Napahikbi ako ng malamang hindi pumayag sa kasunduan si Ares.Alam ko ang pagtao ni Daddy hinding-hindi na magbabago ang isip n’ya.Simula sa araw na ‘to kailangan kunang tanggapin na hindi na kami para sa isa’t-isa.Ngayon ko napatunayan na mas mahal n’ya ang bayan kaysa sa’min ng anak n’ya pero alam kong tama lang ang ginawa n’ya.Dahil maraming mga tao ang umaasa ng pagbabago mula sa kaniya.Kinuha ko ang bracelet na ibinigay n’ya sa’kin.Napangiti ako habang inaalala ang araw na ‘yon.“Itatago ko ‘tong mabuti para ibigay sa anak natin kapag lumabas na s’ya”saad ko sabay haplos sa tiyan ko.Mas magiging madali ang lahat para sa’kin kapag tinanggap ko ang kapalaran naming dalawa ng mas maaga.Wala akong dapat iyakan dahil tama ang ginawa ni Ares. At ako naman,mananatili akong malakas at matatag para protektahan ang magiging anak namin hanggang sa dumating ang panahon na mabawi n’ya na kami.Dumungaw ako sa labas ng bintana, naalala ko ang painting na ipinakita n’ya sa’kin kaya napangi
Kaagad akong nagkulong sa kwarto ko pagdating ko sa bahay. Ilang ulit akong tinanong ni Jannet kong ano ang nangyari pero wala akong lakas para sagutin s’ya.Humiga ako sa kama at namaluktot ‘don saka humagulgol sa pag-iyak.Wala akong dapat sisihin kundi ang sarili ko.Kasalanan ko ‘tong lahat kaya dapat lang ako parusahan ng ganito.Halos buong magdamag akong gising. Magang-maga ang mga mata ko kaya hindi ako lumabas ng kwarto.Si Jannet ang naghatid sa’kin ng pagkain at tubig pero hindi ko ginalaw ang mga ‘yun dahil wala akong ganang kumain.Bumalik si Jannet na may dalang prutas. Napabuga ito ng hangin ng makitang hindi nabawasan ang dinala n’yang pagkain kanina.“Leonor, kumain ka para sa baby mo. Kahit wala kang gana kailangan mong kumain para sa kaniya”pahayag nito.“Jannet. Sabihin mo kay Daddy na babalik na lang ako sa America”nanghihinang sabi ko.“Teka, bakit?”nag-alalang tanong n’ya saka n’ya ako nilapitan at hinawakan.“Leonor, ang taas ng lagnat mo”tarantang sabi n’ya.Na
Sa bar ako ni Dustine pumunta paglabas ko sa hospital para maglasing.Nakakailang bote palang ako ng beer nang dumating si Mike.Mukhang tinawagan ni Dustine para samahan akong uminom.Alam na nila ang nangyari sa’min ni Almera kaya wala na ‘din akong maitatago sa kanila.“Alam ko ang nararamdaman mo ngayon pare. Pero isipin mong mabuti na isang maling galaw mo lang masisira ang lahat ng pinaghirapan mo”paalala sa’kin ni Mike.“Tandaan mo na si Congressman ang kalaban mo. Maimpluwensyang tao, kaya n’yang manipulahin ang lahat kong gugustuhin n’ya”dagdag pa nitong sabi.Napailing-iling ako. “Hindi ako natatakot sa kaniya”“Tumigil ka nga, nagdesisyon kana na mas piliin ang bayan natin di’ba? Kaya panindigan muna lang”anito bagay na ikinagalit ko sa kaibigan pero mas galit ako sa sarili ko.“Tama, pero malalaman mo lang ang nararamdaman ko kapag nagkapamilya kana”tugon ko bago tinungga ang laman ng bote ng beer na hawak ko.“Bakit naman kasi sa lahat ng babae ay anak pa ni Congressman?”i
Nakaalalay sa’kin si Jannet habang papasok ako sa kwarto ko. Sa wakas, nakalabas na ‘din ako sa Hospital.Ayaw kuna ulit nagkasakit dahil ayaw kunang bumalik sa lugar na ‘yon.“Mag go-geocery muna ako. Bibili ako ng mga snacks na gusto mo para kapag nagutom ka may makakain ka kaagad”sabi ni Jannet.“Salamat”tugon ko bago s’ya umalis.Napatingin ako sa pintuan nang bumukas iyon.Napangiti ako ng makita si Nanay at may kasama itong pamilyar na batang lalaki.“Kumusta ka po, Nay?”nakangiting tanong ko sa kaniya.“Ayod naman ang kalagayan ko, iha.Nga pala,kasama ko si Patrick. Magtatanim sya ng mga rosas sa harden kaya s’ya nandito”pahayag ni Nanay.Nakangiti ko namang binalingan si Patrick.“Nga pala may ibibigay ako sa’yo”sabi ko.Kinuha ko ang luma kong cellphone at ibinigay iyon kay Patrick.“Luma na ‘yan pero pwede mo ‘yang magamit sa pag-aaral mo.Itatapon kuna sana ‘yan pero sayang naman”saad ko.“Marami pong salamat, ate. Sa wakas magkakaroon na po ako ng cellphone katulad ng mga ka
