DAMN. I wanted to roll my eyes in disappointment as Marvin’s lips grazed my upper lip. He was such a bad kisser. Bad decision ang pagpatol ko sa panlalandi ng lalaking ito. Parang may PhD sa flirting department pero hindi pala marunong humalik. So disappointing. Pakiramdam ko, sinasayang ko lang ang oras ko sa kanya. Binawi ko ang kamay na nakasampay sa balikat niya, pero bago ko pa man siya maitulak palayo sa akin, may isang kamay na humila na sa buhok ko dahilan para kusa akong mapakalas sa lalaki.
“Fuck!” Napahiyaw ako sa sakit.
Bumungad sa akin ang mukha ng babaeng tila tigreng nakawala sa zoo.
“Ang kapal ng mukha mo. Malandi!” nanggagalaiti niyang sigaw habang patuloy na hawak ang buhok ko.
Buong pwersang hinawakan ko ang braso niya at inalis mula sa pagsabunot sakin. How dare this bitch! Sino siya para hawakan na lang ako ng basta-basta? Regular na pinapa-salon ko ang buhok ko tapos ay hihilahin lang ng kung sino? “Who the heck are you?”
“Sino ako? Ako lang naman ang girlfriend ni Mark, ng lalaking nilalandi mo!”
Oh. So it was Mark, not Marvin. Well, I just met him thirty minutes ago. Mag-isa akong umiinom sa bar counter nang lapitan ako ng lalaki. Bumaling ako kay Mark at nagtaas ng kilay. “You said your girlfriend doesn’t go here.”
“Alam mo naman pala na may girlfriend siya, nakuha mo pang lumandi!” singhal sa akin ng babae.
She was about to slap me when I grabbed her wrist. No way, girl. Kumuha ko ang isang baso ng alak mula sa hawak na tray ng dumaang waiter gamit ang libreng kamay at isinaboy ang laman niyon sa mukha niya. “That’s what you get for touching my hair.” Sinalubong ko ang mga mata niya ko habang mariing hawak ang pulso niya. “FYI, Miss, boyfriend mo ang lumapit sa kin. Siya ang nanladi. Kaya kung may dapat kang sampalin, siya iyon at hindi ako. Okay?” I gave her a leering smile as I let go of her hand. “Don’t worry. Wala naman akong balak na agawin siya sa ‘yo. Your boyfriend’s not even a good kisser so why would I waste more of my time with him, right?”
Umirap ako at tumalikod. Sinuklay ko ng kamay ang mahabang buhok habang palabas ng bar. I glanced at my wristwatch. Alas onse pa lang. Damn. Sinira ng babaeng iyon ang gabi ko. Sinira nilang dalawa ng boyfriend niyang bukod sa manloloko ay lousy kisser naman pala.
“Happy anniversary, baby. Will you marry me?”
Natigilan ako sa eksenang naabutan sa parking lot paglabas ng bar. Isang lalaki ang nakaluhod sa harap ng babae. At talagang sa tapat ng kotse ko pa nakapwesto ang mga ito. Nanliit ang mga mata ko nang mapansin ang bouquet ng bulaklak na nakapatong sa hood ng kotse.
"Yes, Arnold. Yes, gusto kong maging asawa mo."
Tumayo ang lalaki at isinuot ang singsing sa nakahad na kamay ng kaharap na babae. I rolled my eyes.
“Excuse me."
Napahinto silang dalawa sa akmang pagyayakap at napatingin sa akin.
Napairap ako nang ibaling ang tingin sa bulaklak na nakapatong sa hood ng kotse ko. “Huwag kayo ditong magkalat sa harap ng kotse ko. It’s disgusting.” Bumaling ako sa babae na kasalukuyang nagpupunas ng luha. I can't believe she cried over that corny proposal. “You know what? You should have say no! Lolokohin ka lang niyan!” wika ko. “He will promise you beautiful things at first, but in the end, iiwan ka rin niyan.”
