Umuulan sa amin. Baka later ulit ako may update 🫶
Celeste's POV Dahan-dahan akong naglakad papasok sa law firm, pinipilit ang sarili kong hindi magpaapekto sa malamig na tingin ng mga katrabaho ko. Ilang araw na rin simula nang maging laman kami ng balita ni Chester, at kahit anong gawin ko, hindi ko maiiwasan ang mga matang mapanuri at ang mga bulung-bulungan na tila hindi nauubos. Pagpasok ko sa conference room para sa aming morning briefing, isang tahimik na tensyon ang bumalot sa paligid. Napansin ko ang ilang kasamahan kong nag-uusap sa isang tabi, habang ang iba naman ay tahimik na tinatapunan ako ng tingin. Umupo ako sa aking usual spot, ngunit hindi ko pinalampas ang mapanuksong ngiti ni Atty. Regina Vasquez—ang babaeng alam kong matagal nang may inggit sa akin. "Hindi ko akalaing ganito kababa ang standard ng ating firm," malamig na sambit ni Regina habang inaayos ang kanyang mga papeles. Napakunot ang noo ko, alam kong may patama siya. Pero pinili kong manahimik. Ngunit hindi siya tumigil. "Biruin mo, may isang attor
Celeste's POV Dumadagundong ang tibok ng puso ko habang nakaupo sa passenger seat ng sasakyan ni Ninong Chester. Hawak niya ang manibela nang mahigpit, ang kanyang mga knuckles namumutla dahil sa pagkakadiin ng kanyang kamay. Alam kong nag-aalala siya, lalo na’t kahapon lang, hindi ko napigilan ang sarili kong ipagtanggol ang dignidad ko sa harap ng mga katrabaho ko. "I still think you should take a leave," malamig niyang sabi habang binabaybay namin ang daan papunta sa law firm. Napailing ako. "Hindi ako pwedeng magpatalo sa ganito, Ninong Chester. Kung magtatago ako ngayon, mas lalo lang nilang iisipin na may tinatago ako." Matalim ang tingin niyang ipinukol sa akin bago muling ibinalik ang mata sa kalsada. "At ano? Hahayaan mong insultuhin ka na naman nila?" Huminga ako nang malalim at pinakiramdaman ang banayad na paggalaw ng bata sa loob ng sinapupunan ko. "Sanay na ako, Ninong Chester. Hindi ito ang unang pagkakataon na may nagdududa sa kakayahan ko bilang abogado." Pero k
Celeste's POV Puno ng pangamba ang dibdib ko nang makita ang pangalan ng aking ina sa screen ng cellphone ko. Ilang beses na akong tumawag sa kanila nitong mga nakaraang araw, pero ni minsan, hindi nila sinagot. Ngayon lang. Agad kong sinagot ang tawag, umaasang maririnig ko ang boses ng aking ina na may lambing at pang-unawa. "Mama?" Isang malalim na buntong-hininga ang bumati sa akin bago dumagundong ang tinig ni Mams Calista sa kabilang linya—hindi ito puno ng pag-aalala, kundi galit. "Sa dinami-rami ng lalaki, Celeste… bakit ang sariling Ninong mo pa?" Napakapit ako sa aking tiyan, pilit hinahabol ang sarili kong hininga. "Ma… please, let me explain—" "Wala ka nang kailangang ipaliwanag!" sigaw niya. "Ikaw lang ang inaasahan naming magdadala ng dangal sa pamilyang ito, pero anong ginawa mo? Pinaglaruan mo ang pangalan namin! Alam mo bang halos hindi na ako makalabas ng bahay nang hindi tinitingnan nang masama ng mga kaibigan natin? Hiyang-hiya ako sa 'yo!" Napapikit ako n
