Nasa kanyang room si Bryce at hinihintay si Oliver. Kinailangan pa kasi nitong ma access ang cctv ng buong resort para 'di pumalpak ang kanilang plano. Palihim kasing pumasok ito sa kwarto ni Ayesha. Bumakas ang pintuan ng kanilang kwarto at bumungad si Oliver.
"Ayos ba?" mayabang na sabi ni Oliver kay Bryce."Nakuha mo ba?""Ako pa ba?" mayabang na sagot pa rin nito. Itinaas pa nito ang flash drive na hawak para siguraduhin kay Bryce na nakuha nya nga.Nakita kasi nila kanina na may ibinigay na flash drive kay Ayezha ang mayor. Base kasi sa information na nakalap nila ay importante ang nilalaman nun. Kasabwat din ang mayor sa mga illegal na gawain sa naturang lugar."Lagay na natin sa laptop," agad nilagay ni Bryce ang flash drive.Maraming folder ang nakalagay pero walang mga laman ito. Pinaka huling folder na lang ang 'di nila na o-open at may nakalagay na file name na blue print.Pag click ni Bryce ay lumabas ang blue print ng buong isang bahay. Hindi lang siya as in bahay dahil para itong mansion sa laki. Mukhang ito ang hide-out ng sindikato na pinaghahanap nila pero 'di nila alam kong saang location ito matatagpuan sa Barangay.Agad nagkatinginan si Oliver and Bryce ng may kumatok sa pinto. Kinuha ni Bryce ang baril na nasa drawer at itinago nito sa likuran nya. Si Oliver naman ang nag bukas ng pinto. Bumungad sa kanila ang isa sa nag t-trabaho sa resort."Mga sir in-invite po kayo ni Mayor sa labas para kumain. Invited po kasi ang lahat ng nandito ngayon sa resort.""Susunod po kami may tinatapos lang po akong report sa school," pagdadahilan ni Oliver at tumango naman ito sa kanya.Nakahinga ng maluwag ang dalawa ng umalis ito at ma isara ang pinto."Akala ko nahuli na tayo," buntong hiningang sabi ni Bryce."Let's go, baka makakuha pa tayo ng ibang information." sabi ni Oliver habang nagsusuot ito ng jacket.Kumuha muna ng copy ng blue print si Bryce dahil i-se-send nya ito sa organization para may copy ang mga ito.Pumunta ang dalawa sa beach front bago umupo sa bakanteng mga upuan. Naglibot ang mga mata ni Bryce sa ibang mga bisita na nandito. Halos mayayaman at mga kaibigan ng mayor. Napatingin naman si Bryce sa mga nagseserve ng pagkain at ksa ang ina ni Anna."Saan kaya si Anna?" he murmured.Nasa harapan na nila ang mayor at may hawak itong mic, mukhang mag s-speech ito."Good evening ladies and gentlemen, let me begin by thanking my girlfriend for welcoming me here," tumingin ito saglit kay Ayezha at ngumiti ng matamis sa dalaga. "Bago matapos ang gabing ito I would gladly invite all of you to joined the disco party in our gymnasium this night. You can all eat now, mukhang mga gutom na kasi kayo," pagbibiro nito at sinabayan naman ng mga tao ng mahihinang halakhak, bago pumalakpak ang mga ito."Remember your target, bro." bulong sa akin ni Oliver. Paano kaya malalapitan ni Bryce si Ayezha gayong bantay sarado pala ito ng mayor. Mukhang mahihirapan siya nito.*******Nasa gymnasium na sila Anna, Crissa and Melany. Naka patay na rin ang mga ilaw except for the disco light. May mga nagtitinda din sa labas ng gymnasium ng mga inumin at pagkain. Ito pa lang ang unang beses nama e-experience ni Anna ang ganito. Hindi kasi siya pinapayagan talaga dati, unang pinayagan siya na magpagabi ng uwi ay nauwi pa sa trahedya."Tara na," hinila na ni Crissa si Anna and Melany papunta sa dance floor. Marami na rin kasing nasa dance floor. Mas lalo pang dumami ng nagpalit ng music kaya