Ninong Chester sa pagluluto. Nakasuot lang siya ng puting V-neck shirt at pajama pants, nakatupi ang manggas ng kanyang damit, kaya kitang-kita ang matitigas niyang bisig. Naka-focus siya sa paghiwa ng mga sangkap, tila isang chef sa isang five-star restaurant. Diyos ko. Napaka-sexy niya kahit nasa bahay lang. Napailing ako sa sarili. Ano ba, Celeste? Tama na 'yan. Bumalik ako sa paglilinis, pero hindi ko maiwasang ngumiti. Ilang buwan na ang nakalipas, hindi ko inakalang ganito ang magiging buhay ko—nakatira sa penthouse ng isang lalaking ilang taon kong tinatawag na Ninong
Celeste's POV Matagal akong nakatulala sa screen ng cellphone ko, nakailang dial na ako, pero paulit-ulit lang ang sagot—wala. Laging abala ang linya. Walang sumasagot. Hindi man lang nagri-ring. Pinigilan ko ang panginginig ng kamay ko habang muling pinindot ang pangalan ni Mama sa contact list ko. Kahit anong galit ang nararamdaman niya sa akin, hindi niya ako matitiis nang ganito… hindi ba? Hindi niya ako kayang balewalain ng ganito katagal. Muli kong isinandal ang likod ko sa headboard ng kama habang pinakikiramdaman ang malumanay na tunog ng ulan sa labas ng bintana ng condo unit ko. Bumalik muna ako rito pansamantala upang umiwas sa ingay ng mundo. Sa penthouse ni Ninong Chester, hindi ko na magawang lumabas nang walang nakatingin sa akin—mga usisero sa paligid, mga mata ng mga taong hindi ko alam kung nanghuhusga o naaawa sa akin. Mas safe akong mag-isa. Pero ang bigat sa dibdib ko ay hindi nabawasan kahit na nasa ibang lugar ako. Muli kong tinawagan si Papa. One ring.
Chester's POV “Chester, you better explain yourself. Right. Now.” Tumindig ang balahibo ko sa bigat ng boses ni Dad. Hindi na niya ako tinawagan sa phone, hindi na niya rin ako pinadalhan ng lawyer—dumiretso siya rito sa penthouse ko kasama si Mom, at kahit walang anuman sa kanila ang sumisigaw, ramdam ko ang matinding galit sa mga mata nila. Nakatayo ako sa harapan ng couch habang si Mom ay may mahigpit na hawak sa braso ni Dad, na para bang inihahanda ang sarili sakaling bumigay ito. Sa edad na animnapu’t lima, ang ama kong si Reginald Villamor ay isang institusyon sa mundo ng medisina at negosyo. Walang pumipigil sa kanya. Walang humahadlang. Hanggang ngayon. Humarap ako sa kanya, itinuwid ang likod, at nagpakawala ng isang malalim na hininga. Ito na ang simula ng digmaang ito. “Dad,” panimula ko, pilit na pinalalamig ang tono ng boses ko. “I know you’re upset, but let’s talk about this rationally—” “Rationally?” putol ni Dad, ang tinig niya ay puno ng poot at panghuhusga. “
Chester's POV Nakaupo ako sa loob ng opisina ko sa penthouse, mariing nakatitig sa TV screen kung saan live na ipinapalabas ang balita tungkol sa amin ni Celeste. “Chester Villamor, ang kilalang doktor at business tycoon, at Celeste Rockwell, isang prominenteng abogado—ano nga ba talaga ang tunay nilang relasyon?” “Mula sa pagiging private individuals, bigla silang naging sentro ng kontrobersiya matapos maiulat ang diumano ay sikreto nilang kasal at ang pagbubuntis ni Atty. Rockwell.” “May ilang espekulasyon na isa lamang daw itong pansamantalang kasunduan—isang kontrata—na hindi pangmatagalan. Pero ang tanong ng lahat: Ano nga ba ang totoo?” Pumikit ako at pinisil ang sentido ko. Walang preno ang media. Walang respeto sa pribadong buhay ng ibang tao. Paano nila nalaman ang tungkol sa kasal at kasunduan namin ni Celeste? Naramdaman kong bumukas ang pinto ng opisina. Paglingon ko, nakita kong nakatayo sa may pintuan si Celeste, suot ang isa sa oversized na blazer na binili ko par
