Nasa dalampasigan si Bryce at malapit na rin mag hating gabi. Nagpapa signal kasi ito dahil may i-se-send raw na files ang organization tungkol profiles na in-imbestigahan nila. Uuwi na sana si Bryce nang may marinig siyang paparating na isang grupo ng kalalakihan. Agad siyang kumubli sa isa sa mga puno.
"Pre, ngayon na ba ang dating ng mga armas?" nakikinig lamang si Bryce sa pinag-uusapan ng mga ito."Bobo ka ba? Kaya nga tayo naka abang ngayon dito!""Mga armas lang ba ang darating?""Hindi ko alam, pero mukhang may iba pa."Hindi maaninag ni Bryce kong sino-sino ang mga ito dahil sa madilim ang area. Wala rin kasi talagang buwan o bituin man lang na makikita sa kalangitan. Nanatili si Bryce sa pinagtataguan nito upang makakuha pa ng ibang information. Malalaki ang katawan ng mga ito halos doble ng katawan nya. Kaya kong babalakin nya man sumugod ay dehado siya. Wala rin naman sa mission nya ang sumugod kundi ang magmanman lang.Mga ilang minuto pa na paghihintay ay may dumating na speed boat. Malakaking bag ang laman nito at mukhang naglalaman nga ito ng mga armas."Pre, mukhang naiiba ito.""Ihahatid daw yan sa kabilang isla. Gagamitin ng mga guest doon." Mukhang kailangan ni Bryce na maka punta ng kabilang isla upang makakalap pa ng ibang impormasyon."Napakarami nitong shabu, pre. Mukhang tiba-tiba tayo nito.""Dalian mo baka mahuli pa tayo!""Sus! Ano rin bang ikatatakot natin? Wala namang laban ang mga taga rito kahit mag sumbong pa sila wala silang kakampi. Malakas ang kapit natin dito sa batas!"Binuhat ng mga ito ang bag na naglalaman ng armas at shabu. Marahan silang sinundan ni Bryce. Pa linga-linga pa ang mga ito at nakikiramdam din sa paligid."Wala ka bang napapansin na kakaiba?" Huminto ito at tumingin sa paligid. Mabuti na lamang ay madilim ang paligid dahil sa wala ng kuryente sa naturang lugar kapag hating gabi na. Kaya hindi mahahalata si Bryce na tumatago sa matataas na mga damo."Wala naman, pre. Ano ba yang pinapagsabi mo?" umiling naman ito at nagpatuloy na rin sa paglalakad.Malayo na ang nilalakad ng mga ito, parang papunta na sa kabundukan.'Gago, ang tanga ko! Hindi ko man lang na inform si Oliver about dito. Wala pa namang signal. Bahala na nga!' yan ang binabanggit ng utak ni Bryce habang sinusundan nya pa rin ang mga ito.Habang papalayo ng palalayo ay mas lalong nagiging mapanganib para sa binata ang lahat. Pero desidido siyang malaman kong saan naglulungga ang drug lord na hinahanap nila. Napahinto ito sa pag sunod at agad na kumubli sa matataas na damo. May sumalubong kasi sa mga ito na may mga dalang armalite na baril. Malalaki rin ang mga pangangatawan ng mga ito."Ito na ba yon?" marahan namang tumango ang isa sa kanila."Pwede na kayong umalis." Binitiwan na ng mga ito ang mga bit-bit na bag at kinuha ng mga lalakeng may hawak na armalite. Umalis din agad ang kaninang sinusundan ni Bryce. Napagdesisyonan nya na di na lang muna ituloy ang pagsusunod sa mga armadong lalake. Lalo na malalim na ang gabi at baka mapahamak siya. Sumunod na lamang siya sa kaninang sinusundan nya."Nakapasok kana ba sa loob?" rinig ni Bryce ang pinag-uusapan ng mga ito. Pabalik na rin ang mga ito sa mismong baryo."Hindi pa, pero si pareng Gino nakapasok na sa loob.""Talaga mukhang malakas siya kay bossing, ah.""Oo, nakakatakot daw sa loob at sobrang higpit ng security.""Nakita mo na ba kong sino ang boss?""Hindi pa, hindi naman kasi yon nakikipag meet sa mga kagaya nating 'di ma impluwensya."Nang makarating sila sa mismong baryo ay naghiwa-hiwalay na ang mga ito. Mukhang uuwi na ang mga ito sa kani-kanilang bahay. Sinundan ni Bryce ang lalakeng medyo may alam sa kanila. Tinignan nya kasi kong saan ito nakatira dahil may alam ito, isa