Share

KABANATA 5.0

last update Last Updated: 2023-11-22 11:42:13

Naglalakad papunta sa resort si Anna ng makasalubong nya si Crissa at Melany. Bestfriend nya ang dalawa at kasalukuyang mag-aaral ng third year college sa pasukan ang dalawa. Naiinggit nga siya sa dalawa dahil malapit na sila grumaduate samantalang siya ay naiiwan pa rin.

"Waaah! Beshy, I miss you!" Agad siyang niyakap ng dalawa at gumaan naman ang pakiramdam nya.

"Kamusta naman kayong dalawa?"

"Ayos na ayos, gala tayo mamaya minsan na nga lang tayo mag kasama eh." ani ni Crissa at halatang masayang masaya ito dahil nakita siya.

Ilang years na rin kasi sila 'di nagkita dahil nag-aaral ang mga ito sa syudad. Kong uuwi man ito sa kanilang lugar di pa rin sila nagkikita dahil 'di naman lumalabas si Anna. Medyo malayo kasi ang bahay ng mga ito kaya 'di sila nagkakasalubungan. Wala rin silang komunikasyon dahil ang phone ni Anna ay 'di gumagana minsan at mahina sumagap ng signal.

"Hindi ko sure, busy kasi kami ngayon sa resort. Lalo na darating si Mayor."

"Hala, I heard that. Jowa pala ni Mayor yong ate ni Janice?" medyo na bigla naman si Anna sa tinuran ni Melany.

Paano kasi ay hindi nya ito alam, ngayon nya lang talaga narinig na girlfriend ng Mayor sa kanilang lugar ang ate ni Janice. Tsaka ang pagkakaalam nya ay busy ito sa manila sa pag-aaral. Pagkakaalam nya rin ay may asawa ang mayor pero nag hiwalay daw ito kumakailan lang. Mukhang ang ate ni Janice ang dahilan kaya nagkahiwalay ang mag-asawa. Nasa late 30's na rin ang mayor kaya masyadong na bigla si Anna ng malaman nya ito. Lalo na matanda lang ng ilang taon sa kanila ang ate ni Janice.

"Totoo pala ang tsismis. Grabe talaga basta mapera papatulan," napairap na lang si Crissa.

"Tumigil na nga kayong dalawa baka may makarinig pa sa inyo dyan," pagsusuway ni Anna sa dalawa.

"Ah basta, Anna mamaya susunduin ka namin ni Crissa. Ang tagal kaya nating 'di nag kasama. Paano ba naman kasi ikaw 'di ka lumalabas dyan sa inyo."

"Sige, t-try ko. Baka kasi 'di ako payagan ni mama at baka abutin kami ng hating gabi sa resort."

"Sa resort ka pala nagwowork? Okay lang 'yan ang tanda mona, eh tapos di ka pa rin papayagan ni mama mo."

Kong siguro 'di nagbago ang ina ni Anna ay marahil papayagan pa siya nito. Pero ngayong ganon na ang pakikitungo sa kanya ay baka 'di siya payagan na umalis sa kanila.

"Puntahan ka nalang namin mamaya sa resort, tsaka may pa disco daw mamaya sa gymnasium ng barangay." Narinig nga ito ni Anna kanina sa kanyang ina. Pa event daw kasi ito ng kanilang Mayor dahil sa pagdalaw nito sa kanilang Barangay.

"Sige-sige, pero kong 'di ako makaabot kayo na lang. Busy kasi talaga kami ngayon dahil sasalubungin namin si Mayor." sabi ni Anna sa dalawa. Mukhang naintindihan naman ito ng kanyang dalawang kaibigan.

"Sige, ingat ka don ah. Impakta pa naman si Janice." natatawang sabi Crissa.

Naaalala nya pa dati noong senior high sila ay inis na inis si Crissa kay Janice. Paano kasi silang dalawa ang naglalaban sa with high honors kaso si Janice pa rin ang nagwagi. Galit na galit nun si Crissa dahil halata naman daw na pinaboran ng mga teacher si Janice dahil mayaman ito. May kaya din naman sila Crissa isa din sila sa may-ari ng mga tindahan na malalaki sa kanilang Barangay. Pero mas mapera nga lang talaga si Janice.

"Bye na sa inyong dalawa," naglakad na si Anna papunta sa resort.

Pagdating nya sa resort ay sinalubong agad siya ng ina na mukhang masama ang timpla ng mukha.

"Ano ba yan, Anna. Alam mong maraming gagawin ngayon dahil may mga bisita na darating tapos ang tagal mo dumating dito sa resort!"

"Pasensya na, ma. Nasalubong ko kasi sila Crissa at Maleny," paliwanag nya sa ina.