Masama ang tingin sa akin ng lalaki nang kuhanin ang bouquet sa ibabaw ng kotse. Well, pareho naman sila ng babaeng kasama niya. Hinawakan niya ang kamay ng babae bago umatras palayo. If looks could kill, I'm sure I'd be dead by now. But I'm not bothered at all. “Iniwan ka siguro ng boyfriend mo kaya ganyan ka magsalita, Miss?”
Nagsalubong ang kilay ko sa huling sinabi niya. “I’m just saying the truth. Besides, who proposes in a parking lot? Ang cheap, ah. Next time, kung mag po-propose ka, doon sa sarili mong kotse. Huwag dito sa akin."
“Karmahin ka sana sa sinasabi mo.” madilim na wika ng lalaki bago niya sila umalis ng babae.
“Well, sorry but I don’t believe in karma,” pahabol na sigaw ko bago pumasok sa kotse at paandarin iyon. Malakas na bumusina ako bago pinaharurot ang sasakyan. “Damn. I really hate this day!” Sarkastiko akong tumawa habang inaalala ang nasaksihan. “Forever my ass. Walang forever, mga tanga!"
In a span of fifteen minutes, nakarating ako sa condo ko. I rolled my eyes in irritation as I entered the lift. Masyado pang maaga para umuwi pero dahil nasira na ang gabi ko, mas mabuti pang sa bahay ko na lang ituloy ang pag-inom. Wala pang istorbo. I kicked my heels and went straight to the kitchen. Binuksan ko ang ref para kumuha ng alak. “Ah, fuck,” daing ko nang makitang ubos na ang stock ng alak sa ref. Hindi pa pala ako nakakapag-grocery. Damn it. I need alcohol to fall asleep tonight.
I grabbed my purse and went out my unit. Napilitan akong muling lumabas para bumaba sa convenience store.
“I promise, babe. Hindi kita sasaktan.”
Napatingin ako sa dalawang pigurang nakatambay sa hallway ng condo. I couldn’t see their faces but from the looks of it, their drunk. Tsk, bakit ang daming mga tangang nagkalat ngayon? Hanggang dito ba naman sa condo?
“I’ll be gentle with you…I promise. Just trust me, okay?”
Umangat ang kilay ko. It looks like the guy was convincing the girl to have sex with him. Tsk. Halatang nang-uuto lang ang lalaki. Sanay na sanay na ako sa mga ganyang linyahan. Men, they will say anything you want to hear just to get under your pants. Napatingin ako sa babae. I couldn't see her face but she was wearing a school uniform. Those white blouse and plaid blue skirt are very familiar to me.
“Do not trust anyone with a penis.” Gusto kong sabihin pagdaan ko pero pinigilan ko ang sarili. Why would I bother myself with these kids? Ano bang pakialam ko sa kanila? Umirap na lang ako at dumiretso sa elevator. Mag-isa lang akong sakay niyon. I pressed the ground floor button. Ilang segundo pa lang akong sakay niyon nang biglang namatay ang ilaw.
"Fuck!"
Talaga naman, oh. This day is really cursed. I was trying to look for the emergency button when the lights turned on again. Kasabay niyon ay pagbukas ng elevator at pagbungad sa akin ng isang matandang babae. Nagtama ang mga mata namin.
She smiled at me as she entered the lift. I just rolled my eyes in disgust. Paano nakapasok ang matandang ‘to sa building? She was wearing an old rag looking dress and a red plastic bag. "Magandang gabi."
Hindi ko siya pinansin. Anong maganda sa gabi, eh kanina pa nga ako minamalas?
Nang pindutin niya ang button ay nalaglag ang bitbit niyang supot; sumabog ang lahat ng laman niyon. Gumulong papunta sa akin ang isang kamatis.
Bumaling siya sa akin habang pinupulot ang mga kamatis na nalaglag sa sahig. I raised my eyebrows. Akala niya siguro tutulungan ko siya? Well, sorry na lang siya.