Celeste's POV Dahan-dahan akong naglakad papasok sa law firm, pinipilit ang sarili kong hindi magpaapekto sa malamig na tingin ng mga katrabaho ko. Ilang araw na rin simula nang maging laman kami ng balita ni Chester, at kahit anong gawin ko, hindi ko maiiwasan ang mga matang mapanuri at ang mga bulung-bulungan na tila hindi nauubos. Pagpasok ko sa conference room para sa aming morning briefing, isang tahimik na tensyon ang bumalot sa paligid. Napansin ko ang ilang kasamahan kong nag-uusap sa isang tabi, habang ang iba naman ay tahimik na tinatapunan ako ng tingin. Umupo ako sa aking usual spot, ngunit hindi ko pinalampas ang mapanuksong ngiti ni Atty. Regina Vasquez—ang babaeng alam kong matagal nang may inggit sa akin. "Hindi ko akalaing ganito kababa ang standard ng ating firm," malamig na sambit ni Regina habang inaayos ang kanyang mga papeles. Napakunot ang noo ko, alam kong may patama siya. Pero pinili kong manahimik. Ngunit hindi siya tumigil. "Biruin mo, may isang attor
Celeste's POV Dumadagundong ang tibok ng puso ko habang nakaupo sa passenger seat ng sasakyan ni Ninong Chester. Hawak niya ang manibela nang mahigpit, ang kanyang mga knuckles namumutla dahil sa pagkakadiin ng kanyang kamay. Alam kong nag-aalala siya, lalo na’t kahapon lang, hindi ko napigilan ang sarili kong ipagtanggol ang dignidad ko sa harap ng mga katrabaho ko. "I still think you should take a leave," malamig niyang sabi habang binabaybay namin ang daan papunta sa law firm. Napailing ako. "Hindi ako pwedeng magpatalo sa ganito, Ninong Chester. Kung magtatago ako ngayon, mas lalo lang nilang iisipin na may tinatago ako." Matalim ang tingin niyang ipinukol sa akin bago muling ibinalik ang mata sa kalsada. "At ano? Hahayaan mong insultuhin ka na naman nila?" Huminga ako nang malalim at pinakiramdaman ang banayad na paggalaw ng bata sa loob ng sinapupunan ko. "Sanay na ako, Ninong Chester. Hindi ito ang unang pagkakataon na may nagdududa sa kakayahan ko bilang abogado." Pero k
Celeste's POV Puno ng pangamba ang dibdib ko nang makita ang pangalan ng aking ina sa screen ng cellphone ko. Ilang beses na akong tumawag sa kanila nitong mga nakaraang araw, pero ni minsan, hindi nila sinagot. Ngayon lang. Agad kong sinagot ang tawag, umaasang maririnig ko ang boses ng aking ina na may lambing at pang-unawa. "Mama?" Isang malalim na buntong-hininga ang bumati sa akin bago dumagundong ang tinig ni Mams Calista sa kabilang linya—hindi ito puno ng pag-aalala, kundi galit. "Sa dinami-rami ng lalaki, Celeste… bakit ang sariling Ninong mo pa?" Napakapit ako sa aking tiyan, pilit hinahabol ang sarili kong hininga. "Ma… please, let me explain—" "Wala ka nang kailangang ipaliwanag!" sigaw niya. "Ikaw lang ang inaasahan naming magdadala ng dangal sa pamilyang ito, pero anong ginawa mo? Pinaglaruan mo ang pangalan namin! Alam mo bang halos hindi na ako makalabas ng bahay nang hindi tinitingnan nang masama ng mga kaibigan natin? Hiyang-hiya ako sa 'yo!" Napapikit ako n