rin pa sa list nya na hahanapin ay yong Gino na pangalan. Mukhang mas marami itong nalalaman lalo na nakapasok ito sa mismong hide-out.Bumalik na si Bryce sa resort, tinignan nya ang wrist watch nya at malapit na pala mag alas dos ng madaling araw."San ka galing?" halos atakihin si Bryce dahil sa biglaang may nag salita sa likuran nya papasok ng room nya sa resort. Mabuti na lamang ay si Oliver lang."May kakaiba kasi kanina sa paligid kaya na isip kong sundan.""Here," Inabot ni Oliver ang flash drive at mukhang nakuha na nito ang profiles ng member ng syndicate na in-imbestigahan nila.Isinaksak ni Bryce ang USB sa kanyang phone at nag-iisang file lang ang nandoon. Bumungad agad sa kanya ang picture ng isang babae.Name: Ayezha De VeluzAge: 22 years oldSiya ang pinaka una sa list."Mukhang 'di ako familiar sa kanila." ani ni Bryce habang nagbabasa pa ng ibang information about sa member."Malamang 'di ka talaga magiging familiar dahil 'di ka naman taga dito, tanga!"Yong nasa profiles kasi na member ay more on taga tugdunan lamang. Mga bata pa rin parang kaka graduate lang ng college."Ikaw ba walang familiar? Walang member sa mga co-teacher mo?" marahan namang umiling si Oliver.Hindi naman kasi pwede mag tanong tanong si Bryce sa mga taga dito dahil baka kong ano pang isipin ng mga ito. Pero may isang nasa utak nya na pwede nyang pag tanungan. Pumikit na ito nang bumuhos ang napakalakas na ulan.*****Maagang gumising si Anna upang makapag igib ng tubig at makapag handa ng kanilang agahan. Medyo tinatamad nga siyang bumangon dahil ay makulimlim at malamig dahil sa umuulan. Naalala nya pa dati kapag ganito ang panahon ay di naglalaot ang kanyang ama at ito ang gumagawa ng dapat na gagawin nya. Napapaluha na lamang siya kapag naaalala nya ang masasayang araw na kasama ang kanyang ama.Alas sais ng matapos sa gawain si Anna at gising na ang kanyang ina bago nag timpla ito ng kape."Hayys, kong bakit ba naman kasi nang dumating ka sa amin ay naging malas 'tong buhay namin." parang sinaksak ng ilang libong karayom ang puso ni Anna ng marinig ito mula sa kanyang ina.Naririnig nya rin dati sa mga kapit bahay noong nag-aaral pa siya na 'di naman sila ganon kahirap. Sa katunayan nga raw ay sa syudad nakatira ang kanyang pamilya at may negosyo don. Nakakapunta lamang dito kapag bakasyon dahil ang tiyo nya ay nakatira talaga dito. Pero dahil sa kanya raw ay naghirap ang buong pamilya dahil may sakit siya sa puso. Kinailangan gumastos ng kanyang mga magulang kaya na ibenta ng kanyang mga magulang ang bahay at lupa sa syudad. Nalugi rin ang negosyo ng mga ito dahil sa laki ng binayaran sa pagpapa opera sa kanya. Kong dati kapag nasasabi nya ito sa ama ay sinasabihan lang siya nito na 'di sila nagsisisi atleast daw ay buhay siya at malakas. Pero ngayong narinig nya sa ina ay sobrang sakit sa pakiramdam.Sumabay na sa ina si Anna sa pag pasok sa resort. Alas otso ng umaga sila dumating at ang tanging inutos lamang sa kanya ng ina ay magwalis sa buong paligid. Napakalaki ng resort at marami ding mga puno kaya naman marami ring nagkalat na mga dahon.Habang nagwawalis siya ay napa hinto siya ng lumapit sa kanya si Bryce. Bumilis na naman agad ang tibok ng puso nya."Hi, 'di ko nga pala natatanong name mo?""Anna, tawagin mo na lang akong Anna.""Ah okay Anna, by the way kilala mo ba si Ayezha?" Si Ayezha ay anak ng may-ari ng resort. Medyo kumirot ang puso nya nang nagtatanong ito tungkol sa ibang babae."Amo po namin yan, anak po siya nang may-ari nitong resort.""Ah, talaga ba? Iba kasi pa kilala nya sa akin. Thank you."Umalis na ito matapos mag tanong, gusto nya pa sanang makausap ito pero wala naman siyang na iisip na itatanong pa rito."Hoy Anna!" na bigla siya