Share

CHAPTER 03

(CHAPTER 03)

KIYUMI SNAPPED BACK to reality when her best friend, Syren, hit her back. She didn’t even see her come out of the bathroom, because she was deep in her thoughts.

“What?” Kiyumi asked irritatedly at Syren.

Syren chuckled, and sat in front of Kiyumi. “You’re staring into a space for a good five minutes now, and I genuinely thought you were malfunctioning. Are you okay?”

Kiyumi sighed heavily, and nodded her head. “I’m fine. I was just...” hindi maituloy ni Kiyumi ang nais niyang sabihin.

Kiyumi knows Syren can be trusted. She’s just having a second thought if she should know about the embarrassing incident that happened to her, and the reason why Wynter and her broke up.

“You’re just what?” Syren curiously asked.

Kiyumi slightly bit her lip. Syren will not stop bothering until her best friend knows what she is thinking.

“Something’s bothering me,” pag-amin ni Kiyumi.

“I know. Tell me what this is all about,” sambit ni Syren at saka nag bukas ng panibagong beer in can.

Kiyumi took a deep breath which made Syren’s brows furrowed in bewilderment.

“Mukhang seryoso, ah? Tungkol ba sa sex iyan?” Syren asked and smiled excitedly.

‘Puro talaga kalokohan.’

Kiyumi cleared her throat. “I slept with another guy.”

“What?” Syren reacted while her eyes widened in shock. “Seryoso ba iyan?”

Tiningnan ni Kiyumi nang masama si Syren. “Do I look like I'm joking?”

Syren chuckled. “Chill! Edi nadiligan na rin ang tagtuyot mong bulaklak? Ano? Magaling ba? Daks?”

“Seriously, Syren? Iyan talaga ang itatanong mo sa akin?” Kiyumi asked in disbelief.

“Yes, I’m serious. Ano nga? Paniguradong ibang-iba sa sex na ipinapalasap sa iyo ng walang kwentang ex-boyfriend mo,” pangungulit ni Syren ngunit pilyang nakangiti.

Kiyumi can feel her face getting red, and felt embarrassed. “I don’t know. . . Just forget about it.”

“Ano ba iyan! Ang KJ mo naman kausap,” ungot ni Syren.

Kiyumi sighed heavily. “I was intoxicated that night, and I can't even remember how we ended up together.”

“Eh ano naman ang itsura? Ano gwapo ba? Baka naman pati itsura ay hindi mo rin matandaan?” muling tanong ni Syren.

Naalala ni Kiyumi ang itsura ng lalaking naka-sex niya. It was a one-night stand, and a pure mistake.

“He is,” usal ni Kiyumi.

Napatili naman si Syren habang humahagikhik. “Talaga? Oh my gosh! Nakuha mo ba ang name or number?”

“Do I have to ask his name? And I’m not interested in his number,” pagtataray ni Kiyumi kunwari at tumungga ng beer.

“Of course, Yumi! You just freaking have sex with him. You have the right to know him who the f*ck he was. Hindi ito katulad ng basketball na after mong maka-score ay tatakbo ka na lang like nothing happened. Puri mo ito na natikman ng taong hindi mo kilala!” Asik ni Syren habang pinandidilatan ng mga mata si Kiyumi.

‘Ang OA talaga. Dami agad nasabi.’

“Oh, bakit? Iyong mga nakaka-one night stand mo ba kilala mo lahat?” tanong ni Kiyumi. Napasinghap naman si Syren na halatang hindi makapaniwala na sinupalpal niya ng tanong. “This is not a normal one-night stand like you think, Syren.”

Syren arched her on-fleek brow while crossing her arms on her chest. “Ano to? Parang tao lang? May abnormal at normal? Kaya nga one-night stand eh. Kailan ba naging normal sa paningin ng lahat ang pagkakaroon ng ka-one night stand?”

“It was just an accident. We both didn't like it. An accident that I don't remember how it happened,” seryosong turan ni Kiyumi.

Kiyumi wanted to make Syren understand that she didn't like what happened. She wants her best friend to give her advice on how she can get through this situation.

