Share

Chapter 14

Author: Serene Hope
last update Last Updated: 2025-04-08 09:20:07

MAAGANG umalis ng bahay si Weston kinabukasan par puntahan ang grape farming niya. Nagulat pa nga siya nang paggising niya, ay may nakahanda ng mga pagkain sa lamesa. Gusto rin sanang sumama ni Saskia sa pupuntahan niya, ngunit mariin siyang tumanggi. Ayaw niya itong isama roon dahil may problema siya sa mga produktong ubas niya. At saka na lang kapag nasa maayos nang kalagayan ang mga produkto niya.

Sakay siya ng All-Terrain Vehicle habang naglilibot sa malawak na ubasan, habang nakasunod naman sa kanya ang dalawa pang All-Terrain Vehicle sakay ang Viticulturist, Grape Grower, Vineyard Manager at Farm Manager. Kailangan niya ang mga taong propesyonal na ito para matukoy niya ang problema sa mga ubas na naaapektuhan ang paglaki.

Naobserbahan niyang parang hindi na nga ganoon kalaki sa orihinal na hitsura nito ang mga ubas. Nagmungkahi ang apat niyang kasama na kumuha ng soil sample para sa testing. Baka mayroong kulang sa nutrisyon sa lupa.

Buong araw siyang naroon lang sa grape farmi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 15

    KINABUKASAN, magkasabay silang pumasok ni Weston sa kompanya nito. Katulad nang napag-usapan nila, ay hindi siya nito ipapakilala bilang asawa, kundi bilang isang empleyado. Sa labas pa lang ng malaking gate ay alam na niyang napakalaki ng planta nito. Mas malaki iyon kumpara sa planta nila. Talagang napakayaman nito.Pagpasok nila ay ipinakilala siya ni Weston sa bawat nadaraanan nilang departamento bilang bagong Chief Operating Officer ng Del Flores Winery. Lahat ay nabigla dahil napakabilis namang napalitan ni Weston ang head ng Finance Department na kaka-resign lang noong isang araw.Ang iba ay mababakas ang kasiyahan sa mga mukha dahil mayroon na agad kapalit ang nag-resign, samantalang ang iba ay napapataas na lang ng kilay at napapaismid pa sa tuwing mapapatingin siya sa mga ito. Wari ‘y hindi masaya sa pagdating niya.Pagkatapos ay inilibot naman siya ni Weston sa buong produksyon kung saan ginagawa at pinoproseso ang wine. Napakalinis ng bawat dinaraanan nila, simula sa sahig

    Last Updated : 2025-04-08
  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 16

    NAKITA ni Weston ang pagdaan ng sakit sa mga mata ng pamangkin pagkatapos nitong marinig ang mga sinabi niya. Hindi porket pamangkin niya ito at close sila, ay pagbibigyan na niya ito sa kagustuhan.Oo, magkadugo sila, hindi niya maipagkakaila iyon. Pero ibang usapan na pagdating kay Saskia. Kung gaano nito kagustong maibalik sa piling nito ang asawa niya, ay ganoon din niya kagustong manatili sa tabi niya si Saskia. At walang sino man ang makakakuha sa dalaga sa piling niya.“Tito, alam mong siya ang kasiyahan ko, siya ang buhay ko! Kaya please, ipaubaya mo na siya sa ‘kin!” patuloy na pagsusumamo ni Gerald.“Gerald, kilala mo naman siguro ako, ‘di ba? Alam mo kung paano ako magalit. Kaya huwag mo nang ipagpilitan pa sa ‘kin ‘yang kagustuhan mo dahil kahit na anong mangyari, ay malabong pagbigyan kita,” may pagbabanta na sa tono niya dahil nakukulitan na siya rito.“Sisirain mo ang magandang samahan natin dahil lamang sa pagiging sakim at makasarili mo? Ngayon mo pa ba ako hindi pagb

    Last Updated : 2025-04-08
  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 17

    NAGTATAKA si Saskia kung bakit tahimik at seryosong-seryoso si Weston habang nagmamaneho. Pauwi na sila ngayon sa bahay nito.“May problema ba, Weston? Kanina ka pa tahimik at seryoso riyan,” malumanay na tanong niya rito.“Naka-move on ka na ba kay Gerald?” sa halip ay balik tanong nito. Napakunot naman siya ng noo, hindi niya inaasahan na magtatanong ito ng ganoon sa kanya.“Ahm, syempre, limang taon ba naman kaming magkarelasyon, kaya mahirap din sa ‘kin ang basta makalimutan na lang siya. Pero palagi ko na lang itinatatak sa isipan ko na hindi siya worth it para iyakan ko at paglaanan ng oras na isipin siya, dahil manloloko siya,” sambit niya na hindi maitago ang pait sa tinig.Bigla na naman tuloy siyang nakaramdam ng galit at lungkot dahil naalala na naman niya ang mga sandaling nahuli niya ito at ang pinsan niya na gumagawa ng kababalaghan sa loob ng kanyang opisina.“Paano kung hanggang ngayon ay mahal ka pa pala niya at hindi siya titigil hangga ‘t hindi ka bumabalik sa kanya