Nagising akong nakahiga sa hospital bed. Inaalala ko kung anong nangyari sa’kin bakit nandito na naman ako sa hospital.“Salamat naman, iha dahil gising kana”nag-aalalang sabi ni Nanay nang lapitan ako.Pilit akong bumangon sa higaan nang maalala ang nangyari bago ako nawalan ng malay.“Nanay, anong nangyari sa Daddy ko? Si Ares? Nasa’n si Ares?”tarantang sabi ko.“Ang D-Daddy mo—”hindi nito maituloy ang sasabihin kaya kinabahan ako.Nanginginig ang ibabang labi ko kasabay ‘non ang pag-init ng mga mata ko.“Sabihin mo sa’kin kung ano ang nangyari, please”pakiusap ko.Napahawak ako sa sarili kong dibdib dahil ramdam ko ang pananakip at bigat ‘don.“Pa-Patay na s’ya”pahayag ni Nanay na ikinalaglag ng panga ko kasabay nang pagtulo ng luha ko.Napahawak ako sa bibig ko at napahikbi hanggang sa tuluyan na akong mapahagulgol sa pag-iyak.Niyakap naman ako ni Nanay at hinaplos ang likuran ko.“Da…Da…ddy”humahagulgol na tawag ko sa kaniya.“D-Daddy!...Ang Daddy ko!”sigaw ko habang walang tigi
Halos buong magdamag akong nagbantay kay Daddy. Marami naman ang mga taong nakiramay sa’min. Si kuya at Jannet ang nag-asikaso sa kanilang lahat.Napabaling ako kay Nanay nang lapitan ako. Nagtaka ako ng makitang iba ang awra ng mukha nito kaya nag-alala ko.“Nay, may problema ba?”tanong ko.Kinuha nito ang mga kamay ko at mahigpit ‘yong hinawakan kaya kaagad na kumabog ang puso ko sa sobrang kaba.“Iha, h’wag kang mabibigla sa sasabihin ko”anito.Napaawang ang mga labi ko dahil alam kong hindi maganda ang ibabalita n’ya.“Ano po ‘yon, Nay?”nag-aalalang tanong ko.“Iha, h’wag kang magbibigla pero nalaman kong kritikal ang lagay ni Ares ngayon dahil may sumaksak sa kaniya sa kulungan”pahayag nito.Tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa kinauupuan ko.Buong katawan ko ang nanginginig dahil sa nabalitaan mula kay Nanay kaagad na nag-unahang tumulo ang mga luha ko.“Iha, iha. Kumalma ka lang”pagpapakalma n’ya sa’kin.Napailing-iling ako habang tumutulo ang mga luha ko para akong sinaksa
Pagkatapos nang libing ni Daddy halos araw-araw nang dumadalaw sa’kin si Desmond. May dala s’yang bulaklak at kung ano-ano pa para hikayatin akong magpakasal.At dahil sa kasunduan namin, hindi s’ya pumunta sa hearing kaya naibasura ang kaso dahil sa kakulangan sa ebedinsya, nagbigay ‘din kasi ako ng statement na aksidente ang nangyari ‘nong araw na ‘yon kaya gumaan ang sentens’ya kay Ares at balita ko nakapagpyansya na s’ya.Galit na galit naman si Kuya dahil gusto talaga nitong makulong si Ares nang pang-habang-buhay.“Gusto kong sa America tayo ikasal at manirahan”sabi ko kay Desmond.“Sa America? Balak mo bang makipag-divorce sa’kin?”galit na tanong nito.Umiling ako. “Anak ni Ares ang batang ‘to kaya sa palagay mo ba papatahimikin n’ya tayo habang nandito ako?”Kumalma naman ito at tila pinag-isipan ang sinabi ko.“Gusto kong lumayo para makalimutan ang lahat ng nangyari dito but promise me one thing na ituturing mo ang batang ‘to na sa’yo”pahayag ko.Lumuhod s’ya sa paanan ko a
Kinagabihan, niyaya ako ni Jannet na puntahan si Nanay para personal na magpaalam sa matanda kaya kaagad akong sumama sa kaniya.Ngunit,laking gulat ko ng ibang daan ang binabaybay namin ni Jannet.“Saan tayo pupunta?”tanong ko sa kaniya.“Basta malalaman mo ‘din kapag nando’n na tayo”nakangiting sabi nitong habang nasa daan ang mga mata.Tumango ako. May tiwala naman ako sa kaniya kahit saan n’ya pa ako dalhin.Napanganga ako ng makita kung sino ang lalaking nakaabang sa kalsada.“A-Ares?”sambit ko sa pangalan n’ya habang nakatitig dito.Itinigil ni Jannet ang sasakyan saka ako nakangiting binalingan.“Surprise”nakangiting sabi n’ya kaya napayakap ako sa kaniya bilang pasasalamat.Napabaling ako sa pintuan ng passenger seat nang bumukas iyon.Nakangiti kong tiningnan si Ares saka kinuha ang kamay n’yang nakalahad sa’kin bago lumabas ng sasakyan.Napayakap kaagad ako sa leeg n’ya ng mahigpit, namiss ko talaga s’ya ng sobra-sobra, niyakap n’ya ‘din ang beywang ko pero hindi ‘yon gano’n