"Inuna mo pa talaga sila kaysa sa trabaho mo? Mapapalamon ka ba ng mga 'yon?!" Hindi na lamang sumagot si Anna sa kanyang ina dahil baka kong saan pa ma punta ang usapan.

Pumasok na siya sa kitchen at nag simulang tumulong sa gawain sa pagluluto, paghuhugas at paggagayat ng mga pagkain na ihahalo sa lulutuin. Halos apat na oras na ganon lang ang ginawa nila.

"Guys, kain muna tayo." Pag-aalok ni Daisy sa kanila

"Anna, don ka na lang muna sa beach front nag-aayos sila ng mga lamesa don at nagdedecorate rin para sa pag salubong kay Mayor." ani ng kanyang ina.

Gusto nya sana tumanggi dahil pagod na ang binti nya kakatayo at kamay. Gusto nya rin sana sumabay sa kanila sa pagkakain dahil gutom na siya. Pero mukhang gumawa talaga ang kanyang ina na 'di siya makakain. Hindi man lang 'ata iniisip nito na gutom na siya or alukin na lang muna siya kumain bago papuntahin doon.

Pagdating nya sa harap ng resort ay maayos na rin ang lahat. Nakalapag na lahat ng pagkain na niluto nila at hinihintay na lamang ang pagdating ng mayor. Mga ilang minuto rin na paghihintay ay dumating na ang mayor. Sinalubong pa ito ng mga elementary student drum n lyre habang paparating ang sinasakyan nitong speed boat. Naka sakay kasi ang mayor sa yatch pero dahil 'di naman pwede ang yatch sa mababaw ay kinailangan nilang mag speed boat. Marami pang mga naka sunod na speed boat at mukhang mga security guard ito ng mayor. Napansin rin ni Anna na kasabay ng mayor ang ate ni Janice na si Ayezha. Inalalayan pa ng mayor ang pagbaba nito mula sa speed boat. Napagtanto ni Anna na totoo nga ang tsismis na may relasyon ang ate ni Janice at ang Mayor.

Pagkatapos ng paghahanda at ng makakain na ang mayor ng pananghalian ay sa wakas nakakain na rin si Anna. Pero yon nga lang ay pagkatapos na pagkatapos nyang kumain ay inutusan siya agad ng ina na hugasan lahat ng mga pinggan na pinagkainan ng mga bisita. Napakarami nito at wala man lang katulong si Anna dahil ang ina ay busy rin sa pagluluto na naman at ang iba pa. Paano kasi ay may kainan ulit mamayang gabi na gaganapin. Kasama na doon ang mga kaibigan ng mayor kaya busy pa rin sila.

Halos sumakit ang buong katawan ni Anna sa buong maghapon lalo na sa hugasin na napakarami. Mabuti na lamang ay 'di na siya inutusan ng ina ng matapos nyang ma hugasan ang lahat. Kaso nasa isipan ni Anna na mukhang 'di siya makakasama sa mga kaibigan dahil mukhang marami na namang iuutos sa kanya ngayong gabi.

"Anna, umuwi ka na muna sa bahay at maligo. Mag-ayos ka ng sarili mo nakakahiya naman sa mga bisita mamaya. Nagsabi kasi si Ma'am Gezelle na kasama lahat ng staff sa resort kakain mamaya ng dinner. Dalhan mo na rin ako ng damit, dito na lang din ako maliligo."

Pagkatapos sabihin yan ng ina ay agad na umuwi si Anna. Naabutan nya ang kanyang tiyo at si Ronel na kumakain.

"Kain ka muna pamangs, mukhang pagod ka." bati sa kanya ng tiyo pagdating nya pa lang.

"Sige lang tiyo, sa resort na daw po kasi kami maghahapunan." sagot ni Anna rito.

Agad na bumagsak ang katawan ni Anna sa hinihigaan nyang kama. Hindi man ito ganon kalambot dahil manipis lang ang kutson. Pinaglumaan lang kasi ito sa resort at binigay sa ina. Sobrang na pagod ang katawan ni Anna buong mag hapon kaya napag desisyunan nya munang humiga. Total ay maaga pa rin naman mamaya pa kasing alas otso ang dinner. Mag alas sais pa lang din naman kaya kampante lang siyang nahiga.

"Hoy, Anna! Gising na dyan, gurl!" nagising si Anna dahil sa may yumuyogyog sa kanya. Nagulat siya ng makita ang kanyang dalawang kaibigan.

"Anong ginawa nyo dito?" wala sa sarili na tanong nya.

"Malamang sinusundo ka, gurl. Wala ka kasi don sa resort tinanong ko sa mama mo sabi umuwi ka daw." Agad namang natauhan si Anna nang mapagtanto nyang naka tulog pala siya sa sobrang pagod.

