Nakatingin si Bryce sa Mapa ng Barangay Tugdunan. Tugdunan ang pangalan ng lugar na pinuntahan nila kasama ang kanyang partner na si Oliver. Isa kasi sa mission nya bilang secret agent ay mag spy sa naturang lugar. Dito daw kasi ang kuta ng drug lord na pinaghahanap nila. Hindi lang basta ito drug lord dahil marami pa itong ibang mga illegal na gawain. Leader ito ng isang sindikato at 'di lubos ma isip ni Bryce kong anong meron sa lugar na ito kong bakit dito na isip mag hide-out.
"Nakakalap ka na ba ng iba pang information?" umiling si Bryce sa tanong ni Oliver na kasalukuyang busy sa paghahanap ng signal.Mahirap kasi ang signal sa naturang barangay dahil 'di pa naman ganon ka improved ang lugar. Tanging sa dalampasigan lamang may signal at sobrang hina pa. Kailangan ay talagang mapag pasensiya ka."Hindi ko pa nakikita ang hide-out nila. Sigurado ba sila sa nakuha nilang information na dito naglulungga yong drug lord na yon?""Maybe may iba pa silang lugar na pinagtataguan hindi mismo dito sa baryo," sabi ni Oliver.Sabagay sino ba naman kasing tanga na maglulungga sa madaling makita sabi ng isipan ni Bryce."Yeah, maybe in the jungle." sagot ni Bryce. Hindi na sumagot pa si Oliver dahil busy ito sa paghahanap ng signal, halata na rin sa mukha nito ang pagkairita at pagmumura."Nagtatampo na ba, bebe mo?" natatawang tanong ni Bryce kay Oliver."Maybe, kagabi pa ako 'di nakapag update sa kanya.""Patayuan mo nalang 'to ng network provider para 'di kana namomoproblema sa signal and internet." Easy lang naman kasi kay Oliver dahil anak ito ng billionaire at nang mismong boss ng organisasyon nila.Na isip ni Bryce na mabuti na lamang siya ay walang girlfriend, wala siyang iisipin na magagalit sa kanya kapag 'di siya naka pag update. Lalo na napakahirap pala ng signal sa lugar na ito."Napansin mo ba padami ng padami ang pumupunta dito?" tumingin naman si Oliver sa tinutukoy ni Bryce. May paparating kasi na malaking bangka at may sakay itong mga turista.Dapat talaga 'di sila tutuloy sa resort dahil mas magagastusan lang sila kapag sa resort sila tumuloy. Pero nong naghanap sila ng apartment na pwede nilang tirahan ay wala silang makita kahit boarding house man lang. No choice sila kundi gumastos ng pera, pero dahil yakang yaka naman ni Oliver lahat ng gastusin ay 'di na iniisip ni Bryce ang pera.Pinag masdan nila ang mga tourist na bagong dating. Parang may kakaiba dahil sa laki ng mga bitbit nitong mga bag. Hindi rin naka ligtas sa paningin nila ang isang lalake na may naka sukbit na baril sa likuran nito. Hindi ito mahahalata ng isang ordinaryong tao lang lalo na kong 'di kinikilatis ng husto."Mukhang may iimbestigahan tayo," mahinang sabi ni Oliver sa kanya. Pero busy pa rin ito sa pag p-phone at 'di halata na nagmamasid ito sa mga bagong dating."Pupunta ba si Anya?" tanong ni Brent na agad naman umiling si Oliver. Girlfriend ni Oliver si Anya na isa din sa member ng kanilang organisasyon.Aalis din kasi agad si Oliver pagkatapos ng isang buwan. Sa loob ng isang buwan dapat makakuha na sila ng lead kong saan ang hide-out ng drug lord na hinahanap nila. Tanging si Bryce na lamang ang maiiwasan sa naturang lugar kapag natapos ang dapat gawin ni Oliver.