    Last Updated : 2025-04-08
  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 18

    LULUGO-LUGO si Gerald habang naglalakad papasok sa kanyang opisina sa MS Wine Haven. Hindi pa rin maalis sa isip niya ang naging pagtatalo nila kahapon ng kanyang tito Weston. Hindi niya lubos akalain na dahil kay Saskia, ay magkakaroon ng lamat ang kanilang pagsasamahan.Pero nangyari na ang nangyari, kaya lahat ng mga sinabi niya rito ay tototohanin niya, na aagawin niya rito si Saskia. Alam niyang mahirap at delikadong kalabanin si Weston, pero purisigido siyang banggain ito para lamang mabawi ang babaeng matagal niyang iningatan.“Gerald! Saan ka ba nanggaling? Ngayon ka lang na-late, ah? May importante ka bang pinuntahan?” tanong ni Vivian pagkapasok niya sa loob ng opisina. As usual, nakaupo na naman ito sa ibabaw ng kanyang working table habang nakadekwatro ang mga binti.“Viv! Huwag muna ngayon, wala ako sa mood,” matamlay na sagot niya rito. Alam na kasi niya ang gusto nitong mangyari kaya ito naroroon.“Ngayon mo lang yata ako tinanggihan, ah! Napapansin ko, simula nang magh

    Last Updated : 2025-04-09
  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 19

    NGISING ASO si Vivian habang nasa kanyang opisina. Nagulat talaga siya nang malaman niyang kamag-anak pala ni Gerald ang matagal na niyang pinapantasya na si Weston Del Flores. Sa tagal na nilang magkasama, ay ngayon niya lang nalaman iyon.Pwede niyang gamitin si Gerald para mapalapit kay Weston ng hindi nito nahahalata ang plano niya. At kapag matagumpay niyang naakit si Weston, ay titigil na siya sa kalokohan. Ibubuhos na lang niya lahat ng kanyang oras at pagmamahal sa lalaki. Sa hitsura pa lang ni Weston na halos wala man lang kapintasan, naiisip niyang hindi na siya lilingon pa sa ibang lalaki. Bonus na lang ang pagiging sikat at bilyonaryo nito.Biglang pumasok sa isip niya ang pinsang si Saskia. Nasaan na kaya ito? Ano na kaya ang pinagkakaabalahan nito ngayong wala na itong trabaho? Napangisi na lang siya sa isiping iyon, deserve iyon ni Saskia dahil sa pagiging pabibo at bida-bida nito dati. Kapag naging sila na ni Weston, talagang ipangangalandakan niya ito sa mga tao, lalo

    Last Updated : 2025-04-09
  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 20

    BREAKTIME na at dahil gustong magkape ni Saskia dahil hindi sila nakapag-almusal kaninang umaga bago sila umalis ng bahay ni Weston, ay nagpasya siyang lumabas ng opisina para bumili ng kape sa kaharap na coffee shop ng kompanya.Pero bago iyon, dinaanan muna niya ito sa opisina para tanungin kung gusto rin ba nito ng kape. Pero hindi niya ito nadatnaan doon, kaya ang ginawa niya ‘y lumabas na lang siya at naisip na ibili na rin ito kung sakali mang gusto rin nitong magkape.Mabuti na lang at walang masyadong nakapila sa loob ng coffee shop, kaya agad siyang nakabili. Bitbit ang dalawang kape na nakasilid sa plastic, ay maingat siyang tumawid sa kalsada. Kaunting lakad na lang at malapit na sana siya sa kompanya nang biglang may humila sa kanya sa isang tabi.Takot na takot siya pero dahil natatakpan ng kamay ng kung sinomang humila sa kanya ang kanyang bibig, ay hindi siya mkasigaw. Hindi niya alam kung sino ito dahil nasa likurang bahagi niya ito. Wala pa namang masyadong dumaraan s

    Last Updated : 2025-04-09
  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 21

