“FUCK it,” paulit-ulit na mura ko pagdating namin ni Caren sa St. Claire.
Ayokong makita ang pagmumukha ni Lenos. But do I have a choice? Kung bakit kasi konektado pa ang walanghiyang iyon kay Caren eh.
Baka kapag nakita ko siya, makagawa ako ng bagay na magdidiretso sa akin sa impiyerno. Naalala ko ang nasaksihan kong pag-iyak niya sa harap ng katawan ko sa ospital. Of course, he was just crying because he was guilty! Iyon siguro ang naramdaman niya nang nalaman na ang babaeng iniwan at sinaktan niya noon ay ang babae pang nagligtas sa buhay ng anak niya. Ha! Kung alam ko lang na anak niya ang batang iyon, hindi ko iyon ililigtas.
“Tanga!”
Sa lalim ng iniisip, hindi ko namalayan ang nangyari kay Caren. Mayroon siyang babaeng kaharap sa hallway. Nap
“STOP acting as if you care!” narinig ko ang sigaw ni Caren sa amang kausap sa phone bago niya padabog na inihagis ang cell phone sa kama. Pumasok siya sa walk in closet at pabalibag na isinara ang pinto niyon. Hindi na ako nagtaka kung bakit ganoon ang galit niya sa ama niya. Sabi ni Kairos, nasa Amerika ang tatay niya. He basically left her daughter just like how her mother abandoned her. Poor, Caren. Tumayo ako para agad na sundan si Caren pero nagbago ang isip ko. I should give her time to cool down. Tutal ay hindi naman siya umaalis. “Saan ka pupunta?” hindi ko napigilang sita ko sa kanya paglabas niya ng walk in closet. She was wearing a skimpy skirt and midriff blouse. Her lips were painted bloody red. Pinasadahan ko siya ng tingin. “At bakit ganyan ang suot mo?” paninita ko sa kanya. I s
“GET up.” Inangat ko ang comforter na nakabalot kay Caren. Kanina ko pa siya tinatawag. Hindi siya bumabangon kaya nilapitan ko na siya. "Male-late ka na sa school. Anong oras na oh—" “Ano ba!?” Natigilan ako nang makita ang hitsura niya. She looked sick. Maputla ang mukha at bahagyang namumula ang mata. Akala ko nag-iinarte na lang siya nang sabihin niyang masama ang pakiramdam niya. Mukhang may sakit pala talaga siya. Bumukas ang pinto ng kuwarto at iniluwa si Manang. “Anak, kainin mo itong sopas at uminom ka ng gamot.” Inilapag ni Yaya ang tray sa sidetable. “Gusto mong magpatawag ako ng doktor?” Umiling lang si Caren. “Sige na, Yaya,” pagtataboy niya sa matanda. "Tatatawagin ko na lang kayo kapag may kailangan ako."
“FUCK!” wika ko sa sarili ko habang nakahiga sa kama ni Caren. I don’t know why I suddenly felt weak. Ibinaling ko ang tingin sa banyo kung saan siya kasalukuyang naliligo. Possible kaya na nahawa ako sa lagnat ni Caren? Halos matawa ako sa sarili. I’m in my spiritual form, paanong mangyayari na mahahawa ako ng lagnat niya?“That’s what happened when you use too much of your energy.”“Fuck!” nabiglang sambit ko sa biglang pagsulpot ni Kairos sa tabi ko. Napabangon ako.“Language, Lucresia.”“Wag ka kasing nangugulat!” sikmat ko sa kanya. Ilang araw din siyang hindi nagpakita sa akin. "And stop calling me Lucresia!""Do you prefer human?"