*****Kagigising lang ni Anna at masakit na masakit ang katawan nya. Mag hapon kasi siyang nakatayo sa resort kagabi."Gumising kana dyan Anna, darating mamaya ang tiyo mo! Ilako mo rin muna 'tong suman na niluto ko." Kahit masakit ang katawan ay pinilit ni Anna bumangon.Medyo natuwa rin siya dahil darating ang kanyang tiyo kasama ang kanyang pinsan na si Ronel. Dalawang linggo kasi itong nanatili sa city para maghanap ng trabaho pero mukhang 'di nakakuha ng trabaho dahil umuwi ito. Hindi kasi nakapag high school ang kanyang tiyo kaya pahirapan din talaga makahanap ng papasukang trabaho sa syudad. Kong dito naman ay tanging pangingisda lang ang hanap buhay. Kasama dati ng kanyang ama ang tiyo nya sa pangingisda pero ngayon mukhang mag-isa na lamang itong mangingisda."Mauuna na ako sa resort ikaw na 'tong mag tinda ng suman." Iniwan ng ina ang kinse pirasong balot ng suman. "Hwag mo rin palang kakalimutan na lakuan ang resort nagsabi kasi sa akin kagabi si ma'am Janice na bibili siya," dagdag pa ng ina bago tuluyang umalis.Nag tali lamang ng buhok si Anna at binitbit na ang basket na naglalaman ng suman."Ate Bebang bili na po kayo ng suman," alok ni Anna sa nakasalubong nyang babae na nasa edad trenta."Naku, wala 'ata akong barya Anna." pinakita nito ang isang libong piso."Utangin mo na lang po mamaya ko na lang kunin ang bayad," sagot ni Anna. Malapit lang din naman kasi ang bahay nito sa kanila kaya madali nya lang masisingil kong sakali."Sige, bente pa rin 'di ba ang balot?" marahan namang tumango si Anna at inabot ang isang balot ng suman.Naglakad pa si Anna hanggang sa nakarating na nga siya sa resort. Agad nyang hinanap ang ina pero wala raw ito roon dahil inutusan ng may-ari ng resort na mag-abang sa aplaya para bumili ng isda at iba pang sea foods. Ibinigay naman ni Anna kay Gezelle ang limang balot na suman. Si Gezelle ang may-ari ng resort na pinagt-trabahuhan nilang mag-ina."Ano yan, ma?" Si Janice ang nag tanong ang anak ni Gezelle.Mag k-klase si Janice at Anna noong high school sila hanggang senior high. Sa totoo lang ay naiinggit si Anna rito dahil sa mayaman sila at nabibili nya lahat ng gusto."Suman, tara mag kape muna tayo. Salamat, Anna." Marahan lang tumango si Anna at saglit na sinulyapan naman siya ni Janice. Ngingitian nya sana 'to pero ang reaction nito ay parang nandidire sa kanya. Kahit naman kasi mag klase sila noon ay 'di man lang 'ata siya nag e-exist kay Janice o baka nga 'di siya nito kilala.Sikat na sikat si Janice dati sa batch nila dahil sa maganda na, matalino pa.Umalis na si Anna at dumiritso sa aplaya, malayo pa lamang siya ay nakikita nya na ang ina na bumibili sa mga mangingisda na bagong dating galing laot."Dito kana pala, 'di pa ba yan ubos ang inuutos ko sayo?" halata sa boses ng ina ang pagkairita. "Baka nagpautang ka na naman, sinabi ko naman sa'yo walang utang 'di ba? Lubog na tayo sa utang tapos magpapa utang ka pa? Paano na tayo nyan aahon?" Hindi naka sagot si Anna dahil karamihan talaga ng napag bentahan nya ay umutang.Ayaw nya rin naman na 'di pautangin dahil mga kakilala naman nila ito at 'di mauubos ang paninda kong 'di siya magpapautang."Bilhin ko na lang po yan lahat," nagulat si Anna sa biglaang pag sulpot ni Bryce."Napakabait mo naman pala, sigurado ka ba hijo bibilhin mong lahat?" tuwang tuwa naman ang kanyang ina."Opo, magkano po ba?""Bente