    TAKOT NA TAKOT at nanginginig ang buong katawan ni Saskia dahil sa galit na nakikita niya sa buong katauhan ni Weston. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang braso habang hila-hila siya at mabilis na naglalakad papunta sa parking area ng kompanya kung saan nakaparada ang sasakyan nito.Dahil sa bilis ng paglalakad at sa laki ng mga hakbang nito ay halos makaladkad na siya. Naramdaman niya rin ang pagsakit ng kanyang braso na kasalukuyang hawak nito. Ngayon niya lang nakitang ganito kagalit ang kanyang asawa, kaya hindi niya malaman kung ano ang gagawin ng mga sandaling iyon.“Weston, sandali! Nasasaktan ako,” pakiusap niya rito habang kasalukuyan pa rin siya nitong hila-hila.Ngunit wala siyang nakuhang tugon mula rito hanggang sa makarating sila sa tapat ng sasakyan nito.“Pumasok ka!” malakas na sambit nito.“Ba-bakit? Sa-saan tayo pupun—”“I said pumasok ka!” malakas na sambit ulit nito.Wala siyang alam na may ganito palang saide si Weston. Nakakatakot pala ito kung magalit.“W

    Last Updated : 2025-04-10
  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 22

    HINDI MAIPALIWANAG ni Weston ang galit na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon, lalo na at parang siya pa ang mali sa paningin ng kanyang asawa. Niloko na nga ito ng kanyang pamangkin, ay may gana pa itong maawa sa lalaki.“Alam mo, ayaw ko naman sanang gawin sa ‘yo ‘to, Baby. Kaya lang, sinusubukan mo ang pasensiya ko, eh. Ayaw ko sanang maghigpit sa ‘yo dahil ang gusto ko, ayaw kong maramdaman mo na limitado ang mga kilos mo dahil lang sa nag-aalangan ka sa ‘kin. Pero ikaw din mismo ang nagtutulak sa ‘kin para gawin ‘to. Kaya magmula ngayon, hangga ‘t hindi ka nakaka-move on sa Gerald na ‘yon, ay dito ka lang. Parusa mo iyan dahil sa paglabag mo sa kontrata,” sambit niya habang nakahawak siya sa baba nito.“Pero Weston, alam mong hindi ko kaya ang walang trabaho. Promise, hindi na mauulit ‘yon. Kapag sinubukan niya pa rin akong lapitan at kausapin, iiwasan ko na lang siya,” sagot nitong may himig pakiusap.“Huwag mo ‘kong pakiusapan ng ganyan dahil hindi rin naman kita pagbibigya

    Last Updated : 2025-04-10

Latest chapter

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 32

    BINABAYBAY ni Weston ang daan patungo sa parking area ng kanyang kompanya dahil maaga siyang uuwi para makita agad si Saskia. Parang ang tagal ng bawat oras para sa kanya lalo na ‘t minu-minuto ay gusto niyang masilayan ang asawa. Hulog na hulog na talaga ang loob niya rito lalo na ngayong ganap na silang mag-asawa.Ngunit napakunot ang noo niya ng makita niyang nakasandal sa sasakyan niya si Katrina. Napabuntung-hininga na lang siya. Nakalimutan din pala niyang sabihin sa guard na pati si Katrina maliban kay Gerald at ate Gladys niya, ay banned na rin ito at hindi na pwedeng pumasok pa sa komapanya.“Anong ginagawa mo rito?” walang reaksyong tanong niya rito.“Dinadalaw ka, since hindi ka na umuuwi sa mansyon,” kagat-labing sagot nito na para bang nang-aakit.“Hindi ako pasyente para dalawin, at mas lalong hindi ako patay. Kaya huwag ka nang magsayang ng oras at panahon sa kakahabol sa ‘kin dahil sinisigurado ko sa ‘yo na pagod lang ang mapapala mo,” sarkastikong sambit niya.Biglang

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 31

    PAGPASOK ni Katrina sa loob ng mansyon ay nakita niyang may nakaparadang kotse kung saan doon niya ipinaparada ang kanyang sasakyan. Hindi iyon pamilyar sa kanya kaya nagtataka siya kung kanino iyon.Pagpasok niya sa mansyon ay agad niyang hinagilap ng paningin ang mag-asawa, pero hindi niya ito makita. Eksaktong napadaan siya sa tapat ng kwarto ni Gerald at naulinigan niyang may kausap itong babae. Doon pumasok sa isip niya na baka ang kausap nito ang nagmamay-ari ng sasakyan.Aalis na sana siya sa tapat ng silid para ipagpatuloy ang paghahanap sa mag-asawa nang bumukas ang pintuan nito. Iniluwa niyon si Gerald kasunod ang isang babaeng todo sa porma. Saglit niya lang itong tiningnan at inalis din niya ang mata niya roon.“Ate Kat, kanina ka pa ba riyan?” tanong sa kanya ni Gerald. Nakasanayan na nitong tawagin siyang ate kaysa tita dahil ilang taon lang naman ang agwat niya rito.“Hindi naman, kararating ko lang. Hinahanap ko sina tito at tita at saka si ate Gladys. Nasaan ba sila?”

