ANNA POINT OF VIEW
Pumasok ako sa resort kahit na masama ang loob ko kay mama. Alam ko naman kasi na kailangan namin ng pera kaya titiisin ko na lang. Isang araw na rin kasi akong absent at isang araw na rin kaming 'di nagpapansinan ni mama. Pero 'di ko pa rin lubos ma isip kong anong nangyare sa akin nong na lasing ako? Kong sino ang nag hatid sa akin?"Anna," pag dating ko pa lang ang tinawag agad ako ni Janice. Lumapit naman ako sa kanya."Ano yon?""Linisan mo nga yong room ko, absent kasi si Emelda." Naalala ko tuloy yong nangyare noong isang gabi."Pero 'di naman ako naka assign sa paglilinis sa kusina ako," sagot ko sa kanya. Kasi don naman talaga ako lagi naka assign."Sino bang boss dito?" nakataas pa ang kilay nito sa akin.Kaya wala akong nagawa kundi sundin siya. Sa totoo lang 'di ko alam na ganito ang ugali ni Janice. Noong high school kasi 'di ko siya nakakausap kasi 'di naman siya namamansin.Habang naglalakad ako ay na pa hinto ako at napatingin sa buhanginan ng dalampasigan. Paano kasi dumaan si Bryce nag jo-jogging ito at naka airpads. Grabe, ang gwapo nya talagang tignan mapapakanta na lang ako ng Style ni Taylor Swift. Pero kumikirot pa rin ang puso ko kapag naaalala ko yong gabi na nakita ko siyang kasama si Ayezha. Ano bang laban ko don? Ang ganda-ganda, nun. Plus naka pagtapos pa ng pag-aaral, matalino at mayaman. Sino ba naman ako? Napailing na lang ako at dumiritso na ako kong saan ang kwarto ni Janice.Pag pasok ko sa loob ng kwarto nya ni halos wala akong makitang alikabok bukod sa ang kalat lang ng mga gamit nya. Kaya 'yon na lang ang inayos ko. Pagkatapos kong maayos ang gamit nya ay lumabas na ako. Kaso 'di ko inaasahan na makikita ko na naman si Bryce. Umiinom ito ng tubig at hingal na hingal. Basa rin ng pawis ang damit nya. Hindi ko tuloy maiwasan na 'di mapatitig sa kanya. Para na akong sira dito!"Hi, Anna." natauhan ako ng nasa harap ko na pala si Bryce. Hindi ko man lang namalayan na lumapit na pala siya sa akin."H-hello," nahihiya kong sabi. Feeling ko talaga nahuhuli na ako nito sa mga pinanggagawa ko."Okay ka na rin ba?" nangunot naman ang noo ko, anong tinutukoy nya na kong okay lang ba ako?"Ah, oo nga pala. Lasing ka kasi nong isang gabi ako yong naghatid sa iyo." napalunok naman ako sa nalaman ko.Wala ba akong pinagsasabi sa kanya na kalokohan? Ganon kasi sa mga napapanood ko na kapag lasing kong ano-ano sinasabi at pinanggagawa. Sana naman wala."ah, ikaw pala. Thank you," agad ko siyang tinalikuran kahit gusto ko pa siyang ma kausap. Feeling ko kasi namumula na ang mukha ko lalo na nalaman ko na siya pala ang nag hatid sa akin. Pero huli kong nakita mag kasama sila ni Ayezha? Iniwan nya ba yon para sa akin? Imposible.Wala naman gaanong ginawa ngayon sa resort dahil 'di naman ganon karami ang gawain. Na isipan kong manginas sa hibasan dahil hibas talaga. Total malapit na rin mag alas singko. Pero kanino kaya ako magpapaalam na aalis ako? Ayoko naman kausapin si mama."Ate Daisy!" si ate Daisy lang kasi ang nakita ko kaagad. Nasa beach front kasi siya katatapos nya lang ipag serve ang isang guest."Bakit Anna?" Lumapit ito sa akin."Pwede bang umuwi na? Alas singko na rin kasi." sana naman pumayag."Okay lang naman tsaka sunday naman ngayon," oo nga pala di ko na isip na sunday. Dapat pala di na lang ako pumasok. Ginawang utusan lang kasi ako ni Janice dito buong araw. Hindi ko alam sa babae na yon pero mukhang walang magawa sa buong araw at ako ang trip.Umuwi muna ako sa bahay para ayain si Ronel na manginas kaming