"Anong oras na?" mukhang malalagot na naman siya sa ina nito.

"7:30, girl." sagot ni Crissa sa kanya.

Agad siyang naghalukay ng maayos na damit na susuotin nya.

"Dito lang kayo maliligo muna ako," agad siyang tumakbo sa banyo. Mabuti na lamang din ay may tubig na isang balde sa banyo.

Pagkatapos nyang maligo naabutan nya ang dalawa nyang kaibigan na naghihintay sa labas ng kanilang bahay.

"Bakit nandito kayo sa labas?"

"Ah, kasi ang hirap ng signal kaya lumabas muna kami saglit." sagot ni Melany sa kanya.

Bago nya lang din na pansin na ang gaganda ng ayos ng mga kaibigan nya at halatang mga bago ang dress na suot. Samantalang siya ay ang dress nya pa na binili ng kanyang ina ng prom night noong senior high siya. Ang babango rin ng mga ito, naubos na rin kasi ang pabango nya na binili na tag 50 pesos tanging johnson na pulbo na lang ang meron siya.

Kinuha nya na ang damit ng ina at pinasok sa loob ng shoulder bag nya.

"Ano oras na?" tanong nya sa dalawa nyang kaibigan.

"Maaga pa naman 8 pa lang," mukhang lagot talaga siya sa mama nya.

"Bilisan natin papagalitan kasi ako ni mama nito, lalo na nandito sa akin ang damit nya na susuotin."

Nagmadali naman sila sa paglalakad nakarating sa sa resort ng sampung minuto na lakaran. Agad hinanap ni Anna ang kanyang ina.

"Ma," halata dito ang inis sa kanya ng makita siya. Agad siya nitong sinampal pagkalapit na pagkalapit nya pa lamang.

"Gusto mo ba ako ipahiya, ah?! Pinaaga kita ng uwi para maaga ka rin makabalik pero, ano?! Bwesit ka talaga kahit kailan!" Hinablot sa kanya ng ina ang shoulder bag na bitbit nito at dumirtso sa banyo ng resort.

Hindi nya namalayan na napaiyak na pala siya sa pag sampal ng ina. Ito ang unang beses na napag buhatan siya ng ina ng kamay. Hindi nya nga na isip na darating pala ang panahon na magiging ganito ang samahan nila ng kanyang ina.

Lumabas siya ng resort sa sama ng loob ay ayaw nya na lamang pang sumama sa dinner na gaganapin.

"Ayos ka lang ba?" mukhang na pansin nila Crissa at Melany na tahimik si Anna. Agad nila itong niyakap na nagpa gaan naman ng pakiramdam ni Anna.

"Ayos lang ako, siguro maglakad lakad na lang muna tayo." agad naman sumang-ayon ang dalawa sa suggestion ni Anna.

Napag desisyunan nila na sa dalampasigan nalang muna maglakad lakad habang 'di pa nagsisimula ang disco sa gymnasium ng kanilang Barangay. Pagkatapos pa daw kasi ng pa dinner ng Mayor sa resort bago mag start ang disco.

"Alam mo ba nakakatakot kanina? Habang naglalakad kasi kami ni Crissa ang dami namin nasasalubong na mga armadong lalake."

"Kaya nga, akala mo naman may papatay kay Mayor makapag dala naman ng maraming guard. Okay lang sana kong maayos ang mga mukha pero mukhang mga sanggano na di gagawa ng maganda. Kaya nakakatakot."

Hindi na pansin iyon kanina ni Anna pero ngayong naglalakad sila papunta ng dalampasigan ay may nakasalubong nga sila na iilan. Parang ayaw na nga lang nila tumuloy sa paglalakad. Huminto sila sa di kalayuan sa may resort at na upo sa isang tabi.

"Ano yon?" napahinto sila ng may marinig silang sigaw. Hindi ito maririnig masyado sa resort dahil sa ingay na tugtug at mukhang mas malapit sa pwesto nila ang sumisigaw.

Hindi sila maaaninag masyado dahil sa punong nakatabon sa kinauupuan nila. Mga ilang minuto lamang ay nakarinig sila ng paparating at marahan silang nakinig sa pinag-uusapan ng mga ito.

"Ikaw ba ang kumuha ng flash drive?"

"Hindi p-po, ma'am" halos ma iyak na ang boses nito.

"Hwag mo akong inuuto, Emelda! Ikaw lang ang pumasok sa kwarto ko at nawala na ang flash drive!" Isang malakas na sampal ang natanggap ni Emelda mula sa babae.

Hindi nila gaanong ma kilala ang babae dahil sa hindi ito nakaharap sa pwesto nila at medyo madilim pa ang pwesto nito. Pero kilala ni Anna si Emelda isa ito sa mga tagalinis sa resort.

