“Caren Marcelo, 4th year high school,” wika ni Kairos sakin habang pinapanood namin ang babaeng ayon sa kanya ay “mission” ko.
Mag-isang kumakain ang babae sa dining table. She is wearing a school uniform: a white blouse and red checkered skirt school uniform. She’s tall and pretty. Heart shaped face, almond shaped eyes, small nose and red lips. I bet that even without make up, her face was still beautiful. I smirked when I saw that her nails were painted black.
“Her parents separated when she was young," patuloy na pagkukuwento ni Kairos. "Her mother left them and already has a family of her own. Her father was working abroad. She was under the care of her Yaya Feling.”
Tahimik ang buong bahay. That’s why. Bukod sa kanya ay wala pa akong ibang taong nakita. Mula sa kusina ay lumabas ang isang matanda. I presume it was the Yaya Feling Kairos was talking about. Inabot nito ang isang lunch box kay Caren. “Baon mo, anak.”
“Thanks, Yaya,” Caren gave a small smile to the old woman as she put the lunch box on her bag.
Kairos smirked while turning to me. “That girl, she was like you.”
“Paano ko siya naging katulad?” sarkastikong tanong ko. “The only similarities we have is we're both beautiful.” From what I can see, she seems like a good girl.
Tinawanan ako ni Kairos.
Tiningnan ko siya ng masama. “How dare you insult me?” How dare this death angel? Iniinsulto ba niya ako? "Hindi ba ako maganda?"
He just simply grinned at me. “You know what? You remind me of someone...”
"So, ano, hindi nga ako maganda?"
"Do you really want me to answer that?" hindi makapaniwalang tanong nito. "No one can see you? Does it still matter if you look beautiful or not?"
Inirapan ko siya. "Death angel ka ba talaga? Di ba lahat ng angel, mababait? Kaya nga kayo ginawang anghel, di ba?"
Sa inis ko ay tumawa lang siya. "You're funny. You really remind me of her."
"Who?"
Natigilan siya, pagkatapos at umiling. “Nevermind. Let’s go. She's leaving.” Ngayon ko lang pansin na palabas na ng bahay si Caren. Sinundan namin siya palabas ng bahay. Hindi pa siya nakakalayo sa gate ng bahay nila nang buksan niya ang bag. Kinuha niya ang lunch box na ibinigay sa kanya ni Yaya Feling. Binuksan niya iyon at lumapit sa basurahan. Napanganga ako nang itapon niya ang lahat ng laman niyon sa basurahan, pagkatapos ay saka isinara at ibinalik sa bag.
"Ungrateful, right?"
Sumulyap ako kay Kairos bago muling ibinalik ang tingin sa babae. Muli siyang may kinuha sa bag. Nakita ko ang hawak niya Isang kaha ng sigarilyo at lighter. Kumuha siya ng isang stick ng sigarilyo bago ibinalik iyon sa bag. Itinapat niya ang sigarilyo sa bibig at sinindihan iyon gamit ang lighter.
“She smokes and drinks,” wika ni Kairos habang nasa patuloy kaming nakasunod kay Caren. Nakarating kami sa labas ng subdivision. Huminto si Caren sa gilid ng kalsada at nag-abang ng bus. Bago sumakay ng bus ay isang mahabang hithit ang ginawa niya sa yosi bago iyon ininapon sa gilid ng kalsada.
"Let's go."
Hanggang sa loob ng bus at sinundan namin ang dalaga. Naupo kami sa bakanteng upuan sa likod ni Caren.
"Saan ka, Miss?"
"Isang St. Claire," wika ni Caren sa konduktor na lumapit sa kanya.
Pagtapat ng konduktor sa amin ni Kairos ay nilagpasan lang kami niyon. Fuck, hindi pa rin ako makapaniwala na isa na akong kaluluwa ngayon.
“I miss you, babe.”
Muli akong napatingin kay Caren nang narinig ko siyang magsalita. May kausap siya sa cell phone. "Sinong kausap niya?” baling ko kay Kairos.
“Boyfriend niya.”
Oh. She has a boyfriend. I smirked. Well, when I was her age, I already had three boyfriends. Napatingin ako sa bintana ng sasakyan. Ngayon na lang ulit ako nakasakay sa bus. Kung kailan kaluluwa na ako.
