I SIGHED HEAVILY while looking at Syren who was annoyed, I forced her to go with me. I really didn’t want to go alone right now. Kaya pinilit ko siyang sumama sa'kin.
“Nakakainis!” pagmamaktol ni Syren habang nagmamaneho ng sasakyan.
“Parang hindi mo kaibigan si Yve kung makaarte ka,” sita ko sa kanya.
Medyo naiirita na rin ako dahil panay ang hampas niya sa busina ng sasakyan nito kaya’t panay tuloy ang tabi ng mga sasakyang kasabay namin.
“Bakit ba kasi kailangan ko pang sumama na maghatid ng lintik na susi na iyan? Sana kinuha niya na lang doon sa condo mo kung importante,” pagrereklamo niya pa.
Napailing na lamang ako dahil kahit panay ang reklamo ni Syren ay nakarating pa rin naman kami sa aming destinasyon. Agad itong nag-park at mabilis naman akong lumabas. Nagtataka pa akong lumingon dito lalo na’t hindi ito gumagalaw paalis sa driver’s seat.
“Hindi ka talaga sasama sa taas?” tanong ko sa kanya.
Agad na umiling si Syren “Hindi na, Yumi. Hihintayin na lang kita rito. Medyo nahihilo ako kaya’t magpapahinga muna ako.”
Hinayaan ko na lamang si Syren sa parking space. Naglakad na ako papasok sa hotel kung saan nag-e-stay si Yvonne. Pinsan ni Yvonne ang may-ari ng hotel na ito kaya libre ang pag-stay niya rito. Mayroon itong exclusive suit na minsan nakiki-sleepover kaming dalawa ni Syren.
Dumaan muna ako sa receptionist habang nakangiti. “Nandyan ba si Yve sa suit niya? Mayroon lang akong ihahatid sa kaniya.”
Nakangiting tumango ang receptionist. “Yes, Ma’am Kiyumi. Hindi pa po siya lumalabas mula kanina."
“Okay, thank you,” nakangiting pasasalamat ko at naglakad papasok sa loob ng elevator.
Sa hindi malamang dahilan ay bigla akong nakaramdam ng kakaiba habang nakasakay sa loob ng elevator. Napahawak ako sa dibdib ko dahil ang lakas ng kabog nito. Mukhang tinamaan na ata ako ng alak o baka pagod lang ako. Kailangan ko na talagang maihatid ang susi para makauwi at makapagpahinga. Pinagsawalang-bahala ko na lamang ito at lumabas na ng elevator nang makarating ako sa floor kung saan ang exclusive suit ni Yvonne..
Agad akong nagtungo sa tapat ng suit ni Yvonne at ilang ulit nag-doorbell. Napakunot ang noo ko nang lumipas ang ilang minuto ay wala pa rin'g nagbubukas ng pinto.
‘Tulog na ba agad si Yvonne? Bakit kaya hindi niya binubuksan ang pinto?’
Sa hindi malamang dahilan ay naisipan kong pihitin ang doorknob at nagulat pa akong bukas ito. Pumasok ako sa loob, medyo madilim kaya dahan-dahan akong naglakad papunta sa switch ng ilaw. Kabisado ko naman ang suit ni Yvonne lalo na’t ilang beses na akong nakarating dito. Pagkabukas ko ng ilaw ay nagtaka ako dahil mayroong sapatos ng lalaki sa gilid.
'Baka andito pa rin boyfriend niya.'
Tinawag ko siya ng tinawag, pero wala akong nakukuhang tugon mula sa kanya. May biglang pumasok sa isip ko.
'What if may nakapasok na magnanakaw?'
Dahil sa naisip ko ay agad akong dumiretso na sa silid ni Yvonne na nakabukas ang pinto. Ngunit agad din napahinto at para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nasaksihan. Awtomatikong tumulo ang luha ko habang hindi makapaniwala sa nakikita sa aking harapan.
Nanginginig ako sa galit at sakit. Hanggang sa mabilis akong tumakbo palapit at walang ano-ano'y sinabunutan ko ang buhok ni Yvonne at hinatak siya paalis sa kama.
