Gumising siyang maayos na rin kahit pa paano ang kanyang pakiramdam.
"Bilisan mo dyan Anna bumangon dahil pupunta tayo ng resort." Kusinera rin kasi ang ina nya sa resort kapag nangailangan ng magluluto. Lalo na kapag maraming guest.Agad siyang naligo bago nag-ayos ng sarili. Sumabay siya sa ina habang naglalakad."Hoy Merlina! Pinagtataguan mo ba kami? Baka gusto mo ipa barangay ka namin sa utang mo?" Nagulat sila sa biglaang pagsalubong sa kanila ni Aling Nacing. Ito yong naniningil sa kanila dahil baon na sila sa utang sa tindahan nito. Yong kahapon naman na pumunta na si Maricar ay kapatid nito."Ikaw pala Nacing, mamaya nalang namin bayaran pag-uwi. Papasok 'tong si Anna sa resort. Sure na talaga na babayaran ka na namin sa pag-uwi.""Siguraduhin mo lang ang tagal na nun, 'di pa bayad." Mabuti na lamang din ay 'di na ito nag tagal pa dahil may dumating itong bisita.Pagdating sa resort dumiritso agad ang ina sa kusina para magluto. Mukhang maraming guest ngayon dahil pagdating nila ay lahat may ginagawa."Anna, pwede bang ikaw muna ang mag serve doon sa dalawang nasa dulo," utos sa kanya ni Daisy. Isa si Daisy sa nagseserve ng pagkain pero dahil busy din ito sa paggagayat ng mga lulutuin ay siya na lamang ang inutusan.Kinuha ni Anna ang tray na may nakalagay na in-order ng dalawang guest. Sinulyapan nya ang dalawang guest na nasa pinaka dulo, dalawang lalake ito at halata sa mga ito na yayamanin.Inisa-isa nya lapag ang in-order ng mga ito sa lamesa. Tsaka nya lamang na sulyapan ang mga mukha nito at talagang napakakisig ng mga ito at ang g-gwapo. Medyo nahiya pa siya dahil ang babango rin ng mga ito samantalang siya ay ni kahit pulbos man lang ay di nagawa."Miss," napatitig siya sa lalakeng tumawag sa kanya. Ang gwapo nito sa paningin nya at feeling nya tuloy sila na lamang dalawa ang naroon. Tsaka nya lang din naramdaman ang pagbilis ng pintig ng puso nya."Miss, ayos ka lang ba?" bigla siya namula lalo na parang natatawa ito sa naging reaction nya. Gusto nya na lang tuloy lamunin siya ng lupa. Masyado 'atang halata na star truck siya sa kagwapohan nito."Ano po yon, sir?" kahit ang kasama nitong isa ay tumatawa rin sa naging reaction nya."Padagdag na lang ng chicken fillet, thanks." pati boses nito ay ang ganda sa pandinig nya."Ano pong pangalan mo?" agad nyang natuptup ang bibig dahil sa biglaang lumabas na salita rito. Hindi nya akalain na maitatanong nya 'yon, mas lalo tuloy siyang nahiya at parang gusto nya na lamang mahimatay makatakas lang sa kahihiyan."Arthur Bryce nga pala," name pa lang ang ganda na at halatang sosyal.Umalis na si Anna sa harapan nila dahil baka himatayin na siya sa mga titig nito at sa gwapong mukha nito. Masasabi nya lang ay pareho na gwapo ang dalawang binata pero iba ang impact ni Arthur sa kanya."Bakit parang natagalan ka? Hugasan mo muna ang mga pinggan si ate Daisy muna ang mag serve don," sabi sa kanya ng ina pagkarating nya sa kitchen.Mukhang good mood ang kanyang ina dahil 'di pagalit ang pagsasalita nito sa kanya."Saan po pala ma si Lani?" Si Lani kasi talaga ang nagseserve kasing age rin ito ni Anna."Nilalagnat raw, hindi nya kaya bumangon at sayang nga na timingan nya napakarami pa namang guest ngayon."Napangiwi naman si Anna ng makita ang isang