naman nagkahiwalay silang tatlo. Nakisabay na lamang din si Gianna. Gusto nya rin kasi mawala ang mga problema na iniisip nya.Nang mapagod siya ay umalis muna siya sa dance floor at umupo sa isang tabi. Hindi nya gaanong maaninag ang mga mukha ng nasa dance floor dahil ang naka ilaw lamang ay ang disco light. Pero hindi naka ligtas sa kanya ng ma pansin nya si Bryce na nasa dance floor. Halos matulala siya sa binata lalo na kitang-kita ang pag e-enjoy nito pero kumirot din ang puso nya ng ma pansin kong sino ang kasama nito. Kasama nito si Ayezha ang girlfriend ng mayor at halatang nag e-enjoy silang dalawa.Lumabas siya ng gymnasium dahil baka mas sumakit pa ang puso nya sa nakikita nya. Pagkalabas nya ay bumungad sa kanya ang maliit na tindahan na nagtitinda ng mga alak. Wala siya sa sarili nyang bumili non, ito ang unang mag-iinom siya. Hindi nya alam sa sarili nya pero nasasaktan talaga siya at gusto nyang mawala ang bigat sa dibdib nya. Siguradong kapag nalaman ng kanyang ina ang pinanggagawa nya ngayon ay marahil nasaktan na siya nito.Pumunta siya sa isang tabi na 'di siya gaanong napapansin dahil malamang baka kapag may nakakita sa kanya na kakilala ng ina ay baka i-tsismis pa ito. Pero handa naman siyang harapin lahat ng masasakit na sasabihin sa kanya ng ina. Tinungga nya ang isang bote ng alak, gusto nyang masuka sa lasa nito pero tiniis nya. Nangangalahati pa lamang siya ng bote ay pakiramdam nya ay umiikot na ang paningin nya.Akala ni Anna ay mawawala na ang sakit na nararamdaman nya pero mas lalo pa itong sumakit ng makita nyang mag kasama si Bryce and Ayezha na lumabas. Inalalayan ito ng binata dahil halatang lasing na lasing na rin ito. Kaya lalo siyang nagkalakas ng loob na ubusin ang laman ng bote ng alak. Hindi nya na alam pa ang mga sumunod na nangyare dahil halos umikot na ang paningin nya.*****Kagigising lamang ni Anna at masakit na masakit ang kanyang ulo. Bumangon ito at nag timpla ng kape."Ate, bakit ka nag lasing kagabi?" napatigil si Anna sa pagtitimpla ng kape. Tsaka nya lamang naalala ang mga nangyare kagabi kaya pala masakit ang ulo nya pagkagising. Pero hindi nya natatandaan kong paano siya nakauwi."May ginawa ba akong kalokohan kagabi, Ronel?" napaupo siya at nasapo ang noo."Hinatid ka kagabi ng poging lalake," agad naman nangunot ang noo ni Anna. Sino rin ang pwede mag hatid sa kanya at pogi pa daw?"Alam ba ni mama?" kinakabahan nyang tanong kay Ronel. For sure kasi talaga ay magagalit ito at baka mabogbog pa siya."Oo, pero umalis na siya kanina dahil may gagawin pa raw sa resort." nakahinga siya ng maayos pero alam nyang 'di ito papalampasin ng kanyang ina. Hindi nya tuloy alam kong pupunta ba siya ng resort o hindi."Teka, bakit pala ikaw lang ang nandito na saan si tiyo?""Nangisda siya ate para daw may pang-ulam daw tayo."Hindi pumasok si Anna dahil alam nyang magagalit sa kanya ang ina oras na makita siya nito. Kaya naman hinintay nya na lamang ito umuwi. Akala nya nya ay gabi pa ito uuwi pero tanghali pa lamang ay umuwi na ito."Gising na ba si Anna, Ronel?" sa pintuan pa lamang ang ina ang rinig nya na ang boses nito."Ma," siya na ang kusang sumalubong sa ina. Galit na mukha nito ang bumungad sa kanya tsaka siya sinampal."Kailan ka pa natutong uminom? Pinalaki ba kitang ganong babae, ha?" isang sampal na naman ang natanggap nya sa ina. Hindi nya ito inalagan dahil alam nya namang kasalanan nya. Halos manhid na ang pisnge nya sa