"Ma'am, maniwala po kayo wala po akong kinuha." nakaluhod na si Emelda sa harap ng babae. Agad hinila nito ang buhok ni Emelda at sinampal kanan at kaliwa. Halos di makapaniwala sila Crissa, Anna at Melany sa nasaksihan nila. Gusto sana nila tumulong pero natakot sila dahil may nakasunod na mga armadong lalake sa babaeng nanakit kay Emelda.

"Siguraduhin mong nagsasabi ka ng totoo dahil kong hindi ipapapatay kita! Hindi lang ikaw idadamay ko rin buong pamilya mo!" Halos dumagundong ang dibdib ng tatlo sa mga narinig.

"Ayezha, let's go." tsaka lamang nila napagtanto na si Ayezha pala ang babae kong 'di pa ito tinawag ng mayor. Umalis na ang mga ito at kinaladkad ng mga armadong lalake si Emelda palayo.

"Totoo ba ang nasaksihan natin?" hindi makapaniwalang tanong ni Melany.

"Ano pa nga ba? May pinagmanahan pala talaga si Janice." ani ni Crissa.

Tahimik naman si Anna sa isang tabi at parang 'di pa nag sink-in sa kanya ang mga nangyare.

Related chapters

  • Once Upon A Time...In My Heart   KABANATA 5.5

    Nasa kanyang room si Bryce at hinihintay si Oliver. Kinailangan pa kasi nitong ma access ang cctv ng buong resort para 'di pumalpak ang kanilang plano. Palihim kasing pumasok ito sa kwarto ni Ayesha. Bumakas ang pintuan ng kanilang kwarto at bumungad si Oliver. "Ayos ba?" mayabang na sabi ni Oliver kay Bryce. "Nakuha mo ba?" "Ako pa ba?" mayabang na sagot pa rin nito. Itinaas pa nito ang flash drive na hawak para siguraduhin kay Bryce na nakuha nya nga.Nakita kasi nila kanina na may ibinigay na flash drive kay Ayezha ang mayor. Base kasi sa information na nakalap nila ay importante ang nilalaman nun. Kasabwat din ang mayor sa mga illegal na gawain sa naturang lugar."Lagay na natin sa laptop," agad nilagay ni Bryce ang flash drive.Maraming folder ang nakalagay pero walang mga laman ito. Pinaka huling folder na lang ang 'di nila na o-open at may nakalagay na file name na blue print.Pag click ni Bryce ay lumabas ang blue print ng buong isang bahay. Hindi lang siya as in bahay dahil

    Last Updated : 2023-11-24
  • Once Upon A Time...In My Heart   KABANATA 6

    ANNA POINT OF VIEWPumasok ako sa resort kahit na masama ang loob ko kay mama. Alam ko naman kasi na kailangan namin ng pera kaya titiisin ko na lang. Isang araw na rin kasi akong absent at isang araw na rin kaming 'di nagpapansinan ni mama. Pero 'di ko pa rin lubos ma isip kong anong nangyare sa akin nong na lasing ako? Kong sino ang nag hatid sa akin?"Anna," pag dating ko pa lang ang tinawag agad ako ni Janice. Lumapit naman ako sa kanya."Ano yon?""Linisan mo nga yong room ko, absent kasi si Emelda." Naalala ko tuloy yong nangyare noong isang gabi."Pero 'di naman ako naka assign sa paglilinis sa kusina ako," sagot ko sa kanya. Kasi don naman talaga ako lagi naka assign."Sino bang boss dito?" nakataas pa ang kilay nito sa akin.Kaya wala akong nagawa kundi sundin siya. Sa totoo lang 'di ko alam na ganito ang ugali ni Janice. Noong high school kasi 'di ko siya nakakausap kasi 'di naman siya namamansin. Habang naglalakad ako ay na pa hinto ako at napatingin sa buhanginan ng dalam

    Last Updated : 2023-11-26
  • Once Upon A Time...In My Heart   KABANATA 7

    GIANNA POINT OF VIEWKagigising ko lang ngayon para sana mag asikaso sa kusina kaso na una na palang gumising si tiyo. Kahit pa paano may reason pa rin ako para mag stay dito. Mukhang 'di na kasi magbabago ang trato sa akin ni mama."Kain na Anna," pag-aaya sa akin ni tiyo ng makita nya akong gising na."Sige lang po, maliligo na lang muna ako.""Anna," napalingon ng marinig ko ang boses ni mama. Gising na rin pala siya. Ito ang unang araw na pinansin nya ako."Hwag ka ng pumasok muna, napakadami na ng labahin, maglinis ka na rin dito sa bahay." Hindi ako sumagot sa kanya pero tumango ako. Ilang araw na rin kasi kaming naging busy sa resort kaya 'di na namin 'to na asikaso ang bahay."Meron din palang ibang labahin dyan na pinapalaba. Isama mo na lang din sayang pa rin yan pera pa. Sa dami nating utang 'di ko na alam uunahin."Nag almusal na si mama pagkatapos nyang sabihin yan. Sa totoo lang ayoko magalit kay mama kahit na nagbago siya ng pakikitungo sa akin. Lalo na kapag ganitong p