“What?” sikmat ko sa kanya.
She looked at me straight in the eye. “Hija, mag-ingat ka,” seryosong sambit niya kasabay ng paghinto ng elevator sa lobby. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Baliw siguro ang matandang ito.
Lumabas ako ng elevator. Muntik na akong madapa nang matapakan ko ang isang kamatis na gumulong. “Fuck!” Matalim na lumingon ako sa elevator. Nakasara na iyon. Wala na rin sa paningin ko ang matanda.
“Worst fucking day ever,” mura ko pagdating sa convenience store na katapat ng tower kung saan ako nakatira.
I went straight to the fridge, grabbed my favorite vodka and went to the counter. Agad na umikot ang mata ko sa iritasyon nang makita ang naka-display na heart-shaped chocolate sa counter. Kinuha ko iyon at itinapon sa basurahan sa tabi ko. Nanlaki ang mga mata ng crew sa ginawa ko.
“Ma’am...”
I shut her mouth by placing one-thousand-peso bill on the counter. “Babayaran ko. Okay na?”
Kinuha ng babae ang bill. "Ma'am, four hundred pesos po."
"Kasama na yung tinapon ko?"
Tumango siya sa akin.
"Isama mo na rin to." Dinampot ko ang isang heart shaped lollipop at hinulog sa basurahan na muling nagpanganga sa cashier. "Tapos isang Marlboro."
Lumabas ako at umupo sa nga nakahilerang silya sa labas ng store. Binuksan ko ang hawak na alak at diretsong tinungga iyon. I wanted to forget this day so bad. Kung pwede lang burahin sa kalendaryo ang araw na iyon ay ginawa ko na. I fucking hate this date.
Napangalhati ko pa ang hawak na bote ng alak nang lapitan ako ng babaeng security na nagbabantay ng store.
“Excuse me, Ma’am…”
“What?” sikmat ko sa kanya.
“Ano… Pasensya na. Pero bawal po maglasing dito.”
Nagsalubong ang kilay ko. “Mukha ba akong lasing? I’m not yet drunk, okay? Kung lasing ako, hindi ko maaalala kung bakit nagpapakalasing ako. Kung lasing ako, hindi ko maalala na ito ang araw kung kailan iniwan ako ng walang kwentang lalaking iyon. See? I’m not drunk!”
“Eh, ma’am...”
I squinted my eyes at her. “Besides, If I’m drunk, I wouldn’t find you ugly anymore. Kaso hindi pa, eh.” I laughed.
Namula ang mukha ng babae. “Miss, kung hindi ka aalis, magtatawag ako ng pulis.” Ngayon ay may pagbabanta na sa tono niya.
Fuck. Sabi bang hindi ako lasing. “Fine!” Kinuha ko ang bote ng alak at tumayo. Pero bago ako umalis ay ibinuhos ko sa mukha niya ang natirang alak sa bote. Napangiti ako nang suminghap siya sa ginawa ko.
“Ang bad mo!”
Natigilan ako. Luminga ako para hanapin ang pinanggalingan ng boses. Isang batang kalye ang nasa gilid ko. Madungis siya at halatang hindi naliligo.
“Kapag namatay ka, hindi ka mapupunta sa langit.” Ngumisi siya sa akin na tila tinatakot ako.
“So? Sa tingin mo may pakialam ako kung hindi ako mapunta sa langit?” I laughed. “I don't fucking care even if I rot in hell. Isa pa, hindi totoo na may langit. Hindi rin totoo ang impyerno, okay?" Matamis akong ngumiti bago naglakad paalis.
"Worst.Fucking.Day.Ever," bulong ko pagdating sa pedestrian lane. Huminto ako para hintayin ang pagpapalit ng signal light.
