Share

CHAPTER SIXTY 

Author: MissThick
last update Huling Na-update: 2023-11-15 07:44:55

CHAPTER SIXTY

"Sabayan na lang kitang magshower. Gusto mo?" may pagkapilyo ang ngiti ni Ringgo.

"Huwag na, sandali lang naman ako." Tinanggal niya ang kamay ni Ringgo na nakapulupot sa kanya. Pagpasok ni Diane sa isang cubicle ay sumunod si Ringgo. Iniharang nito ang katawan kaya hindi maisara ni Diane ang pintuan.

"Bakit ka ba umiiwas? Kanina pa kita napapansin ah!" Nakapamaywang ang isa niyang kamay at ang isang kamay naman ay nakahawak sa pintuan.

"Umiiwas ba ako? Di ba puwedeng magshower lang muna bago ako pahalik sa'yo? Nakakahiya namang halikan mo ako ng amoy pawis pa."

"E, di sabay na nga lang tayong magshower. Di ba exciting yun?" Kumindat pa si Ringgo.

"Please, Ringgo. Huwag naman dito?" Nakikiusap ang kanyang mukha.

Biglang nagbago ang expression ng mukha ni Ringgo. Nakita niya ang paninigas ng kamao nito. Matalim ang kanyang mga mata.

"Sige kiss na lang kita." Pambawi ni Diane. Siya na ang humawak sa pisngi ni Ringgo at mabilis niyang hinalikan ang labi nito saka siya ngum
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER SIXTY ONE

    CHAPTER SIXTY ONEGinamit ni Ringgo ang dalawang kamay para sakalin ang kawawang at sumisinghap na sa hanging dalaga. Nakahawak si Diane sa isang kamay ni Ringgo at pilit tinatanggal iyon sa pagkakasakal habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa dibdib nito. Nakikiusap ang desperadong kamay ni Diane na itigil na ang pagsakal sa kanya ngunit habang tumatagal ay lalong diniinan ni Ringgo ang mga daliri sa leeg niya.Nauubusan na si Diane ng hangin. Pulang-pula na ang kanyang mukha. Inilalaban na niya ang kanyang buhay. Ang nakikiusap niyang haplos sa dibdib ni Ringgo kanina ay naging suntok na. Ngunit walang pagluwang siyang naramdaman. Malalagutan na siya ng hininga! Natatakot. Nanginginig. "Ano ha! Maarte ka pa ring basura ka! Sex lang gaga di mo kayang ibigay e boyfriend mo ako! O talagang hindi mo ako mahal at mahal mo si Gerald! Siya ang mahal mo hindi ba? Gaga ka! Gagamitin mo pa ako malandi ka! E, kung patayin kaya kita ha!" singhal ng Ringgo na noon ay nagmumukhang demonyo at

    Huling Na-update : 2023-11-15
  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER SIXTY-TWO

    CHAPTER SIXTY-TWOLunes ng umaga nilapitan niya si Britney. Si Sackey ang nagdala sa kanya sa kapatid nito pagkatapos ng kanilang klase. Halatang malalim ang iniisip ni Britney. Ganoon din si Sackey, parang aburido habang hawak niya ang kanyang cellphone. Kanina pa niya napapansin na may ka-text ito kahit kasalukuyan ng kanilang klase, bagay na hindi naman nito ginagawa noon.“Uyy usap muna kayo ha? May hahanapin lang ako sa library na book,” si Sackey habang nakatingin siya sa cellphone niya.“Sige tol.”Tumabi siya kay Britney. Malayo ang kanyang tingin."Anlalim ng iniisip ah? Anong problema tol?" tinapik niya ang balikat ni Britney.Humugot ng malalim na hininga si Sackey saka siya tinignan sa mata."Sis, anong gagawin mo kung ang karelasyon mo ay ramdam mong may iba siyang gusto?"Kinabahan siya sa narinig niyang iyon? Nakakahalata na ba ang kaibigan niya?"Bakit mo naman natanong?""Sagutin mo na lang ang tanong ko." Umiling si Britney. "Ngayon lang ako napasok sa ganitong mga s