sa pagdating ni Janice at halata sa boses nito ang pagkairita."Anong tinanong sayo ni Bryce?""Nagtatanong lang siya tungkol sa ate mo." agad naman nagbago ang expression nito at halatang natuwa."Talaga? Mukhang hinahanap nya si ate," pagkatapos nitong sabihin sa kanya ay umalis na rin.Sumakit talaga ang dibdib ni Anna dahil mukhang interested ito sa ate ni Janice. Ano bang laban nya ron, 'di hamak na katulong lamang siya at 'di naman maganda.Naglalakad papunta sa resort si Anna ng makasalubong nya si Crissa at Melany. Bestfriend nya ang dalawa at kasalukuyang mag-aaral ng third year college sa pasukan ang dalawa. Naiinggit nga siya sa dalawa dahil malapit na sila grumaduate samantalang siya ay naiiwan pa rin. "Waaah! Beshy, I miss you!" Agad siyang niyakap ng dalawa at gumaan naman ang pakiramdam nya. "Kamusta naman kayong dalawa?" "Ayos na ayos, gala tayo mamaya minsan na nga lang tayo mag kasama eh." ani ni Crissa at halatang masayang masaya ito dahil nakita siya. Ilang years na rin kasi sila 'di nagkita dahil nag-aaral ang mga ito sa syudad. Kong uuwi man ito sa kanilang lugar di pa rin sila nagkikita dahil 'di naman lumalabas si Anna. Medyo malayo kasi ang bahay ng mga ito kaya 'di sila nagkakasalubungan. Wala rin silang komunikasyon dahil ang phone ni Anna ay 'di gumagana minsan at mahina sumagap ng signal. "Hindi ko sure, busy kasi kami ngayon sa resort. Lalo na darating si Mayor." "Hala, I heard that. Jowa pa
Nasa kanyang room si Bryce at hinihintay si Oliver. Kinailangan pa kasi nitong ma access ang cctv ng buong resort para 'di pumalpak ang kanilang plano. Palihim kasing pumasok ito sa kwarto ni Ayesha. Bumakas ang pintuan ng kanilang kwarto at bumungad si Oliver. "Ayos ba?" mayabang na sabi ni Oliver kay Bryce. "Nakuha mo ba?" "Ako pa ba?" mayabang na sagot pa rin nito. Itinaas pa nito ang flash drive na hawak para siguraduhin kay Bryce na nakuha nya nga.Nakita kasi nila kanina na may ibinigay na flash drive kay Ayezha ang mayor. Base kasi sa information na nakalap nila ay importante ang nilalaman nun. Kasabwat din ang mayor sa mga illegal na gawain sa naturang lugar."Lagay na natin sa laptop," agad nilagay ni Bryce ang flash drive.Maraming folder ang nakalagay pero walang mga laman ito. Pinaka huling folder na lang ang 'di nila na o-open at may nakalagay na file name na blue print.Pag click ni Bryce ay lumabas ang blue print ng buong isang bahay. Hindi lang siya as in bahay dahil
ANNA POINT OF VIEWPumasok ako sa resort kahit na masama ang loob ko kay mama. Alam ko naman kasi na kailangan namin ng pera kaya titiisin ko na lang. Isang araw na rin kasi akong absent at isang araw na rin kaming 'di nagpapansinan ni mama. Pero 'di ko pa rin lubos ma isip kong anong nangyare sa akin nong na lasing ako? Kong sino ang nag hatid sa akin?"Anna," pag dating ko pa lang ang tinawag agad ako ni Janice. Lumapit naman ako sa kanya."Ano yon?""Linisan mo nga yong room ko, absent kasi si Emelda." Naalala ko tuloy yong nangyare noong isang gabi."Pero 'di naman ako naka assign sa paglilinis sa kusina ako," sagot ko sa kanya. Kasi don naman talaga ako lagi naka assign."Sino bang boss dito?" nakataas pa ang kilay nito sa akin.Kaya wala akong nagawa kundi sundin siya. Sa totoo lang 'di ko alam na ganito ang ugali ni Janice. Noong high school kasi 'di ko siya nakakausap kasi 'di naman siya namamansin. Habang naglalakad ako ay na pa hinto ako at napatingin sa buhanginan ng dalam
