Share

CHAPTER FIFTY-NINE 

CHAPTER FIFTY-NINE

Kitang-kita ni Diane ang mabilis na paglabas ni Gerald sa corridor papunta sa shower room. Natigilan ito sa paglalakad nang makita siya nitong nakaupo sa bench. Ibig sabihin, sina Britney at Ringgo ang nasa loob na nagsa-shower. Yumuko siya bago siya makita kanina ni Gerald.

Ngunit hindi siya nakatagal. Nang lumingon siya kay Gerald ay bigla naman itong yumuko at tumingin sa nakahilerang mga halaman sa gilid ng sementadong daanan ng mga tao papunta sa mga ilang courts ng tennis. Napakaganda talaga ng hubog ng katawan ni Gerald. Lahat maaring mapapalingon sa tamang umbok ng dibdib nito, impis na tiyan na binagayan ng di nagrarambulang mga abs. Ngunit si Gerald ay isang pangarap na lang talaga niya. Pangarap na kailangan na niyang isantabi dahil kay Ringgo at Britney. Huminga siya nang malalim. Yumuko at pinunasan niya ang pawis sa kanyang noo at leeg. Wala siyang balak lapitan pa si Gerald at kausapin. Hinding-hindi na siya maghahabol. Hinihintay na lang niyang kusa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status