    Huling Na-update : 2023-11-15
  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER SIXTY-THREE

    CHAPTER SIXTY-THREENgunit biglang bumukas ang pintuan ng opisina.Si Gerald ang dumating. Nadatnan niya ang kahayupang ginagawa ni Ringgo at mabilis na nag-init ang kanyang ulo.Binitiwan ni Ringgo ang buhok ni Diane at mabilis na nagbago ang hitsura nito.Dumantay ang palad ni Ringgo sa balikat ni Diane na parang tinatapik-tapik lang niya ito."Get back to work, Babe. Mukhang may istorbo sa ating lambingan. Nakalimutan na yata niya ang tamang ugali sa tuwing papasok sa opisina ng iba.""Fuck you!" singhal ni Gerald. Noon lang nakita ni Diane na nagalit si Gerald ng ganoon. "Ringgo! Anong ginagawa mo? Pati ba naman babae, hindi ka naawang saktan?"Nakita ni Diane na katulad niya, nakahanda na rin ang kamao nito ngunit nagpipigil din lang kagaya niya."Girlfriend mo 'yan, Ringgo! Itrato mo siya hindi bilang pag-aari mo kundi itrato mo siya bilang partner. Para ano pang naging kayo kung sinasaktan mo lang pala siya.""Back to work, Diane. Lumabas ka muna dito!" singhal ni Ringgo kay Di

    Huling Na-update : 2023-11-16
  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER SIXTY-FOUR

    CHAPTER SIXTY-FOUR "Mahal kita." bulong ni Gerald sa kanya. Iyon ang dahilan ng pagmulat at ikinabilog ng kanyang mga mata. Katagang muli niyang narinig. Hindi lasing si Gerald sa pagkakataong ito, hindi iyon tulak ng isang katatapos lang na sarap ng pagtatalik."Sigurado ka?" tanong niya."Noon pa, mahal na mahal na kita pero nilabanan ko lang. Ngayon, handa ko nang isuko ang pagmamatigas ko. Diane, mahal na mahal na mahal kita," madamdaming bulong muli ni Gerald.Nag-uunahan na ang luha ni Diane sa saya. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Ito na yun eh! Narinig din muli niya kay Gerald iyon. Hinarap niya si Gerald. Tumitig siya sa mga mata nitong nakikiusap."Mahal din kita. Mahal na mahal!" Kinagat niya ang labi niya saka niya pinunasan ang kanyang luha. "Pero alam mo ba kung anong masakit ngayon? Gerald, ayaw kong saktan ang kaibigan ko. Mahal kita, mahal na mahal ngunit hindi ko kayang panindigan iyon ngayon. Alam nating dalawa na hindi puwede hanggang kayo pa rin ni Brit

    Huling Na-update : 2023-11-16
  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER SIXTY-FIVE

    CHAPTER SIXTY-FIVESi Britney gagamitin lang niya katulad nina Diane at Sofia. May isa siyang natitipuhan ngayon. Gusto niya si Sackey, hindi madaling mahalin. Kung may gumugulo sa isip niya ngayon bukod kay Gerald ay si Sackey iyon. Nakita niya kasi kay Sackey ang nagustuhan niya kay Gerald. Lalaking-lalaki, maganda ang katawan, amoy mayaman dahil galing din naman sa maykayang pamilya at higit sa lahat, guwapo. Kawawang Diane. Maganda nga ngunit hindi sila talo. Hindi niya ito kailanman mamahalin. Kaya niyang makipagtalik sa babae ngunit hindi ang magmahal. Hindi kailanman mangyayari iyon. Kung maging sila ni Sackey, paniguradong makakalimutan niya ang lihim at matagal na niyang pagmamahal kay Gerald ngunit hindi iyon sapat na dahilan para agawin ang kumpanya. Umaasa lang siyang matatapatan ni Sackey ang pagmamahal niya kay Gerald.Ngunit buo na ang plano. Tutukan na muna niya si Britney. Paiibigin na muna niya ang kakambal ni Sackey. Aagawin na muna niya ang dalaga kay Gerald. Sas