lakas ng pag sampal nito."Nakakahiya ka! Kong gusto mong maging parewara ang buhay mo! Lumayas ka na lamang dito! Puro lang naman pahirap ang dala mo at kahihiyan!" pumatak ang mga luha na kanina nya pa pinipigilan.Kinuha ng ina ang mga damit nya at tinapon ito sa kanya."Lumayas kana dito! Wala akong anak na kagaya mo!""Tiya, tama na po," umiiyak na rin si Ronel at pinipigilan ang kanyang tiya sa galit nito."Gaano po ba kalaki ang kasalanan ko? Bakit galit na galit kayo sa akin? Alam ko pong ako ang sinisisi mo kong bakit namatay si papa? Hanggang kailan ko po ba pagbabayaran yon? Hanggang kailan bago nyo po ako mapapatawad?" Hindi napigilan ni Anna ang kanyang emosyon."Mapapatawad lang kita kapag nawala kana dito!" Kinuha ni Anna ang mga damit nya na nagkalat tsaka inilagay ito sa bag."Yon po ba talaga ang gusto nyo?" umiwas ang kanyang ina sa tanong na nya."Anong nangyayare dito?" dumating ang kanyang tiyo. May dala pa itong balde na naglalaman ng ilang pirasong mga isda."Ate, bat ka na naman nagagalit kay Anna?""Wala naman kasing ginawang mabuti yang pamangkin mo! Tignan mo kalat na sa buong barangay na itong si Anna nag lasing kagabi at hinatid ng isang lalake! Napaka walang delikadesa sa sarili nya!""Hindi naman siguro, hinatid lang naman siya at wala naman sigurong masama don. Ano bang nangyare kagabi, Anna?" tumingin ang kanyang tiyo sa kanya."Sumama lang po yong loob ko kay mama kagabi kaya uminom ako. Yon lang naman ang unang beses ko na uminom, bakit para sa kanya lahat ng ginagawa ko mali?" Lumapit naman ang tiyo nya sa kanya at binitbit ang bag nya na naglalaman ng kanyang mga damit. Sumunod siya sa tiyo dahil nag sign ito sa kanya na sumunod siya sa loob."Kakausapin ko si mama mo, 'wag kang maglalayas. Intindihin mo na lang si mama mo lalo na hindi nya pa matanggap na nawala ang iyong, ama." Lumabas na ito sa kanyang kwarto at na iwan siya.ANNA POINT OF VIEWPumasok ako sa resort kahit na masama ang loob ko kay mama. Alam ko naman kasi na kailangan namin ng pera kaya titiisin ko na lang. Isang araw na rin kasi akong absent at isang araw na rin kaming 'di nagpapansinan ni mama. Pero 'di ko pa rin lubos ma isip kong anong nangyare sa akin nong na lasing ako? Kong sino ang nag hatid sa akin?"Anna," pag dating ko pa lang ang tinawag agad ako ni Janice. Lumapit naman ako sa kanya."Ano yon?""Linisan mo nga yong room ko, absent kasi si Emelda." Naalala ko tuloy yong nangyare noong isang gabi."Pero 'di naman ako naka assign sa paglilinis sa kusina ako," sagot ko sa kanya. Kasi don naman talaga ako lagi naka assign."Sino bang boss dito?" nakataas pa ang kilay nito sa akin.Kaya wala akong nagawa kundi sundin siya. Sa totoo lang 'di ko alam na ganito ang ugali ni Janice. Noong high school kasi 'di ko siya nakakausap kasi 'di naman siya namamansin. Habang naglalakad ako ay na pa hinto ako at napatingin sa buhanginan ng dalam
GIANNA POINT OF VIEWKagigising ko lang ngayon para sana mag asikaso sa kusina kaso na una na palang gumising si tiyo. Kahit pa paano may reason pa rin ako para mag stay dito. Mukhang 'di na kasi magbabago ang trato sa akin ni mama."Kain na Anna," pag-aaya sa akin ni tiyo ng makita nya akong gising na."Sige lang po, maliligo na lang muna ako.""Anna," napalingon ng marinig ko ang boses ni mama. Gising na rin pala siya. Ito ang unang araw na pinansin nya ako."Hwag ka ng pumasok muna, napakadami na ng labahin, maglinis ka na rin dito sa bahay." Hindi ako sumagot sa kanya pero tumango ako. Ilang araw na rin kasi kaming naging busy sa resort kaya 'di na namin 'to na asikaso ang bahay."Meron din palang ibang labahin dyan na pinapalaba. Isama mo na lang din sayang pa rin yan pera pa. Sa dami nating utang 'di ko na alam uunahin."Nag almusal na si mama pagkatapos nyang sabihin yan. Sa totoo lang ayoko magalit kay mama kahit na nagbago siya ng pakikitungo sa akin. Lalo na kapag ganitong p