    Last Updated : 2023-11-30
  • Once Upon A Time...In My Heart   KABANATA 8

    Maaga ako ngayong pumasok sa resort. Ako lang ang papasok ngayon, 'di kasama si mama dahil sumama ang pakiramdam nya. Pagdating ko sa resort ay 'di naman ganon ka busy. Pinag punas lang muna ako ng mga lamesa sa restaurant dahil wala pa naman kumakain. Mostly kasi yong mga guest kumakain lunch na.Habang nagpupunas ako at naka tingin sa dagat na nasa harap. Natigilan ako kasi si Bryce naglalakad kasama ang ate ni Janice. Muntik na pa naman akong maging assuming sa mga pinapakita nya sa akin. Dapat siguro iwasan ko na lang siya no? Pero di ko pa naman confirm kong sila ba? Kong sila iiwasan ko na lang siya baka mag selos pa sa akin si Ayezha.Pero ano naman ipapagselos nya sa akin? Hindi naman ako maganda? Hindi nya rin ako kasing puti, hindi rin makinis ang balat ko 'di katulad sa kanya ang clear ng skin. Wala ring makikitang kahit isang pimples man lang sa mukha nya. Break na ba sila ng Mayor?"Mukhang tulala ka?" natigilan ako ng lumapit sa akin ang isa mga guest dito. Kilala ko siy

    Last Updated : 2023-12-03
  • Once Upon A Time...In My Heart   KABANATA 9

    Nagwawalis ako ngayon dito sa loob ng bakuran namin ng mapa hinto ako ng may tumawag sa akin."Anna," biglang bumilis yong tibok ng puso ko ng makita ko kong sino. Kahit na boses nya alam ko na agad kong sino.Anong ginagawa nya rito? Ilang araw ko rin siyang hindi nakita noong pumunta sila ng isla. Ano kayang nangyare don?"Anong ginagawa mo dito?""Magpapasama lang sana ako sa'yo," bakit parang alam nya na hindi ko kayang tumanggi kapag humingi siya ng pabor?"Saan?""Basta, samahan mo na lang ako. Ano sasama ka ba?" bago tumingin siya sa relo nya."Teka, mahihintay mo ba ako magbibihis lang sana ako." nakakahiya naman na kahit naka plain t-shirt lang siya at naka pang summer na shorts eh, mukha na siyang expensive. Samantalang ako mukhang haggard."No, need maliligo naman tayo. Kaya 'wag kana mag bihis mag-ayos ka na lang siguro." Agad akong tumakbo sa loob. Hindi ko alam kong ma o-offend ako sa pinagsasabi nya na mag-ayos na lang daw ako? Pangit ba ako sa itsura ko? Agad kong tin

    Last Updated : 2023-12-04
  • Once Upon A Time...In My Heart   KABANATA 10

    GIANNA POINT OF VIEWNasa kitchen ako ngayon at napakaraming guest ngayon na dumating. More on mga local tourist ang dumating."Anna," tawag sa akin ni mama at ibinigay ang tray na naglalaman ng foods.Naglalakad na ako palabas pero halos manginig ang kamay ko nang makita ko si Vincent. Siya yong anak ng governor sa probinsya namin. Ang kapal ng mukha nya na magpakita dito. Tumingin siya sa akin at ngumisi. Hindi ko namalayan na nabitiwan ko pala ang hawak kong tray."Anna, okay ka lang?" si Bryce yong lumapit sa akin at tinulungan nya ako mag dampot ng mga pagkain na nahulog at mga na basag na plato.Parang nawala ako sa sarili ko na kahit si Bryce 'di naging sapat para maging okay ako. Agad akong bumalik sa kitchen at nakakunot na noo ni mama ang bumungad sa akin."Ma," nag teary eye na ako dahil gusto kong sabihin sa kanya yong nararamdaman ko. Pero isang sapak lang naman ang na tanggap ko mula sa kanya."Ano bang ginagawa mo? Alam mong ibabawas yang mga na basag mo sa sahod natin!