GIANNA POINT OF VIEWKagigising ko lang ngayon para sana mag asikaso sa kusina kaso na una na palang gumising si tiyo. Kahit pa paano may reason pa rin ako para mag stay dito. Mukhang 'di na kasi magbabago ang trato sa akin ni mama."Kain na Anna," pag-aaya sa akin ni tiyo ng makita nya akong gising na."Sige lang po, maliligo na lang muna ako.""Anna," napalingon ng marinig ko ang boses ni mama. Gising na rin pala siya. Ito ang unang araw na pinansin nya ako."Hwag ka ng pumasok muna, napakadami na ng labahin, maglinis ka na rin dito sa bahay." Hindi ako sumagot sa kanya pero tumango ako. Ilang araw na rin kasi kaming naging busy sa resort kaya 'di na namin 'to na asikaso ang bahay."Meron din palang ibang labahin dyan na pinapalaba. Isama mo na lang din sayang pa rin yan pera pa. Sa dami nating utang 'di ko na alam uunahin."Nag almusal na si mama pagkatapos nyang sabihin yan. Sa totoo lang ayoko magalit kay mama kahit na nagbago siya ng pakikitungo sa akin. Lalo na kapag ganitong p
Maaga ako ngayong pumasok sa resort. Ako lang ang papasok ngayon, 'di kasama si mama dahil sumama ang pakiramdam nya. Pagdating ko sa resort ay 'di naman ganon ka busy. Pinag punas lang muna ako ng mga lamesa sa restaurant dahil wala pa naman kumakain. Mostly kasi yong mga guest kumakain lunch na.Habang nagpupunas ako at naka tingin sa dagat na nasa harap. Natigilan ako kasi si Bryce naglalakad kasama ang ate ni Janice. Muntik na pa naman akong maging assuming sa mga pinapakita nya sa akin. Dapat siguro iwasan ko na lang siya no? Pero di ko pa naman confirm kong sila ba? Kong sila iiwasan ko na lang siya baka mag selos pa sa akin si Ayezha.Pero ano naman ipapagselos nya sa akin? Hindi naman ako maganda? Hindi nya rin ako kasing puti, hindi rin makinis ang balat ko 'di katulad sa kanya ang clear ng skin. Wala ring makikitang kahit isang pimples man lang sa mukha nya. Break na ba sila ng Mayor?"Mukhang tulala ka?" natigilan ako ng lumapit sa akin ang isa mga guest dito. Kilala ko siy
Nagwawalis ako ngayon dito sa loob ng bakuran namin ng mapa hinto ako ng may tumawag sa akin."Anna," biglang bumilis yong tibok ng puso ko ng makita ko kong sino. Kahit na boses nya alam ko na agad kong sino.Anong ginagawa nya rito? Ilang araw ko rin siyang hindi nakita noong pumunta sila ng isla. Ano kayang nangyare don?"Anong ginagawa mo dito?""Magpapasama lang sana ako sa'yo," bakit parang alam nya na hindi ko kayang tumanggi kapag humingi siya ng pabor?"Saan?""Basta, samahan mo na lang ako. Ano sasama ka ba?" bago tumingin siya sa relo nya."Teka, mahihintay mo ba ako magbibihis lang sana ako." nakakahiya naman na kahit naka plain t-shirt lang siya at naka pang summer na shorts eh, mukha na siyang expensive. Samantalang ako mukhang haggard."No, need maliligo naman tayo. Kaya 'wag kana mag bihis mag-ayos ka na lang siguro." Agad akong tumakbo sa loob. Hindi ko alam kong ma o-offend ako sa pinagsasabi nya na mag-ayos na lang daw ako? Pangit ba ako sa itsura ko? Agad kong tin
GIANNA POINT OF VIEWNasa kitchen ako ngayon at napakaraming guest ngayon na dumating. More on mga local tourist ang dumating."Anna," tawag sa akin ni mama at ibinigay ang tray na naglalaman ng foods.Naglalakad na ako palabas pero halos manginig ang kamay ko nang makita ko si Vincent. Siya yong anak ng governor sa probinsya namin. Ang kapal ng mukha nya na magpakita dito. Tumingin siya sa akin at ngumisi. Hindi ko namalayan na nabitiwan ko pala ang hawak kong tray."Anna, okay ka lang?" si Bryce yong lumapit sa akin at tinulungan nya ako mag dampot ng mga pagkain na nahulog at mga na basag na plato.Parang nawala ako sa sarili ko na kahit si Bryce 'di naging sapat para maging okay ako. Agad akong bumalik sa kitchen at nakakunot na noo ni mama ang bumungad sa akin."Ma," nag teary eye na ako dahil gusto kong sabihin sa kanya yong nararamdaman ko. Pero isang sapak lang naman ang na tanggap ko mula sa kanya."Ano bang ginagawa mo? Alam mong ibabawas yang mga na basag mo sa sahod natin!