Maaga ako ngayong pumasok sa resort. Ako lang ang papasok ngayon, 'di kasama si mama dahil sumama ang pakiramdam nya. Pagdating ko sa resort ay 'di naman ganon ka busy. Pinag punas lang muna ako ng mga lamesa sa restaurant dahil wala pa naman kumakain. Mostly kasi yong mga guest kumakain lunch na.Habang nagpupunas ako at naka tingin sa dagat na nasa harap. Natigilan ako kasi si Bryce naglalakad kasama ang ate ni Janice. Muntik na pa naman akong maging assuming sa mga pinapakita nya sa akin. Dapat siguro iwasan ko na lang siya no? Pero di ko pa naman confirm kong sila ba? Kong sila iiwasan ko na lang siya baka mag selos pa sa akin si Ayezha.Pero ano naman ipapagselos nya sa akin? Hindi naman ako maganda? Hindi nya rin ako kasing puti, hindi rin makinis ang balat ko 'di katulad sa kanya ang clear ng skin. Wala ring makikitang kahit isang pimples man lang sa mukha nya. Break na ba sila ng Mayor?"Mukhang tulala ka?" natigilan ako ng lumapit sa akin ang isa mga guest dito. Kilala ko siy
Nagwawalis ako ngayon dito sa loob ng bakuran namin ng mapa hinto ako ng may tumawag sa akin."Anna," biglang bumilis yong tibok ng puso ko ng makita ko kong sino. Kahit na boses nya alam ko na agad kong sino.Anong ginagawa nya rito? Ilang araw ko rin siyang hindi nakita noong pumunta sila ng isla. Ano kayang nangyare don?"Anong ginagawa mo dito?""Magpapasama lang sana ako sa'yo," bakit parang alam nya na hindi ko kayang tumanggi kapag humingi siya ng pabor?"Saan?""Basta, samahan mo na lang ako. Ano sasama ka ba?" bago tumingin siya sa relo nya."Teka, mahihintay mo ba ako magbibihis lang sana ako." nakakahiya naman na kahit naka plain t-shirt lang siya at naka pang summer na shorts eh, mukha na siyang expensive. Samantalang ako mukhang haggard."No, need maliligo naman tayo. Kaya 'wag kana mag bihis mag-ayos ka na lang siguro." Agad akong tumakbo sa loob. Hindi ko alam kong ma o-offend ako sa pinagsasabi nya na mag-ayos na lang daw ako? Pangit ba ako sa itsura ko? Agad kong tin
GIANNA POINT OF VIEWNasa kitchen ako ngayon at napakaraming guest ngayon na dumating. More on mga local tourist ang dumating."Anna," tawag sa akin ni mama at ibinigay ang tray na naglalaman ng foods.Naglalakad na ako palabas pero halos manginig ang kamay ko nang makita ko si Vincent. Siya yong anak ng governor sa probinsya namin. Ang kapal ng mukha nya na magpakita dito. Tumingin siya sa akin at ngumisi. Hindi ko namalayan na nabitiwan ko pala ang hawak kong tray."Anna, okay ka lang?" si Bryce yong lumapit sa akin at tinulungan nya ako mag dampot ng mga pagkain na nahulog at mga na basag na plato.Parang nawala ako sa sarili ko na kahit si Bryce 'di naging sapat para maging okay ako. Agad akong bumalik sa kitchen at nakakunot na noo ni mama ang bumungad sa akin."Ma," nag teary eye na ako dahil gusto kong sabihin sa kanya yong nararamdaman ko. Pero isang sapak lang naman ang na tanggap ko mula sa kanya."Ano bang ginagawa mo? Alam mong ibabawas yang mga na basag mo sa sahod natin!