lang ang isang balot, total apat na balot na lamang din yan."Nanonood lamang si Anna sa kanila habang nag-uusap ang kanyang ina at si Bryce. Hindi rin ma iwasan ni Anna na mapatitig sa binata. Mas lalo kasi siyang humanga rito lalo na nong bibilhin nito ang kanyang mga paninda.Inabot ni Anna sa binata ang apat na balot nang makapag bayad ito sa ina."Sayo na yang isa mukhang 'di ka pa kasi kumakain," kumindat pa ito sa kanya bago umalis.Napatingin tuloy si Anna sa suman na natira na nasa palad nya. Na isip nyang masyado bang halata na 'di pa siya kumakain dahil nalaman nito."Ano pang tinatanga-tanga mo dyan, Anna? Tara na sa resort tulungan mo akong maglinis nitong mga isda." Agad namang na tauhan ang dalaga sa tinuran ng ina.******Matapos bumili ni Bryce ng suman ay iniisip nya kong paano nya makakain ang lahat. Paano kasi ay bumili rin siya ng isda na uulamin nila para sa agahan. Sinadya nilang bumili para maka tipid sila dahil wala naman kasing atm machine sa lugar. Kukunti na lang din ang cash na dala nila."Aanohin natin 'yan?"Kumuha ng isang suman si Oliver habang siya naman ay tulala sa binili nyang suman. Paano ba naman kasi limang piraso pala ang laman ng isang balot. Nasanay kasi siya sa city na mahal ang mga bilihin at kukunti lamang ang isang balot.Hindi rin lubos ma isip ni Bryce kong bakit binili nyang lahat ng suman na tinitinda ni Anna. Paano kasi ay narinig nyang pinapagalitan ito ng ina."May class ka pa ba bukas?" Isa kasing substitute teacher si Oliver sa naturang lugar."Yeah, ang hirap never ko pinangarap maging isang guro." Natawa naman si Brent sa kanya."Ginusto mo yan, ulol!"Si Oliver naman kasi talaga ang nag insist na maging guro tapos nagrereklamo na ito ngayon. Hinahanap nya kasi ang nawawala nyang kapatid at isa sa makakapagturo sa kanya kong na saan ang kapatid nya ay isa sa mga magulang ng estudyante na nag-aaral rito.Nasa dalampasigan si Bryce at malapit na rin mag hating gabi. Nagpapa signal kasi ito dahil may i-se-send raw na files ang organization tungkol profiles na in-imbestigahan nila. Uuwi na sana si Bryce nang may marinig siyang paparating na isang grupo ng kalalakihan. Agad siyang kumubli sa isa sa mga puno."Pre, ngayon na ba ang dating ng mga armas?" nakikinig lamang si Bryce sa pinag-uusapan ng mga ito."Bobo ka ba? Kaya nga tayo naka abang ngayon dito!""Mga armas lang ba ang darating?""Hindi ko alam, pero mukhang may iba pa."Hindi maaninag ni Bryce kong sino-sino ang mga ito dahil sa madilim ang area. Wala rin kasi talagang buwan o bituin man lang na makikita sa kalangitan. Nanatili si Bryce sa pinagtataguan nito upang makakuha pa ng ibang information. Malalaki ang katawan ng mga ito halos doble ng katawan nya. Kaya kong babalakin nya man sumugod ay dehado siya. Wala rin naman sa mission nya ang sumugod kundi ang magmanman lang.Mga ilang minuto pa na paghihintay ay may dumating na