    Huling Na-update : 2023-11-16
  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER SIXTY-SIX

    CHAPTER SIXTY-SIX"Bitiwan mo ako hayop ka!" Isang malakas na suntok sa panga ang pinakawalan niya dahilan para mabitiwan siya nito sa leeg. Hindi pa nakuntento si Diane at buong lakas niyang tinuhod ang nasa gitna ng hita ni Ringgo.Sapol iyon.Namula ng husto si Ringgo. Gusto niyang lumaban ngunit parang malalagutan siya ng hininga sa sakit. Nanginginig ang kanyang tuhod. Hanggang sa paluhod na siyang bumagsak. Wala siyang magawa kundi ang hawakan ang tinuhod ni Diane niyang bayag."Saktan mo pa uli ako, hayop ka hindi lang iyan ang ipatitikim ko sa'yo!" Sinabunutan ni Diane si Ringgo. Hinila niya ang buhok nito sa likod pababa. Habang sumisinghap ito ng hangin sa hindi niya maipaliwanag na sakit ng parang sumabog niyang mga itlog ay nakatingala siya kay Diane. Galit na galit ang mga mata ni Diane. Hindi pa nakuntento si Diane at hinawakan din niya ang leeg ni Ringgo. Gusto niyang maranasan din ni Ringgo nang magmakaawa niya sa buhay niya. Sinakal niya si Ringgo habang hindi pa tulu

    Huling Na-update : 2023-11-16
  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER SIXTY-SEVEN

    CHAPTER SIXTY-SEVENNakita niyang lumabas si Gerald sa tinaguan nito. Hawak ang isang gitara. Napapaluha siya nang marinig na niya itong kumakanta sa saliw ng gitarang hawak niya. Iyon ang kantang lalong nagpaluha sa kanya. Tumatagos ang lyrics ng “If ever in your arms again” ni Peabo Bryson sa kaibuturan ng kanyang puso.I'm seeing clearly, how I still need you near meI still love you soThere's something between us, that won't ever leave usThere's no letting goAlam niya iyon, may kung ano sa kanila ni Gerald na hindi sila kayang paghiwalayin. Kahit ano pang sakit ang pinagdaanan niya at kahit pilit nilalabanan ni Gerald ang nararamdaman nito sa kanya heto silang dalawa ngayon at bumubuo ng isang pangarap na mahalin at panindigan ang isa't isa.We had a once in a lifetimeBut I just didn't know it til my life fell apartA second once in a lifetimeIsn't too much to ask 'cos I swear from the heartHabang titig na titig si Gerald kay Diane ay nakita niya ang pagluha ng huli. Sigurad

    Huling Na-update : 2023-11-17
  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER SIXTY-EIGHT

    CHAPTER SIXTY-EIGHTKailangan ni Diane na tibayan ang kanilang loob. Siya ang kakapitan ng kanyang pamilya kaya kahit sa murang edad ay kailangan na niyang magpakatatag. Hinanap niya ang kanyang Mama at kapatid sa mga nagkakagulong tao. Mga bata at nanay na nag-iiyakan. Mga tatay na may hawak na mga gamit. Lahat ng mga tao ay abala sa pagligtas hindi lang sa kanilang mga gamit kundi kasama na rin ang buhay ng kanilang mga pamilya.Nagtanung- tanong siya sa kanyang mga nagkakagulong kapitbahay ngunit abala ang lahat na iligtas ang sarili at ang kanilang ari-arian. Hanggang sa nakita niya si Marian na sumisigaw sa paghingi ng tulong. Nakahawak si Marvie, ang pangatlo niyang kapatid, kay Marian habang umiiyak silang dalawa at humihingi ng saklolo. Kalong ni Marian ang bunso nilang parang hindi na ito humihinga at sunog ang ilang bahagi ng katawan. Sumasabog ang puso niya sa nakikita niyang kalagayan ang mga ito. Tumakbo siya at nilapitan niya ang mga humahagulgol niyang mga kapatid."Nan