    Last Updated : 2023-12-17
  • Once Upon A Time...In My Heart   KABANATA 11

    GIANNA POINT OF VIEWNagising akong nakahiga sa puting kama. Anong nangyare sa akin? Bakit parang wala ako sa bahay, teka naalala ko yumanig ang lupa at harap-harapan kong nakita si Bryce and Janice. Sumakit tuloy ulo ko ng maalala ko ang scene na yon. Grabe naman si Bryce pinapagsabay nya talaga kaming lahat hayys."Gising ka na pala?" nagulat ako ng makita si mama na nasa may pinto at may bit-bit na pagkain. "Kumain kana muna baka gutom kana." talagang gutom na ako at 'di ko rin alam bat ako gutom? Anong oras na ba?"Nasaan po ako?" kasi 'di ko naman talaga alam na gising na lang akong nandito ako."Nandito tayo sa center. Nahimatay ka kasi kahapon dahil na bagsakan ka ng poste."Marahan ko naman hinawakan ang noo ko at may bandage nga na nakalagay dito. Pagkakatanda ko yumanig nga pala ulit ang lupa at natumba yong maliit na poste sa may tabi ko. Mabuti na nga lang kahoy lang yong poste paano na lang kong bakal yon baka na tigok na ako ngayon."Kumain kana muna, yan lang ang nadala

    Last Updated : 2023-12-20
  • Once Upon A Time...In My Heart   KABANATA 12

    Nagising ako dahil sa ingay na nasa labas. Agad akong bumangon at nagulat ako dahil may mga police na nandito sa labas ng bahay. Si mama naman ay 'di mapakali at parang naiiyak na. Lumapit ako sa kanya para mag tanong."Ma, anong nangyayare?""Ang tiyo mo kasi kasabwat sa mga nagbebenta ng drugs sa kabilang isla. Pinaghahanap siya ngayon kagabi pa rin siya 'di umuuwi."Gulat na gulat ako dahil 'di ko akalain na gagawin yon ni tiyo. Matino si tiyo at sa ilang years na kasama ko siya 'di ko man lang napag isipan na gagawin nya yon. Kaya ba palagi siyang may pera nitong mga nagdaang linggo. Alam kong ginawa nya lang yon dahil walang wala na kami at wala siyang ibang mapagkakitaan. Pero mali pa rin talaga ang ginawa nya.Nagtaka pa ako pa ako kasi nandito si Bryce nasa may gilid siya. Hindi ko talaga alam kong ano ba si Bryce at kong sino siya. Napag isip-isip ko kasi matapos kong makita ang baril sa drawer nya. Yong mga time na sinasama nya ako dati parang spying ang ginagawa namin nun.

    Last Updated : 2023-12-23

Latest chapter

  • Once Upon A Time...In My Heart   FINAL CHAPTER

    A MONTHS LATERHabang pinagmamasdan ni Bryce si Gianna and Althea habang naglalaro ang dalawa sa dalampasigan. Hindi nya maiwasan na mapangiti, hindi nya kasi akalaing darating ang araw na magiging buo sila.Noong una palang nyang nakita si Anna ay naging interesado na siya dito. Hindi nya lang akalaing mamahalin nya ito. Akala nya ay wala ng pag-asa para sa kanilang dalawa. Lalo na nong panahong umamin ito sa kanya kaso nga lang ay naging duwag siya ng mga panahong yon.Natakot siya sa mga pwedeng mangyare pero ngayon ay handa na siyang harapin ang lahat. Lalo na ay may anak na silang dalawa."Papa Arturo!" sigaw ni Althea kay Bryce.Natawa naman ng sobra si Gianna ng marinig nya na naman ang tawag kay Bryce ni Althea."Papa let's play please." agad namang umiling si Bryce."Baby we need to visit your cousin." umupo siya para maging kapantay nya si Althea."Talaga po? Makikita ko si Yael and Olivia?" tumango naman si Bryce.Excited naman si Althea at nag madali itong tumakbo papunta k

  • Once Upon A Time...In My Heart   KABANATA 34

    ANYA POINT OF VIEWKanina pa ako humupa sa pag-iyak pero di pa din ako nagsasalita. Hindi naman ako tinanong ni Bryce kong anong nangyare sa halip ay inalo nya lang ako habang umiiyak kanina.Kumakalam pa din ang sikmura ko dahil kanina pa ako walang kain. Pero isa lang ang gusto kong malaman sa ngayon kong na saan ang anak ko. Sobrang saya ang nararamdaman ko ngayong nalaman kong buhay ang anak ko. Pero at the same time masakit kasi mismong ama ko pa ang gumawa para maging misebrable ang buhay ko.Akala ko si Bryce ang tataguan ko ng anak pero kami pa lang dalawa ang tinaguan ng anak."Gusto kong makita sila mama, Bryce."Simula kasi ng umuwi ako ay di ko pa sila nadadalaw. Kamusta na kaya sila? Naging busy din kasi ako kaya nakalimutan ko silang tawagan man lang. For sure binata na si Ronel, sobrang tagal na din talaga ng huli ko siyang makausap at makita."Let's go," bago ay inalalayan nya akong tumayo.Pagdating namin sa parking area ay nagulat pa kami ng nandoon si Althea at kapa