Sumalyap ako sa suot na relo. Alas dose na pala. Kaya pala konti na lang ang dumadaang sasakyan. Ibinalik ko ang tingin sa kalsada. Sa kabila ng mga sasakyan dumadaang ay napansin ko ang isang batang babae sa kabilang bahagi ng kalsada. Bahagyang nanliit ang mata ko. I don’t know but that girl looks familiar. Her face, her nose, her lips…her eyes… those pair of familiar eyes. Naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko.
Napatingin ang babae sa direksyon ko. Nagtama ang mata naming dalawa. Nakita ko ang rumehistrong gulat na reaksyon sa mukha niya. Her eyes widen. Bigla ay tumakbo siya patawid sa kalsada. Papunta sa akin…
Kasabay niyon ay narinig ko ang isang malakas na busina. Isang kotse ang paparating. I’m sure the girl's going to hit by that car. Ibinalik ko ang tingin sa babae. Her face... Hindi ko alam kung bakit habang pa tuloy akong nakatingin ako sa kanya, isang mukha ng lalaki ang pumapasok sa isip ko…
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko nang mga oras na iyon. Ang alam ko na lang, tumakbo ako papunta sa kanya. The next thing I knew, I was lying on the ground…barely breathing.
NAGISING ako sa nakakasilaw na liwanag. Iginala ko ang paningin ko. I found myself lying on the ground. Nasa gitna ako ng kalsada. Inalala ko ang mga nangyari kagabi. Huling naalala ko, habang pabalik ako sa condo ko… may nakita akong bata sa kabilang bahagi ng kalsada. She was about to get hit by a car but I saved her. Bumangon ako at muling iginala ang tingin sa paligid. Nasaan na ang batang iniligtas ko? I remember I pushed her aside. Where is she now? Napapikit ako nang tamaan ang mata ko ng sinag ng araw. Fuck. At bakit maliwanag na? Nakatulog ba ako sa daan? Ibinaba ko ang tingin sa sarili. All I remember before closing my eyes is that I was covered with my own blood. But how come I am perfectly fine now? Walang anumang bahid ng dugo ang damit ko… Iginalaw ko ang kamay ko. I don’t feel any pain in any part of my body…Bakit wala man lang masakit sakin?
“WHAT’S this place?” tanong ko kay Kairos. Sa isang iglap, nawala kami sa ospital at napunta sa dulo ng isang bangin. I don’t fucking know where the hell is this place. Bumaling ako kay Kairos. I have no choice but to believe he’s really a death angel. My death angel. I can’t believe this is all happening to me. Gusto kong maniwala na panaginip lang ang lahat ng ito. That none of this was real. "I hate to break it to you, but you are not dreaming, Cresia. This is real. This is your reality." Hindi ko alam na may ikaiitim pa pala ang nga mata ni Kairos habang sinasabi ang mga katagang iyon. Hindi ko maintindihan pero nakaramdam ako ng kakaibang takot. "N-nasaan tayo?" “We are in the middle of heaven and hell.” It was all that little girl’s fault. Kung hind
IGINALA ko ang tingin sa condo unit ko. Everything was the same. The carpet. The furnitures. The curtain. My favorite black rose painting. Almost all the furnitures in my unit are black. It was my favorite color. I’ve been living here for five years. Regalo ito sakin ni Nick, isa sa mga ex-boyfriend ko. Sa lahat ng mga naging boyfriend ko, siya ang pinakagalante. We only went out for a year pero niregaluhan na agad ako ng condo. Too bad, I got bored with him easily. Muli kong iginala ang tingin sa buong unit. Suddenly, it felt empty. I have no family. I have no friends. Tama ang lahat ng sinabi ni Kairos tungkol sa akin. I was a product of a one night stand. Limang taon ako nang iwan lang ako ng magaling na ina kay Auntie Mona para sumama sa lalaki niya. I thought Auntie Mona really cared for me. But I lear