"Sabi mo kanina, naghatid ka ng kaluluwa sa impyerno? Madami bang kaluluwang naaasign sayo?" tanong ko kay Kairos.
"Sa lahat ng na-assign sa akin, ikaw ang pinakamadaming tanong."
Umirap ako. "Masama bang magtanong?"
"Madami kayong ihahatid ko sa impyerno." He smirked at me. "Satisfied ka na?"
"Hindi nga sabi ako mapupunta sa impyerno!" giit ko.
Hindi ko maintindihan itong death angel na kasama ko. Minsan, wala siyang emosyon. Minsan, minsan sobrang seryoso niya na tipong nakakatakot na tumingin. Minsan, sarcastic siya. Minsan ay biglang tatawa na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. Tulad kanina, tinawanan ba naman ako nang igiit ko na maganda ako. Anong nakakatawa doon? Pasalamat siya at siya ang susi ko para makaakyat sa langit.
Natigilan ako nang huminto ang bus sa pamilyar na gate ng isang eskwelahan. It was the same schooI went into in high school and college St. Claire Academy. Eight years na yata ang nakakalipas mula nang huli akong makatapak dito. Damn. I suddenly feel old. “Dito ako nag-aral,” wala sa sariling sambit ko.
“Really? What a coincidence,” baling sa akin ni Kairos. His face was void of emotion. But there was something in his dark eyes. I don’t know what’s with this death angel. Sometimes, he’s all smirk, sometimes he’s intimidating like this. “Come on, human.” He snapped his fingers at my face.
Ngayon ko lang namalayan na nakababa na si Caren sa bus. Dumiretso siya sa isang lalaking nakasandal sa motor at nakatambay sa labas ng St. Claire. Mukhang lider ng gang ang lalaki. Nakasuot ng puting t-shirt ang maong pants ang lalaki. Matangkad ito ay may hitsura naman kahit papaano. Puno ng tattoo ang braso nito. May piercing din ito sa tenga at sa ilong. Naalala ko ang ex-boyfriend kong si Gray sa lalaki. Pero syempre, higit na gwapo naman si Gray sa lalaking ito. Hindi ako pumapatol sa mga average looking lang.
Itinapon ng lalaki ang sigarilyo sa lupa bago nakangiting nilapitan si Caren. “Babe, I miss you.” Hinawakan niya sa baywang si Caren.
“That boy was her boyfriend, Jake."
We saw Caren and her boyfriend kiss in broad daylight. It was a torrid one.
Napansin kong nag-iwas ng mga mata si Kairos. “My eyes.”
“Don’t tell me you’re a virgin?” nakangising baling ko sa kanya. “Hindi ba nakikipag-sex ang mga anghel?”
“You and your foul mouth.” Matalim na baling niya sa akin.
Natawa ako. "Weh? Totoo nga?" patuloy kong pagbibiro. "Wala kayong sex life? That's sad."
"Shut your mouth if you still want to enter heaven."
"Fine." Mukhang nayamot siya sa sinabi ko kaya pinilit kong itikom ang bibig.
Muli naming sinundan si Caren matapos niyang magpaalam sa nobyo. She entered the campus. Hindi ko napigilang igala ang tingin pagpasok sa loob ng St. Claire. Many things have changed. Madami na ring bagong building ang nakatayo roon, halos hindi ko na rin makilala ang mga dati nang building dahil mukhang na-renovate na. Pero pamilyar pa rin sa akin ang mga lumang puno ng mahogany na nakatayo malapit sa main gate ng campus. Sampung taon na rin nang huli akong makatapak sa St. Claire. I was hit by a sudden rush of nostalgia. Most of them are bad memories I don't want to remember anymore.
"Wala ba tayong ibang gagawin kundi ang sundan si Caren?" tanong ko kay Kairos. I don't like this place. This school is associated with so many bad memories.
"She's your mission. You should familiarize yourself with her life."
"I know, but I hate this place," reklamo ko.
"Sure." Nagkibit siya ng balikat. "May choice ka naman. You can choose to go straight to hell."
Fuck. Umirap ako at napilitang sundan si Caren na umakyat sa Science building. Pagdating sa hallway ng 2nd floor ay isang lalaki ang nakabunggo kay Caren.