GIANNA POINT OF VIEWNagising akong nakahiga sa puting kama. Anong nangyare sa akin? Bakit parang wala ako sa bahay, teka naalala ko yumanig ang lupa at harap-harapan kong nakita si Bryce and Janice. Sumakit tuloy ulo ko ng maalala ko ang scene na yon. Grabe naman si Bryce pinapagsabay nya talaga kaming lahat hayys."Gising ka na pala?" nagulat ako ng makita si mama na nasa may pinto at may bit-bit na pagkain. "Kumain kana muna baka gutom kana." talagang gutom na ako at 'di ko rin alam bat ako gutom? Anong oras na ba?"Nasaan po ako?" kasi 'di ko naman talaga alam na gising na lang akong nandito ako."Nandito tayo sa center. Nahimatay ka kasi kahapon dahil na bagsakan ka ng poste."Marahan ko naman hinawakan ang noo ko at may bandage nga na nakalagay dito. Pagkakatanda ko yumanig nga pala ulit ang lupa at natumba yong maliit na poste sa may tabi ko. Mabuti na nga lang kahoy lang yong poste paano na lang kong bakal yon baka na tigok na ako ngayon."Kumain kana muna, yan lang ang nadala
Nagising ako dahil sa ingay na nasa labas. Agad akong bumangon at nagulat ako dahil may mga police na nandito sa labas ng bahay. Si mama naman ay 'di mapakali at parang naiiyak na. Lumapit ako sa kanya para mag tanong."Ma, anong nangyayare?""Ang tiyo mo kasi kasabwat sa mga nagbebenta ng drugs sa kabilang isla. Pinaghahanap siya ngayon kagabi pa rin siya 'di umuuwi."Gulat na gulat ako dahil 'di ko akalain na gagawin yon ni tiyo. Matino si tiyo at sa ilang years na kasama ko siya 'di ko man lang napag isipan na gagawin nya yon. Kaya ba palagi siyang may pera nitong mga nagdaang linggo. Alam kong ginawa nya lang yon dahil walang wala na kami at wala siyang ibang mapagkakitaan. Pero mali pa rin talaga ang ginawa nya.Nagtaka pa ako pa ako kasi nandito si Bryce nasa may gilid siya. Hindi ko talaga alam kong ano ba si Bryce at kong sino siya. Napag isip-isip ko kasi matapos kong makita ang baril sa drawer nya. Yong mga time na sinasama nya ako dati parang spying ang ginagawa namin nun.