dalawa para din may pang-ulam. Habang naglalakad kami pahibasan ay napa tigil ako. Paano kasi si Bryce nasa 'di kalayuan may hawak itong camera. Mukhang nag t-take ng picture ng sunset."Ate, siya yong sabi kong pogi na nag hatid sa'yo." Hindi ko talaga alam kong kikiligin ako sa nalaman ko. Iniisip ko kasi baka may sinabi ako or ginawang kalokohan huhuhu. Hinila ko na si Ronel at payukong naglakad para maiwasan lang si Bryce. Nahihiya kasi talaga ako na nasaksihan nya yong kalasingan ko.Habang palalapit kami naririnig ko na yong shutter shot ng camera nya. Itinigil ko na ang pagyuyuko ko baka makahalata siya at tumingin na lang ako sa ibang direction."San kayo pupunta?" Napatigil tuloy ako sa paglalakad at humarap sa kanya. Hindi ko inaasahan na sa pagharap ko nakaharap pala sa akin ang camera na hawak nya at narinig ko na lang yong shutter shot. Pinicturan nya ba ako o baka nagkataon lang?"Pupunta kami sa hibasan maghahanap kami ng pwedeng i pang ulam na sheels." sagot ko sa kanya."Pwede sumama?" parang halos matuyo yong lalamunan ko sa tanong nya."Marunong ka ba?" Halata naman kasing 'di siya lumaki sa ganitong lugar kaya malamang 'di siya marunong."Hindi, pero gusto ko lang kumuha ng picture don mukhang maganda ang view." Nasa may dulo kasi ang hibasan."Ah, tara." nasa likuran namin siya ni Ronel at naririnig ko pa rin ang shutter shot ng camera nya.Pagkarating namin sa hibasan ay marami ding mga ibang tao na narito na nangunguha ng shells. Hindi na rin ako nag abala pang kausapin si Bryce dahil busy siya sa pagkuha ng mga pictures. Nag focus na rin ako sa pagkukuha ng mga shells nilalagay lang namin ni Ronel sa dala kong timbang maliit. Mabuti na nga lang din ay marami rami ngayon ang mga shells na nakukuha namin may time kasi nakakaunti. Hindi nga lang shells ang nakuha namin pati na rin maliliit na pugita.Nang marami rami na rin kaming nakuha na sa tingin ko ay kakasya na sa pang ulam namin ngayong hapon ay inaya ko na si Ronel na umuwi."Ate, 'di mo ba sasabihan yang gwapo mong kaibigan na sumabay na sa atin sa pag-uwi." napilitan tuloy akong lumapit kay Bryce kahit na nahihiya ako."Bryce, uuwi na nga pala kami." tumingin pa siya sa dala kong timbang maliit na naglalaman ng mga shells. Mga kabebeng maliliit lang din naman ang nakuha namin."Gusto mo ba?" baka kasi balak nya humingi 'di ba?"Nope, pero 'di ako tatanggi kapag inaya mo akong kumain sa inyo at yan yong ulam." natigilan tuloy ako lalo na sa laki ng ngiti nya ng sinabi nya yan."Pwede naman," gusto kong bawiin ang sinabi ko dahil baka kapag nalaman ni mama ay kagagalitan na naman ako."Sige, walang bawian ah." pero nang makita ko kong gaano siya kasaya sa sinabi ko ay 'wag na lang siguro.Sumabay siya sa amin pauwi at talagang hanggang bahay sumabay siya. Medyo kinakabahan na nga ako kasi yong mga kapit bahay namin ay naka tingin sa amin. Baka iba na naman ang isipin nila dahil may kasabay akong lalake.Pagdating namin sa bahay ay naabutan namin si tiyo na mukhang namomoproblema."Ano pong problema, tiyo?" napakamot naman ito sa kanyang ulo bago sumagot."Wala na kasing bigas, nahiya naman ako humingi kay mama mo lalo na ilang araw na siya ang nag p-provide ng bigas dito.""Ayaw na po ba magpa utang sa atin ng mga tindahan?""Ay naku, naka tatlong tindahan na ako pero sinasabi sa akin ay 'di na daw sila nagpapa utang. Lalo na malaki na raw utang ni mama mo.""Ako na lang po ang bibili," agad kaming napalingon ni tiyo sa likuran namin ng mag salita si Bryce. Tsaka ko lang din naalala na