“I’m sorry, Caren.” Nakayukong sambit ng binatilyo kay Caren. "I-ikaw pala yan. Hindi ko napansin."
Pinagmasdan ko ang lalaki. The boy looked like a typical high school nerd. Makapal ang suot nitong salamin sa mata. Namutla ang mukha nito nang salubungin nito ng tingin si Caren.
“Tss...apat na nga ang mata mo hindi ka pa marunong tumingin sa dinadaanan mo,” sikmat ni Caren sa lalaki. “You’re ruining my day!” Matalim na umirap siya bago nilagpasan ang lalaki.
I smirked. I’m starting to like this girl. Pagdating sa classroom ay inokupa niya ang isang bakanteng silya sa dulo at muling binuksan ang cellphone. Sa halip na makinig sa klase ay wala siyang inatupag kundi mag-cellphone. She also cuts class. Pagkatapos niyang tumakas sa klase ay nagpalit siya ng damit at nakipagkita sa boyfriend niya.
“Paano natin siya susundan?” tanong ko kay Kairos nang mawala sa panigin namin si Caren. Paglabas niya kanina sa gate ay umangkas siya sa motorbike ng boyfriend niya.
Kairos just turned to me and smirked. He then snapped his fingers. Sa isang iglap ay nasa loob kami ng isang bar. It looks like an underground bar. Marami akong nakitang tulad ni Caren na tila mga high school student doon.
“Anong gagawin natin—” Naputol ang sasabihin ko nang makita ko si Caren at boyfriend niya sa entrance ng bar.
Bumaling ako kay Kairos. I tried to hide my amazement. “You can read mind. You can teleport. What else can you do?”
“You wouldn’t want to know.” He smirked.
“God! I missed the taste of alcohol,” wika ko nang makita ang bote ng beer na hawak ng isang babaeng dumaan.
Kairos sternly looked at me. “Do not use His name on blasphemy.”
Fuck. This death angel can really be intimidating sometimes.
“Okay, fine.” Naupo ako sa sofa at ginala ang tingin. I can see alcohols everywhere. "Ugh, I wanna drink." Bumaling ako kay Kairos. "I wonder, hindi ba kayo kumakain?"
"We don't feel hunger," sagot niya na hindi tumitingin sa akin.
"Hindi rin kayo natutulog?"
Sa pagkakataong iyon ay bumaling na siya sa akin. "Let me ask you. Simula nang magising ka? Nakaramdam ka ba ng gutom? Ng antok?"
"Hindi."
"That answers your question."
"But you're different from me," argue ko sa kanya. "You're a death angel."
"Shh. We're not here to chitchat. Focus on your mission."
Hinanap ko si Caren. I spotted her on the dance floor. She was partying and dancing with her boyfriend. Napaangat pa ang kilay ko nang nakita kong nag-body shot sila. Wild. Damn. I suddenly missed my youth. I used to party this hard back then.
Habang sinusundan ng tingin si Caren, na-realize ko na tama si Kairos. Unti-unti kong nakikita ang sarili ko kay Caren. Gantong-ganito rin ako noon. A mess. Wild. Black sheep.
“She’s just like you,” wika sa akin ni Kairos. Magkatabi kami sa sofa habang pinapanood si Caren na nagsasayaw sa gitna ng dancefloor.
"Yeah." wala sa sariling sagot ko. I can see that now.
“And your mission is to change her. Make her a better person. A better version of herself. You have sixty days to do that.”
Napaharap ako sa kay Kairos. "Change her?" hindi makapaniwalang gagad ko. "Ano ako, juvenile center? DSWD? Rehabilitation center?"
"Akala ko ba gusto mong napunta sa langit?" ganting tanong ni Kairos. "You're such a whiner. Tatanggapin mo ba o idederetso na kita sa impyerno?"
"Bakit kasi ganyang mission pa? Sarili ko nga, hindi ko nabago, ibang tao pa kaya? How can you expect me to change her in what, sixty days?"
"Wala kang tiwala sa sarili mo?"
"Of course, meron!" mabilis na sagot ko. "Pero paano ko ituturo sa kanya ang isang bagay na hindi ko alam gawin?"