Nasa bahay ako ngayon dahil linggo at si Ronel naman kanina pa hindi nagsasalita. Si mama naman wala rito ngayon dahil kailangan nya pa rin mag trabaho. Ako lang yong na iwan dahil marami na rin kasi kaming lilinisin. Nahuli na nga si tiyo kagabi kaya ito si Ronel di nagsasalita. Kalat na kasi sa buong barangay kaya siguro nalaman nya rin kahit 'di namin sinabi sa kanya."Anna," nagulat naman ako sa biglaang pagdating ni mama."Bakit po?""Don ka nga pala kila sir Dale maglinis. Pupunta daw kasi sila sa sunod na araw at nagplaplano na daw silang papatayuan ang lupa."Hindi ko nga pala nasasabi na may dati kaming lupa malapit din yon sa may beach pero 'di doon matao tapat. Kaso pinabenta namin iyon at si Sir Dale nga ang nakabili. Pinabenta daw yon ng bata pa ako dahil nga sa sakit ko. Kami din ang ginawang caretaker ng lupa na yon. Kaso isang buwan na 'ata namin yon 'di napupuntahan lalo na si papa talaga yong mahilig maglinis doon at sumasama lang ako."Sige po," hindi na ako nag aba
A MONTHS LATERHabang pinagmamasdan ni Bryce si Gianna and Althea habang naglalaro ang dalawa sa dalampasigan. Hindi nya maiwasan na mapangiti, hindi nya kasi akalaing darating ang araw na magiging buo sila.Noong una palang nyang nakita si Anna ay naging interesado na siya dito. Hindi nya lang akalaing mamahalin nya ito. Akala nya ay wala ng pag-asa para sa kanilang dalawa. Lalo na nong panahong umamin ito sa kanya kaso nga lang ay naging duwag siya ng mga panahong yon.Natakot siya sa mga pwedeng mangyare pero ngayon ay handa na siyang harapin ang lahat. Lalo na ay may anak na silang dalawa."Papa Arturo!" sigaw ni Althea kay Bryce.Natawa naman ng sobra si Gianna ng marinig nya na naman ang tawag kay Bryce ni Althea."Papa let's play please." agad namang umiling si Bryce."Baby we need to visit your cousin." umupo siya para maging kapantay nya si Althea."Talaga po? Makikita ko si Yael and Olivia?" tumango naman si Bryce.Excited naman si Althea at nag madali itong tumakbo papunta k
ANYA POINT OF VIEWKanina pa ako humupa sa pag-iyak pero di pa din ako nagsasalita. Hindi naman ako tinanong ni Bryce kong anong nangyare sa halip ay inalo nya lang ako habang umiiyak kanina.Kumakalam pa din ang sikmura ko dahil kanina pa ako walang kain. Pero isa lang ang gusto kong malaman sa ngayon kong na saan ang anak ko. Sobrang saya ang nararamdaman ko ngayong nalaman kong buhay ang anak ko. Pero at the same time masakit kasi mismong ama ko pa ang gumawa para maging misebrable ang buhay ko.Akala ko si Bryce ang tataguan ko ng anak pero kami pa lang dalawa ang tinaguan ng anak."Gusto kong makita sila mama, Bryce."Simula kasi ng umuwi ako ay di ko pa sila nadadalaw. Kamusta na kaya sila? Naging busy din kasi ako kaya nakalimutan ko silang tawagan man lang. For sure binata na si Ronel, sobrang tagal na din talaga ng huli ko siyang makausap at makita."Let's go," bago ay inalalayan nya akong tumayo.Pagdating namin sa parking area ay nagulat pa kami ng nandoon si Althea at kapa
Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Naririnig ko din ang ingay sa paligid at mahihinang tawa ng isang bata.Lumabas ako at bumungad sa akin si Bryce and Althea na naglalaro. Hindi ko maiwasang mapangiti sa kanilang dalawa. Siguro kong si Brianna buhay din for sure magiging ganito din sila ni Bryce.Nang mapansin nila akong dalawa na naka tingin sa kanila ay agad na lumapit si Bryce sa akin habang karga nya si Althea"Good morning po," malawak ang ngiti nito habang binabati ako."Good morning din." bati ko sa kanya pabalik.Lumabas kaming dalawa sa bahay at naglalaba pala ang kanyang tiya sa may balon na nasa gilid ng kanilang bahay."Saan ang mama nya?" tanong ko kay Bryce."Maagang umalis, nagt-trabaho kasi yon sa bayan kaya palaging wala."Napansin ko naman sa di kalayuan na yong bangkang sinakyan ko ay nandito.Sinamahan ako ni Bryce na lumapit sa isang bangkero."Mang Erning, kayo po pala yong naghatid kay Anna dito. Papahatid na po kasi siya pauwi.""Sabi ko na
ANNA POINT OF VIEWNaramdaman ko ang pagdampi ng labi nya, sumabay ako sa unti-unti nitong paggalaw. Naramdaman ko ang maiinit na haplos nya na kahit ang lamig ng simoy ng hangin ay di ko maramdaman.Naging malalim ang paghalik nya, gumapang ito hanggang sa panga papunta sa may leeg ko. Napaliyad ako ng dumampi ang kanyang labi sa aking earlobe hanggang leeg, para akong mababaliw sa sarap na nararamdaman ko.Parang bumalik ang unang gabing may nangyare sa amin. Yon nga lang ay di nya iyon natatandaan.Bumalik ang kanyang mga halik sa labi ko para akong napapaso sa init nun. Halos maghabol ako ng hininga ng tumigil siya sa paghalik.Hinawakan nya ako sa pisnge ko bago ay niyakap ako."Natatakot ako na baka kapag natapos to, mawala ka na lang sa akin ulit." bago ay kumalas sa pagkakayakap sa akin.Agad akong umiling sa kanya. "No, hindi na ako papayag na magkalayo pa tayo."This time ako na ang sumiil ng halik sa kanya. Halik na hindi ko na kayang pigilan pa. Kusang sumabay ang mga hali
ANNA POINT OF VIEWHalos tulog na ang lahat ng bumangon ako para lumabas. Hindi kasi ako makatulog ng maayos. Hindi ko alam kong anong oras na basta feeling ko madaling araw na.Paglabas ko ay bumungad sa akin ang napakalamig na simoy na hangin.Pumunta ako sa may dalampasigan at naglalakad lakad. Tanging ingay ng mga maliliit na kulisap ang naririnig ko at ang hampas ng alon.Maliwanag din ang buwan na tanging nagiging silbi kong ilaw habang naglalakad. Napatigil ako sa paglalakad ng sa di kalayuan ay nandoon si Bryce.Aalis na sana ako pero na pansin nya ako."Anna?"Kahit ayaw ko siyang ma kausap ay ngumiti ako sa kanya hanggang makalapit na siya sa akin."Anong ginagawa mo dito? Baka lamigin ka.""Sanay naman na ako, ikaw anong ginagawa mo dito?""Hindi ako makatulog, eh."Ilang minutong katahimikan ang namutawi sa aming dalawa. Nakatingin lang kami sa dagat, nagrereflect dito ang liwanag na nagmumula sa buwan. Kaya naman napaka ganda nitong tignan.Napag desisyunan kong mag salit
Kinailangan ni Anna na umalis sa eksena at nag paalam na lang siya sa mga ito na maglakad lakad. Para matignan nya ang buong isla at para na din maibsan ang nararamdaman nya.Iikang umalis si Gianna habang kumakain pa ang iba. Kinagat nya ang ibabang labi upang pigilan ang pag buhos ng luha nya.Nasasaktan siya sa mga narinig kanina.Mas nagpabigat pa ng dibdib nya ng maalala ang anak. Kong nabubuhay lang ito ay marahil kasing edad din ng anak nya. Napagtanto nya din na 'di nga talaga siya na gustuhan ni Bryce dati pa lalo na ay mag kasing age lang ang bata na anak nya at ang bata dito.Akala nya ay single ito noon kaya siguro ay ganun na lamang ang reaction nito ng mag confess siya.Nagkaroon ng complication ang anak nya ng pinanganak nya ito. Ilang buwan nya din itong naalagaan hanggang sa di na kinaya ng katawan ng anak nya. Napaupo siya sa isang tabi habang inaalala ang huling karga nya sa anak nya."Anna."Hindi nya pinansin ang tawag ng binata sa kanya."Kamusta ka na?"Blangko