    Huling Na-update : 2023-11-17

Pinakabagong kabanata

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   FINAL CHAPTER

    Pagpasok ni Sofia sa bakuran Psychiatrict Hospital ay nakita niya ang isang matipuno, guwapo at masayahing lalaki na noon ay tumutulong sa pagsasaayos ng mga namumulaklak na halaman. Nang magtama ang kanilang mga mata ay nakita niya agad ang kislap sa mga mata ng paghahandugan niya sa kanyang dala. Tumakbo ito at sinalubong siya. Binuhat at pinaikot-ikot siya at ramdam na ramdam niya ang kanyang pagiging babae."I'm so happy. Sobrang saya ko lang honey." maluha-luha at natatawang wika ni Ringgo kasunod ng paghalik-halik niya sa braso ni Sofia."Dahil dinalaw ulikita?""Sort of." sagot ni Ringgo."Sort of? E anong bulls eye na dahilan?""I am hundred percent okey! Puwede ko nang pagbayaran sa kulungan ang mga kasalanan ko kay Gerald at Diane! Then after that, aalis tayo dito. Titira tayo sa ibang bansa, magsasama na tayo hanggang sa pagtanda.""Wait, may nagsampa ba ng kaso? Wala naman hindi ba?""Wala ba?""Sa pagkakaalam ko, wala."Bumuntong hininga si Ringgo. Inakbayan niya s Sofia

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY SIX

    Hi Baby!At first, I don't know what to write. Napakarami ko kasing gustong sabihin at sa dami ay di ko alam kung ano ang aking uunahin. Ngunit naisip kong gawing simple lang ang paglalahad at sana maintindihan mo ako. Baby, I am sorry. Here I am again, asking for a favor. I need to sarcrifice for a friend, for us and for everybody. Lalayo muna ako para pagbigyan ang isang kahilingan ng Mommy ni Ringgo.Tumulo ang luha ni Diane. Hindi niya alam kung kaya pa niyang tapusing basahin ang sulat na iyon. Muli na naman siyang iniwan ni Gerald. Matagal niyang itinapat sa dibdib niya ang sulat kasabay ng pagbunot niya ng sunud-sunod na malalalim na hininga. Kailangan niyang lawakan ang pang-unawa.Gusto kong gumaling muna si Ringgo. Gusto ko ring matahimik na muna ang lahat. Nais kong ligtas ang lahat habang naghihilom ang sugat ng kahapon. Hanapin mo muna ang sarili mo at gawin ang mga bagay na hindi mo nagawa nang sinimulan mong mahalin ako. Ganoon din ako. Tatapusin ko sa ibang bansa ang a

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY FIVE

    Ang Mommy ni Ringgo ang umiikot sa kanilang tatlo naging biktima ng kanyang anak para masiguro ang kanilang kaligtasan. Niyakap siya nang mahigpit ng Mommy ni Ringgo nang pumayag siya sa hinihiling nito. Kung hindi lang niya naisip na sa huling sandali ay pinili pa rin ni Ringgo ang maging isang mabuting tao, kung hindi lang nakiusap ang Mommy ni Ringgo ay paniguradong hindi niya kakayanin ang muling magsakripisyo. Dadalawin niya si Ringgo bago siya aalis.Pagkaalis na pagkaalis ng Mommy ni Ringgo ay humiling siya sa doktor kung puwedeng isakay siya sa wheelchair para silipin niya si Diane. Walang bantay si Diane noon. Maayos na ang kalagayan nito ngunit nakapikit pa rin siya. Ginagap niya ang kamay ni Diane. Pinagmasdan niya ang mapayapa nitong pagkakaidlip. Pinilit niyang tumayo at hinalikan niya sa labi ang kanyang pinakamamahal. Muli niyang pinalaya ang kanyang mga luha. Luha ng kasiyahan. Luha ng pasasalamat sa pagdating nito at iniligtas ang kanyang buhay. Alam niya, siguradong-