INAGAW ko kay Caren ang bulaklak at mabilis na itinapon sa basurahan."Bakit mo itinapon?" nagtatakang tanong ni Caren."Ang pangit." Sinulyapan ko ang bulaklak sa basurahan. Fuck! I shouldn't have wasted my energy on these stupid things.Caren was smirking at me. “Talaga naman, o. May hindi maka move-on. Ano kayang nakita sayo ni Sir Lenos, no? Grabe, after all those years…"Binigyan ko siya ng matalim na tingin.“Or baka naman advance pa-flowers niya iyan para sa burol mo? Alam ba niya na mamamatay ka na?”"Shut up."Bakit ko naman sasabihin kay Lenos na sa kamatayan na ang punta ko? Sino ba siya
"Hindi ko na hihintayin pa ba bumalik ka sa katawan mo. Ngayon pa lang, magsisimula na ako na bumawi sa iyo."Paulit-ulit na bumalik sa akin ang lahat ng sinabi sa akin ni Lenos."Babawi siya? After what, ten years? Anong akala niya, ganoon-ganoon na lang iyon? Akala niya, hindi ako magbabago?"Pagkatapos ng lahat ng sinabi ni Lenos kanina ay umalis ako sa St. Claire. Ayoko siyang makita. Hindi ko siya kayang makita.Dahil sa mga sinabi niya ay bumalik ang mga damdamin na matagal ko nang nakalimutan, mga ala-alang matagal ko nang ibinaon sa limot. Sa isang iglap, bumalik ang lahat ng iyon sa akin.Hindi ko namalayan na sa paglalakad ko ay nakalabas na ako ng St. Claire. Nakarating na pala ako
“I ALSO paid for this seat,” mataray na sagot ni Caren sa kaklase na akmang uupo sa tabi niya. Umagang-umaga ay nadito kami sa bus para bumiyahe. May camping sina Caren. As usual, wala naman akong choice kundi sumama sa kung saang lupalop na pupuntahan nila.“So, this seat is reserved for me?” tanong ko kay Caren.“Of course not. Ayoko lang may makarinig kapag kinausap kita,” defensive na sagot niya. “I didn’t do it for you. Ayoko talaga ng may katabi.” Sumimangot siya habang nakatingin sa labas ng bintana. “This whole camping idea is so boring.”“You’re right.”Bumaling siya sakin. Nagulat yata siya. It’s the first time I agree with her. “Kalokohan lang nama
“I HATE it! Bakit pati cell phone kailangang kuhanin?” naiinis na reklamo ni Caren. Sinipa-sipa niya ang mga tuyong dahong nagkalat sa lupa. Pagbaba namin kanina sa bus ay kinumpiska ni Lenos ang cellphone ng mga estudyante. Halos dalawang oras ang byahe namin bago nakarating sa Rizal. Pagbaba sa drop off point ay halos isang oras din ang hike bago makarating sa camping site. "Everyone, gather around here." Napatingin kami sa estudyanteng nagsalita. May dala siyang mini-megaphone. Sabi ni Caren kanina ay isa raw ang lalaki sa student leader nila. "We are not just here to help in saving the environment, we are also gather here to bond with co-students…" Habang pinagmamasdan ko ang lalaki ay naalala ko si Lenos
"CAREN, anong ginagawa mo?"Napahinto si Caren sa pagmamarakulyo nang tawagin siya isa mga teacher na kasama nila sa camp. If I remember correctly, teacher niya sa English ang babae. Nakasalubong ang kilay nito habang nakatingin kay Caren.Lumapit ito kay Caren. "Tumulong ka sa mga classmate ko," panenermon nito sa babae. "Sumama ka sa kanila."Napatingin ako sa mga kaklase niya. Lahat sila ay abala sa ginagawa. Nahagip ng tingin ko ang kaklase niyang si Marcus. Katulad ng mga kaklase ay tumutulong din ito sa pagtatayo ng tent.Matalim na umirap si Caren nang makalayo ang teacher na sumuway sa kanya."Ugh, buwisit talaga yang si Miss Cardona. Akala mo kung sino. Eh, siya ba, may ginagawa?" dire-diretso
“OKAY na ba ang lasa?” tanong ko kay Daddy. Ipinatikim ko sa kanya ang niluluto kong adobo. Balak kong dalhan si Lenos ng lunch sa school.Binago ng aksidenteng nangyari sa akin ang buhay ko. Dalawang buwan akong walang malay sa ospital at sa loob ng mga araw na iyon, bumalik sa buhay ko si Lenos.Nalaman ko na pamangkin ni Lenos ang bata na iniligtas ko noong gabing iyon. Kaya pala pamilyar sa akin ang mukha ng babae. Kaya pala ganoon na lang kalakas ang pwersang nagtutulak sa akin na iligtas siya noong gabing iyon. Sa loob ng dalawang buwang wala akong malay ay si Lenos ang nag-alaga sa akin. And he told me he still love me after all these years.Lenos and I were together again. And our love was sweeter the second time around. Ipinaliwanag niya sakin ang dahilan ng pag-alis niya noon.
NAGISING ako sa nakasisilaw na liwanag. Ikinurap-kurap ko ang mga mata at hinayaang mag-adjust ang mga iyon sa liwanag.“Gising ka na!” tila hindi makapaniwalang sambit sa akin ng babaeng nakaputi.Iginala ko ang paningin ko. I realized I was in a... hospital. Ibinaling ako ang nga mata sa IV drip na nakakabit sa braso ko. Sinubukan kong bumangon subalit napahawak ako sa ulo ko. My head hurts like hell.“Dahan-dahan po, Mam,” alalay sa akin ng nurse. "Wag po kayo agad bumangon kasi baka mabigla ang katawan niyo." Nilapitan ako ng nurse at inalalayang maupo sa hospital bed. Isinandal niya ang katawan ko sa headboard ng kama. Muli akong napahawak sa ulo ko nang mapansin na parang may mali roon. Bakit maiksi ang buhok ko? What happened to my hair?