kasama nga pala namin siya."Teka, ikaw yong naghatid kay Anna 'di ba?""Opo, bibili na lang po muna ako ng bigas." gusto ko sanang pigilan si Bryce dahil nakakahiya naman kaso ang bilis nyang naglakad paalis."Boyfriend mo ba yon pamangs?""Hindi po," agad na sagot ko.Nilinisan ko na muna ang mga shells na nakuha ko. Mga ilang minuto lang din ay dumating na si Bryce. Nagulat ako dahil isang sako ng bigas ang dinala nya."Bryce!""Don't worry 'di yan libre bayaran mo na lang ako kapag may pera kana. Tsaka dito ako kakain ngayon 'di ba?""Pero bakit naman kasi isang sako yan? Pwede naman isang salop lang," sa laki ng katawan nya at sa tangkad nya na kaya nya talagang buhatin yong isang sako ng bigas."Okay lang naman."Nasa hapag kainan na kami at kasabay namin si Bryce. Wala pa si mama nakakauwi mukhang busy na naman siguro siya sa kusina, marahil maraming guest."Tara na't kumain," ani ni tiyo habang nagsansandok ng ulam. Napatingin naman ako kay Bryce na busy rin sa pagkuha ng kanin. Feeling ko tuloy part na siya ng family ko. Gusto kong kiligin pero pinigilan ko lalo na habang tinitignan ko siya na kumukuha ng niluto kong ulam.Halos lumubo ang tiyan ko sa dami ng nakain ko. Paano ba naman kasi si Bryce kanina yong nag saing at napakarami nyang sinaing. Sino ba naman ako para mag reklamo, eh siya yong bumili ng bigas. Kaya tuloy 'di ko napigilan ang sarili ko na kumain ng marami lalo na ang sarap ng luto kong ulam. Minsan lang kasi talaga kami kumain ng marami lalo na nagtitipid kami sa bigas."Uuwi kana?" hinatid ko na si Bryce sa pintuan."Yeah, thank you for the dinner.""Welcome, kulang pa nga 'yan sa pa bigas mo." natatawang sabi ko. Naiisip ko tuloy parang namamanhikan siya sa akin? Waah! Feeling. Paano ba naman kasi isang sakong bigas, kong 'di ba naman siya siraulo."Kahit 'di mo na bayaran yon sa isang kundisyon," bigla naman ako kinabahan sa pa condition nya. Paano kong kailangan nya ang pagkababae ko? What? Mukhang 'di namang ganong lalake si Bryce? Ang lala naman ng iniisip ko."Ano yon?""Hindi ko pa kasi nalilibot 'tong buong Barangay nyo. Pwede bang samahan mo ako maglibot." Akala ko kong ano na? Kong ano-ano kasi pumapasok sa isip ko."Yon lang pala ang easy lang naman, nun. Hindi mo na kailangan pang bumili ng isang sakong bigas." tumawa naman siya sa naging sagot ko."Sige, mauna na ako." Nag wave lang ako sa kanya at tinignan siya habang papalayo.Sinira ko na ang pintuan ng bahay at 'di mawala wala ang ngiti ko sa labi. Grabe, nakakakilig pala talaga kapag kinakausap ka ng taong gusto mo. Feeling ko tuloy bumalik ako sa pagka high school."Ate, okay ka lang ba? Kanina ka pa nasa pinto at nakatulala dyan habang nakangite," agad akong natauhan ng nasa harapan ko na pala si Ronel at halatang confused ito."Bata ka pa kasi kaya 'di mo maiitindihan," sabi ko sa kanya."Kinikilig ka lang eh," pang-asar nya sa akin.Hindi na ako sumagot pa sa kanya dahil maganda ang mood ko at pumunta na ako agad sa kwarto para mahiga. Ang saya kasi ng araw ko ngayon kahit na 'di naging maganda kaninang umaga.GIANNA POINT OF VIEWKagigising ko lang ngayon para sana mag asikaso sa kusina kaso na una na palang gumising si tiyo. Kahit pa paano may reason pa rin ako para mag stay dito. Mukhang 'di na kasi magbabago ang trato sa akin ni mama."Kain na Anna," pag-aaya sa akin ni tiyo ng makita nya akong gising na."Sige lang po, maliligo na lang muna ako.""Anna," napalingon ng marinig ko ang boses ni mama. Gising na rin pala siya. Ito ang unang araw na pinansin nya ako."Hwag