“Yumi. Hindi porket aksidente eh hindi mo na aalamin ang tungkol sa kaniya,” pangungulit ni Syren.

“Syren, you don’t understand me. I don’t want to see him again. I don’t want to meet him again. I want to forget about what happened between us,” naiinis niyang turan.

“I do understand you. Is this all about Wynter?” Syren exclaimed.

Umiwas si Kiyumi nang tingin kay Syren at tinungga ang beer hanggang sa maubos.

“Iyon ba ang reason ng hiwalayan ninyo? Nalaman niya ba ang nangyari?” Syren asked seriously.

Tumango si Kiyumi. “Yeah. . .”

“Eh, paano niya naman nalaman ang nangyari? Sinabi mo ba? Ang honest mo, ah.” sarkastikong tanong ni Syren at hindi napigilang mapangiwi nang dahil do’n.

“I don’t know. . . Pero kinaumagahan, pag-uwi ko ay nagulat ako na naghihintay na rito si Wynter. He didn’t ask me kung saan ako galing o natulog. He just handed me his phone at pinakita ang CCTV footage namin ng guy sa elevator,” pagkukwento ni Kiyumi.

“CCTV? Pero paano niya naman nalaman? I mean paano niya nakuha ang copy ng CCTV footage?” nagtatakang tanong ni Syren.

Nagkibit-balikat na lamang si Kiyumi dahil hindi niya naman talaga alam kung paano nga ba nalaman ni Wynter ang tungkol doon. At para bang alam na alam nito kung anong oras siya uuwi sa condo.

“Weird. . .” mahinang ani Syren.

Napanguso si Kiyumi. “Weird talaga. Dahil sa aksidenteng iyon ay iniwan ako ni Wynter.”

Tinungga ni Kiyumi ang beer na kaka-bukas lang ni Syren.

“Ayaw mo pa nang nangyari? Muling humalimuyak ang bango ng iyong bulaklak. Sa dalawang buwan na wala kang dilig ay hindi mo inaasahang may didilig sa iyo, at ang maganda ay nalagyan pa ng ibang fertilizer,” pang-aasar ni Syren.

Dahilan para pumasok ang beer sa ilong ni Kiyumi at masamid.

“Okay lang iyon. Paminsan-minsan talaga ay kailangan nating humanap ng ibang fertilizer para mas sumagana ang bulaklak natin,” natatawang pang-aasar ni Syren.

“Please. . . I’m serious, Syren.” nawawalan na ng pasensya na turan ni Kiyumi

“Seryoso rin ako, ‘no! Kung hindi ka sana iniwan ni Wynter ng ilang buwan, edi sana ay hindi na tuyot ang pechay mo,” pagmamaldita ni Syren.

Napainom tuloy si Kiyumi dahil sa sinabi ni Syren. Her best friend is right. Wynter had gone in two months for a business trip in Switzerland. Sinundan niya si Wynter pero hindi sila nagkita. Ilang araw lang ay bumalik din agad siya rito sa Pilipinas dahil sa naiwan niyang work.

Matagal nanahimik sina Kiyumi at Syren nang magsimula na naman magtanong si Syren.

“Ano ba talaga ang nangyari? Hindi mo talaga maalala kung paano kayo nagkakilala ng lalaking naka-sex mo?” tanong ni Syren.

Umiling si Kiyumi. “Ang huli kong naalala ay nasa bar ako dahil may batch reunion kami, hindi ba? I was waiting for Wynter to arrive but he didn’t come. So I drank with the girls in my batchmates.”

“Then?” udyok ni Syren.

“I remember that someone gave me a drink, that was the last shot I drank before I stood up to go to the comfort room,” pagpapatuloy ni Kiyumi habang pilit na inaalala ang nangyari.

“Tapos?” parang tsismosang sabik sa kwento si Syren while seriously staring directly into Kiyumi’s eyes.

“Iyon na ang huling naaalala ko,” sambit ni Kiyumi.

Napaisip si Syren hanggang sa biglang ipinitik niya ang mga daliri. “Oh my gosh! Hindi kaya sinet-up ka?”

Kiyumi’s brows furrowed in bewilderment. “Set up by who? At para naman saan?”