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY FOUR

    “Adammm! Bumalik ka na roon. Kailangan ka ng mga kapatid ko! Gumisinggg kaaa! Adammm please!!!” sigaw iyon ni Diane. Napasinghap si Gerald. Mabilis niyang hinanap si Diane na kanina lang ay ginigising siya. Akala niya totoo ang lahat. Akala niya malakas pa si Diane. Nang makita niya ang babaeng halos wala nang buhay na kayakap niya ay alam niyang panaginip lang ang lahat. Lumuha siyang muli. Alam niyang sandali siyang nawalan ng malay ngunit nakita niya sa balintataw niya si Diane. Ginigising siya. Pinababalik. “Sorry, baby. Sorry na wala akong magawa.” Bulong lang iyon. Pilit niyang nilalakasan ang kanyang katawan para mayakap lang niya ito sa huling sandali ng kanilang buhay. Hangang sa nakita niya na may hawak na baril si Ringgo. Palapit na ito sa kanila. Puno ng luha ang mga mata ni Ringgo. Naroon ang galit sa kanyang mukha. Bigo siyang makahingi ng konting awa. Bigo siyang mapabago ang kanyang kaibigan. Ito na nga marahil ang katapusan ngunit hindi siya papayag na si Diane ang

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY TREE

    Alam ni Gerald na sinusundan siya ni Ringgo. Mabuti't mabilis niyang nahubad ang suot niyang long-sleeves at iyon ang kanyang ipinulupot sa kanyang sugat ngunit ngayon muling umagos ang kanyang dugo at di niya mapigilan ang pagpatak nito sa damuhan na maaring masundan ng naka-flashlight na si Ringgo."Sinabi ko na sa'yo, hindi mo ako matatakasan Gerald! Magsama tayong dalawa sa impyerno!" kasunod iyon ng malakas na tawa ni Ringgo.Hinigpitan ni Gerald ang hawak niya sa nakita niyang kahoy kanina. Hinihintay niyang matapat si Ringgo sa tinataguan niya at buong lakas niyang papaluin ito sa ulo. Ramdam na niya ang pagkahilo dahil sa pagod, gutom, pagkauhaw at dami ng dugong nawala sa kanya ngunit hindi ito yung tamang panahon para manghina siya. Lalabanan niya ang lahat ng iyon. Mahal niya ang kanyang buhay. Gusto pa niyang makasama ng mahabang panahon si Diane."Sige pa, lumapit ka pang hayop ka," bulong ni Gerald. Itinaas niya ang hawak niyang pamalo. Sandali siyang pumikit at huminga

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY TWO

    Alam ni Gerald na hindi nagbibiro si Ringgo sa sinabi niyang iyon nang tinanggal nito ang pagkakatali sa isa niyang kamay at nang matanggal iyon ay nakatutok na ang baril sa kanya."Bibigyan kita ng isang minuto na tanggalin ang pagkakatali ng isa mo pang kamay at paa. Kung natapos na ang isang minuto at nadiyan ka pa rin sa kama, pasensiyahan na tayo pero hindi na tayo makakalabas pa sa bahay ng buhay. Dito na tayo magkasunod na malalagutan ng hininga. Kaya nga kung ako sa'yo, simulan mo nang tanggalin ang nakatali sa'yo dahil magsisimula na ang oras mo." Salubong ang kilay at nanlilisik ang mga mata ni Ringgo habang sinasabi niya iyon. Pawis at luha ang naghalo sa kanyang namumulang mukha. Ikinasa na ni Ringgo ang hawak niyang baril.Hudyat iyon na kailangan ni Gerald na bilisan ang kilos."60, 59, 58, 57..." pagsisimula ni Ringgo sa pagbibilang.Sobrang kaba at nerbiyos ni Gerald habang tinatanggal niya nakatali sa kanyang kamay. Isang kamay lang ang gamit niya kaya siya nahirapan