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 30

    “GERALD, hindi mo man lang sa ‘min binabanggit na girlfriend mo pala ang CEO ng MS Wine Haven. Ang galing mong pumili ng babae, anak. Maganda, matalino at professional ang girlfriend mong napili,” masayang wika ng mommy niya nang pumasok ito sa kanyang kwarto kasunod si Vivian.Napabuntung-hininga na lang siya sa sinambit ng ina. Talagang nagpakilalang girlfriend niya si Vivian dito. At mukhang na-manipulate na rin ito ni Vivian dahil proud na proud ito sa babae. Talagang nag-ayos pa ito na para bang nakikibagay sa mga taong pupuntahan na alam nitong mayayamang tao.“I’m sorry, mommy, hindi ko na nabanggit sa inyo,” hinging paumanhin niya, nasabi rin lang naman ni Vivian na girlfriend niya ito, well, sasakyan na lang muna niya para walang maging problema.Nalukot naman ang mukha ni Vivian pagkakita sa hitsura niya. “Oh my God, Hon! What happen to you??? Sinong may gawa nito sa ‘yo?” nag-aalalang tanong nito sa kanya.“Maiwan ko na muna kayo rito, ha? May pupuntahan pa kasi ako. At Ger

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 29

    KANINA PA paikot-ikot sa harap ng salamin si Vivian. Gusto niyang maging maganda at perpekto sa mata ng pamilya ni Gerald, lalo na at alam niyang kahit anumang oras ay pwede niyang makita roon si Weston.At isa pa, gusto niyang siguraduhin na babagay ang hitsura at kasuotan niya sa mansyon. Iyon bang iisipin ng pamilya ni Gerald na nababagay siyang tumira roon at mapabilang sa kanilang pamilya.Nagsuot siya ng kulay beige na fitted off-shoulder dress na above the knee ang haba at pinaresan niya iyon ng kulay itim na stiletto sandals na nasa five inches ang taas. Inayos niya ang buhok niya ng pa-messy bun style. Magaling siyang mag-ayos ng sarili kaya nga lahat ng lalaking target niyang maangkin ay hindi siya nabibigong masungkit ang mga ito.At ngayon ay si Weston naman ang target niya. Ipinapangako niyang ito na ang una ‘t huli siyang mang-aakit ng lalaki kapag napasakanya na si Weston ng tuluyan. Nang makuntento na siya sa kanyang hitsura ay lumabas na siya ng banyo ng opisina niya.

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 28

    NASA KANYANG silid si Gerald habang nakahiga sa kanyang kama. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang mga pasa at sugat dulot ng ginawang pananakit sa kanya ng tiyuhin kaya hindi siya makakilos ng maayos. Kaunting galaw lang niya ay nananakit na ang mga sugat niya.Ang gusto pa nga ng mommy at lola niya ay i-confine siya sa ospital, pero doctor na rin ang nagsabing pwede rin naman niyang pagalingin ang mga sugat habang nagpapahinga sa bahay. Masyado lang talagang OA ang mga ito pagdating sa kanya.Hindi niya inaasahan na makakatikim siya ng pambubogbog mula kay Weston, at iyon ang hindi niya napaghandaan. Hanggang ngayon ay nanggagalaiti siya sa galit kapag sumasagi sa kanyang isipan ang pangyayaring iyon. Napahiya na siya kay Saskia, ay pinagmukha pa siya nitong mahina at walang kalaban-laban. Kung bakit kasi hindi siya naging maingat at mapagmatyag.Wala kasi siyang nasa isip ng mga sandaling iyon kundi ang makausap ang dalaga at para kumbinsihin itong bumalik sa kanya. Nawala na lang