ka ng pumasok muna, napakadami na ng labahin, maglinis ka na rin dito sa bahay." Hindi ako sumagot sa kanya pero tumango ako. Ilang araw na rin kasi kaming naging busy sa resort kaya 'di na namin 'to na asikaso ang bahay."Meron din palang ibang labahin dyan na pinapalaba. Isama mo na lang din sayang pa rin yan pera pa. Sa dami nating utang 'di ko na alam uunahin."Nag almusal na si mama pagkatapos nyang sabihin yan. Sa totoo lang ayoko magalit kay mama kahit na nagbago siya ng pakikitungo sa akin. Lalo na kapag ganitong p
Maaga ako ngayong pumasok sa resort. Ako lang ang papasok ngayon, 'di kasama si mama dahil sumama ang pakiramdam nya. Pagdating ko sa resort ay 'di naman ganon ka busy. Pinag punas lang muna ako ng mga lamesa sa restaurant dahil wala pa naman kumakain. Mostly kasi yong mga guest kumakain lunch na.Habang nagpupunas ako at naka tingin sa dagat na nasa harap. Natigilan ako kasi si Bryce naglalakad kasama ang ate ni Janice. Muntik na pa naman akong maging assuming sa mga pinapakita nya sa akin. Dapat siguro iwasan ko na lang siya no? Pero di ko pa naman confirm kong sila ba? Kong sila iiwasan ko na lang siya baka mag selos pa sa akin si Ayezha.Pero ano naman ipapagselos nya sa akin? Hindi naman ako maganda? Hindi nya rin ako kasing puti, hindi rin makinis ang balat ko 'di katulad sa kanya ang clear ng skin. Wala ring makikitang kahit isang pimples man lang sa mukha nya. Break na ba sila ng Mayor?"Mukhang tulala ka?" natigilan ako ng lumapit sa akin ang isa mga guest dito. Kilala ko siy
Nagwawalis ako ngayon dito sa loob ng bakuran namin ng mapa hinto ako ng may tumawag sa akin."Anna," biglang bumilis yong tibok ng puso ko ng makita ko kong sino. Kahit na boses nya alam ko na agad kong sino.Anong ginagawa nya rito? Ilang araw ko rin siyang hindi nakita noong pumunta sila ng isla. Ano kayang nangyare don?"Anong ginagawa mo dito?""Magpapasama lang sana ako sa'yo," bakit parang alam nya na hindi ko kayang tumanggi kapag humingi siya ng pabor?"Saan?""Basta, samahan mo na lang ako. Ano sasama ka ba?" bago tumingin siya sa relo nya."Teka, mahihintay mo ba ako magbibihis lang sana ako." nakakahiya naman na kahit naka plain t-shirt lang siya at naka pang summer na shorts eh, mukha na siyang expensive. Samantalang ako mukhang haggard."No, need maliligo naman tayo. Kaya 'wag kana mag bihis mag-ayos ka na lang siguro." Agad akong tumakbo sa loob. Hindi ko alam kong ma o-offend ako sa pinagsasabi nya na mag-ayos na lang daw ako? Pangit ba ako sa itsura ko? Agad kong tin
GIANNA POINT OF VIEWNasa kitchen ako ngayon at napakaraming guest ngayon na dumating. More on mga local tourist ang dumating."Anna," tawag sa akin ni mama at ibinigay ang tray na naglalaman ng foods.Naglalakad na ako palabas pero halos manginig ang kamay ko nang makita ko si Vincent. Siya yong anak ng governor sa probinsya namin. Ang kapal ng mukha nya na magpakita dito. Tumingin siya sa akin at ngumisi. Hindi ko namalayan na nabitiwan ko pala ang hawak kong tray."Anna, okay ka lang?" si Bryce yong lumapit sa akin at tinulungan nya ako mag dampot ng mga pagkain na nahulog at mga na basag na plato.Parang nawala ako sa sarili ko na kahit si Bryce 'di naging sapat para maging okay ako. Agad akong bumalik sa kitchen at nakakunot na noo ni mama ang bumungad sa akin."Ma," nag teary eye na ako dahil gusto kong sabihin sa kanya yong nararamdaman ko. Pero isang sapak lang naman ang na tanggap ko mula sa kanya."Ano bang ginagawa mo? Alam mong ibabawas yang mga na basag mo sa sahod natin!