tambak na hugasin na nasa lababo. Kukunti lang kasi ang staff ng resort dahil sa 'di naman talaga lagi may guest. Once in a blue moon lang talaga mangyare ang maraming dumadayo sa lugar nila. Sa loob kasi ng isang buwan ay tatlo or isang linggo lamang may guest pero nakakahimala ngayon dahil isang linggo na sobra ay marami pa rin ang dumadayo. Siguro dahil ay bakasyon kaya maraming dumadayo.Tanging paghuhugas lamang ng plato ang ginawa ni Anna o kaya kapag wala na siyang ginagawa ay tumutulong siya sa paggagayat ng mga gulay na lulutuin. Nag hapunan sila sa mismong resort na rin."Anna, mauna kana umuwi sa bahay at ibigay mo 'to kay Nacing," inabot ng kanyang ina ang isang libong piso. "Wala ka muna sahod ngayon dahil marami tayong utang na babayaran," naiintindihan naman ni Anna ang ina."Ako na dyan," naghuhugas pa kasi siya ng mga kaldero. Medyo natuwa siya dahil kahit pa paano ay bumalik ang pagiging mabait ng kanyang ina."Ano pang hinihintay mo? Umuwi kana don!" Medyo galit na ang mukha ng kanyang ina kaya agad siyang naghugas ng kamay at inayos na ang mga gamit nya. May dala kasi siyang bag na pinag lagyan nya ng extra na damit at ang kanyang lumang cellphone.Habang naglalakad siya naalala nya ay malapit na pala siya mag birthday. Mag twenty years old na siya next month at ang gusto nya lang sana ay makapag college na siya. Pero mukhang malabo na talagang mangyare 'yon lalo na wala silang pera.Palabas na ng resort si Anna ng mapatigil siya sa paglalakad. Hindi nya nga alam kong itutuloy nya pa ba ang paglalakad, paano kasi ay nasa mismong gate si Bryce. Tingin nya kay Bryce ay matanda lamang ito sa kanya ng dalawang taon o tatlong taon.Kong na tu-turn off siya dati sa mga lalakeng naninigarilyo pero ngayon ay parang attracted pa siya nang makita nya ang binata na naninigarilyo. Kahit na bawal ito sa kanya dahil bata pa lamang siya ay may hika na siya. Habang papalapit ay palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ni Anna."Pauwi kana?" sabi nito nang mapansin na papalapit siya. Agad nitong pinatay ang hinihithit nitong sigarilyo ng makalapit siya. Sa dibdib nya mas lalo siyang kinikilig dahil sa ginawa ng binata. Parang nababasa nito na ayaw nya sa usok ng sigarilyo. Marahan siyang tumango sa tanong ng binata."Ingat ka pauwi," halos dumagundong ang dibdib nya sa tinuran nito. Ngumiti siya dito bago tumakbo palayo sa binata sa sobrang kilig na nararamdaman nya.First time nya lamang maramdaman ang ganitong pakiramdam dahil 'di naman talaga siya na attract sa mga lalakeng mabisyo. Pero iba talaga kapag si Brent, sa isip nya na love at first sight 'ata siya.Nakatingin si Bryce sa Mapa ng Barangay Tugdunan. Tugdunan ang pangalan ng lugar na pinuntahan nila kasama ang kanyang partner na si Oliver. Isa kasi sa mission nya bilang secret agent ay mag spy sa naturang lugar. Dito daw kasi ang kuta ng drug lord na pinaghahanap nila. Hindi lang basta ito drug lord dahil marami pa itong ibang mga illegal na gawain. Leader ito ng isang sindikato at 'di lubos ma isip ni Bryce kong anong meron sa lugar na ito kong bakit dito na isip mag hide-out. "Nakakalap ka na ba ng iba pang information?" umiling si Bryce sa tanong ni Oliver na kasalukuyang busy sa paghahanap ng signal. Mahirap kasi ang signal sa naturang barangay dahil 'di pa naman ganon ka improved ang lugar. Tanging sa dalampasigan lamang may signal at sobrang hina pa. Kailangan ay talagang mapag pasensiya ka."Hindi ko pa nakikita ang hide-out nila. Sigurado ba sila sa nakuha nilang information na dito naglulungga yong drug lord na yon?" "Maybe may iba pa silang lugar na pinagtataguan hindi