Lenos' POV"Hi," bati ko sa walang malay na si Cresia. According to her doctor, successful ang naging operasyon kay Cresia subalit hanggang ngayon ay hindi pa siya nagkakaroon ng malay."I'm sorry kung natagalan ako." Pagkatapos kong palitan ang mga bulaklak sa flower vase na nakadisplay sa isang sulok ng kwarto niya ay naupo ako sa tabi niya.Simula noong ilipat siya sa ICU ay araw-araw ko siyang binabantayan. Pansamantala akong umabsent sa eskwelahang pinagtatrabahuhan para personal kong maasikaso ang kalagayan niya. Walang ibang taong dumadalaw sa kanya maliban sa akin. After all these years, she was still alone in life.I couldn't believe I was standing in front of her right now. I couldn't believe she's the one who saved Leah. I remem
Dear Cresia,Hi. Siguro by the time you're reading this letter, I'm already gone. Hindi ko alam kung saan ako mapupunta pagkatapos nito o kung may pag-asang magkita tayo.Kaya iyong mga gusto kong sabihin sayo, isusulat ko na lang. Gusto kong malaman mo na sobra akong nagpapasalamat sayo. Nagpapasalamat ako na nakilala kita at dumating ka sa buhay ko.Thank you for everything, Cresia. Thank you for taking care of me. Thank you for being with me on my first heartbreak. Thank you for being a friend and for being an 'ate' to me.And I'm sorry if I failed you. Sabi ko, tutulungan kita. But I'm so sorry, hindi ko alam kung kaya ko iyong gawin ngayong hindi ko na alam kung paano ko pa ipagpapatuloy ang buhay ko. L
“LENOS… what are we doing here?” nagtatakang tanong ko sa kay Lenos. Sabi ni Lenos ay magdedate daw kaming dalawa. But he brought me to a church."Anong gagawin natin dito?" Inikot ko ng tingin ang paligid. The whole church was decorated with flowers. Black petals of roses are scattered on the floor.Puno ng pagsuyong ngumiti siya sa akin. “I want to make a promise in front of Him.”“What…" Hindi ako alam kung ano ang sasabihin.Napansin ko ang isang pigura na nakatayo sa pinto ng simbahan. It was Caren. And she was walking towards us."Hi, Cresia." Malaki ang ngiting bati niya sa akin.Sumulyap ako kay Lenos bago
"GRABE, ang dami mo palang gamit!" baling sa akin ni Caren habang nakatingin sa garage sale na in-organize ni Lenos sa St. Claire. Nandoon ang lahat ng mga damit, sapatos, bag, at ilan pang gamit na naiwan ko sa condo.Humingi ako ng tulong kay Caren at Lenos para maibenta ang lahat ng mga gamit na pag-aari ko."Cresia, are you sure you want to do these?" tanong sa akin ni Lenos habang kinukuha niya ang mga nakahanger na damit sa closet ko."I couldn't bring them to afterlife so might as well let other people have them, right?" I smiled at him. "Kaysa naman mabulok lang sila dito."Habang pinagmamasdan ang mga gamit sa harap namin ay lalo kong napatunayan kung gaano ako naging materialistic sa nakalipas na sampung taon. Materyal na bag
"CRESIA'S favorite color is black," pagkukuwento ni Lenos sa tatay ko matapos pansinin ng huli kung bakit panay kulay itim ang mga bulaklak na nakadisplay sa hospital room ko.Nandito ako sa loob ng ospital. Nakikinig ako kay Lenos na ngayon ay kausap ang tatay ko. Bumaling ako sa ama. Sabi ng nurse kay Lenos ay araw-araw daw ako nitong binibisita sa ospital. Minsan ay naabutan namin siya ni Lenos dito sa ospital na kasama ang kapatid ko."Mana pala siya kay Catherine," nakangiting sagot ng tatay ko kay Lenos. "I remembered I once gave her a sunflower but she just threw it right on my face. Ang sabi niya, palitan ko raw ng kulay itim para tanggapin niya."Natigilan ako sa narinig. My mother was like that?"Really?" namamanghang sagot ni Lenos sa ama ko.
“SIGURADO mapapanganga niyan si Marcus,” nakangising wika ko kay Caren. JS Promenade nila ngayong gabi. Pinasadahan ko siya ng tingin. She was wearing a blue ball gown with a sweetheart neckline paired with a silver stilettos. She looked amazing with that gown I chose for her.She made a face. “Stop it. Wala ngang gusto sakin ang nerd na iyon.”Ibinaba ko ang tingin sa kuwintas na suot niya. Iyon ang kuwintas na regalo sa kanya ni Marcus noong birthday niya. It was a silver necklace with a flower pendant."Eh, bakit ka binigyan ng kuwintas?" nang-iintrigang tanong ko."Alam mo ang malisyosa mo. Nagbigay lang ng regalo iyong tao, may gusto na agad?"Natawa ako. “Fine&hellip
"HEY" bati sa akin ni Caren pag-uwi ko. Naabutan ko siyang nakasalampak sa kama habang may ginagawa sa harap ng laptop. Sa tabi niya ay may isang plato ng nachos."Hindi pa rin tapos ang cravings mo?"Sa halip na sagutin ang tanong ko ay sumubo lang siya ng nacho. "Musta date nyo ni Sir?""Nanood kami ng sine," sagot ko sa kanya. Naupo ako sa tabi niya."Really?" Bahagyang umangat ang kilay niya. "Eh bat ang tagal mo umuwi?""I met my father," mahinang sambit ko.Napahinto siya sa ginagawa at napatitig sa akin."I mean, we did not obviously meet dahil hindi naman niya ako nakita," paglilinaw ko