“P*tangina ninyo!” sigaw ko sa galit at sakit. Padaskol ko ding binato ang susi sa mga ito.
“Y-Yumi?” gulat na tanong ni Wynter at nagmamadaling takpan ang sarili gamit ang kumot.
I caught Wynter and Yvonne having sex on the bed. My best friend was riding on top of my f*cking ex-boyfriend. The two people that I trusted were enjoying f*cking each other behind my back.
“Y-Yumi. . . L-Let me explain,” umiiyak na turan ni Yvonne habang hubo’t-hubad na nasa harapan ko.
‘Explain? For what?’
Hindi ko pinansin ko si Yvonne. Instead, I looked at Wynter. There were lots of questions that I wanted to ask him. However, I couldn’t open my mouth to ask all of it. I angrily wiped-off the tears falling from my eyes.
I combed my fingers through my hair while shaking my head in disbelief. I sighed heavily to calm myself even though my body was shaking in anger and pain. “D-do you even loved me, Wynter? Ang bilis mo namang maka-move on. . .” iyong ang unang lumabas sa bibig ko.
Pilit kong pinapalakas ang loob ki dahil kailangan kong maging matapang ngayon, lalo na’t nalaman na ko ang katotohanan. Mukhang nagpapaka-martyr ako sa wala.
“I don’t feel you appreciate me. All I want is for you to just show me that you care. Binaliwala mo lang lahat, sinayang mo lang lahat. Sagutin mo nga ako, Wynter. Minahal mo ba talaga ako o ginagago mo na talaga ako habang mayroon pa tayong relasyon?” nasasaktang tanon ko. Hindi ko alam kung paanong may lakas pa akong itanong iyon gayung nasa harapan ko na mismo ang sagot.
Wynter sighed heavily while looking at me, and it's funny to see that there's a pain in his eyes. “Y-Yumi, please. . .”
Sarkastiko akong tumawa. “Oo lang o hindi ang isasagot mo ngunit hirap na hirap ka na agad, Wynter. Matagal ninyo na ba akong ginagago?”
“I-I’m sorry, Yumi. . .” umiiyak na hinging patawad ni Yvonne.
Galit kong tiningnan si Yvonne. “Shut the f*ck up, Yvonne! I don’t wanna hear your voice. I don’t wanna talk to you. Hindi ako makapaniwala na ginawa kong kaibigan ang ahas na katulad mo. Palihim na lumilingkis at tinutuklaw ang tira-tira ko. Save your lies, because I’m sure as hell that I want you out of my life. Both of you didn’t deserve me.” galit kong sigaw sa kanya.
Sobrang sakit. Hindi ko nga alam kung bakit pa ako nandito eh.
Umiyak nang malakas si Yvonne na mas ikinainis ko.
‘Ang kapal ng mukha, siya pa talaga ang mayroong ganang umiyak.’
Napapatanong tuloy ako sa sarili ko kung sinadya ba ni Yvonne na iwan ang susi para makita at malaman ko ang sikreto nilang dalawa ni Wynter.
‘Si Syren? May alam kaya siya dito? Alam niya kaya ang tungkol kina Wynter at Yvonne?’
Dahil sa naisip ko ay mas lalong bumigat ang pakiramdam ko.
“Nagawa mong makipag-usap at magpanggap na concern ka sa akin, ininsulto mo pa si Syren, iyon naman pala ay mas malala ka pa sa kaniya. You’re a two faced b*tch!” kalmado ngunit galit kong turan habang nakipagtitigan kay Yvonne.
“H-Hindi namin sinasadya,” pagsisinungaling ni Yvonne.
I laughed sarcastically. “Hindi sinasadya? Sino ang niloko mo? Ang kapal ng mukha mo! Sa tingin mo ba ay paniniwalaan ko ang katulad mong ahas at traydor?”
Agad siyang umiwas ng tingin sa'kin.
'Aba dapat lang. Ang kapal naman ng mukha niya kung makukuha niya pang makipagtitigan sa'kin.'