Nasa dalampasigan si Bryce at malapit na rin mag hating gabi. Nagpapa signal kasi ito dahil may i-se-send raw na files ang organization tungkol profiles na in-imbestigahan nila. Uuwi na sana si Bryce nang may marinig siyang paparating na isang grupo ng kalalakihan. Agad siyang kumubli sa isa sa mga puno."Pre, ngayon na ba ang dating ng mga armas?" nakikinig lamang si Bryce sa pinag-uusapan ng mga ito."Bobo ka ba? Kaya nga tayo naka abang ngayon dito!""Mga armas lang ba ang darating?""Hindi ko alam, pero mukhang may iba pa."Hindi maaninag ni Bryce kong sino-sino ang mga ito dahil sa madilim ang area. Wala rin kasi talagang buwan o bituin man lang na makikita sa kalangitan. Nanatili si Bryce sa pinagtataguan nito upang makakuha pa ng ibang information. Malalaki ang katawan ng mga ito halos doble ng katawan nya. Kaya kong babalakin nya man sumugod ay dehado siya. Wala rin naman sa mission nya ang sumugod kundi ang magmanman lang.Mga ilang minuto pa na paghihintay ay may dumating na
Naglalakad papunta sa resort si Anna ng makasalubong nya si Crissa at Melany. Bestfriend nya ang dalawa at kasalukuyang mag-aaral ng third year college sa pasukan ang dalawa. Naiinggit nga siya sa dalawa dahil malapit na sila grumaduate samantalang siya ay naiiwan pa rin. "Waaah! Beshy, I miss you!" Agad siyang niyakap ng dalawa at gumaan naman ang pakiramdam nya. "Kamusta naman kayong dalawa?" "Ayos na ayos, gala tayo mamaya minsan na nga lang tayo mag kasama eh." ani ni Crissa at halatang masayang masaya ito dahil nakita siya. Ilang years na rin kasi sila 'di nagkita dahil nag-aaral ang mga ito sa syudad. Kong uuwi man ito sa kanilang lugar di pa rin sila nagkikita dahil 'di naman lumalabas si Anna. Medyo malayo kasi ang bahay ng mga ito kaya 'di sila nagkakasalubungan. Wala rin silang komunikasyon dahil ang phone ni Anna ay 'di gumagana minsan at mahina sumagap ng signal. "Hindi ko sure, busy kasi kami ngayon sa resort. Lalo na darating si Mayor." "Hala, I heard that. Jowa pa
Nasa kanyang room si Bryce at hinihintay si Oliver. Kinailangan pa kasi nitong ma access ang cctv ng buong resort para 'di pumalpak ang kanilang plano. Palihim kasing pumasok ito sa kwarto ni Ayesha. Bumakas ang pintuan ng kanilang kwarto at bumungad si Oliver. "Ayos ba?" mayabang na sabi ni Oliver kay Bryce. "Nakuha mo ba?" "Ako pa ba?" mayabang na sagot pa rin nito. Itinaas pa nito ang flash drive na hawak para siguraduhin kay Bryce na nakuha nya nga.Nakita kasi nila kanina na may ibinigay na flash drive kay Ayezha ang mayor. Base kasi sa information na nakalap nila ay importante ang nilalaman nun. Kasabwat din ang mayor sa mga illegal na gawain sa naturang lugar."Lagay na natin sa laptop," agad nilagay ni Bryce ang flash drive.Maraming folder ang nakalagay pero walang mga laman ito. Pinaka huling folder na lang ang 'di nila na o-open at may nakalagay na file name na blue print.Pag click ni Bryce ay lumabas ang blue print ng buong isang bahay. Hindi lang siya as in bahay dahil