Naglalakad papunta sa resort si Anna ng makasalubong nya si Crissa at Melany. Bestfriend nya ang dalawa at kasalukuyang mag-aaral ng third year college sa pasukan ang dalawa. Naiinggit nga siya sa dalawa dahil malapit na sila grumaduate samantalang siya ay naiiwan pa rin. "Waaah! Beshy, I miss you!" Agad siyang niyakap ng dalawa at gumaan naman ang pakiramdam nya. "Kamusta naman kayong dalawa?" "Ayos na ayos, gala tayo mamaya minsan na nga lang tayo mag kasama eh." ani ni Crissa at halatang masayang masaya ito dahil nakita siya. Ilang years na rin kasi sila 'di nagkita dahil nag-aaral ang mga ito sa syudad. Kong uuwi man ito sa kanilang lugar di pa rin sila nagkikita dahil 'di naman lumalabas si Anna. Medyo malayo kasi ang bahay ng mga ito kaya 'di sila nagkakasalubungan. Wala rin silang komunikasyon dahil ang phone ni Anna ay 'di gumagana minsan at mahina sumagap ng signal. "Hindi ko sure, busy kasi kami ngayon sa resort. Lalo na darating si Mayor." "Hala, I heard that. Jowa pa
Nasa kanyang room si Bryce at hinihintay si Oliver. Kinailangan pa kasi nitong ma access ang cctv ng buong resort para 'di pumalpak ang kanilang plano. Palihim kasing pumasok ito sa kwarto ni Ayesha. Bumakas ang pintuan ng kanilang kwarto at bumungad si Oliver. "Ayos ba?" mayabang na sabi ni Oliver kay Bryce. "Nakuha mo ba?" "Ako pa ba?" mayabang na sagot pa rin nito. Itinaas pa nito ang flash drive na hawak para siguraduhin kay Bryce na nakuha nya nga.Nakita kasi nila kanina na may ibinigay na flash drive kay Ayezha ang mayor. Base kasi sa information na nakalap nila ay importante ang nilalaman nun. Kasabwat din ang mayor sa mga illegal na gawain sa naturang lugar."Lagay na natin sa laptop," agad nilagay ni Bryce ang flash drive.Maraming folder ang nakalagay pero walang mga laman ito. Pinaka huling folder na lang ang 'di nila na o-open at may nakalagay na file name na blue print.Pag click ni Bryce ay lumabas ang blue print ng buong isang bahay. Hindi lang siya as in bahay dahil
ANNA POINT OF VIEWPumasok ako sa resort kahit na masama ang loob ko kay mama. Alam ko naman kasi na kailangan namin ng pera kaya titiisin ko na lang. Isang araw na rin kasi akong absent at isang araw na rin kaming 'di nagpapansinan ni mama. Pero 'di ko pa rin lubos ma isip kong anong nangyare sa akin nong na lasing ako? Kong sino ang nag hatid sa akin?"Anna," pag dating ko pa lang ang tinawag agad ako ni Janice. Lumapit naman ako sa kanya."Ano yon?""Linisan mo nga yong room ko, absent kasi si Emelda." Naalala ko tuloy yong nangyare noong isang gabi."Pero 'di naman ako naka assign sa paglilinis sa kusina ako," sagot ko sa kanya. Kasi don naman talaga ako lagi naka assign."Sino bang boss dito?" nakataas pa ang kilay nito sa akin.Kaya wala akong nagawa kundi sundin siya. Sa totoo lang 'di ko alam na ganito ang ugali ni Janice. Noong high school kasi 'di ko siya nakakausap kasi 'di naman siya namamansin. Habang naglalakad ako ay na pa hinto ako at napatingin sa buhanginan ng dalam
GIANNA POINT OF VIEWKagigising ko lang ngayon para sana mag asikaso sa kusina kaso na una na palang gumising si tiyo. Kahit pa paano may reason pa rin ako para mag stay dito. Mukhang 'di na kasi magbabago ang trato sa akin ni mama."Kain na Anna," pag-aaya sa akin ni tiyo ng makita nya akong gising na."Sige lang po, maliligo na lang muna ako.""Anna," napalingon ng marinig ko ang boses ni mama. Gising na rin pala siya. Ito ang unang araw na pinansin nya ako."Hwag ka ng pumasok muna, napakadami na ng labahin, maglinis ka na rin dito sa bahay." Hindi ako sumagot sa kanya pero tumango ako. Ilang araw na rin kasi kaming naging busy sa resort kaya 'di na namin 'to na asikaso ang bahay."Meron din palang ibang labahin dyan na pinapalaba. Isama mo na lang din sayang pa rin yan pera pa. Sa dami nating utang 'di ko na alam uunahin."Nag almusal na si mama pagkatapos nyang sabihin yan. Sa totoo lang ayoko magalit kay mama kahit na nagbago siya ng pakikitungo sa akin. Lalo na kapag ganitong p