GIANNA POINT OF VIEWNagising akong nakahiga sa puting kama. Anong nangyare sa akin? Bakit parang wala ako sa bahay, teka naalala ko yumanig ang lupa at harap-harapan kong nakita si Bryce and Janice. Sumakit tuloy ulo ko ng maalala ko ang scene na yon. Grabe naman si Bryce pinapagsabay nya talaga kaming lahat hayys."Gising ka na pala?" nagulat ako ng makita si mama na nasa may pinto at may bit-bit na pagkain. "Kumain kana muna baka gutom kana." talagang gutom na ako at 'di ko rin alam bat ako gutom? Anong oras na ba?"Nasaan po ako?" kasi 'di ko naman talaga alam na gising na lang akong nandito ako."Nandito tayo sa center. Nahimatay ka kasi kahapon dahil na bagsakan ka ng poste."Marahan ko naman hinawakan ang noo ko at may bandage nga na nakalagay dito. Pagkakatanda ko yumanig nga pala ulit ang lupa at natumba yong maliit na poste sa may tabi ko. Mabuti na nga lang kahoy lang yong poste paano na lang kong bakal yon baka na tigok na ako ngayon."Kumain kana muna, yan lang ang nadala
Nagising ako dahil sa ingay na nasa labas. Agad akong bumangon at nagulat ako dahil may mga police na nandito sa labas ng bahay. Si mama naman ay 'di mapakali at parang naiiyak na. Lumapit ako sa kanya para mag tanong."Ma, anong nangyayare?""Ang tiyo mo kasi kasabwat sa mga nagbebenta ng drugs sa kabilang isla. Pinaghahanap siya ngayon kagabi pa rin siya 'di umuuwi."Gulat na gulat ako dahil 'di ko akalain na gagawin yon ni tiyo. Matino si tiyo at sa ilang years na kasama ko siya 'di ko man lang napag isipan na gagawin nya yon. Kaya ba palagi siyang may pera nitong mga nagdaang linggo. Alam kong ginawa nya lang yon dahil walang wala na kami at wala siyang ibang mapagkakitaan. Pero mali pa rin talaga ang ginawa nya.Nagtaka pa ako pa ako kasi nandito si Bryce nasa may gilid siya. Hindi ko talaga alam kong ano ba si Bryce at kong sino siya. Napag isip-isip ko kasi matapos kong makita ang baril sa drawer nya. Yong mga time na sinasama nya ako dati parang spying ang ginagawa namin nun.