“Caren Marcelo, 4th year high school,” wika ni Kairos sakin habang pinapanood namin ang babaeng ayon sa kanya ay “mission” ko. Mag-isang kumakain ang babae sa dining table. She is wearing a school uniform: a white blouse and red checkered skirt school uniform. She’s tall and pretty. Heart shaped face, almond shaped eyes, small nose and red lips. I bet that even without make up, her face was still beautiful. I smirked when I saw that her nails were painted black. “Her parents separated when she was young," patuloy na pagkukuwento ni Kairos. "Her mother left them and already has a family of her own. Her father was working abroad. She was under the care of her Yaya Feling.” Tahimik ang buong bahay. That’s why. Bukod sa kanya ay wala pa akong ibang taong nakita. Mula sa kusina ay lumabas ang isang matanda. I pr
“SINO ka?” gulat na sigaw sa ‘kin ni Caren nang magising siya. Kanina pa ako Nakatayo dito sa gilid ng kama niya, naghihintay na magising siya. So Kairos was right, nakikita na ako ni Caren. Kinuha niya ang unan at inihagis sa akin. Nanlaki ang mga mata niya nang tumagos ang unan sa katawan ko at tumama lang sa pader. Mariin siyang pumikit at ipinilig pilig ang ulo. “This is not real. I’m just drunk. Or maybe this is just a dream.” “We both know you are not drunk. Maayos ka pa ngang nakauwi kagabi, di ba?” Napadilat siya ng mga mata sa sinabi ko. Sinundan namin siya ni Kairos hanggang sa makauwi siya ng bahay kagabi. “At lalong hindi ka nananaginip. I am real. Kahit ilang beses mong iuntog ang ulo mo, hindi ako mawawala. Because I. am. real.” I smiled at her. “Who are you?” nanlalaki ang mga matang ta
“BUWISIT talaga. Pumasok pa si Sir Lenos,” mahinang litanya ni Caren pagbalik sa loob ng classroom. Si Lenos…nasa labas siya ng classroom habang may kausap sa cell phone. Hanggang ngayon ay hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. I watched him put down his phone as he enter the classroom. Ibinaba niya ang dalang libro sa teacher’s table sa bago hinarap ang buong klase. “Class, I’m sorry for being absent for five days. Nagkaroon lang ako ng family emergency.” Once upon a time, may isang prinsipe na naligaw sa gubat na siyang tirahan ng isang mangkukulam. Sinubukan ng mangkukulam na palayasin ang prinsipe subalit pinilit nitong mapalapit sa kanya. Unti-unti ay nahulog ang loob ng mangkukulam sa prinsipe. The prince made a promise to the witch that he would love her forever. But the prince broke his prom
IS that Caren’s bastard boyfriend? tanong ko sa sarili ko nang makita ang pamilyar na lalaki sa restaurant na malapit sa ospital. Nagpasya akong magpunta sa ospital para puntahan ang katawan ko. Iniwan ko muna si Caren tutal ay nasa bahay lang naman siya at natutulog na. Natigilan ako nang makumpirma kong boyfriend nga iyon ni Caren. May kasama siyang ibang babae. Umangat ang kilay ko nang halikan niya ang babaeng kasama. I smirked. So ito ang importanteng lakad niya na sinabi kay Caren. Ano kayang magiging reaksyon ni Caren kapag nalaman niya ito? I wish I have a camera right now. Nilagpasan ko sila at dumiretso sa loob ng St. Luke’s. Tsk, saan nga ba dito yung kwarto ko?