Maaga ako ngayong pumasok sa resort. Ako lang ang papasok ngayon, 'di kasama si mama dahil sumama ang pakiramdam nya. Pagdating ko sa resort ay 'di naman ganon ka busy. Pinag punas lang muna ako ng mga lamesa sa restaurant dahil wala pa naman kumakain. Mostly kasi yong mga guest kumakain lunch na.Habang nagpupunas ako at naka tingin sa dagat na nasa harap. Natigilan ako kasi si Bryce naglalakad kasama ang ate ni Janice. Muntik na pa naman akong maging assuming sa mga pinapakita nya sa akin. Dapat siguro iwasan ko na lang siya no? Pero di ko pa naman confirm kong sila ba? Kong sila iiwasan ko na lang siya baka mag selos pa sa akin si Ayezha.Pero ano naman ipapagselos nya sa akin? Hindi naman ako maganda? Hindi nya rin ako kasing puti, hindi rin makinis ang balat ko 'di katulad sa kanya ang clear ng skin. Wala ring makikitang kahit isang pimples man lang sa mukha nya. Break na ba sila ng Mayor?"Mukhang tulala ka?" natigilan ako ng lumapit sa akin ang isa mga guest dito. Kilala ko siy
Nagwawalis ako ngayon dito sa loob ng bakuran namin ng mapa hinto ako ng may tumawag sa akin."Anna," biglang bumilis yong tibok ng puso ko ng makita ko kong sino. Kahit na boses nya alam ko na agad kong sino.Anong ginagawa nya rito? Ilang araw ko rin siyang hindi nakita noong pumunta sila ng isla. Ano kayang nangyare don?"Anong ginagawa mo dito?""Magpapasama lang sana ako sa'yo," bakit parang alam nya na hindi ko kayang tumanggi kapag humingi siya ng pabor?"Saan?""Basta, samahan mo na lang ako. Ano sasama ka ba?" bago tumingin siya sa relo nya."Teka, mahihintay mo ba ako magbibihis lang sana ako." nakakahiya naman na kahit naka plain t-shirt lang siya at naka pang summer na shorts eh, mukha na siyang expensive. Samantalang ako mukhang haggard."No, need maliligo naman tayo. Kaya 'wag kana mag bihis mag-ayos ka na lang siguro." Agad akong tumakbo sa loob. Hindi ko alam kong ma o-offend ako sa pinagsasabi nya na mag-ayos na lang daw ako? Pangit ba ako sa itsura ko? Agad kong tin
GIANNA POINT OF VIEWNasa kitchen ako ngayon at napakaraming guest ngayon na dumating. More on mga local tourist ang dumating."Anna," tawag sa akin ni mama at ibinigay ang tray na naglalaman ng foods.Naglalakad na ako palabas pero halos manginig ang kamay ko nang makita ko si Vincent. Siya yong anak ng governor sa probinsya namin. Ang kapal ng mukha nya na magpakita dito. Tumingin siya sa akin at ngumisi. Hindi ko namalayan na nabitiwan ko pala ang hawak kong tray."Anna, okay ka lang?" si Bryce yong lumapit sa akin at tinulungan nya ako mag dampot ng mga pagkain na nahulog at mga na basag na plato.Parang nawala ako sa sarili ko na kahit si Bryce 'di naging sapat para maging okay ako. Agad akong bumalik sa kitchen at nakakunot na noo ni mama ang bumungad sa akin."Ma," nag teary eye na ako dahil gusto kong sabihin sa kanya yong nararamdaman ko. Pero isang sapak lang naman ang na tanggap ko mula sa kanya."Ano bang ginagawa mo? Alam mong ibabawas yang mga na basag mo sa sahod natin!