Nasa bahay ako ngayon dahil linggo at si Ronel naman kanina pa hindi nagsasalita. Si mama naman wala rito ngayon dahil kailangan nya pa rin mag trabaho. Ako lang yong na iwan dahil marami na rin kasi kaming lilinisin. Nahuli na nga si tiyo kagabi kaya ito si Ronel di nagsasalita. Kalat na kasi sa buong barangay kaya siguro nalaman nya rin kahit 'di namin sinabi sa kanya."Anna," nagulat naman ako sa biglaang pagdating ni mama."Bakit po?""Don ka nga pala kila sir Dale maglinis. Pupunta daw kasi sila sa sunod na araw at nagplaplano na daw silang papatayuan ang lupa."Hindi ko nga pala nasasabi na may dati kaming lupa malapit din yon sa may beach pero 'di doon matao tapat. Kaso pinabenta namin iyon at si Sir Dale nga ang nakabili. Pinabenta daw yon ng bata pa ako dahil nga sa sakit ko. Kami din ang ginawang caretaker ng lupa na yon. Kaso isang buwan na 'ata namin yon 'di napupuntahan lalo na si papa talaga yong mahilig maglinis doon at sumasama lang ako."Sige po," hindi na ako nag aba
Hingal na hingal ako ng makarating ako sa bahay dahil tinakbo ko na lang talaga. Pasado alas syete na ng gabi ng makauwi ako."Anna, ang tagal mo naman umuwi kanina ka pa namin hinihintay." Nangunot ang noo ko ng makita silang nag i-impake at naka bihis din."Ma, anong nangyayare? Saan tayo pupunta?""Kailangan na natin umalis dito sa lugar. Nanganganib tayo may pagsabog na naganap kanina sa kabundukan at may nag-ikot kanina na kailangan nating lumikas. Dalian mo magbihis hanggang alas otso lamang tayo hihintayin ng sasakyan ng rescuer sa Barangay."Ilang buhos lang ng tubig ang nagawa ko sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi din ako mapakali lalo na di ko talaga alam ang nangyayare sa lugar namin. Plus iniisip ko pa si Bryce kong ano na bang nangyare sa kanya don? Hindi ako pwedeng umalis kailangan ko pang balikan si Bryce. Baka tuluyan na siyang mamatay kapag 'di ako naka balik."Anna, tara na." hinila na ako ni mama pero di ako nagpadala. "Anna, ano ba?""Ma, 'di ako sasama." "Ano
A MONTHS LATERHabang pinagmamasdan ni Bryce si Gianna and Althea habang naglalaro ang dalawa sa dalampasigan. Hindi nya maiwasan na mapangiti, hindi nya kasi akalaing darating ang araw na magiging buo sila.Noong una palang nyang nakita si Anna ay naging interesado na siya dito. Hindi nya lang akalaing mamahalin nya ito. Akala nya ay wala ng pag-asa para sa kanilang dalawa. Lalo na nong panahong umamin ito sa kanya kaso nga lang ay naging duwag siya ng mga panahong yon.Natakot siya sa mga pwedeng mangyare pero ngayon ay handa na siyang harapin ang lahat. Lalo na ay may anak na silang dalawa."Papa Arturo!" sigaw ni Althea kay Bryce.Natawa naman ng sobra si Gianna ng marinig nya na naman ang tawag kay Bryce ni Althea."Papa let's play please." agad namang umiling si Bryce."Baby we need to visit your cousin." umupo siya para maging kapantay nya si Althea."Talaga po? Makikita ko si Yael and Olivia?" tumango naman si Bryce.Excited naman si Althea at nag madali itong tumakbo papunta k
ANYA POINT OF VIEWKanina pa ako humupa sa pag-iyak pero di pa din ako nagsasalita. Hindi naman ako tinanong ni Bryce kong anong nangyare sa halip ay inalo nya lang ako habang umiiyak kanina.Kumakalam pa din ang sikmura ko dahil kanina pa ako walang kain. Pero isa lang ang gusto kong malaman sa ngayon kong na saan ang anak ko. Sobrang saya ang nararamdaman ko ngayong nalaman kong buhay ang anak ko. Pero at the same time masakit kasi mismong ama ko pa ang gumawa para maging misebrable ang buhay ko.Akala ko si Bryce ang tataguan ko ng anak pero kami pa lang dalawa ang tinaguan ng anak."Gusto kong makita sila mama, Bryce."Simula kasi ng umuwi ako ay di ko pa sila nadadalaw. Kamusta na kaya sila? Naging busy din kasi ako kaya nakalimutan ko silang tawagan man lang. For sure binata na si Ronel, sobrang tagal na din talaga ng huli ko siyang makausap at makita."Let's go," bago ay inalalayan nya akong tumayo.Pagdating namin sa parking area ay nagulat pa kami ng nandoon si Althea at kapa
Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Naririnig ko din ang ingay sa paligid at mahihinang tawa ng isang bata.Lumabas ako at bumungad sa akin si Bryce and Althea na naglalaro. Hindi ko maiwasang mapangiti sa kanilang dalawa. Siguro kong si Brianna buhay din for sure magiging ganito din sila ni Bryce.Nang mapansin nila akong dalawa na naka tingin sa kanila ay agad na lumapit si Bryce sa akin habang karga nya si Althea"Good morning po," malawak ang ngiti nito habang binabati ako."Good morning din." bati ko sa kanya pabalik.Lumabas kaming dalawa sa bahay at naglalaba pala ang kanyang tiya sa may balon na nasa gilid ng kanilang bahay."Saan ang mama nya?" tanong ko kay Bryce."Maagang umalis, nagt-trabaho kasi yon sa bayan kaya palaging wala."Napansin ko naman sa di kalayuan na yong bangkang sinakyan ko ay nandito.Sinamahan ako ni Bryce na lumapit sa isang bangkero."Mang Erning, kayo po pala yong naghatid kay Anna dito. Papahatid na po kasi siya pauwi.""Sabi ko na
ANNA POINT OF VIEWNaramdaman ko ang pagdampi ng labi nya, sumabay ako sa unti-unti nitong paggalaw. Naramdaman ko ang maiinit na haplos nya na kahit ang lamig ng simoy ng hangin ay di ko maramdaman.Naging malalim ang paghalik nya, gumapang ito hanggang sa panga papunta sa may leeg ko. Napaliyad ako ng dumampi ang kanyang labi sa aking earlobe hanggang leeg, para akong mababaliw sa sarap na nararamdaman ko.Parang bumalik ang unang gabing may nangyare sa amin. Yon nga lang ay di nya iyon natatandaan.Bumalik ang kanyang mga halik sa labi ko para akong napapaso sa init nun. Halos maghabol ako ng hininga ng tumigil siya sa paghalik.Hinawakan nya ako sa pisnge ko bago ay niyakap ako."Natatakot ako na baka kapag natapos to, mawala ka na lang sa akin ulit." bago ay kumalas sa pagkakayakap sa akin.Agad akong umiling sa kanya. "No, hindi na ako papayag na magkalayo pa tayo."This time ako na ang sumiil ng halik sa kanya. Halik na hindi ko na kayang pigilan pa. Kusang sumabay ang mga hali
ANNA POINT OF VIEWHalos tulog na ang lahat ng bumangon ako para lumabas. Hindi kasi ako makatulog ng maayos. Hindi ko alam kong anong oras na basta feeling ko madaling araw na.Paglabas ko ay bumungad sa akin ang napakalamig na simoy na hangin.Pumunta ako sa may dalampasigan at naglalakad lakad. Tanging ingay ng mga maliliit na kulisap ang naririnig ko at ang hampas ng alon.Maliwanag din ang buwan na tanging nagiging silbi kong ilaw habang naglalakad. Napatigil ako sa paglalakad ng sa di kalayuan ay nandoon si Bryce.Aalis na sana ako pero na pansin nya ako."Anna?"Kahit ayaw ko siyang ma kausap ay ngumiti ako sa kanya hanggang makalapit na siya sa akin."Anong ginagawa mo dito? Baka lamigin ka.""Sanay naman na ako, ikaw anong ginagawa mo dito?""Hindi ako makatulog, eh."Ilang minutong katahimikan ang namutawi sa aming dalawa. Nakatingin lang kami sa dagat, nagrereflect dito ang liwanag na nagmumula sa buwan. Kaya naman napaka ganda nitong tignan.Napag desisyunan kong mag salit