"Then, learn." Ngumiti siya. "Madali lang naman akong kausap, tatanggapin mo o ililista na kita sa impyerno?"
Napasinghap ako. "Fine. Fine," napipilitang papayag ko. "Pero paano ko magagawa iyong mission, eh, ni hindi naman niya ako nakikita?”
“Don’t worry, once your mission starts, she’ll be able to see you.”
"Really?" namamanghang gagad ko. "Pwede akong makita ng tao? I mean, normal na tao tulad ni Caren?"
"All is possible in this world, Cresia."
May naalala ako. "Yung matanda sa condo ko, nakikita niya ako kahit kaluluwa na ako."
He shrugged his shoulders. "There are humans who are capable of seeing souls."
"You mean, third eye?"
"You can call it like that."
Kunsabagay, kung totoo nga na may mga anghel, bakit pa ako magtataka na may mga taong nakakakita ng kaluluwa.
"Well, enough on the chitchat." Sa isang iglap ay bumalik ang seryosong mukha ng katabi.
“If you failed your mission, she will die,” seryosong dugtong niya na tila may halong pagbabanta. “When she dies, her soul will end up in hell. Just like yours.”
“What? But she’s not that bad!” nagtatakang sagot ko. Ganito ba talaga kahigpit sa langit? "At bakit naman siya mamamatay? Ang bata-bata pa niya!"
“You know why? Because Caren will commit suicide. And suicide is the biggest form of sin a human can commit.”
"So, totoo nga na kapag nagpakamatay, diretso ka sa impyerno?"
"Because only the Cretor has the power to take back a human life," sagot ni Kairos.
Ibinalik ko ang tingin kay Caren. She was still on the dance floor with her boyfriend. I saw the big smile on her face as she took a shot of tequila while dancing. She will commit suicide? Pero parang wala sa ugali niya ang gawin ang bagay na iyon.
"B-bakit siya magpapakamatay?" mahina ang boses na tanong ko sa katabi. "Wala naman sa mukha niya na magagawa niya iyon?"
"I'm sorry but I can't tell you that." Ibinaling niya ang tingin sa dancefloor bago ibinalik sa sakin. “The only thing I can tell you is that part of your mission is to get her away from that guy.”
“SINO ka?” gulat na sigaw sa ‘kin ni Caren nang magising siya. Kanina pa ako Nakatayo dito sa gilid ng kama niya, naghihintay na magising siya. So Kairos was right, nakikita na ako ni Caren. Kinuha niya ang unan at inihagis sa akin. Nanlaki ang mga mata niya nang tumagos ang unan sa katawan ko at tumama lang sa pader. Mariin siyang pumikit at ipinilig pilig ang ulo. “This is not real. I’m just drunk. Or maybe this is just a dream.” “We both know you are not drunk. Maayos ka pa ngang nakauwi kagabi, di ba?” Napadilat siya ng mga mata sa sinabi ko. Sinundan namin siya ni Kairos hanggang sa makauwi siya ng bahay kagabi. “At lalong hindi ka nananaginip. I am real. Kahit ilang beses mong iuntog ang ulo mo, hindi ako mawawala. Because I. am. real.” I smiled at her. “Who are you?” nanlalaki ang mga matang ta
“BUWISIT talaga. Pumasok pa si Sir Lenos,” mahinang litanya ni Caren pagbalik sa loob ng classroom. Si Lenos…nasa labas siya ng classroom habang may kausap sa cell phone. Hanggang ngayon ay hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. I watched him put down his phone as he enter the classroom. Ibinaba niya ang dalang libro sa teacher’s table sa bago hinarap ang buong klase. “Class, I’m sorry for being absent for five days. Nagkaroon lang ako ng family emergency.” Once upon a time, may isang prinsipe na naligaw sa gubat na siyang tirahan ng isang mangkukulam. Sinubukan ng mangkukulam na palayasin ang prinsipe subalit pinilit nitong mapalapit sa kanya. Unti-unti ay nahulog ang loob ng mangkukulam sa prinsipe. The prince made a promise to the witch that he would love her forever. But the prince broke his prom
IS that Caren’s bastard boyfriend? tanong ko sa sarili ko nang makita ang pamilyar na lalaki sa restaurant na malapit sa ospital. Nagpasya akong magpunta sa ospital para puntahan ang katawan ko. Iniwan ko muna si Caren tutal ay nasa bahay lang naman siya at natutulog na. Natigilan ako nang makumpirma kong boyfriend nga iyon ni Caren. May kasama siyang ibang babae. Umangat ang kilay ko nang halikan niya ang babaeng kasama. I smirked. So ito ang importanteng lakad niya na sinabi kay Caren. Ano kayang magiging reaksyon ni Caren kapag nalaman niya ito? I wish I have a camera right now. Nilagpasan ko sila at dumiretso sa loob ng St. Luke’s. Tsk, saan nga ba dito yung kwarto ko?