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY ONE

    Inilagay ni Ringgo ang baril sa drawer na may susi. Lumapit siya kay Gerald. Hinawakan niya ang mukha nito. Hindi niya naramdamang pumalag si Gerald. Ni hindi ito nagmura. Iyon nga lang hindi ito tumingin sa kanya. Namimimiss na niya si Gerald. Nakapatagal na nang huli niya itong mahalikan sa labi, ang maidantay niya ang hubad at mainit nitong katawan sa kanya, ang maramdaman ang matitigas nitong dibdib at abs na nakadikit din sa kanya. May kung anong nabuhay sa kanyang pagnanasa. Puwede na niyang gawin lahat ngayon kay Gerald ang gusto niya. Puwede siyang magpakasawa, tigilan lang ito kung kailan pagod na. Dahan-dahan niyang idinampi ang labi niya sa labi ni Gerald. Siniil niya iyon ng halik. Hindi inilayo ni Gerald ang kanyang labi ngunit hindi iyon kumilos. Humihinga naman ito, naamoy nga niya ang mabango nitong hininga ngunit mistula itong patay. Walang kahit anong paggalaw, mistulang humahalik siya sa malamig nang bangkay.Hanggang sa naisip niyang tanggalin ang butones ng longsl

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY

    Tagaktak na ang pawis si Gerald sa loob ng trunk ng sasakyan ni Ringgo. Nakagapos ang kamay niya patalikod at kahit ang mga paa niya. Napapaluha siya dahil sa sobrang nahihirapan na. Wala siyang makita dahil piniringan din ang kanyang mga mata. Hindi niya alam kung gaano na iyon katagal. Sumasakit na ang buo niyang katawan. Hirap pa siyang kumilos at huminga dahil sa tindi ng init sa loob ng trunk ng kotse. Ang tanging lakas na lang niya sa mga sandaling iyon ay ang isipin si Diane. Doon siya huhugot ng lakas. Iisipin niya ang masasaya nilang alaala. Pupunuin niya ng matatamis nilang sandali ang kanyang isip nang di niya maramdaman ang hirap niya ngayon. Sana naisip ni Diane na unahin ang mga kapatid niyang iligtas at ilayo. Kaya niyang magtiis, kaya pa niyang magsakripisyo. Masaya siyang ligtas na si Marcus. Maaring kasama na ngayon ni Diane ang bata. Okey lang sa kanya ang lahat nang ito. Ang mahalaga ay hindi na muli pang iiyak si Diane sa pagkawala ng mahal nito sa buhay. Kayang n

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY NINE

    Pinalibutan na siya nina Sackey, Diane at Marvie.Humahagulgol lang si Marcus. Hindi ito makapagsalita dahil pa rin sa tindi ng trauma na pinagdaanan niya. Marami siyang gustong sabihin ngunit hindi niya alam kung paano niya sisimulan. Iniwan na lang siya bigla sa hindi niya alam kung saang lugar. Kinalagan lang siya sa kamay at siya na ang nagtanggal sa ipiniring sa kanya at sa nakatali sa kanyang mga paa. Tinanggal din niya ang packing tape sa kanyang bibig at tainga. Lakad-takbo siyang lumayo doon hanggang sa naapuhap niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Ang ate Marian niya ang tinawagan niya dahil natatakot siya sa Ate Diane niya."Ate, hindi siya sumasagot. Umiiyak lang siya." si Marian.Kinuha ni Diane ang cellphone sa kamay ng kapatid niya at siya ang kumausap sa kanilang bunso."Marcus, ang Ate Diane mo ito. Huminga ka nang malalim. Relax lang okey? Sabayan mo ako, hinga...buga...hinga...buga... Nandito ang ate, sabihin mo kung nasaan ka para sunduin ka namin.""Ate...

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status