Celeste's POV Tahimik ang buong penthouse. Walang ibang tunog maliban sa mahinang huni ng air conditioner at ang marahang pagpatak ng ulan sa bintana. Nakaupo ako sa malambot na sofa, marahang hinihimas ang aking lumalaking tiyan habang nakatitig sa pinto. Umalis si Ninong Chester ilang minuto na ang nakalipas para bumili ng pagkain. Alam niyang madalas akong mawalan ng ganang kumain, pero kapag may gusto akong kainin, kailangan kong makuha agad, kung hindi ay sumusumpong ang hilo at pagkahilo ko. Kahit wala siya sa tabi ko, ramdam ko pa rin ang presensya niya sa loob ng penthouse. Nandito pa rin ang amoy ng kaniyang pabango sa unan, ang iniwang tasa ng kape sa lamesa, at ang bahagyang guhit ng kaniyang ngiti sa aking isipan bago siya lumabas ng pinto. Sa kabila ng lahat ng nangyari, siya lang ang taong bumabalot sa akin ng proteksyon. Siya lang ang taong pumapanig sa akin. Ngunit sa isang iglap, ang tahimik na ambiance ay biglang naglaho nang bumukas ang pinto—hindi dahil kay Nin
Celeste's POV Hindi na ako nag-abalang bigyang-pansin ang mga bulungan, mga malisyosong tingin, o kahit ang mga patagong sulyap ng aking mga kasamahan habang bumalik ako sa trabaho. Pagkapasok ko sa law firm, parang isang balita sa tabloid ang bawat galaw ko—mga matang puno ng panghuhusga, tila ba may gustong patunayan. Pero hindi ko sila binigyan ng satisfaction na makita akong mahina. Pinili kong ituwid ang likod, ipantay ang balikat, at itaas ang ulo habang lumalakad sa hallway. Malaki na ang tiyan ko, masyado nang halata. Pero imbes na mahiya, itinuring ko itong isang simbolo ng bagong yugto ng buhay ko. Kung may isang bagay akong natutunan mula sa lahat ng nangyari, ito ay ang katotohanang hindi ko kailangang ipaliwanag ang sarili ko sa kahit sino. *** Isang matalim na argumento ang binibitawan ko sa harap ng korte habang mahigpit kong hawak ang dokumentong hawak ko. "Your Honor, the plaintiff failed to provide substantial evidence that my client acted in bad faith. The con
Celeste's POV Malakas ang kabog ng dibdib ko habang pinagmamasdan si Ninong Chester. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya, ang bahagyang pagkagulat nang makita si Isabelle, at ang hindi maitatangging tensyon sa pagitan nilang dalawa. Mabilis siyang lumapit sa akin at walang pag-aalinlangang niyakap ako—mahigpit, para bang takot siyang may mangyaring masama sa akin. "Celeste…" mahinang bulong niya sa tenga ko, puno ng emosyon. Ramdam ko ang init ng katawan niya, ang nanginginig niyang hininga, at ang tibok ng kanyang puso na tila ba kasing-lakas ng akin. Nagmula pa siya sa isang operasyon, at halatang hindi pa siya nakakakuha ng sapat na pahinga. Pero imbes na magpahinga, heto siya ngayon, nakatayo sa harapan ko, yakap ako na para bang ako lang ang mahalaga sa mundo niya. Hinayaan ko ang sarili kong sumandal sa dibdib niya. "Chester." Isang matinis, ngunit puno ng hinanakit na boses ang pumuno sa tahimik na kwarto. Napalingon si Ninong Chester at sa isang iglap, parang
Celeste's POV Dahan-dahang dumilat ang mga mata ko, sinalubong ng malamlam na liwanag mula sa lampshade sa gilid ng kama. Nandito pa rin ako sa ospital. Mabigat ang pakiramdam ng katawan ko, pero higit na mas mabigat ang kung anong bumabagabag sa isipan ko. Pilit kong inalala ang nangyari—ang biglaang pananakit ng tiyan ko sa gitna ng korte, ang pagkaramdam ng matinding panghihina, at ang boses ni Ninong Chester na parang isang buhawi sa pandinig ko bago tuluyang bumagsak ang katawan ko. Napalingon ako sa gilid, at doon ko siya nakita. Si Ninong Chester, nakaupo sa tabi ng kama, nakayuko, at hawak-hawak ang kamay ko na para bang ito lang ang nagpapakalma sa kanya. Nakatulog siya sa pagkakaupo, pero kita sa mga matang nakapikit ang pagod at pag-aalala. Dahan-dahan kong hinaplos ang kamay niyang nakayakap sa akin, dahilan para gumalaw siya at dumilat ang mga mata niya. Agad siyang bumalik sa huwisyo, para bang isang matinding pagkakagising. "Celeste," mahina niyang bulong, per