“FUCK it,” paulit-ulit na mura ko pagdating namin ni Caren sa St. Claire. Ayokong makita ang pagmumukha ni Lenos. But do I have a choice? Kung bakit kasi konektado pa ang walanghiyang iyon kay Caren eh. Baka kapag nakita ko siya, makagawa ako ng bagay na magdidiretso sa akin sa impiyerno. Naalala ko ang nasaksihan kong pag-iyak niya sa harap ng katawan ko sa ospital. Of course, he was just crying because he was guilty! Iyon siguro ang naramdaman niya nang nalaman na ang babaeng iniwan at sinaktan niya noon ay ang babae pang nagligtas sa buhay ng anak niya. Ha! Kung alam ko lang na anak niya ang batang iyon, hindi ko iyon ililigtas. “Tanga!” Sa lalim ng iniisip, hindi ko namalayan ang nangyari kay Caren. Mayroon siyang babaeng kaharap sa hallway. Nap
“STOP acting as if you care!” narinig ko ang sigaw ni Caren sa amang kausap sa phone bago niya padabog na inihagis ang cell phone sa kama. Pumasok siya sa walk in closet at pabalibag na isinara ang pinto niyon. Hindi na ako nagtaka kung bakit ganoon ang galit niya sa ama niya. Sabi ni Kairos, nasa Amerika ang tatay niya. He basically left her daughter just like how her mother abandoned her. Poor, Caren. Tumayo ako para agad na sundan si Caren pero nagbago ang isip ko. I should give her time to cool down. Tutal ay hindi naman siya umaalis. “Saan ka pupunta?” hindi ko napigilang sita ko sa kanya paglabas niya ng walk in closet. She was wearing a skimpy skirt and midriff blouse. Her lips were painted bloody red. Pinasadahan ko siya ng tingin. “At bakit ganyan ang suot mo?” paninita ko sa kanya. I s
“GET up.” Inangat ko ang comforter na nakabalot kay Caren. Kanina ko pa siya tinatawag. Hindi siya bumabangon kaya nilapitan ko na siya. "Male-late ka na sa school. Anong oras na oh—" “Ano ba!?” Natigilan ako nang makita ang hitsura niya. She looked sick. Maputla ang mukha at bahagyang namumula ang mata. Akala ko nag-iinarte na lang siya nang sabihin niyang masama ang pakiramdam niya. Mukhang may sakit pala talaga siya. Bumukas ang pinto ng kuwarto at iniluwa si Manang. “Anak, kainin mo itong sopas at uminom ka ng gamot.” Inilapag ni Yaya ang tray sa sidetable. “Gusto mong magpatawag ako ng doktor?” Umiling lang si Caren. “Sige na, Yaya,” pagtataboy niya sa matanda. "Tatatawagin ko na lang kayo kapag may kailangan ako."
“FUCK!” wika ko sa sarili ko habang nakahiga sa kama ni Caren. I don’t know why I suddenly felt weak. Ibinaling ko ang tingin sa banyo kung saan siya kasalukuyang naliligo. Possible kaya na nahawa ako sa lagnat ni Caren? Halos matawa ako sa sarili. I’m in my spiritual form, paanong mangyayari na mahahawa ako ng lagnat niya?“That’s what happened when you use too much of your energy.”“Fuck!” nabiglang sambit ko sa biglang pagsulpot ni Kairos sa tabi ko. Napabangon ako.“Language, Lucresia.”“Wag ka kasing nangugulat!” sikmat ko sa kanya. Ilang araw din siyang hindi nagpakita sa akin. "And stop calling me Lucresia!""Do you prefer human?"