“FUCK it,” paulit-ulit na mura ko pagdating namin ni Caren sa St. Claire. Ayokong makita ang pagmumukha ni Lenos. But do I have a choice? Kung bakit kasi konektado pa ang walanghiyang iyon kay Caren eh. Baka kapag nakita ko siya, makagawa ako ng bagay na magdidiretso sa akin sa impiyerno. Naalala ko ang nasaksihan kong pag-iyak niya sa harap ng katawan ko sa ospital. Of course, he was just crying because he was guilty! Iyon siguro ang naramdaman niya nang nalaman na ang babaeng iniwan at sinaktan niya noon ay ang babae pang nagligtas sa buhay ng anak niya. Ha! Kung alam ko lang na anak niya ang batang iyon, hindi ko iyon ililigtas. “Tanga!” Sa lalim ng iniisip, hindi ko namalayan ang nangyari kay Caren. Mayroon siyang babaeng kaharap sa hallway. Nap
“OKAY na ba ang lasa?” tanong ko kay Daddy. Ipinatikim ko sa kanya ang niluluto kong adobo. Balak kong dalhan si Lenos ng lunch sa school.Binago ng aksidenteng nangyari sa akin ang buhay ko. Dalawang buwan akong walang malay sa ospital at sa loob ng mga araw na iyon, bumalik sa buhay ko si Lenos.Nalaman ko na pamangkin ni Lenos ang bata na iniligtas ko noong gabing iyon. Kaya pala pamilyar sa akin ang mukha ng babae. Kaya pala ganoon na lang kalakas ang pwersang nagtutulak sa akin na iligtas siya noong gabing iyon. Sa loob ng dalawang buwang wala akong malay ay si Lenos ang nag-alaga sa akin. And he told me he still love me after all these years.Lenos and I were together again. And our love was sweeter the second time around. Ipinaliwanag niya sakin ang dahilan ng pag-alis niya noon.
NAGISING ako sa nakasisilaw na liwanag. Ikinurap-kurap ko ang mga mata at hinayaang mag-adjust ang mga iyon sa liwanag.“Gising ka na!” tila hindi makapaniwalang sambit sa akin ng babaeng nakaputi.Iginala ko ang paningin ko. I realized I was in a... hospital. Ibinaling ako ang nga mata sa IV drip na nakakabit sa braso ko. Sinubukan kong bumangon subalit napahawak ako sa ulo ko. My head hurts like hell.“Dahan-dahan po, Mam,” alalay sa akin ng nurse. "Wag po kayo agad bumangon kasi baka mabigla ang katawan niyo." Nilapitan ako ng nurse at inalalayang maupo sa hospital bed. Isinandal niya ang katawan ko sa headboard ng kama. Muli akong napahawak sa ulo ko nang mapansin na parang may mali roon. Bakit maiksi ang buhok ko? What happened to my hair?
Lenos' POV"Hi," bati ko sa walang malay na si Cresia. According to her doctor, successful ang naging operasyon kay Cresia subalit hanggang ngayon ay hindi pa siya nagkakaroon ng malay."I'm sorry kung natagalan ako." Pagkatapos kong palitan ang mga bulaklak sa flower vase na nakadisplay sa isang sulok ng kwarto niya ay naupo ako sa tabi niya.Simula noong ilipat siya sa ICU ay araw-araw ko siyang binabantayan. Pansamantala akong umabsent sa eskwelahang pinagtatrabahuhan para personal kong maasikaso ang kalagayan niya. Walang ibang taong dumadalaw sa kanya maliban sa akin. After all these years, she was still alone in life.I couldn't believe I was standing in front of her right now. I couldn't believe she's the one who saved Leah. I remem
Dear Cresia,Hi. Siguro by the time you're reading this letter, I'm already gone. Hindi ko alam kung saan ako mapupunta pagkatapos nito o kung may pag-asang magkita tayo.Kaya iyong mga gusto kong sabihin sayo, isusulat ko na lang. Gusto kong malaman mo na sobra akong nagpapasalamat sayo. Nagpapasalamat ako na nakilala kita at dumating ka sa buhay ko.Thank you for everything, Cresia. Thank you for taking care of me. Thank you for being with me on my first heartbreak. Thank you for being a friend and for being an 'ate' to me.And I'm sorry if I failed you. Sabi ko, tutulungan kita. But I'm so sorry, hindi ko alam kung kaya ko iyong gawin ngayong hindi ko na alam kung paano ko pa ipagpapatuloy ang buhay ko. L