GIANNA POINT OF VIEWNagising akong nakahiga sa puting kama. Anong nangyare sa akin? Bakit parang wala ako sa bahay, teka naalala ko yumanig ang lupa at harap-harapan kong nakita si Bryce and Janice. Sumakit tuloy ulo ko ng maalala ko ang scene na yon. Grabe naman si Bryce pinapagsabay nya talaga kaming lahat hayys."Gising ka na pala?" nagulat ako ng makita si mama na nasa may pinto at may bit-bit na pagkain. "Kumain kana muna baka gutom kana." talagang gutom na ako at 'di ko rin alam bat ako gutom? Anong oras na ba?"Nasaan po ako?" kasi 'di ko naman talaga alam na gising na lang akong nandito ako."Nandito tayo sa center. Nahimatay ka kasi kahapon dahil na bagsakan ka ng poste."Marahan ko naman hinawakan ang noo ko at may bandage nga na nakalagay dito. Pagkakatanda ko yumanig nga pala ulit ang lupa at natumba yong maliit na poste sa may tabi ko. Mabuti na nga lang kahoy lang yong poste paano na lang kong bakal yon baka na tigok na ako ngayon."Kumain kana muna, yan lang ang nadala
A MONTHS LATERHabang pinagmamasdan ni Bryce si Gianna and Althea habang naglalaro ang dalawa sa dalampasigan. Hindi nya maiwasan na mapangiti, hindi nya kasi akalaing darating ang araw na magiging buo sila.Noong una palang nyang nakita si Anna ay naging interesado na siya dito. Hindi nya lang akalaing mamahalin nya ito. Akala nya ay wala ng pag-asa para sa kanilang dalawa. Lalo na nong panahong umamin ito sa kanya kaso nga lang ay naging duwag siya ng mga panahong yon.Natakot siya sa mga pwedeng mangyare pero ngayon ay handa na siyang harapin ang lahat. Lalo na ay may anak na silang dalawa."Papa Arturo!" sigaw ni Althea kay Bryce.Natawa naman ng sobra si Gianna ng marinig nya na naman ang tawag kay Bryce ni Althea."Papa let's play please." agad namang umiling si Bryce."Baby we need to visit your cousin." umupo siya para maging kapantay nya si Althea."Talaga po? Makikita ko si Yael and Olivia?" tumango naman si Bryce.Excited naman si Althea at nag madali itong tumakbo papunta k
ANYA POINT OF VIEWKanina pa ako humupa sa pag-iyak pero di pa din ako nagsasalita. Hindi naman ako tinanong ni Bryce kong anong nangyare sa halip ay inalo nya lang ako habang umiiyak kanina.Kumakalam pa din ang sikmura ko dahil kanina pa ako walang kain. Pero isa lang ang gusto kong malaman sa ngayon kong na saan ang anak ko. Sobrang saya ang nararamdaman ko ngayong nalaman kong buhay ang anak ko. Pero at the same time masakit kasi mismong ama ko pa ang gumawa para maging misebrable ang buhay ko.Akala ko si Bryce ang tataguan ko ng anak pero kami pa lang dalawa ang tinaguan ng anak."Gusto kong makita sila mama, Bryce."Simula kasi ng umuwi ako ay di ko pa sila nadadalaw. Kamusta na kaya sila? Naging busy din kasi ako kaya nakalimutan ko silang tawagan man lang. For sure binata na si Ronel, sobrang tagal na din talaga ng huli ko siyang makausap at makita."Let's go," bago ay inalalayan nya akong tumayo.Pagdating namin sa parking area ay nagulat pa kami ng nandoon si Althea at kapa
Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Naririnig ko din ang ingay sa paligid at mahihinang tawa ng isang bata.Lumabas ako at bumungad sa akin si Bryce and Althea na naglalaro. Hindi ko maiwasang mapangiti sa kanilang dalawa. Siguro kong si Brianna buhay din for sure magiging ganito din sila ni Bryce.Nang mapansin nila akong dalawa na naka tingin sa kanila ay agad na lumapit si Bryce sa akin habang karga nya si Althea"Good morning po," malawak ang ngiti nito habang binabati ako."Good morning din." bati ko sa kanya pabalik.Lumabas kaming dalawa sa bahay at naglalaba pala ang kanyang tiya sa may balon na nasa gilid ng kanilang bahay."Saan ang mama nya?" tanong ko kay Bryce."Maagang umalis, nagt-trabaho kasi yon sa bayan kaya palaging wala."Napansin ko naman sa di kalayuan na yong bangkang sinakyan ko ay nandito.Sinamahan ako ni Bryce na lumapit sa isang bangkero."Mang Erning, kayo po pala yong naghatid kay Anna dito. Papahatid na po kasi siya pauwi.""Sabi ko na
ANNA POINT OF VIEWNaramdaman ko ang pagdampi ng labi nya, sumabay ako sa unti-unti nitong paggalaw. Naramdaman ko ang maiinit na haplos nya na kahit ang lamig ng simoy ng hangin ay di ko maramdaman.Naging malalim ang paghalik nya, gumapang ito hanggang sa panga papunta sa may leeg ko. Napaliyad ako ng dumampi ang kanyang labi sa aking earlobe hanggang leeg, para akong mababaliw sa sarap na nararamdaman ko.Parang bumalik ang unang gabing may nangyare sa amin. Yon nga lang ay di nya iyon natatandaan.Bumalik ang kanyang mga halik sa labi ko para akong napapaso sa init nun. Halos maghabol ako ng hininga ng tumigil siya sa paghalik.Hinawakan nya ako sa pisnge ko bago ay niyakap ako."Natatakot ako na baka kapag natapos to, mawala ka na lang sa akin ulit." bago ay kumalas sa pagkakayakap sa akin.Agad akong umiling sa kanya. "No, hindi na ako papayag na magkalayo pa tayo."This time ako na ang sumiil ng halik sa kanya. Halik na hindi ko na kayang pigilan pa. Kusang sumabay ang mga hali
ANNA POINT OF VIEWHalos tulog na ang lahat ng bumangon ako para lumabas. Hindi kasi ako makatulog ng maayos. Hindi ko alam kong anong oras na basta feeling ko madaling araw na.Paglabas ko ay bumungad sa akin ang napakalamig na simoy na hangin.Pumunta ako sa may dalampasigan at naglalakad lakad. Tanging ingay ng mga maliliit na kulisap ang naririnig ko at ang hampas ng alon.Maliwanag din ang buwan na tanging nagiging silbi kong ilaw habang naglalakad. Napatigil ako sa paglalakad ng sa di kalayuan ay nandoon si Bryce.Aalis na sana ako pero na pansin nya ako."Anna?"Kahit ayaw ko siyang ma kausap ay ngumiti ako sa kanya hanggang makalapit na siya sa akin."Anong ginagawa mo dito? Baka lamigin ka.""Sanay naman na ako, ikaw anong ginagawa mo dito?""Hindi ako makatulog, eh."Ilang minutong katahimikan ang namutawi sa aming dalawa. Nakatingin lang kami sa dagat, nagrereflect dito ang liwanag na nagmumula sa buwan. Kaya naman napaka ganda nitong tignan.Napag desisyunan kong mag salit
Kinailangan ni Anna na umalis sa eksena at nag paalam na lang siya sa mga ito na maglakad lakad. Para matignan nya ang buong isla at para na din maibsan ang nararamdaman nya.Iikang umalis si Gianna habang kumakain pa ang iba. Kinagat nya ang ibabang labi upang pigilan ang pag buhos ng luha nya.Nasasaktan siya sa mga narinig kanina.Mas nagpabigat pa ng dibdib nya ng maalala ang anak. Kong nabubuhay lang ito ay marahil kasing edad din ng anak nya. Napagtanto nya din na 'di nga talaga siya na gustuhan ni Bryce dati pa lalo na ay mag kasing age lang ang bata na anak nya at ang bata dito.Akala nya ay single ito noon kaya siguro ay ganun na lamang ang reaction nito ng mag confess siya.Nagkaroon ng complication ang anak nya ng pinanganak nya ito. Ilang buwan nya din itong naalagaan hanggang sa di na kinaya ng katawan ng anak nya. Napaupo siya sa isang tabi habang inaalala ang huling karga nya sa anak nya."Anna."Hindi nya pinansin ang tawag ng binata sa kanya."Kamusta ka na?"Blangko