Celeste's POV Tahimik ang buong penthouse. Walang ibang tunog maliban sa mahinang huni ng air conditioner at ang marahang pagpatak ng ulan sa bintana. Nakaupo ako sa malambot na sofa, marahang hinihimas ang aking lumalaking tiyan habang nakatitig sa pinto. Umalis si Ninong Chester ilang minuto na ang nakalipas para bumili ng pagkain. Alam niyang madalas akong mawalan ng ganang kumain, pero kapag may gusto akong kainin, kailangan kong makuha agad, kung hindi ay sumusumpong ang hilo at pagkahilo ko. Kahit wala siya sa tabi ko, ramdam ko pa rin ang presensya niya sa loob ng penthouse. Nandito pa rin ang amoy ng kaniyang pabango sa unan, ang iniwang tasa ng kape sa lamesa, at ang bahagyang guhit ng kaniyang ngiti sa aking isipan bago siya lumabas ng pinto. Sa kabila ng lahat ng nangyari, siya lang ang taong bumabalot sa akin ng proteksyon. Siya lang ang taong pumapanig sa akin. Ngunit sa isang iglap, ang tahimik na ambiance ay biglang naglaho nang bumukas ang pinto—hindi dahil kay Nin
Celeste's POVNamumula ang mga mata ni Chester nang muli ko siyang tingnan—mga matang punong-puno ng lungkot, pangungulila, at isang napakatinding pagsusumamo. Para siyang batang naiwan sa ulan, basang-basa ng pait at pag-asa, nakatingin sa akin na parang ako na lang ang natitirang dahilan ng mundo niya para magpatuloy. At sa bawat pilit niyang pagngiti sa kabila ng nangingilid na luha, ramdam ko ang bigat ng pinipigil niyang damdamin—ang matagal nang pangungulila, at ang sakit ng pagbitaw.Hindi ko na kayang tiisin pa ang tingin niyang iyon.Pagod na ako—pagod nang lumayo, magkunwaring buo ako, magkunwaring wala na akong nararamdaman. Ilang gabi na akong umiiyak habang yakap si Caleigh, iniisip kung tama ba ang ginawa kong pagputol sa amin, kung makakaya ko bang mabuhay sa mundong alam kong wala siya. At ngayong narito siya, kaharap ko, sugatan pero humihiling pa rin ng ikalawang pagkakataon, bakit pa ako magpapanggap?Kung dati ay binigyan niya ako ng pag-asa, binigyan niya ako ng p
Celeste’s POVTahimik ang buong paligid habang hinahayaan kong lamunin ng katahimikan ang kuwarto. Sa labas ay ang patak ng ulan, tila nakikiayon sa bigat ng damdaming pilit kong kinukubli. Sa loob ng banyo, maririnig ang pagbuhos ng tubig sa shower—si Chester. Naliligo siya matapos ang mahabang araw. At heto ako ngayon, nakatayo sa gitna ng kuwartong minsan naming pinagsaluhan ng mahihiwagang gabi’t masalimuot na umaga.Habang nagpapahid ng luha, pinilit kong ibaling ang atensyon ko sa isang praktikal na bagay—ang hanapan siya ng maisusuot ngayong gabi. Hindi ko siya kayang paalisin sa ganitong oras. At saka, bahay niya rin ito, kahit pa ako ang naiwan dito. Siya ang nagpatayo ng bahay na ito, siya ang nagdisenyo ng bawat dingding, bawat sulok. Lahat ay may bakas niya.Binuksan ko ang closet at halos mapangiti nang makitang nandoon pa rin ang ilan niyang lumang damit. Maayos pa rin ang pagkaka-fold, parang hinihintay siyang muling bumalik. Kinuha ko ang isang puting cotton shirt at g