ANNA POINT OF VIEWPumasok ako sa resort kahit na masama ang loob ko kay mama. Alam ko naman kasi na kailangan namin ng pera kaya titiisin ko na lang. Isang araw na rin kasi akong absent at isang araw na rin kaming 'di nagpapansinan ni mama. Pero 'di ko pa rin lubos ma isip kong anong nangyare sa akin nong na lasing ako? Kong sino ang nag hatid sa akin?"Anna," pag dating ko pa lang ang tinawag agad ako ni Janice. Lumapit naman ako sa kanya."Ano yon?""Linisan mo nga yong room ko, absent kasi si Emelda." Naalala ko tuloy yong nangyare noong isang gabi."Pero 'di naman ako naka assign sa paglilinis sa kusina ako," sagot ko sa kanya. Kasi don naman talaga ako lagi naka assign."Sino bang boss dito?" nakataas pa ang kilay nito sa akin.Kaya wala akong nagawa kundi sundin siya. Sa totoo lang 'di ko alam na ganito ang ugali ni Janice. Noong high school kasi 'di ko siya nakakausap kasi 'di naman siya namamansin. Habang naglalakad ako ay na pa hinto ako at napatingin sa buhanginan ng dalam
GIANNA POINT OF VIEWKagigising ko lang ngayon para sana mag asikaso sa kusina kaso na una na palang gumising si tiyo. Kahit pa paano may reason pa rin ako para mag stay dito. Mukhang 'di na kasi magbabago ang trato sa akin ni mama."Kain na Anna," pag-aaya sa akin ni tiyo ng makita nya akong gising na."Sige lang po, maliligo na lang muna ako.""Anna," napalingon ng marinig ko ang boses ni mama. Gising na rin pala siya. Ito ang unang araw na pinansin nya ako."Hwag ka ng pumasok muna, napakadami na ng labahin, maglinis ka na rin dito sa bahay." Hindi ako sumagot sa kanya pero tumango ako. Ilang araw na rin kasi kaming naging busy sa resort kaya 'di na namin 'to na asikaso ang bahay."Meron din palang ibang labahin dyan na pinapalaba. Isama mo na lang din sayang pa rin yan pera pa. Sa dami nating utang 'di ko na alam uunahin."Nag almusal na si mama pagkatapos nyang sabihin yan. Sa totoo lang ayoko magalit kay mama kahit na nagbago siya ng pakikitungo sa akin. Lalo na kapag ganitong p
Maaga ako ngayong pumasok sa resort. Ako lang ang papasok ngayon, 'di kasama si mama dahil sumama ang pakiramdam nya. Pagdating ko sa resort ay 'di naman ganon ka busy. Pinag punas lang muna ako ng mga lamesa sa restaurant dahil wala pa naman kumakain. Mostly kasi yong mga guest kumakain lunch na.Habang nagpupunas ako at naka tingin sa dagat na nasa harap. Natigilan ako kasi si Bryce naglalakad kasama ang ate ni Janice. Muntik na pa naman akong maging assuming sa mga pinapakita nya sa akin. Dapat siguro iwasan ko na lang siya no? Pero di ko pa naman confirm kong sila ba? Kong sila iiwasan ko na lang siya baka mag selos pa sa akin si Ayezha.Pero ano naman ipapagselos nya sa akin? Hindi naman ako maganda? Hindi nya rin ako kasing puti, hindi rin makinis ang balat ko 'di katulad sa kanya ang clear ng skin. Wala ring makikitang kahit isang pimples man lang sa mukha nya. Break na ba sila ng Mayor?"Mukhang tulala ka?" natigilan ako ng lumapit sa akin ang isa mga guest dito. Kilala ko siy