“Sabagay, may kasabihan nga na kung ano ang puno, iyon din ang bunga. Hindi na dapat ako nagtaka, dahil iyong nanay mo ay dati rin namang parausan,” pag-iinsulto ko kay Yvonne.
Agad tumayo si Yvonne at akma akong sasampalin ngunit mabilis kong nahawakan ang kamay niya.
“Huwag mong idadamay ang mama ko rito! Ako ang kalaban mo kaya’t ako ang harapin mo!” asik ni Yvonne.
'Kalaban? Wow!'
Hindi ko alam pero dahil sa sinabi niya ay mas lalong uminit ang dugo ko sa kanya.
I raised my on-fleek brow as I smirked devilishly. “Bakit? Kinakahiya mo ba ang mama mo? Hindi ba nakinabang ka rin naman sa pagiging babaeng bayaran niya? Tingnan mo oh, kuhang-kuha mo ang pagiging parausan niya.”
I didn’t mean to say it. Pero bigla na lang iyong lumalabas sa bibig ko. Wala talagang preno ang bunganga ko kapag galit na ako.
Bakas ang galit sa mukha ni Yvonne. “Pwede bang susian mo iyang bibig mo!” Dinuro niya ako.
“Kung mayroon kailangang susian, ipodlock at itali ng barbed wire ay hindi ko bibig. Mas magandang gawin iyon sa mga hita mong bumubuka sa pagmamay-ari na ng iba!" I said. Ngumisi ako at tinaasan siya ng kilay.
Pulang-pula na sa galit si Yvonne. Ngunit agad din siyang ngumisi. “Huwag mo akong sisihin kung hindi ka na mahal ni Wynter. O tama bang sabihin na hindi ka naman niya talaga minahal. Kawawa ka naman, nagpapaka-martyr at nagmumukhang tanga!”
Agad na lumipad ang palad ko sa pisngi ni Yvonne nang sampalin ko ito ng malakas. Muntik pa itong masubsob. Ngunit mabilis na umalalay si Wynter suot ay boxer habang masamang nakatingin sa akin. Agad nitong binalot ang kumot sa hubo’t-hubad na katawan ni Yvonne na ngayon ay umiiyak na.
Nanginginig ako sa galit. Sobrang sikip ng dibdib ko. “Ang kapal ng mukha mo! Ikaw pa ang malakas ang loob na laitin ako! Tandaan mo, hinding-hindi ko mapapatawad ang ginawa ninyong dalawa sa akin!” Sigaw ko,
“Why did you do that? P'wede kang magmura at magsalita nang masasakit, ngunit huwag mo siyang sasaktan,” seryosong turan ni Wynter.
Napamaang ako. Ang kapal ng betlog niya para ipagtanggol ang ahas na ito. Siya pa talaga ang may ganang magalit sa akin.
“Don’t you ever dare to hurt Yvonne again, or else—-” Ni-hindi na naituloy ni Wynter ang sasabihin nang sumingit ako.
“Or else what? You think I’m afraid of you?” sarkastikong tanong ko kay Wynter.
“I love her. Don’t hurt her, just hurt me instead,” sagot ni Wynter.
Natigilan si ako nang dahil do’n. Damang-dama ko ang pagiging seryoso ni Wynter dahil sa paraan ng pagtingin niya sa'kin, nakatingin ito ng diretso sa mga mata ko. Agad ako napaiwas ng tingin at pinunasan ang luhang tumulo mula sa mga mata ko.
‘Amazing! Just wow.’ Wala akong masabi. Nakakatawa at nakakatanga.
“Ang galing naman. Isang linggo pa lang tayong wala ay mahal mo na siya agad?” sarkastikong turan ko at bumaling kay Yvonne na ngayon ay mayroong ngiting tagumpay sa labi. “Makarma ka sana sa pinanggagawa mong ahas ka.”
Wynter groaned in annoyance. “Don’t you dare talk to Yvonne like that. She is above your league. Wala ka nang pakialam sa gagawin ko sa buhay ko. Afterall, we already broke up, so please let me go.” pagtatanggol niya sa kabet niya.