Celeste's POV Napakabigat. Para akong binuhusan ng isang drum ng malamig na tubig habang binubuhat ng libo-libong batong nakapatong sa dibdib ko. Hindi ko alam kung paano ako humahakbang palabas ng ospital, hindi ko rin alam kung paano ako humihinga habang patuloy lang ang pagbagsak ng luha ko—tila walang katapusan, parang ilog na hindi maampat ang agos.Kasabay ng bawat patak ng luha ko ay ang paulit-ulit na tanong sa isip ko—bakit? Bakit kailangang itago sa akin ang katotohanan? Bakit kailangang malaman ko ito sa ganitong marahas at masakit na paraan? Hindi ba ako karapat-dapat malaman kung sino talaga ako?Pagkalabas namin ni Chester sa ospital, bigla akong napahinto sa tabi ng pader. Doon ko na hindi na napigilan ang sarili ko. Napaupo ako sa malamig na semento, nakayuko, habang walang tigil ang pag-iyak ko. Nanginginig ang buong katawan ko, hindi dahil sa lamig, kundi dahil sa sobrang sakit at pagkabigo. I felt like a stranger in my own skin. Hindi ko na kilala ang sarili ko. Pa
Celeste’s POVIsang linggo na ang lumipas, ngunit para pa rin akong binabagabag ng bawat alaalang parang sariwa pa ring humihiwa sa puso ko. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang nangyari—ang pagsubok ni Isabelle na patayin si Reginald, ang duguang katawan niya sa sahig ng Villamor Mansion, at ang mukha ni Chester, puno ng takot, galit, at pagkawasak.Pero higit sa lahat, ang pinakamahirap tanggapin ay ang katotohanan—na si Chester ay hindi isang tunay na Villamor, at ako... ako pala ang anak ng hayop na si Reginald Villamor. Isang bunga ng kasalanan. Isang patunay ng isang gabi ng karahasan at panggagahasa.Walang araw na lumilipas na hindi ko tanungin ang sarili ko kung paano ko kakayaning tanggapin ang katotohanang iyon. Hindi ko nga alam kung paanong hindi ko nasuka ang sarili ko sa tuwing naiisip ko kung sino talaga ang gumawa sa akin. Sa tuwing sinisilip ko ang silid ni Reginald, para akong sinasakal ng galit at pandidiri.Naputol lang ang pag-iisip ko nang biglang tumabi si C
Chester’s POVHalos hindi ko na maramdaman ang tibok ng puso ko sa sobrang takot at galit. Nanginginig ang buo kong katawan, parang sasabog ang ulo ko sa dami ng emosyon na nagsisiksikan sa dibdib ko. Para akong nakalutang sa gitna ng masamang panaginip na hindi ko matakasan, habang pinagmamasdan si Isabelle—nakahandusay sa malamig na sahig ng mansion, duguan ang kamay, hawak pa rin ang kutsilyo na muntik nang pumatay sa akin.She was trembling, but her eyes still burned with obsession. Para siyang isang nilikhang nilamon ng sarili niyang delusyon. Hindi ko na siya makilala.“Diyos ko…” bulong ko, halos hindi lumalabas ang boses ko habang hinahabol ko ang hininga. Hindi ko alam kung dahil ba sa takot, sa pagod, o sa takot na mawalan ako ng isa pang mahal sa buhay ngayong gabi.Nanginginig ang mga daliri ko habang pinulot ko ang cellphone na tumilapon sa tiles nang mangyari ang kaguluhan. Nanlalamig ang pawis ko, bumabalot ang kaba sa buong katawan ko habang tinitingnan ko si Dad—nakah
Chester’s POVMadaling araw na nang magising ako. Tahimik ang buong ospital, tanging mahinang humuhuning aircon at ang marahang paghinga ni Caleigh ang nagsisilbing musika sa paligid. Nakaupo ako sa maliit na couch sa sulok ng silid, pilit na pinipikit ang mga mata ngunit nananatiling gising ang diwa ko. Ang dami pa ring gumugulo sa isip ko—ang kalagayan ni Caleigh, si Celeste, ang kinabukasan naming tatlo, at ang katotohanan na pilit kong hinuhukay mula sa nakaraan.Bigla kong naramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa. Mabilis akong napabangon, at nang makita ang pangalan sa screen, agad akong kinabahan.Si Daddy.Sinagot ko ang tawag at agad na sumalubong sa tenga ko ang nanginginig na tinig ng lalaking halos kalahati ng pagkatao ko."C-Chester, anak… tulongan mo ako…"Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Umangat ang balahibo ko sa braso. Hindi ko pa naririnig ang boses niya sa ganitong anyo—basag, paos, at puno ng takot."Dad? Nasaan ka? Anong nangyayari?" nangingini