Nagwawalis ako ngayon dito sa loob ng bakuran namin ng mapa hinto ako ng may tumawag sa akin."Anna," biglang bumilis yong tibok ng puso ko ng makita ko kong sino. Kahit na boses nya alam ko na agad kong sino.Anong ginagawa nya rito? Ilang araw ko rin siyang hindi nakita noong pumunta sila ng isla. Ano kayang nangyare don?"Anong ginagawa mo dito?""Magpapasama lang sana ako sa'yo," bakit parang alam nya na hindi ko kayang tumanggi kapag humingi siya ng pabor?"Saan?""Basta, samahan mo na lang ako. Ano sasama ka ba?" bago tumingin siya sa relo nya."Teka, mahihintay mo ba ako magbibihis lang sana ako." nakakahiya naman na kahit naka plain t-shirt lang siya at naka pang summer na shorts eh, mukha na siyang expensive. Samantalang ako mukhang haggard."No, need maliligo naman tayo. Kaya 'wag kana mag bihis mag-ayos ka na lang siguro." Agad akong tumakbo sa loob. Hindi ko alam kong ma o-offend ako sa pinagsasabi nya na mag-ayos na lang daw ako? Pangit ba ako sa itsura ko? Agad kong tin
A MONTHS LATERHabang pinagmamasdan ni Bryce si Gianna and Althea habang naglalaro ang dalawa sa dalampasigan. Hindi nya maiwasan na mapangiti, hindi nya kasi akalaing darating ang araw na magiging buo sila.Noong una palang nyang nakita si Anna ay naging interesado na siya dito. Hindi nya lang akalaing mamahalin nya ito. Akala nya ay wala ng pag-asa para sa kanilang dalawa. Lalo na nong panahong umamin ito sa kanya kaso nga lang ay naging duwag siya ng mga panahong yon.Natakot siya sa mga pwedeng mangyare pero ngayon ay handa na siyang harapin ang lahat. Lalo na ay may anak na silang dalawa."Papa Arturo!" sigaw ni Althea kay Bryce.Natawa naman ng sobra si Gianna ng marinig nya na naman ang tawag kay Bryce ni Althea."Papa let's play please." agad namang umiling si Bryce."Baby we need to visit your cousin." umupo siya para maging kapantay nya si Althea."Talaga po? Makikita ko si Yael and Olivia?" tumango naman si Bryce.Excited naman si Althea at nag madali itong tumakbo papunta k
ANYA POINT OF VIEWKanina pa ako humupa sa pag-iyak pero di pa din ako nagsasalita. Hindi naman ako tinanong ni Bryce kong anong nangyare sa halip ay inalo nya lang ako habang umiiyak kanina.Kumakalam pa din ang sikmura ko dahil kanina pa ako walang kain. Pero isa lang ang gusto kong malaman sa ngayon kong na saan ang anak ko. Sobrang saya ang nararamdaman ko ngayong nalaman kong buhay ang anak ko. Pero at the same time masakit kasi mismong ama ko pa ang gumawa para maging misebrable ang buhay ko.Akala ko si Bryce ang tataguan ko ng anak pero kami pa lang dalawa ang tinaguan ng anak."Gusto kong makita sila mama, Bryce."Simula kasi ng umuwi ako ay di ko pa sila nadadalaw. Kamusta na kaya sila? Naging busy din kasi ako kaya nakalimutan ko silang tawagan man lang. For sure binata na si Ronel, sobrang tagal na din talaga ng huli ko siyang makausap at makita."Let's go," bago ay inalalayan nya akong tumayo.Pagdating namin sa parking area ay nagulat pa kami ng nandoon si Althea at kapa
Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Naririnig ko din ang ingay sa paligid at mahihinang tawa ng isang bata.Lumabas ako at bumungad sa akin si Bryce and Althea na naglalaro. Hindi ko maiwasang mapangiti sa kanilang dalawa. Siguro kong si Brianna buhay din for sure magiging ganito din sila ni Bryce.Nang mapansin nila akong dalawa na naka tingin sa kanila ay agad na lumapit si Bryce sa akin habang karga nya si Althea"Good morning po," malawak ang ngiti nito habang binabati ako."Good morning din." bati ko sa kanya pabalik.Lumabas kaming dalawa sa bahay at naglalaba pala ang kanyang tiya sa may balon na nasa gilid ng kanilang bahay."Saan ang mama nya?" tanong ko kay Bryce."Maagang umalis, nagt-trabaho kasi yon sa bayan kaya palaging wala."Napansin ko naman sa di kalayuan na yong bangkang sinakyan ko ay nandito.Sinamahan ako ni Bryce na lumapit sa isang bangkero."Mang Erning, kayo po pala yong naghatid kay Anna dito. Papahatid na po kasi siya pauwi.""Sabi ko na
ANNA POINT OF VIEWNaramdaman ko ang pagdampi ng labi nya, sumabay ako sa unti-unti nitong paggalaw. Naramdaman ko ang maiinit na haplos nya na kahit ang lamig ng simoy ng hangin ay di ko maramdaman.Naging malalim ang paghalik nya, gumapang ito hanggang sa panga papunta sa may leeg ko. Napaliyad ako ng dumampi ang kanyang labi sa aking earlobe hanggang leeg, para akong mababaliw sa sarap na nararamdaman ko.Parang bumalik ang unang gabing may nangyare sa amin. Yon nga lang ay di nya iyon natatandaan.Bumalik ang kanyang mga halik sa labi ko para akong napapaso sa init nun. Halos maghabol ako ng hininga ng tumigil siya sa paghalik.Hinawakan nya ako sa pisnge ko bago ay niyakap ako."Natatakot ako na baka kapag natapos to, mawala ka na lang sa akin ulit." bago ay kumalas sa pagkakayakap sa akin.Agad akong umiling sa kanya. "No, hindi na ako papayag na magkalayo pa tayo."This time ako na ang sumiil ng halik sa kanya. Halik na hindi ko na kayang pigilan pa. Kusang sumabay ang mga hali
ANNA POINT OF VIEWHalos tulog na ang lahat ng bumangon ako para lumabas. Hindi kasi ako makatulog ng maayos. Hindi ko alam kong anong oras na basta feeling ko madaling araw na.Paglabas ko ay bumungad sa akin ang napakalamig na simoy na hangin.Pumunta ako sa may dalampasigan at naglalakad lakad. Tanging ingay ng mga maliliit na kulisap ang naririnig ko at ang hampas ng alon.Maliwanag din ang buwan na tanging nagiging silbi kong ilaw habang naglalakad. Napatigil ako sa paglalakad ng sa di kalayuan ay nandoon si Bryce.Aalis na sana ako pero na pansin nya ako."Anna?"Kahit ayaw ko siyang ma kausap ay ngumiti ako sa kanya hanggang makalapit na siya sa akin."Anong ginagawa mo dito? Baka lamigin ka.""Sanay naman na ako, ikaw anong ginagawa mo dito?""Hindi ako makatulog, eh."Ilang minutong katahimikan ang namutawi sa aming dalawa. Nakatingin lang kami sa dagat, nagrereflect dito ang liwanag na nagmumula sa buwan. Kaya naman napaka ganda nitong tignan.Napag desisyunan kong mag salit
Kinailangan ni Anna na umalis sa eksena at nag paalam na lang siya sa mga ito na maglakad lakad. Para matignan nya ang buong isla at para na din maibsan ang nararamdaman nya.Iikang umalis si Gianna habang kumakain pa ang iba. Kinagat nya ang ibabang labi upang pigilan ang pag buhos ng luha nya.Nasasaktan siya sa mga narinig kanina.Mas nagpabigat pa ng dibdib nya ng maalala ang anak. Kong nabubuhay lang ito ay marahil kasing edad din ng anak nya. Napagtanto nya din na 'di nga talaga siya na gustuhan ni Bryce dati pa lalo na ay mag kasing age lang ang bata na anak nya at ang bata dito.Akala nya ay single ito noon kaya siguro ay ganun na lamang ang reaction nito ng mag confess siya.Nagkaroon ng complication ang anak nya ng pinanganak nya ito. Ilang buwan nya din itong naalagaan hanggang sa di na kinaya ng katawan ng anak nya. Napaupo siya sa isang tabi habang inaalala ang huling karga nya sa anak nya."Anna."Hindi nya pinansin ang tawag ng binata sa kanya."Kamusta ka na?"Blangko