Kinailangan ni Anna na umalis sa eksena at nag paalam na lang siya sa mga ito na maglakad lakad. Para matignan nya ang buong isla at para na din maibsan ang nararamdaman nya.Iikang umalis si Gianna habang kumakain pa ang iba. Kinagat nya ang ibabang labi upang pigilan ang pag buhos ng luha nya.Nasasaktan siya sa mga narinig kanina.Mas nagpabigat pa ng dibdib nya ng maalala ang anak. Kong nabubuhay lang ito ay marahil kasing edad din ng anak nya. Napagtanto nya din na 'di nga talaga siya na gustuhan ni Bryce dati pa lalo na ay mag kasing age lang ang bata na anak nya at ang bata dito.Akala nya ay single ito noon kaya siguro ay ganun na lamang ang reaction nito ng mag confess siya.Nagkaroon ng complication ang anak nya ng pinanganak nya ito. Ilang buwan nya din itong naalagaan hanggang sa di na kinaya ng katawan ng anak nya. Napaupo siya sa isang tabi habang inaalala ang huling karga nya sa anak nya."Anna."Hindi nya pinansin ang tawag ng binata sa kanya."Kamusta ka na?"Blangko
FIVE YEARS LATERBumaba ng limousine car si Gianna suot ang kanyang mamahalin na relo, damit, bag at iba pang accessories. "Good morning, Madam." bati sa kanya ng isa sa mga katulong.Hindi nya ito pinansin at nag patuloy sa pagpasok sa loob ng malaking bahay."Welcome back, madam." bati na naman sa kanya ng isa sa maid."This way, madam." turo sa kanya ng staff ng daddy nya papunta sa office nito.Isa lang ang masasabi nya na sa limang taon na 'di siya umuwi ng Pinas ay malaki ang nag bago sa mansion."Hi, Dad" bati nya sa kanyang ama ng pumasok siya sa office nito."Welcome back, anak." Wala ang kuya nya dalawang taon na din ito simula ng magkaroon ng sariling pamilya at umalis. Mas gusto daw kasi nito mamuhay sa isang simpleng lugar na tahimik lang.Hindi nya alam ang mga nangyare sa loob ng ilang taon na wala siya. Nag focus kasi siya sa pag-aaral nya at inabala ang sarili sa mga bagay-bagay. Masyadong masakit ang mga nangyare kaya gusto nyang makalimot."I miss you, daddy." niy
GIANNA POINT OF VIEWNaglalakad ako papunta sa office ni daddy, kadadating nya lang pero agad gusto nya na akong makausap.Nag-uunahan sa kabog ang dibdib ko habang binubuksan ko ang pintuan.Dahan-dahan akong lumapit kay daddy at matamang nakatitig sa akin."May sasabihin daw po kayo?" mahinang tanong ko dito.Napalunok ako ng seryosong nakatitig pa din sa akin si daddy. Alam kong may ginawa akong mali sa tipo pa lang ng titig nya."What's the meaning of this?!" nagulat ako sa biglaang pag sigaw ni daddy.Kumalabog ang lamesa sa lakas ng pag bagsak ng mga papel na ibinagsak nya dito. Isa-isa kong tinignan ang mga naka sulat sa papel.Halos manghina ako ng makita kong ito yong mga results sa check-up ko.Sabi ko na nga ba ay 'di ko talaga matatakasan ang pamilya ko pag dating sa bagay na ganito."Who's the father?" malamig ang boses ni daddy.Alam kong kapag nalaman nyang si Bryce ang ama ng dinadala ko mas magiging malala ang situation."Answer me!" Halos di ko magawang igalaw ang m
"Kalimutan mo na lang siya Gianna!" may pagbabanta sa boses ni kuya.Parang may nangyayare sa Pinas na 'di ko alam kaya ganito na lang ako pag bawalan ni kuya."Paano ko kakalimutan? Nang dahil sa'yo kaya ako nagkaroon ng reason kong bakit 'di ko siya kakalimutan! Kong hindi mo binigay sa akin ang box na pag-aari ni Bryce hindi ako magkakaroon ng reason!" frustrated na sagot ko sa kanya.Kinulit ko kasi siya na mag video call kami para makita ko lang man kong okay na ba si Bryce. At ang sinagot sa akin kalimutan ko na lang daw si Bryce! Nababaliw na ba ang kuya ko? Ibang-iba na talaga siya hindi na siya yong kuya na kilala ko nong bata pa ako.Sabagay ilang taon na din ang lumipas at mga bata pa nun kami. Alam kong madami ng nag bago, 'di ko din naman alam kong anong mga naranasan ni kuya ng nagkahiwalay kami."Gusto ko lang naman malaman kong anong kalagayan nya?" halos magpamakaawa na ang bose ko."Mag focus ka na lang sa pag-aaral mo." cold na sagot nya sa akin.Halos mapasabunot ak