INAGAW ko kay Caren ang bulaklak at mabilis na itinapon sa basurahan."Bakit mo itinapon?" nagtatakang tanong ni Caren."Ang pangit." Sinulyapan ko ang bulaklak sa basurahan. Fuck! I shouldn't have wasted my energy on these stupid things.Caren was smirking at me. “Talaga naman, o. May hindi maka move-on. Ano kayang nakita sayo ni Sir Lenos, no? Grabe, after all those years…"Binigyan ko siya ng matalim na tingin.“Or baka naman advance pa-flowers niya iyan para sa burol mo? Alam ba niya na mamamatay ka na?”"Shut up."Bakit ko naman sasabihin kay Lenos na sa kamatayan na ang punta ko? Sino ba siya
“OKAY na ba ang lasa?” tanong ko kay Daddy. Ipinatikim ko sa kanya ang niluluto kong adobo. Balak kong dalhan si Lenos ng lunch sa school.Binago ng aksidenteng nangyari sa akin ang buhay ko. Dalawang buwan akong walang malay sa ospital at sa loob ng mga araw na iyon, bumalik sa buhay ko si Lenos.Nalaman ko na pamangkin ni Lenos ang bata na iniligtas ko noong gabing iyon. Kaya pala pamilyar sa akin ang mukha ng babae. Kaya pala ganoon na lang kalakas ang pwersang nagtutulak sa akin na iligtas siya noong gabing iyon. Sa loob ng dalawang buwang wala akong malay ay si Lenos ang nag-alaga sa akin. And he told me he still love me after all these years.Lenos and I were together again. And our love was sweeter the second time around. Ipinaliwanag niya sakin ang dahilan ng pag-alis niya noon.
NAGISING ako sa nakasisilaw na liwanag. Ikinurap-kurap ko ang mga mata at hinayaang mag-adjust ang mga iyon sa liwanag.“Gising ka na!” tila hindi makapaniwalang sambit sa akin ng babaeng nakaputi.Iginala ko ang paningin ko. I realized I was in a... hospital. Ibinaling ako ang nga mata sa IV drip na nakakabit sa braso ko. Sinubukan kong bumangon subalit napahawak ako sa ulo ko. My head hurts like hell.“Dahan-dahan po, Mam,” alalay sa akin ng nurse. "Wag po kayo agad bumangon kasi baka mabigla ang katawan niyo." Nilapitan ako ng nurse at inalalayang maupo sa hospital bed. Isinandal niya ang katawan ko sa headboard ng kama. Muli akong napahawak sa ulo ko nang mapansin na parang may mali roon. Bakit maiksi ang buhok ko? What happened to my hair?
Lenos' POV"Hi," bati ko sa walang malay na si Cresia. According to her doctor, successful ang naging operasyon kay Cresia subalit hanggang ngayon ay hindi pa siya nagkakaroon ng malay."I'm sorry kung natagalan ako." Pagkatapos kong palitan ang mga bulaklak sa flower vase na nakadisplay sa isang sulok ng kwarto niya ay naupo ako sa tabi niya.Simula noong ilipat siya sa ICU ay araw-araw ko siyang binabantayan. Pansamantala akong umabsent sa eskwelahang pinagtatrabahuhan para personal kong maasikaso ang kalagayan niya. Walang ibang taong dumadalaw sa kanya maliban sa akin. After all these years, she was still alone in life.I couldn't believe I was standing in front of her right now. I couldn't believe she's the one who saved Leah. I remem
Dear Cresia,Hi. Siguro by the time you're reading this letter, I'm already gone. Hindi ko alam kung saan ako mapupunta pagkatapos nito o kung may pag-asang magkita tayo.Kaya iyong mga gusto kong sabihin sayo, isusulat ko na lang. Gusto kong malaman mo na sobra akong nagpapasalamat sayo. Nagpapasalamat ako na nakilala kita at dumating ka sa buhay ko.Thank you for everything, Cresia. Thank you for taking care of me. Thank you for being with me on my first heartbreak. Thank you for being a friend and for being an 'ate' to me.And I'm sorry if I failed you. Sabi ko, tutulungan kita. But I'm so sorry, hindi ko alam kung kaya ko iyong gawin ngayong hindi ko na alam kung paano ko pa ipagpapatuloy ang buhay ko. L