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 27

    BUONG ARAW lang na nakahiga si Saskia sa kama dahil iyon ang kabilin-bilinan sa kanya ni Weston bago ito umalis. Mahigpit din nitong binilinan ang medyo may katandaan ng babae na siyang kinuha nito para magbantay at umalalay sa kanya habang wala ito.Nagpaalam itong saglit na pupunta sa kompanya dahil may kailangan itong asikasuhin na hindi pwedeng ipagpaliban. Pero bawat oras ay palagi itong tumatawag sa kanya para kumustahin ang kalagayan niya.Natutuwa siya sa isiping labis-labis ang pag-aalala nito sa kanya. Wala rin siyang kaide-ideya na ang masarap na pagniniig na namagitan sa kanila ay may kaakibat na sakit. Hanggang ngayon, hirap pa rin siyang maglakad dahil sa sobrang sakit ng kanyang kaselanan kapag sinusubukan niyang ihakbang ang mga paa.Masakit din ang buong katawan niya na para siyang binugbog ng sampong katao. May mga pasa rin siya sa magkabilaang binti, siguro ‘y dahil sa labis na bigat ni Weston nang daganan siya nito. Napakarami rin niyang mga mapupulang marka sa buo

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 26

    HINDI NA nagulat si Weston nang pagbukas niya ng kanyang opisina ay naroroon ang kanyang ate Gladys habang nakaupo ito sa kanyang upuan sa harap ng working table. Matatalim ang mga tinging ipinupukol nito sa kanya, indikasyon na galit na galit ito. Halatang hinihintay nito ang pagdating niya.Nakalimutan niya pala kasing sabihan ang mga guard niya sa kompanya na maging ang ate Gladys niya ay hindi na rin pwedeng papasukin ng mga ito, dahil gulo lang ang dadalhin nito, katulad ngayon, nahihinuha na niya ang posibleng mangyayari.“Weston!” malakas na tawag nito sa pangalan niya kasabay ng pagtayo. “Anong klaseng tiyuhin ka ba at nagawa mo sa pamangkin mo ang saktan siya, gulpihin siya para lang sa babaeng bigla na lang bumagsak sa kandungan mo sa hindi malamang dahilan? Ano, mas importante na sa ‘yo ang ibang tao na ilang buwan o baka araw mo pa lang na nakilala kaysa sa ‘min na simula’t sapul ay kasa-kasama mo na?!” nanlalaki ang mga mata nito habang nagsasalita.“Hindi ibang tao si Sa

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 25

    NAALIMPUNGATAN si Saskia nang maramdaman niyang may dumadamping basa at malamig na tela sa kanyang noo. Hindi niya namalayan na muli pala siyang nakatulog pagkatapos na matawagan ni Weston ang sinasabi nitong doctor na kaibigan.Unti-unti niyang iminulat ang mga mata, nakahinga siya ng maluwag nang pagmulat niya ay nabawasan na ang pagkahilo niya. Hindi na rin siya masyadong nanginginig. Nakita niyang si Weston pala ang nagpupunas at naglalagay ng basang bimpo sa kanyang noo at leeg.Sa bandang gilid niya sa kanang bahagi ay nakita niya ang babaeng maganda, maputi at matangkad na nakaupo. Mukha rin itong mabait dahil nang magawi ang paningin niya rito, ay ngumiti tio sa kanya. Ito na siguro ang sinasabi ni Weston na kaibigan nitong doctor.“Mabuti naman at nagising ka na, Baby. Siya pala si Olivia Santiago, kaibigan kong doctor,” wika ni Weston sabay turo sa babae.Tiningnan niya lang ang babaeng doctor at pilit itong nginitian. Wala pa siyang sapat na lakas para maglabas ng kanyang b

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 24

    NANGINGITI si Weston habang pinagmamasdan si Saskia at hinahaplos ang buhok nito habang mahimbing itong natutulog. Nasulyapan pa niya mula sa tabi nito ang mantsa ng kulay pulang likido na nagpapatunay na nakuha na niya ang asawa.Pagkatapos ng mahaba at masarap nilang pagniniig ay agad na lang itong nakatulog. Siguro dahil sa labis na pagod dahil iyon ang unang pagkakataon na naranasan nito ang ganoong bagay. Hindi masukat na satisfaction at kaligayan ang nararamdaman niya sa ngayon dahil sa nangyari sa kanila. Halos mabaliw siya sa pagnanasa habang inaangkin ito kanina.Hindi niya alam na mauuwi sa ganitong sitwasyon ang pagseselos niya. Pero mas mabuti na rin iyon, para naman alam na nito na pag-aari na niya ito at wala na itong karapatan na mapunta pa sa iba, lalong-lalo na sa pamangkin niyang si Gerald.Hindi niya naman intensyon na madamay si Saskia sa galit niya sa pamangkin dahil sa pakikipaglapit nito kay Saskia. Sadyang nadaig lang siya ng emosyon kaya hindi na niya napigila

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status