Celeste’s POVNakahiga ako sa couch ng private room ni Caleigh habang binabasa ang bagong medical report na galing sa pedia. Kahit papaano, mas gumaan na ang pakiramdam ko. Bumabalik na ang sigla ng anak namin, at malapit na siyang i-discharge kung patuloy ang paggaling niya. Pero habang abala ako sa pagbabasa, bigla kong narinig ang mahinang tunog ng doorknob ng banyo. Napalingon ako, at sa isang iglap, para akong na-paralyze.Bumukas ang pintuan ng banyo, at tumambad sa akin si Chester—topless, basa pa ang buhok, at tanging puting tuwalya lamang ang nakapulupot sa baywang niya.Hindi ako agad nakagalaw.Tumulo ang tubig mula sa kanyang buhok, dumaan sa matigas niyang panga, sa leeg, at dumausdos pa hanggang sa matipuno niyang dibdib. Hindi ko mapigilan ang sarili kong titigan siya. Parang slow motion ang bawat hakbang niya palapit sa akin. Bawat patak ng tubig ay parang musika na nanunukso sa pandinig ko.Mabilis kong iniwas ang tingin nang magtama ang mga mata namin. Hindi ko maint
Celeste’s POVTahimik ang kwarto. Tanging mahina at regular na paghinga ni Caleigh ang bumabasag sa katahimikan. Nakaupo ako sa isang sulok habang pinagmamasdan ang mag-ama—si Chester, at ang anak naming si Caleigh—na tila ba walang anuman ang bigat ng mga tanong na bumabalot sa pagitan naming dalawa.Dahan-dahan niyang hinihili ang buhok ni Caleigh, marahang inaayos ang nakalugay nitong bangs habang nakapikit ang bata. Napakaingat ng bawat galaw niya, tila ba isa siyang alagad ng sining at ang hawak niya ay ang pinakamahalagang obra.There was something undeniably heartbreaking about watching them like this. Something tender. Something so painful it almost made me want to look away. Pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang hindi pagmasdan ang lalaking minsan kong kinamuhian, minahal, tinanggihan, at ngayon, hindi ko na alam kung anong posisyon niya sa puso ko.“Celeste,” mahina pero buo niyang tawag, hindi inaalis ang tingin sa anak namin. “Let’s take the test.”Agad akong natahimik. Para
Celeste's POV Nang tuluyang makaalis si Isabelle, agad akong kumawala mula sa pagkakayakap ni Chester. Para akong nakalunok ng apoy—umiinit ang dibdib ko sa galit, sa inis, at sa sobrang pagkalito. Hinawi ko ang kaniyang mga bisig na tila ba umaangkin pa rin sa katawan ko kahit pa malinaw na malinaw sa amin pareho kung gaano kasalimuot ang sitwasyon namin.Mabilis akong bumaba ng kotse at inayos ang gusot ng blouse ko habang nanginginig ang mga kamay ko—hindi sa lamig kundi sa emosyon na pilit kong pinipigil mula kanina. Pakiramdam ko ay nilapastangan ko ang sarili ko sa pagtugon sa halik na ‘yon. At kahit anong pilit kong iwasan ang katotohanan, ramdam ko pa rin ang apoy na iniwan ng mga labi niya sa balat ko.“Celeste, wait!” sigaw ni Chester mula sa loob ng sasakyan.Hindi ko siya nilingon. Humakbang ako papunta sa kotse ko, pero bago ko pa man mabuksan ang pinto, inabot niya ang braso ko mula sa likuran. Hinila niya ako paharap at doon ko siya hinarap—kasabay ng isang malutong na