“LENOS… what are we doing here?” nagtatakang tanong ko sa kay Lenos. Sabi ni Lenos ay magdedate daw kaming dalawa. But he brought me to a church."Anong gagawin natin dito?" Inikot ko ng tingin ang paligid. The whole church was decorated with flowers. Black petals of roses are scattered on the floor.Puno ng pagsuyong ngumiti siya sa akin. “I want to make a promise in front of Him.”“What…" Hindi ako alam kung ano ang sasabihin.Napansin ko ang isang pigura na nakatayo sa pinto ng simbahan. It was Caren. And she was walking towards us."Hi, Cresia." Malaki ang ngiting bati niya sa akin.Sumulyap ako kay Lenos bago
"GRABE, ang dami mo palang gamit!" baling sa akin ni Caren habang nakatingin sa garage sale na in-organize ni Lenos sa St. Claire. Nandoon ang lahat ng mga damit, sapatos, bag, at ilan pang gamit na naiwan ko sa condo.Humingi ako ng tulong kay Caren at Lenos para maibenta ang lahat ng mga gamit na pag-aari ko."Cresia, are you sure you want to do these?" tanong sa akin ni Lenos habang kinukuha niya ang mga nakahanger na damit sa closet ko."I couldn't bring them to afterlife so might as well let other people have them, right?" I smiled at him. "Kaysa naman mabulok lang sila dito."Habang pinagmamasdan ang mga gamit sa harap namin ay lalo kong napatunayan kung gaano ako naging materialistic sa nakalipas na sampung taon. Materyal na bag
"CRESIA'S favorite color is black," pagkukuwento ni Lenos sa tatay ko matapos pansinin ng huli kung bakit panay kulay itim ang mga bulaklak na nakadisplay sa hospital room ko.Nandito ako sa loob ng ospital. Nakikinig ako kay Lenos na ngayon ay kausap ang tatay ko. Bumaling ako sa ama. Sabi ng nurse kay Lenos ay araw-araw daw ako nitong binibisita sa ospital. Minsan ay naabutan namin siya ni Lenos dito sa ospital na kasama ang kapatid ko."Mana pala siya kay Catherine," nakangiting sagot ng tatay ko kay Lenos. "I remembered I once gave her a sunflower but she just threw it right on my face. Ang sabi niya, palitan ko raw ng kulay itim para tanggapin niya."Natigilan ako sa narinig. My mother was like that?"Really?" namamanghang sagot ni Lenos sa ama ko.
“SIGURADO mapapanganga niyan si Marcus,” nakangising wika ko kay Caren. JS Promenade nila ngayong gabi. Pinasadahan ko siya ng tingin. She was wearing a blue ball gown with a sweetheart neckline paired with a silver stilettos. She looked amazing with that gown I chose for her.She made a face. “Stop it. Wala ngang gusto sakin ang nerd na iyon.”Ibinaba ko ang tingin sa kuwintas na suot niya. Iyon ang kuwintas na regalo sa kanya ni Marcus noong birthday niya. It was a silver necklace with a flower pendant."Eh, bakit ka binigyan ng kuwintas?" nang-iintrigang tanong ko."Alam mo ang malisyosa mo. Nagbigay lang ng regalo iyong tao, may gusto na agad?"Natawa ako. “Fine&hellip
"HEY" bati sa akin ni Caren pag-uwi ko. Naabutan ko siyang nakasalampak sa kama habang may ginagawa sa harap ng laptop. Sa tabi niya ay may isang plato ng nachos."Hindi pa rin tapos ang cravings mo?"Sa halip na sagutin ang tanong ko ay sumubo lang siya ng nacho. "Musta date nyo ni Sir?""Nanood kami ng sine," sagot ko sa kanya. Naupo ako sa tabi niya."Really?" Bahagyang umangat ang kilay niya. "Eh bat ang tagal mo umuwi?""I met my father," mahinang sambit ko.Napahinto siya sa ginagawa at napatitig sa akin."I mean, we did not obviously meet dahil hindi naman niya ako nakita," paglilinaw ko