O tama bang tawagin ko siyang kabet? Gayung hindi ko naman siya asawa.
“We have been going out together for three years, Wynter. And now you want to break up with me over this girl? Kung ipagpapalit mo ako, bakit sa cheap na kagaya niya pa?” pang-iinsulto ko kay Yvonne.
Wynter sighed heavily. “She’s important to me.”
“At ako hindi? Iyan din ang sinabi mo sa akin noon, Wynter!” puno ng hinanakit na turan ko.
“Magkaiba kayong dalawa, Yumi.” kontra ni Wynter.
Pagak akong tumawa. “Of course magkaiba kaming dalawa ng ahas na iyan. Hindi ako kagaya niya, hindi ko gawain ang pumatol sa ex-boyfriend ng best friend ko.”
Nilingon ko si Yvonne, agad siyang umiwas nang tingin kaya naman bumaling muli ako kay Wynter.
“I am not angry. I’m in pain. And you put me here, the person who is supposed to love me more than anything,” puno ng hinanakit na turan ko habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Wynter.
It's funny to see Wynter’s gaze softened when my tears starting to fall.
“I’m trying to be a better person for you. That’s all I f*cking did for three years being with you, Wynter. Sabihin mo sa akin kung saan ako nagkulang. Ipaintindi mo sa akin kung bakit nagawa niyo akong lokohin,” I couldn't stop myself and started crying. I was hurt. Hindi ko nga alam kung paano pa ako nakakapagsalita sa harap nilang dalawa. “I deserve an explanation, I need an acceptable reason. Because I worked on it, I worked hard for it. I invested my time and effort in our relationship.” I added.
“She’s pregnant,” sambit ni Wynter.
Parang biglang tumigil ang oras at wala na akong ibang naririnig pa kundi ang malakas na kabog ng dibdib ko.
“W-What did you just say? She’s what?” paninigurado ko.
Baka iba lang ang dinig ko.
Hindi sumagot si Wynter, sa halip ay tumitig lamang ito sa akin na parang nanghihingi ng tawad.
“Dalawang buwan na akong buntis at si Wynter ang ama..." si Yvonne ang sumagot. " Matagal na ang relasyon namin. Let him go, because he’s now mine. Magkakaanak na kami kaya’t huwag ka nang makialam sa amin,” turan ni Yvonne.
Parang naging blangko na ang utak ko. Pilit kong pinoproseso sa utak ko ang mga narinig ko. Sobra-sobrang sakit na ang nararamdaman ko. Wala akong masabi. Wala na akong dapat pang sabihin.
Mapait akong ngumiti. “C-Congrats. . . Finally, nasagot na rin ang maraming tanong na tumatakbo sa isip ko.” I said.
Tumalikod na ako para umalis na ngunit bigla akong pinigilan Wynter.
“Yumi,” usal niya. Yung mga tingin niya ay parang nanghihingi ng tawad.
'Forgiveness? the f*ck?'
Malakas kong tinampal ang kamay ni Wynter na nakahawak sa braso ko at binigyan siya dalawang malakas na sampal sa magkabilaan nitong pisngi.
Hindi pa ako satisfied sa ginawa ko. Kulang pa yung dalawang sampal sa lahat ng ginawa nila sa akin. Gusto ko siyang saktan nang paulit-ulit hanggang sa maubos ang lakas ko. Pero ayaw ko na. Kahit ang sumbatan sila ay wala na akong lakas pa. Kahit naman anong gawin ko ay hindi na ko na mababago ang nangyari na.
Tiningnan ko si Wynter nang masama. Bago ko ito tinalikuran. Tuloy-tuloy akong naglakad papuntang pinto at napatigil nang makitang naroon si Syren, malambot ang mata niyang nakatitig sa akin. Mabilis ko siyang nilagpasan at dumiretso sa elevator. Nang makapasok ako ay nanghihina akong napasandal sa dingding ng elevator at umiyak. Pakiramdam ko ay pinaglalaruan ako ng mga taong nakapaligid sa akin.