A MONTHS LATERHabang pinagmamasdan ni Bryce si Gianna and Althea habang naglalaro ang dalawa sa dalampasigan. Hindi nya maiwasan na mapangiti, hindi nya kasi akalaing darating ang araw na magiging buo sila.Noong una palang nyang nakita si Anna ay naging interesado na siya dito. Hindi nya lang akalaing mamahalin nya ito. Akala nya ay wala ng pag-asa para sa kanilang dalawa. Lalo na nong panahong umamin ito sa kanya kaso nga lang ay naging duwag siya ng mga panahong yon.Natakot siya sa mga pwedeng mangyare pero ngayon ay handa na siyang harapin ang lahat. Lalo na ay may anak na silang dalawa."Papa Arturo!" sigaw ni Althea kay Bryce.Natawa naman ng sobra si Gianna ng marinig nya na naman ang tawag kay Bryce ni Althea."Papa let's play please." agad namang umiling si Bryce."Baby we need to visit your cousin." umupo siya para maging kapantay nya si Althea."Talaga po? Makikita ko si Yael and Olivia?" tumango naman si Bryce.Excited naman si Althea at nag madali itong tumakbo papunta k
ANYA POINT OF VIEWKanina pa ako humupa sa pag-iyak pero di pa din ako nagsasalita. Hindi naman ako tinanong ni Bryce kong anong nangyare sa halip ay inalo nya lang ako habang umiiyak kanina.Kumakalam pa din ang sikmura ko dahil kanina pa ako walang kain. Pero isa lang ang gusto kong malaman sa ngayon kong na saan ang anak ko. Sobrang saya ang nararamdaman ko ngayong nalaman kong buhay ang anak ko. Pero at the same time masakit kasi mismong ama ko pa ang gumawa para maging misebrable ang buhay ko.Akala ko si Bryce ang tataguan ko ng anak pero kami pa lang dalawa ang tinaguan ng anak."Gusto kong makita sila mama, Bryce."Simula kasi ng umuwi ako ay di ko pa sila nadadalaw. Kamusta na kaya sila? Naging busy din kasi ako kaya nakalimutan ko silang tawagan man lang. For sure binata na si Ronel, sobrang tagal na din talaga ng huli ko siyang makausap at makita."Let's go," bago ay inalalayan nya akong tumayo.Pagdating namin sa parking area ay nagulat pa kami ng nandoon si Althea at kapa
Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Naririnig ko din ang ingay sa paligid at mahihinang tawa ng isang bata.Lumabas ako at bumungad sa akin si Bryce and Althea na naglalaro. Hindi ko maiwasang mapangiti sa kanilang dalawa. Siguro kong si Brianna buhay din for sure magiging ganito din sila ni Bryce.Nang mapansin nila akong dalawa na naka tingin sa kanila ay agad na lumapit si Bryce sa akin habang karga nya si Althea"Good morning po," malawak ang ngiti nito habang binabati ako."Good morning din." bati ko sa kanya pabalik.Lumabas kaming dalawa sa bahay at naglalaba pala ang kanyang tiya sa may balon na nasa gilid ng kanilang bahay."Saan ang mama nya?" tanong ko kay Bryce."Maagang umalis, nagt-trabaho kasi yon sa bayan kaya palaging wala."Napansin ko naman sa di kalayuan na yong bangkang sinakyan ko ay nandito.Sinamahan ako ni Bryce na lumapit sa isang bangkero."Mang Erning, kayo po pala yong naghatid kay Anna dito. Papahatid na po kasi siya pauwi.""Sabi ko na