Syren shrugged her shoulders. “Malay natin, there is someone who wants to destroy you.”

Hindi na nagsalita pang muli si Kiyumi at medyo napaisip sa sinabi ni Syren. Mahirap paniwalaan ngunit hindi rin imposible na mangyari iyon.

“Eh, iyong lalaki pala? You didn’t ask him about what happened? Hindi niya ba sinabi kung paano kayo nagkakilala?” Syren asked again. Daig niya pa imbestigador sa daming tanong.

“Hindi. Paano ko siya matatanong kung ang bungad niya sa akin ay pang-iinsulto?” iritadong sagot ni Kiyumi. Bgla niyang naalala ang gagong iyon.

“Talaga? Ano ba sinabi niya sa iyo?” nakangiting tanong ni Syren na para bang hindi big deal iyong pang-iinsulto ng lalaki kay Kiyumi.

“Pinagpipilitan niyang inakit ko raw siya at marami talagang babaeng gustong mapalapit sa kaniya. He even handed me some money!” naiinis na bulalas ni Kiyumi.

Syren laughed out loud like she heard a stupid joke from Kiyumi. “Edi bigatin! Sa akin nga free ang one-night stand. Hindi man lang ako mabigyan ng offer kahit pambili ng make up.”

‘Dapat bang ipagmalaki iyon?’

Hindi napigilang tignan ni Kiyumi nang masama si Syren. Nanggigigil na nga siya ngunit pinagtatawanan at niloloko pa siya nito.

“Pati ba name hindi mo tinanong? Or baka nagpakilala naman siya. Alalahanin mo naman. Iyong habang nakakandong ka sa kaniya ay wala siyang sinabing name?” pilyang turan ni Syren.

Tuluyang naubo si Kiyumi nang biglang nag-flashback sa kaniyang isip ang nangyari. He looked flawless, and he's so perfect like a greek god. From his beautiful and soft hair, his thick eyebrows, his rather narrow and gentle eyes, his sharp and rather small nose, his tense jaw to his red and juicy lips. Iyonh adams apple nitong sobrang sexy tingnan, at maugat nitont mga braso.

Kiyumi suddenly snapped back from her thoughts when Syren hit her again.

“Ah, jeez, what was that for?” Kiyumi exclaimed.

“Hindi ka naman siguro nag-we-wet dreams about sa lalaking iyon, ‘no?” pang-aasar niya.

‘Wet, what?’

“Tigilan mo nga ako. Hindi ako nakikipagbiruan,” napipikon na turan ni Kiyumi.

Umirap si Syren. “Kanina pa kasi ako nagsasalita rito pero parang wala ka na naman sa sarili mo.”

“Ano ba iyon?” tanong ni Kiyumi.

“Paano kung nagsasabi ng totoo iyong guy?” tanong ni Syren na ipinagtaka ni Kiyumi.

Kiyumi’s brows furrowed in bewilderment. “Ha?”

Pilyang ngumiti si Syren. “What if, ikaw talaga yung nauna? What if you really seduced him?”

Napaiwas nang tingin si Kiyumi. “Ano ba sinasabi mo? Tigilan mo nga ako.”

“I mean, you know when we are drunk, lumalabas ang kalibugan sa katawan natin. Maybe that kalibugan of yours came out, because of the spirit of alcohol and saktong iyong lalaki naman ang nakita ng sex organs mo para landiin.” mahabang turan ni Syren.

Hindi makasagot si Kiyumi. Hindi niya talaga alam ang isasagot. Syren’s right, maybe she was too drunk to stop herself from flirting with another guy.

Kiyumi sighed heavily. “The truth is, pumasok din sa isip ko iyan. And I couldn't accept the fact that it was really my fault, that I really flirted with that man. Pero kung nasa katinuan siya, kung ayaw niya talagang mayroong mangyari sa amin, edi sana nagpaka-gentleman naman siya at hindi na lang ako pinatulan, hindi ba? He also wanted to have sex with me. And he is a psychopath for blaming me for what happened!”

Nanlalaki ang mata ni Syren habang nakikinig sa sinabi ni Kiyumi.