FIVE YEARS LATERBumaba ng limousine car si Gianna suot ang kanyang mamahalin na relo, damit, bag at iba pang accessories. "Good morning, Madam." bati sa kanya ng isa sa mga katulong.Hindi nya ito pinansin at nag patuloy sa pagpasok sa loob ng malaking bahay."Welcome back, madam." bati na naman sa kanya ng isa sa maid."This way, madam." turo sa kanya ng staff ng daddy nya papunta sa office nito.Isa lang ang masasabi nya na sa limang taon na 'di siya umuwi ng Pinas ay malaki ang nag bago sa mansion."Hi, Dad" bati nya sa kanyang ama ng pumasok siya sa office nito."Welcome back, anak." Wala ang kuya nya dalawang taon na din ito simula ng magkaroon ng sariling pamilya at umalis. Mas gusto daw kasi nito mamuhay sa isang simpleng lugar na tahimik lang.Hindi nya alam ang mga nangyare sa loob ng ilang taon na wala siya. Nag focus kasi siya sa pag-aaral nya at inabala ang sarili sa mga bagay-bagay. Masyadong masakit ang mga nangyare kaya gusto nyang makalimot."I miss you, daddy." niy
GIANNA POINT OF VIEWNaglalakad ako papunta sa office ni daddy, kadadating nya lang pero agad gusto nya na akong makausap.Nag-uunahan sa kabog ang dibdib ko habang binubuksan ko ang pintuan.Dahan-dahan akong lumapit kay daddy at matamang nakatitig sa akin."May sasabihin daw po kayo?" mahinang tanong ko dito.Napalunok ako ng seryosong nakatitig pa din sa akin si daddy. Alam kong may ginawa akong mali sa tipo pa lang ng titig nya."What's the meaning of this?!" nagulat ako sa biglaang pag sigaw ni daddy.Kumalabog ang lamesa sa lakas ng pag bagsak ng mga papel na ibinagsak nya dito. Isa-isa kong tinignan ang mga naka sulat sa papel.Halos manghina ako ng makita kong ito yong mga results sa check-up ko.Sabi ko na nga ba ay 'di ko talaga matatakasan ang pamilya ko pag dating sa bagay na ganito."Who's the father?" malamig ang boses ni daddy.Alam kong kapag nalaman nyang si Bryce ang ama ng dinadala ko mas magiging malala ang situation."Answer me!" Halos di ko magawang igalaw ang m
"Kalimutan mo na lang siya Gianna!" may pagbabanta sa boses ni kuya.Parang may nangyayare sa Pinas na 'di ko alam kaya ganito na lang ako pag bawalan ni kuya."Paano ko kakalimutan? Nang dahil sa'yo kaya ako nagkaroon ng reason kong bakit 'di ko siya kakalimutan! Kong hindi mo binigay sa akin ang box na pag-aari ni Bryce hindi ako magkakaroon ng reason!" frustrated na sagot ko sa kanya.Kinulit ko kasi siya na mag video call kami para makita ko lang man kong okay na ba si Bryce. At ang sinagot sa akin kalimutan ko na lang daw si Bryce! Nababaliw na ba ang kuya ko? Ibang-iba na talaga siya hindi na siya yong kuya na kilala ko nong bata pa ako.Sabagay ilang taon na din ang lumipas at mga bata pa nun kami. Alam kong madami ng nag bago, 'di ko din naman alam kong anong mga naranasan ni kuya ng nagkahiwalay kami."Gusto ko lang naman malaman kong anong kalagayan nya?" halos magpamakaawa na ang bose ko."Mag focus ka na lang sa pag-aaral mo." cold na sagot nya sa akin.Halos mapasabunot ak