ANNA POINT OF VIEWNaramdaman ko ang pagdampi ng labi nya, sumabay ako sa unti-unti nitong paggalaw. Naramdaman ko ang maiinit na haplos nya na kahit ang lamig ng simoy ng hangin ay di ko maramdaman.Naging malalim ang paghalik nya, gumapang ito hanggang sa panga papunta sa may leeg ko. Napaliyad ako ng dumampi ang kanyang labi sa aking earlobe hanggang leeg, para akong mababaliw sa sarap na nararamdaman ko.Parang bumalik ang unang gabing may nangyare sa amin. Yon nga lang ay di nya iyon natatandaan.Bumalik ang kanyang mga halik sa labi ko para akong napapaso sa init nun. Halos maghabol ako ng hininga ng tumigil siya sa paghalik.Hinawakan nya ako sa pisnge ko bago ay niyakap ako."Natatakot ako na baka kapag natapos to, mawala ka na lang sa akin ulit." bago ay kumalas sa pagkakayakap sa akin.Agad akong umiling sa kanya. "No, hindi na ako papayag na magkalayo pa tayo."This time ako na ang sumiil ng halik sa kanya. Halik na hindi ko na kayang pigilan pa. Kusang sumabay ang mga hali
ANNA POINT OF VIEWHalos tulog na ang lahat ng bumangon ako para lumabas. Hindi kasi ako makatulog ng maayos. Hindi ko alam kong anong oras na basta feeling ko madaling araw na.Paglabas ko ay bumungad sa akin ang napakalamig na simoy na hangin.Pumunta ako sa may dalampasigan at naglalakad lakad. Tanging ingay ng mga maliliit na kulisap ang naririnig ko at ang hampas ng alon.Maliwanag din ang buwan na tanging nagiging silbi kong ilaw habang naglalakad. Napatigil ako sa paglalakad ng sa di kalayuan ay nandoon si Bryce.Aalis na sana ako pero na pansin nya ako."Anna?"Kahit ayaw ko siyang ma kausap ay ngumiti ako sa kanya hanggang makalapit na siya sa akin."Anong ginagawa mo dito? Baka lamigin ka.""Sanay naman na ako, ikaw anong ginagawa mo dito?""Hindi ako makatulog, eh."Ilang minutong katahimikan ang namutawi sa aming dalawa. Nakatingin lang kami sa dagat, nagrereflect dito ang liwanag na nagmumula sa buwan. Kaya naman napaka ganda nitong tignan.Napag desisyunan kong mag salit
Kinailangan ni Anna na umalis sa eksena at nag paalam na lang siya sa mga ito na maglakad lakad. Para matignan nya ang buong isla at para na din maibsan ang nararamdaman nya.Iikang umalis si Gianna habang kumakain pa ang iba. Kinagat nya ang ibabang labi upang pigilan ang pag buhos ng luha nya.Nasasaktan siya sa mga narinig kanina.Mas nagpabigat pa ng dibdib nya ng maalala ang anak. Kong nabubuhay lang ito ay marahil kasing edad din ng anak nya. Napagtanto nya din na 'di nga talaga siya na gustuhan ni Bryce dati pa lalo na ay mag kasing age lang ang bata na anak nya at ang bata dito.Akala nya ay single ito noon kaya siguro ay ganun na lamang ang reaction nito ng mag confess siya.Nagkaroon ng complication ang anak nya ng pinanganak nya ito. Ilang buwan nya din itong naalagaan hanggang sa di na kinaya ng katawan ng anak nya. Napaupo siya sa isang tabi habang inaalala ang huling karga nya sa anak nya."Anna."Hindi nya pinansin ang tawag ng binata sa kanya."Kamusta ka na?"Blangko