Celeste's POV Napalingon kaming lahat nang makita ang duguang doktor palapit sa amin. "Kailangan nating operahan agad si Mrs. Rockwell," mariing sabi nito, ang boses ay walang bahid ng pag-aalinlangan. "Pero gusto ko lang ipaalam sa inyo na delikado ang kondisyon niya. Marami siyang internal bleeding at kailangang maagapan bago pa lumala." Pakiramdam ko ay unti-unting lumulubog ang mundo ko habang nakatitig sa doktor na nasa harapan namin. Muntik nang lumuhod ang mga tuhod ko sa sobrang panghihina. "O-Operasyon?" nauutal kong tanong, halos hindi mailabas ang salita. Tumango ang doktor. "Wala na tayong oras, Ms. Rockwell. Kailangan nating gawin ito ngayon." Gusto kong sumigaw, gusto kong sabihin sa kanila na huwag nilang idaan sa operasyon si Mama. Pero wala akong magagawa. Wala akong ibang pagpipilian. Kung gusto kong mabuhay si Mama, kailangan kong sumugal. "Ilipat natin siya sa Villamor Medical Hospital," mariing sabi ni Chester, na para bang walang puwang ang pagtutol. "Doo
Tahimik akong kumakain sa harap ni Drako. Kaharap ko siya sa mahabang dining table, pero sa bawat kutsarang isubo ko, pakiramdam ko ay para akong nilulunok ng sarili kong katahimikan. Walang kasamang pagmamahal ang almusal na ito—tanging presensya lang naming dalawa, na tila may laylayan ng hindi maipaliwanag na tensyon.Gusto kong sirain ang katahimikan. Gusto kong sabihin sa kaniya na may pangarap pa rin ako, kahit pa gaano na niya akong ikulong sa mundong ginusto niyang likhain para sa akin. Kaya kahit nangangatal ang kamay ko, at tila may nakakulong na tinig sa lalamunan ko, naglakas-loob ako."Drako," mahina kong tawag habang pilit kong iniwas ang tingin sa malamig niyang mga mata. "I’ve been thinking... maybe I can go back to school."Hindi siya agad sumagot. Dinampot niya ang baso ng alak at dahan-dahang uminom, na para bang sinadya niyang patagalin ang katahimikan para lalong pasigawin ang kaba sa dibdib ko.“School?” ulit niya, may kasamang bahagyang ngiti sa sulok ng labi. “
Masakit ang bawat hibla ng katawan ko.Napapikit ako nang mariin habang sinusubukang igalaw ang mga binti ko. Para bang piniga ng paulit-ulit ang kalamnan ko buong magdamag—at hindi lang basta piga, kundi parang niyurakan din ng init at sarap. Pero higit sa lahat, ang pagkababae ko… para akong winasak.Napakagat ako sa labi habang marahang pilit na iniusog ang sarili sa kama, ngunit agad akong napatigil. Isang kirot na may kasamang kiliti ang sumalubong sa pagitan ng hita ko.Damn it, Drako.Napalingon ako sa kanan. Nandoon siya—nakaupo sa gilid ng kama, nakahubad ang pang-itaas, at may hawak na sigarilyo sa kamay. Bawat pagbuga niya ng usok ay tila may kasamang lungkot at bigat na hindi ko kayang basahin. Parang ibang tao na naman siya. Malamig. Malayo. Misteryoso.Wala na ang lalaking buong gabi akong nilamon ng halik at init.Tahimik lang siya habang nakatingin sa kawalan, at tila ba hindi man lang alintana na gising na ako’t pinagmamasdan siya."You're awake," mahina niyang sambit