FIVE YEARS LATERBumaba ng limousine car si Gianna suot ang kanyang mamahalin na relo, damit, bag at iba pang accessories. "Good morning, Madam." bati sa kanya ng isa sa mga katulong.Hindi nya ito pinansin at nag patuloy sa pagpasok sa loob ng malaking bahay."Welcome back, madam." bati na naman sa kanya ng isa sa maid."This way, madam." turo sa kanya ng staff ng daddy nya papunta sa office nito.Isa lang ang masasabi nya na sa limang taon na 'di siya umuwi ng Pinas ay malaki ang nag bago sa mansion."Hi, Dad" bati nya sa kanyang ama ng pumasok siya sa office nito."Welcome back, anak." Wala ang kuya nya dalawang taon na din ito simula ng magkaroon ng sariling pamilya at umalis. Mas gusto daw kasi nito mamuhay sa isang simpleng lugar na tahimik lang.Hindi nya alam ang mga nangyare sa loob ng ilang taon na wala siya. Nag focus kasi siya sa pag-aaral nya at inabala ang sarili sa mga bagay-bagay. Masyadong masakit ang mga nangyare kaya gusto nyang makalimot."I miss you, daddy." niy
GIANNA POINT OF VIEWNaglalakad ako papunta sa office ni daddy, kadadating nya lang pero agad gusto nya na akong makausap.Nag-uunahan sa kabog ang dibdib ko habang binubuksan ko ang pintuan.Dahan-dahan akong lumapit kay daddy at matamang nakatitig sa akin."May sasabihin daw po kayo?" mahinang tanong ko dito.Napalunok ako ng seryosong nakatitig pa din sa akin si daddy. Alam kong may ginawa akong mali sa tipo pa lang ng titig nya."What's the meaning of this?!" nagulat ako sa biglaang pag sigaw ni daddy.Kumalabog ang lamesa sa lakas ng pag bagsak ng mga papel na ibinagsak nya dito. Isa-isa kong tinignan ang mga naka sulat sa papel.Halos manghina ako ng makita kong ito yong mga results sa check-up ko.Sabi ko na nga ba ay 'di ko talaga matatakasan ang pamilya ko pag dating sa bagay na ganito."Who's the father?" malamig ang boses ni daddy.Alam kong kapag nalaman nyang si Bryce ang ama ng dinadala ko mas magiging malala ang situation."Answer me!" Halos di ko magawang igalaw ang m
"Kalimutan mo na lang siya Gianna!" may pagbabanta sa boses ni kuya.Parang may nangyayare sa Pinas na 'di ko alam kaya ganito na lang ako pag bawalan ni kuya."Paano ko kakalimutan? Nang dahil sa'yo kaya ako nagkaroon ng reason kong bakit 'di ko siya kakalimutan! Kong hindi mo binigay sa akin ang box na pag-aari ni Bryce hindi ako magkakaroon ng reason!" frustrated na sagot ko sa kanya.Kinulit ko kasi siya na mag video call kami para makita ko lang man kong okay na ba si Bryce. At ang sinagot sa akin kalimutan ko na lang daw si Bryce! Nababaliw na ba ang kuya ko? Ibang-iba na talaga siya hindi na siya yong kuya na kilala ko nong bata pa ako.Sabagay ilang taon na din ang lumipas at mga bata pa nun kami. Alam kong madami ng nag bago, 'di ko din naman alam kong anong mga naranasan ni kuya ng nagkahiwalay kami."Gusto ko lang naman malaman kong anong kalagayan nya?" halos magpamakaawa na ang bose ko."Mag focus ka na lang sa pag-aaral mo." cold na sagot nya sa akin.Halos mapasabunot ak