FIVE YEARS LATERBumaba ng limousine car si Gianna suot ang kanyang mamahalin na relo, damit, bag at iba pang accessories. "Good morning, Madam." bati sa kanya ng isa sa mga katulong.Hindi nya ito pinansin at nag patuloy sa pagpasok sa loob ng malaking bahay."Welcome back, madam." bati na naman sa kanya ng isa sa maid."This way, madam." turo sa kanya ng staff ng daddy nya papunta sa office nito.Isa lang ang masasabi nya na sa limang taon na 'di siya umuwi ng Pinas ay malaki ang nag bago sa mansion."Hi, Dad" bati nya sa kanyang ama ng pumasok siya sa office nito."Welcome back, anak." Wala ang kuya nya dalawang taon na din ito simula ng magkaroon ng sariling pamilya at umalis. Mas gusto daw kasi nito mamuhay sa isang simpleng lugar na tahimik lang.Hindi nya alam ang mga nangyare sa loob ng ilang taon na wala siya. Nag focus kasi siya sa pag-aaral nya at inabala ang sarili sa mga bagay-bagay. Masyadong masakit ang mga nangyare kaya gusto nyang makalimot."I miss you, daddy." niy
GIANNA POINT OF VIEWNaglalakad ako papunta sa office ni daddy, kadadating nya lang pero agad gusto nya na akong makausap.Nag-uunahan sa kabog ang dibdib ko habang binubuksan ko ang pintuan.Dahan-dahan akong lumapit kay daddy at matamang nakatitig sa akin."May sasabihin daw po kayo?" mahinang tanong ko dito.Napalunok ako ng seryosong nakatitig pa din sa akin si daddy. Alam kong may ginawa akong mali sa tipo pa lang ng titig nya."What's the meaning of this?!" nagulat ako sa biglaang pag sigaw ni daddy.Kumalabog ang lamesa sa lakas ng pag bagsak ng mga papel na ibinagsak nya dito. Isa-isa kong tinignan ang mga naka sulat sa papel.Halos manghina ako ng makita kong ito yong mga results sa check-up ko.Sabi ko na nga ba ay 'di ko talaga matatakasan ang pamilya ko pag dating sa bagay na ganito."Who's the father?" malamig ang boses ni daddy.Alam kong kapag nalaman nyang si Bryce ang ama ng dinadala ko mas magiging malala ang situation."Answer me!" Halos di ko magawang igalaw ang m
"Kalimutan mo na lang siya Gianna!" may pagbabanta sa boses ni kuya.Parang may nangyayare sa Pinas na 'di ko alam kaya ganito na lang ako pag bawalan ni kuya."Paano ko kakalimutan? Nang dahil sa'yo kaya ako nagkaroon ng reason kong bakit 'di ko siya kakalimutan! Kong hindi mo binigay sa akin ang box na pag-aari ni Bryce hindi ako magkakaroon ng reason!" frustrated na sagot ko sa kanya.Kinulit ko kasi siya na mag video call kami para makita ko lang man kong okay na ba si Bryce. At ang sinagot sa akin kalimutan ko na lang daw si Bryce! Nababaliw na ba ang kuya ko? Ibang-iba na talaga siya hindi na siya yong kuya na kilala ko nong bata pa ako.Sabagay ilang taon na din ang lumipas at mga bata pa nun kami. Alam kong madami ng nag bago, 'di ko din naman alam kong anong mga naranasan ni kuya ng nagkahiwalay kami."Gusto ko lang naman malaman kong anong kalagayan nya?" halos magpamakaawa na ang bose ko."Mag focus ka na lang sa pag-aaral mo." cold na sagot nya sa akin.Halos mapasabunot ak