  • Once Upon A Time...In My Heart   KABANATA 33

    Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Naririnig ko din ang ingay sa paligid at mahihinang tawa ng isang bata.Lumabas ako at bumungad sa akin si Bryce and Althea na naglalaro. Hindi ko maiwasang mapangiti sa kanilang dalawa. Siguro kong si Brianna buhay din for sure magiging ganito din sila ni Bryce.Nang mapansin nila akong dalawa na naka tingin sa kanila ay agad na lumapit si Bryce sa akin habang karga nya si Althea"Good morning po," malawak ang ngiti nito habang binabati ako."Good morning din." bati ko sa kanya pabalik.Lumabas kaming dalawa sa bahay at naglalaba pala ang kanyang tiya sa may balon na nasa gilid ng kanilang bahay."Saan ang mama nya?" tanong ko kay Bryce."Maagang umalis, nagt-trabaho kasi yon sa bayan kaya palaging wala."Napansin ko naman sa di kalayuan na yong bangkang sinakyan ko ay nandito.Sinamahan ako ni Bryce na lumapit sa isang bangkero."Mang Erning, kayo po pala yong naghatid kay Anna dito. Papahatid na po kasi siya pauwi.""Sabi ko na

  • Once Upon A Time...In My Heart   KABANATA 32

    ANNA POINT OF VIEWNaramdaman ko ang pagdampi ng labi nya, sumabay ako sa unti-unti nitong paggalaw. Naramdaman ko ang maiinit na haplos nya na kahit ang lamig ng simoy ng hangin ay di ko maramdaman.Naging malalim ang paghalik nya, gumapang ito hanggang sa panga papunta sa may leeg ko. Napaliyad ako ng dumampi ang kanyang labi sa aking earlobe hanggang leeg, para akong mababaliw sa sarap na nararamdaman ko.Parang bumalik ang unang gabing may nangyare sa amin. Yon nga lang ay di nya iyon natatandaan.Bumalik ang kanyang mga halik sa labi ko para akong napapaso sa init nun. Halos maghabol ako ng hininga ng tumigil siya sa paghalik.Hinawakan nya ako sa pisnge ko bago ay niyakap ako."Natatakot ako na baka kapag natapos to, mawala ka na lang sa akin ulit." bago ay kumalas sa pagkakayakap sa akin.Agad akong umiling sa kanya. "No, hindi na ako papayag na magkalayo pa tayo."This time ako na ang sumiil ng halik sa kanya. Halik na hindi ko na kayang pigilan pa. Kusang sumabay ang mga hali

  • Once Upon A Time...In My Heart   KABANATA 31

    ANNA POINT OF VIEWHalos tulog na ang lahat ng bumangon ako para lumabas. Hindi kasi ako makatulog ng maayos. Hindi ko alam kong anong oras na basta feeling ko madaling araw na.Paglabas ko ay bumungad sa akin ang napakalamig na simoy na hangin.Pumunta ako sa may dalampasigan at naglalakad lakad. Tanging ingay ng mga maliliit na kulisap ang naririnig ko at ang hampas ng alon.Maliwanag din ang buwan na tanging nagiging silbi kong ilaw habang naglalakad. Napatigil ako sa paglalakad ng sa di kalayuan ay nandoon si Bryce.Aalis na sana ako pero na pansin nya ako."Anna?"Kahit ayaw ko siyang ma kausap ay ngumiti ako sa kanya hanggang makalapit na siya sa akin."Anong ginagawa mo dito? Baka lamigin ka.""Sanay naman na ako, ikaw anong ginagawa mo dito?""Hindi ako makatulog, eh."Ilang minutong katahimikan ang namutawi sa aming dalawa. Nakatingin lang kami sa dagat, nagrereflect dito ang liwanag na nagmumula sa buwan. Kaya naman napaka ganda nitong tignan.Napag desisyunan kong mag salit