“LENOS… what are we doing here?” nagtatakang tanong ko sa kay Lenos. Sabi ni Lenos ay magdedate daw kaming dalawa. But he brought me to a church."Anong gagawin natin dito?" Inikot ko ng tingin ang paligid. The whole church was decorated with flowers. Black petals of roses are scattered on the floor.Puno ng pagsuyong ngumiti siya sa akin. “I want to make a promise in front of Him.”“What…" Hindi ako alam kung ano ang sasabihin.Napansin ko ang isang pigura na nakatayo sa pinto ng simbahan. It was Caren. And she was walking towards us."Hi, Cresia." Malaki ang ngiting bati niya sa akin.Sumulyap ako kay Lenos bago
"GRABE, ang dami mo palang gamit!" baling sa akin ni Caren habang nakatingin sa garage sale na in-organize ni Lenos sa St. Claire. Nandoon ang lahat ng mga damit, sapatos, bag, at ilan pang gamit na naiwan ko sa condo.Humingi ako ng tulong kay Caren at Lenos para maibenta ang lahat ng mga gamit na pag-aari ko."Cresia, are you sure you want to do these?" tanong sa akin ni Lenos habang kinukuha niya ang mga nakahanger na damit sa closet ko."I couldn't bring them to afterlife so might as well let other people have them, right?" I smiled at him. "Kaysa naman mabulok lang sila dito."Habang pinagmamasdan ang mga gamit sa harap namin ay lalo kong napatunayan kung gaano ako naging materialistic sa nakalipas na sampung taon. Materyal na bag
"CRESIA'S favorite color is black," pagkukuwento ni Lenos sa tatay ko matapos pansinin ng huli kung bakit panay kulay itim ang mga bulaklak na nakadisplay sa hospital room ko.Nandito ako sa loob ng ospital. Nakikinig ako kay Lenos na ngayon ay kausap ang tatay ko. Bumaling ako sa ama. Sabi ng nurse kay Lenos ay araw-araw daw ako nitong binibisita sa ospital. Minsan ay naabutan namin siya ni Lenos dito sa ospital na kasama ang kapatid ko."Mana pala siya kay Catherine," nakangiting sagot ng tatay ko kay Lenos. "I remembered I once gave her a sunflower but she just threw it right on my face. Ang sabi niya, palitan ko raw ng kulay itim para tanggapin niya."Natigilan ako sa narinig. My mother was like that?"Really?" namamanghang sagot ni Lenos sa ama ko.
“SIGURADO mapapanganga niyan si Marcus,” nakangising wika ko kay Caren. JS Promenade nila ngayong gabi. Pinasadahan ko siya ng tingin. She was wearing a blue ball gown with a sweetheart neckline paired with a silver stilettos. She looked amazing with that gown I chose for her.She made a face. “Stop it. Wala ngang gusto sakin ang nerd na iyon.”Ibinaba ko ang tingin sa kuwintas na suot niya. Iyon ang kuwintas na regalo sa kanya ni Marcus noong birthday niya. It was a silver necklace with a flower pendant."Eh, bakit ka binigyan ng kuwintas?" nang-iintrigang tanong ko."Alam mo ang malisyosa mo. Nagbigay lang ng regalo iyong tao, may gusto na agad?"Natawa ako. “Fine&hellip
"HEY" bati sa akin ni Caren pag-uwi ko. Naabutan ko siyang nakasalampak sa kama habang may ginagawa sa harap ng laptop. Sa tabi niya ay may isang plato ng nachos."Hindi pa rin tapos ang cravings mo?"Sa halip na sagutin ang tanong ko ay sumubo lang siya ng nacho. "Musta date nyo ni Sir?""Nanood kami ng sine," sagot ko sa kanya. Naupo ako sa tabi niya."Really?" Bahagyang umangat ang kilay niya. "Eh bat ang tagal mo umuwi?""I met my father," mahinang sambit ko.Napahinto siya sa ginagawa at napatitig sa akin."I mean, we did not obviously meet dahil hindi naman niya ako nakita," paglilinaw ko