FIVE YEARS LATERBumaba ng limousine car si Gianna suot ang kanyang mamahalin na relo, damit, bag at iba pang accessories. "Good morning, Madam." bati sa kanya ng isa sa mga katulong.Hindi nya ito pinansin at nag patuloy sa pagpasok sa loob ng malaking bahay."Welcome back, madam." bati na naman sa kanya ng isa sa maid."This way, madam." turo sa kanya ng staff ng daddy nya papunta sa office nito.Isa lang ang masasabi nya na sa limang taon na 'di siya umuwi ng Pinas ay malaki ang nag bago sa mansion."Hi, Dad" bati nya sa kanyang ama ng pumasok siya sa office nito."Welcome back, anak." Wala ang kuya nya dalawang taon na din ito simula ng magkaroon ng sariling pamilya at umalis. Mas gusto daw kasi nito mamuhay sa isang simpleng lugar na tahimik lang.Hindi nya alam ang mga nangyare sa loob ng ilang taon na wala siya. Nag focus kasi siya sa pag-aaral nya at inabala ang sarili sa mga bagay-bagay. Masyadong masakit ang mga nangyare kaya gusto nyang makalimot."I miss you, daddy." niy
GIANNA POINT OF VIEWNaglalakad ako papunta sa office ni daddy, kadadating nya lang pero agad gusto nya na akong makausap.Nag-uunahan sa kabog ang dibdib ko habang binubuksan ko ang pintuan.Dahan-dahan akong lumapit kay daddy at matamang nakatitig sa akin."May sasabihin daw po kayo?" mahinang tanong ko dito.Napalunok ako ng seryosong nakatitig pa din sa akin si daddy. Alam kong may ginawa akong mali sa tipo pa lang ng titig nya."What's the meaning of this?!" nagulat ako sa biglaang pag sigaw ni daddy.Kumalabog ang lamesa sa lakas ng pag bagsak ng mga papel na ibinagsak nya dito. Isa-isa kong tinignan ang mga naka sulat sa papel.Halos manghina ako ng makita kong ito yong mga results sa check-up ko.Sabi ko na nga ba ay 'di ko talaga matatakasan ang pamilya ko pag dating sa bagay na ganito."Who's the father?" malamig ang boses ni daddy.Alam kong kapag nalaman nyang si Bryce ang ama ng dinadala ko mas magiging malala ang situation."Answer me!" Halos di ko magawang igalaw ang m
"Kalimutan mo na lang siya Gianna!" may pagbabanta sa boses ni kuya.Parang may nangyayare sa Pinas na 'di ko alam kaya ganito na lang ako pag bawalan ni kuya."Paano ko kakalimutan? Nang dahil sa'yo kaya ako nagkaroon ng reason kong bakit 'di ko siya kakalimutan! Kong hindi mo binigay sa akin ang box na pag-aari ni Bryce hindi ako magkakaroon ng reason!" frustrated na sagot ko sa kanya.Kinulit ko kasi siya na mag video call kami para makita ko lang man kong okay na ba si Bryce. At ang sinagot sa akin kalimutan ko na lang daw si Bryce! Nababaliw na ba ang kuya ko? Ibang-iba na talaga siya hindi na siya yong kuya na kilala ko nong bata pa ako.Sabagay ilang taon na din ang lumipas at mga bata pa nun kami. Alam kong madami ng nag bago, 'di ko din naman alam kong anong mga naranasan ni kuya ng nagkahiwalay kami."Gusto ko lang naman malaman kong anong kalagayan nya?" halos magpamakaawa na ang bose ko."Mag focus ka na lang sa pag-aaral mo." cold na sagot nya sa akin.Halos mapasabunot ak