Mainit ang hininga ko. Hindi ko na alam kung alin sa dalawa ang mas nakakaapoy—ang epekto ng tsokolate o ang presensya niyang ngayon ay nakatayo sa harap ko, hubo’t hubad, habang ang mga mata niya ay tila apoy na nais lumamon sa buong pagkatao ko.Ramdam ko ang pagragasa ng panginginig sa katawan ko. Mula ulo hanggang talampakan, para akong sinisilaban sa ilalim ng balat. At ang mas nakakatakot—hindi ko gustong tumakas sa apoy na ‘yon.Napaangat ako sa kama nang maramdaman ang init ng daliri niyang muling gumapang sa pisngi ko, pababa sa baba, hanggang sa mga labi kong nanginginig pa. Ipinasok niya ang dalawang daliri niya sa bibig ko—hindi marahas, pero sapat para mapasunod ako.“Good girl,” aniya, paos at punong-puno ng mapang-akit na lambing ang tinig.Hindi ko alam kung anong klaseng babae na ako ngayon. Ilang oras pa lang ang nakakalipas, ako ‘yong babaeng umiwas sa init ng halik niya. Ngayon, ako na ang naghihintay, nag-aabang, nauuhaw sa susunod niyang galaw.Lumuhod siya sa ha
Mainit ang hininga niya sa leeg ko. Mabigat ang bawat paghaplos ng palad niyang humihimas sa balat ko—parang sinusubukan niyang basahin ang bawat lamat, bawat takot, bawat piraso ng pagkatao kong pilit kong itinago. Nang maramdaman kong unti-unti na niya akong sinasakop, para akong napako sa pagkakaupo. Hindi ko alam kung paano huminga. Hindi ko alam kung paano tanggapin ang bagong sensasyon na dahan-dahang umuukit ng bagong kwento sa katawan ko. "Drako…" mahina kong tawag, halos pabulong. Nanginginig ang tinig ko. “I know,” bulong niya. “Just hold onto me, Caleigh.” Niyakap ko siya nang mahigpit. Napapikit ako, pinilit kong pigilan ang mga luha pero kusa silang bumagsak sa pisngi ko. Hindi ito masarap. Hindi ito gaya ng sinasabi sa mga libro, o sa mga pelikula. May kirot. May hapdi. Parang pinipilas ang sarili kong katahimikan. Naramdaman siguro ni Drako ang panginginig ng katawan ko kaya’t huminto siya. Hinawakan niya ang pisngi ko, tinignan ako sa mata. “Are you okay?” Umilin
Pagkasara ng pinto ng sasakyan, sabay ang paglagitik ng lock at pagbilis ng tibok ng puso ko. Wala pang isang segundo nang maramdaman ko ang marahas ngunit gutom na labi ni Drako na agad lumapat sa labi ko. Mainit. Mapang-angkin. Parang buong gabi siyang naghintay para sa sandaling ito—at ngayon, handa na siyang kunin ang matagal na niyang inaangkin. Hindi ako pumalag. Hindi dahil gusto ko. Hindi dahil inaasam ko rin ang halik na iyon. Kung hindi dahil alam kong wala rin naman akong magagawa. Kahit paulit-ulit ko mang sabihin sa sarili ko na may karapatan ako sa sariling katawan, sa piling ni Drako, ang lahat ng iyon ay nawawala. Para akong isang manikang iniupo sa kotse, bihis at maganda, pero walang sariling buhay. Hinayaan ko siya. Hinayaan ko ang halik niya, ang kamay niyang gumagapang sa tagiliran ko, ang init ng hininga niya sa leeg ko. Niyakap ko ang katotohanan—na ako ay asawa niya, at wala akong saysay na tumanggi. Ngunit sa gitna ng madilim na sasakyang iyon, sa pagit
Tahimik akong nakaupo sa tabi ni Drako sa loob ng isang pribadong VIP lounge ng isang high-end restaurant sa Makati. Malamig ang simoy mula sa centralized aircon, ngunit hindi iyon sapat para payapain ang kaba sa dibdib ko. Tatlong araw pa lang mula nang ikasal kami—tatlong araw ng tahimik na pagkakabihag sa piling ng lalaking ito. At ngayon, kailangan ko na namang gumanap bilang “asawang masaya,” habang nakaharap ang mga business partners niya sa isang investment deal para sa bagong real estate project. Pinilit kong panatilihing maayos ang postura ko. Suot ko ang cream-colored bodycon dress na siya mismo ang pumili. Halos hindi ako makagalaw sa sobrang sikip nito, pero wala akong karapatang tumutol. "You look lovely today," malamig ngunit malalim ang boses ni Drako sa tabi ko. Napalingon ako sa kaniya. Wala akong sinagot. Sanay na akong hindi inaasahang makapagbigay ng opinyon. “Smile,” bulong niya habang nakatitig sa wine glass. “You're my wife now, remember? You represent me.”