“Relax! Ako lang to. Galit na galit? Nagtatanong lang... Wala ka talagang naalala tungkol sa kanya? Kahit name or saan siya nakatira? Baka mayroon naman kaya’t alalahanin mo,” pagpapakalma ni Syren.

Napakamot ng ulo si Kiyumi. Sumasakit ang ulo niya habang inaalala ang pangalan ng gagong iyon. Hanggang sumagi ang isang pangalan sa isipan niya.

“Hiro,” usal ni Kiyumi.

Namangha si Syren dahil doon. “Wow! Ang gandang name. Pero maraming Hiro sa mundo, saan natin siya hahanapin?”

“Sa Marvel,” sagot ni Kiyumi.

Syren’s on-fleek brow arched. “Ay wow! Nag-jo-joke ka na?”

Natawa si Kiyumi sa reaction ni Syren. Kahit kailan talaga. Iyong seryosong usapan nagiging parang joke lang kapag ito ang kausap niya.

“Anyway, si Yve ba kasama ninyo sa reunion?” Syren suddenly asked out of the blue.

“Oo naman. Ka-batch ko siya noong high school eh.” sagot ni Kiyumi.

“Pumunta siya?” seryosong tanong ni Syren. May kakaiba tuloy na nararamdaman si Kiyumi nang dahil doon.

“Oo nga. Bakit ba?” nagtatakang tanong ni Kiyumi.

Napaiwas nang tingin si Syren. “W-Wala. . . Naisip ko lang na baka siya ang mayroong alam kung sino ba iyong lalaking naka-one-night stand mo.”

Pero natigilan si Kiyumi dahil mayroong punto ang sinabi ni Syren. “Pero bakit mo naman naisip na kilala ni Yvonne iyong guy?”

“H-Huh? Wala lang,” nauutal na turan ni Syren at tinungga niya ang beer.

Magsasalita pa sana ulit si Kiyumi nang mag-ring ang kaniyang cellphone. Nagtaka naman siya nang makita ang caller’s name. Tumingin muna siya kay Syren bago sagutin ang tawag.

“Yve? Bakit ka napatawag?” agad na tanong ni Kiyumi.

“Yumi-girl, naiwan ko yung car key ko sa condo mo,” sagot ni Yvonne mula sa kabilang linya.

“Eh kanina ka pa nakaalis, hindi ba? Bakit ngayon ka lang tumawag?” tanong ni Kiyumi habang nililibot ang paningin sa paligid para hanapin ang naiwang car key ni Yvonne, nakita naman niya ito sa ilalim ng mesa. “I found it. Babalikan mo ba?”

“No, Yumi-girl. Sinundo kasi ako ng boyfriend ko kaya nakaalis na ako sa building ng condo mo. Pwede mo bang ipadaan na lang kay Sy sa hotel ko pag-uwi niya?” malumanay na turan ni Yvonne mula sa kabilang linya.

Tumingin si Kiyumi kay Syren. Umiling agad ito na parang sinasabing ayaw nitong sundin ang utos ni Yvonne dahil mukhang tinatamad na. “Yve, kasi lasing na si Sy. Hindi ko siya pauwiin ngayon baka mapano pa ito.”

“Hala! Paano kaya iyan?” parang nag-aalala na tanong ni Yvonne.

Nakita ni Kiyumi na umirap si Syren sa hangin.

“Eh pwede ko bang ipasuyo sa iyo, Yumi-girl? I really need it eh. Maaga kasi akong aalis bukas dahil may importante kaming meeting about sa pagbabalik ng CEO natin,” desperadang turan ni Yvonne mula sa kabilang linya.

Kiyumi sighed. “Sure. Ihahatid ko mamaya.”

Nang namatay na ang tawag. Hindi alam ni Kiyumi ngunit biglang sumama ang pakiramdam niya. Parang mayroong kakaiba kay Yvonne ngayon, iyon din ang dahilan kung bakit hindi niya nagawang magkwento kanina habang nandito pa ito.

“Ihahatid mo talaga?” seryosong tanong ni Syren.

Tumango si Kiyumi. “Oo. Kailangan niya raw to bukas.”

Hindi na nagsalita pa si Syren at uminom na lang ng uminom.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status