  • Once Upon A Time...In My Heart   KABANATA 30

    Kinailangan ni Anna na umalis sa eksena at nag paalam na lang siya sa mga ito na maglakad lakad. Para matignan nya ang buong isla at para na din maibsan ang nararamdaman nya.Iikang umalis si Gianna habang kumakain pa ang iba. Kinagat nya ang ibabang labi upang pigilan ang pag buhos ng luha nya.Nasasaktan siya sa mga narinig kanina.Mas nagpabigat pa ng dibdib nya ng maalala ang anak. Kong nabubuhay lang ito ay marahil kasing edad din ng anak nya. Napagtanto nya din na 'di nga talaga siya na gustuhan ni Bryce dati pa lalo na ay mag kasing age lang ang bata na anak nya at ang bata dito.Akala nya ay single ito noon kaya siguro ay ganun na lamang ang reaction nito ng mag confess siya.Nagkaroon ng complication ang anak nya ng pinanganak nya ito. Ilang buwan nya din itong naalagaan hanggang sa di na kinaya ng katawan ng anak nya. Napaupo siya sa isang tabi habang inaalala ang huling karga nya sa anak nya."Anna."Hindi nya pinansin ang tawag ng binata sa kanya."Kamusta ka na?"Blangko

  • Once Upon A Time...In My Heart   KABANATA 29

    FIVE YEARS LATERBumaba ng limousine car si Gianna suot ang kanyang mamahalin na relo, damit, bag at iba pang accessories. "Good morning, Madam." bati sa kanya ng isa sa mga katulong.Hindi nya ito pinansin at nag patuloy sa pagpasok sa loob ng malaking bahay."Welcome back, madam." bati na naman sa kanya ng isa sa maid."This way, madam." turo sa kanya ng staff ng daddy nya papunta sa office nito.Isa lang ang masasabi nya na sa limang taon na 'di siya umuwi ng Pinas ay malaki ang nag bago sa mansion."Hi, Dad" bati nya sa kanyang ama ng pumasok siya sa office nito."Welcome back, anak." Wala ang kuya nya dalawang taon na din ito simula ng magkaroon ng sariling pamilya at umalis. Mas gusto daw kasi nito mamuhay sa isang simpleng lugar na tahimik lang.Hindi nya alam ang mga nangyare sa loob ng ilang taon na wala siya. Nag focus kasi siya sa pag-aaral nya at inabala ang sarili sa mga bagay-bagay. Masyadong masakit ang mga nangyare kaya gusto nyang makalimot."I miss you, daddy." niy

  • Once Upon A Time...In My Heart   KABANATA 28

    GIANNA POINT OF VIEWNaglalakad ako papunta sa office ni daddy, kadadating nya lang pero agad gusto nya na akong makausap.Nag-uunahan sa kabog ang dibdib ko habang binubuksan ko ang pintuan.Dahan-dahan akong lumapit kay daddy at matamang nakatitig sa akin."May sasabihin daw po kayo?" mahinang tanong ko dito.Napalunok ako ng seryosong nakatitig pa din sa akin si daddy. Alam kong may ginawa akong mali sa tipo pa lang ng titig nya."What's the meaning of this?!" nagulat ako sa biglaang pag sigaw ni daddy.Kumalabog ang lamesa sa lakas ng pag bagsak ng mga papel na ibinagsak nya dito. Isa-isa kong tinignan ang mga naka sulat sa papel.Halos manghina ako ng makita kong ito yong mga results sa check-up ko.Sabi ko na nga ba ay 'di ko talaga matatakasan ang pamilya ko pag dating sa bagay na ganito."Who's the father?" malamig ang boses ni daddy.Alam kong kapag nalaman nyang si Bryce ang ama ng dinadala ko mas magiging malala ang situation."Answer me!" Halos di ko magawang igalaw ang m

  • Once Upon A Time...In My Heart   KABANATA 27

    "Kalimutan mo na lang siya Gianna!" may pagbabanta sa boses ni kuya.Parang may nangyayare sa Pinas na 'di ko alam kaya ganito na lang ako pag bawalan ni kuya."Paano ko kakalimutan? Nang dahil sa'yo kaya ako nagkaroon ng reason kong bakit 'di ko siya kakalimutan! Kong hindi mo binigay sa akin ang box na pag-aari ni Bryce hindi ako magkakaroon ng reason!" frustrated na sagot ko sa kanya.Kinulit ko kasi siya na mag video call kami para makita ko lang man kong okay na ba si Bryce. At ang sinagot sa akin kalimutan ko na lang daw si Bryce! Nababaliw na ba ang kuya ko? Ibang-iba na talaga siya hindi na siya yong kuya na kilala ko nong bata pa ako.Sabagay ilang taon na din ang lumipas at mga bata pa nun kami. Alam kong madami ng nag bago, 'di ko din naman alam kong anong mga naranasan ni kuya ng nagkahiwalay kami."Gusto ko lang naman malaman kong anong kalagayan nya?" halos magpamakaawa na ang bose ko."Mag focus ka na lang sa pag-aaral mo." cold na sagot nya sa akin.Halos mapasabunot ak

DMCA.com Protection Status