Tahimik ang paligid nang ihatid ako ng mga alalay ni Drako sa isang silid na malapit sa maliit na chapel sa loob ng Valderama estate. Doon ako pinagbihis, nilagyan ng make-up, inayusan ng buhok—parang isang manikang nililok para sa palabas na ako rin mismo ay ayaw panoorin. Ang kasuotan ko ay gawa sa mamahaling tela, malambot sa balat pero mabigat sa dibdib. Bawat tahi, bawat detalye ng damit ay patunay kung gaano kayaman si Drako at kung gaano niya gustong ipakitang kontrolado niya ang lahat. “Are you ready, Ma’am?” tanong ng isang babae habang inaayos ang laylayan ng aking gown. Hindi ko siya sinagot. Tiningnan ko lang ang sarili ko sa salamin, at gaya ng dati, hindi ko pa rin maramdaman na ako iyon. Sa suot kong puting damit, para akong pinaghahandaan sa burol, hindi sa kasal. Tahimik akong lumabas ng silid. Dalawang guwardiya ang nag-abang sa labas, parang mga bantay sa bilangguan kaysa escort ng isang bride. Tahimik akong naglakad sa pasilyo, kasabay ng mahinang tunog ng violi
"Before anything else, let me remind you, Caleigh..." malamig na basag ni Drako sa katahimikan, "You already signed the contract. You agreed to marry me and live under my conditions the moment you walked out of that mental hospital." Napakapit ako sa gilid ng aking upuan. Hindi ako makatingin sa kaniya, pero ramdam kong sinusuri niya ang bawat galaw ko. Gusto kong magalit. Gusto kong sigawan siya. Pero walang lakas ang tinig ko. "So," patuloy niya, mas mariin ang boses, "Say it. Out loud. I want to hear your decision—right here, right now." Napalunok ako, pilit na nilunok ang buong pait na nararamdaman. Napatingin ako sa ina ko, umaasang babawiin niya ang lahat, na magsasabing, "Anak, hindi kita ibebenta." Pero nanatili siyang tahimik, ang mga mata'y nakatutok sa sahig na para bang ayaw akong tingnan sa mga oras na ito. Wala na akong maaasahan. Wala na akong matatakbuhan. Para sa ama kong nakakulong, para sa apelyido naming nilamon ng paratang, ito lang ang natitirang daan. "I'll
Dalawang linggo na ang lumipas simula nang ikandado ni Drako ang silid ko. Dalawang linggo ng paghihintay, ng pag-asa, ng pagtitiis. Sa bawat araw na dumaraan, unti-unti akong nauupos sa katahimikan ng mansiyon na ito. Walang kalayaan. Walang boses. Walang sinumang makikinig. Ang mga bintana ay may rehas, ang pinto ay palaging naka-lock, at ang paligid ay tila ba sinadyang maging kulungan ng mga lihim at kasinungalingan. Ngunit ngayong araw na ito, nilakasan ko na ang loob ko. Wala na akong ibang masusubukan kundi ang mga taong nasa paligid niya—ang mga kasambahay. Alam kong isa man lang sa kanila, baka… baka pakinggan ako. Nang marinig kong bumukas ang pinto para ihatid ang pagkain, agad akong tumayo. Pumasok ang isa sa mga bagong kasambahay, isang babaeng nasa mid-twenties. Hawak niya ang tray ng agahan ko. Napansin kong nanginginig ang kamay niya habang inilalapag ito sa mesa. "Please... can I borrow your phone?" mahina kong bulong, halos hindi marinig. Napalingon siya sa akin