CHAPTER SIXTY-SIX"Bitiwan mo ako hayop ka!" Isang malakas na suntok sa panga ang pinakawalan niya dahilan para mabitiwan siya nito sa leeg. Hindi pa nakuntento si Diane at buong lakas niyang tinuhod ang nasa gitna ng hita ni Ringgo.Sapol iyon.Namula ng husto si Ringgo. Gusto niyang lumaban ngunit parang malalagutan siya ng hininga sa sakit. Nanginginig ang kanyang tuhod. Hanggang sa paluhod na siyang bumagsak. Wala siyang magawa kundi ang hawakan ang tinuhod ni Diane niyang bayag."Saktan mo pa uli ako, hayop ka hindi lang iyan ang ipatitikim ko sa'yo!" Sinabunutan ni Diane si Ringgo. Hinila niya ang buhok nito sa likod pababa. Habang sumisinghap ito ng hangin sa hindi niya maipaliwanag na sakit ng parang sumabog niyang mga itlog ay nakatingala siya kay Diane. Galit na galit ang mga mata ni Diane. Hindi pa nakuntento si Diane at hinawakan din niya ang leeg ni Ringgo. Gusto niyang maranasan din ni Ringgo nang magmakaawa niya sa buhay niya. Sinakal niya si Ringgo habang hindi pa tulu
CHAPTER SIXTY-SEVENNakita niyang lumabas si Gerald sa tinaguan nito. Hawak ang isang gitara. Napapaluha siya nang marinig na niya itong kumakanta sa saliw ng gitarang hawak niya. Iyon ang kantang lalong nagpaluha sa kanya. Tumatagos ang lyrics ng “If ever in your arms again” ni Peabo Bryson sa kaibuturan ng kanyang puso.I'm seeing clearly, how I still need you near meI still love you soThere's something between us, that won't ever leave usThere's no letting goAlam niya iyon, may kung ano sa kanila ni Gerald na hindi sila kayang paghiwalayin. Kahit ano pang sakit ang pinagdaanan niya at kahit pilit nilalabanan ni Gerald ang nararamdaman nito sa kanya heto silang dalawa ngayon at bumubuo ng isang pangarap na mahalin at panindigan ang isa't isa.We had a once in a lifetimeBut I just didn't know it til my life fell apartA second once in a lifetimeIsn't too much to ask 'cos I swear from the heartHabang titig na titig si Gerald kay Diane ay nakita niya ang pagluha ng huli. Sigurad
CHAPTER SIXTY-EIGHTKailangan ni Diane na tibayan ang kanilang loob. Siya ang kakapitan ng kanyang pamilya kaya kahit sa murang edad ay kailangan na niyang magpakatatag. Hinanap niya ang kanyang Mama at kapatid sa mga nagkakagulong tao. Mga bata at nanay na nag-iiyakan. Mga tatay na may hawak na mga gamit. Lahat ng mga tao ay abala sa pagligtas hindi lang sa kanilang mga gamit kundi kasama na rin ang buhay ng kanilang mga pamilya.Nagtanung- tanong siya sa kanyang mga nagkakagulong kapitbahay ngunit abala ang lahat na iligtas ang sarili at ang kanilang ari-arian. Hanggang sa nakita niya si Marian na sumisigaw sa paghingi ng tulong. Nakahawak si Marvie, ang pangatlo niyang kapatid, kay Marian habang umiiyak silang dalawa at humihingi ng saklolo. Kalong ni Marian ang bunso nilang parang hindi na ito humihinga at sunog ang ilang bahagi ng katawan. Sumasabog ang puso niya sa nakikita niyang kalagayan ang mga ito. Tumakbo siya at nilapitan niya ang mga humahagulgol niyang mga kapatid."Nan
CHAPTER SIXTY-NINE"Diane!" garalgal ang kanyang boses.Malungkot ang mga mata ni Diane na tumingin sa kanya. Bumitiw siya sa pagkakayakap niya sa kanyang mga kapatid. Halatang lugmok na lugmok na si Diane sa kapighatian at sa kawalang pag-asa.Siya na ang lumapit at mahigpit niyang niyakap ito."Wala na si Mama, Gerald. Hindi ko na nagawang iligtas ang Mama ko!" iyon ang namutawi ng labi ni Diane na siya niyang ikinabigla. Sa kanyang balikat ay pinabayaan niyang humagulgol ng malakas si Diane. Ayaw niya itong patigilin sa pag-iyak. Gusto niyang ilabas ni Diane ang sakit na naiipon sa kanyang dibdib. Lumuha din siya. Daman-dama niya ang hirap na pinagdadaanan ng kanyang mahal. Alam niya kung gaano kasakit at kahirap ang mawalan ng ina. Dumaan na siya noon sa ganoong pakiramdam at naiintindihan niya ang bigat ng dala-dala ni Diane."Hindi kita pababayaan. Hindi ko kayo pababayaan, Diane. Pangako." bulong niya. Gusto niyang tumigil sa pagluha ngunit hindi niya kaya. Awang-awa siya ng so
CHAPTER SEVENTYPinigilan si Diane ng mga investigators ngunit nagpumilit siya.Wala ding magawa si Gerald kundi alalayan lang si Diane na nang una ay tahimik lang na nakamasid sa nasunog na bangkay.Gusto ni Diane na isigaw ang lahat ng sakit sa kanyang dibdib, gusto niya iluha ang bigat ng kanyang nararamdaman nang makitang sunug na sunog na ang katawan ng Mama niya. Hindi na niya nararamdaman ang pagyakap ni Gerald sa kanya. Wala siyang naririnig sa mga sinasabi nito. Ang tanging nananaig ay ang di niya maipaliwanag na pighati sa nakikita niyang ayos ng kanyang ina. Hindi na makilala ang bangkay ngunit alam niyang Mama niya iyon dahil sa yakap nitong box niya na naglalaman ng mga pictures nila, medals at certificates niya. Gawa ang box na iyon sa stainless kaya kahit nangitim ay buo pa rin. Para siyang kandilang unti-unting natutunaw.Hanggang sa huling sandali ng Mama niya, naisip pa rin nitong unahin kung anong mahalaga sa kanya. Naisip niyang kaya na-trap ang mama niya dahil tin
CHAPTER SEVENTY-ONE"Condolence tol." malungkot na sinabi iyon ni Sackey.Tumango lang siya kasabay ng malungkot niyang buntong-hininga.“Nakikiramay ako, Sis. Sorry kung pinilit kitang umalis nang gabing iyon. Sana hindi ito nagyari kung di kita sinundo. Baka nailigtas mo pa ang Mama mo.”“Nangyari na ang nangyari. Sisihin man kita o ang sarili ko, hindi na maibabalik pa nito ang buhay ng Mama ko. Salamat sa pakikiramay.”Nilapitan siya ni Sackey. Hinawakan ang kanyang kamay."Ayaw kong sabihin ito sa'yo ngayong nagdadalamhati ka pa pero hinihintay ka ng mga pulis. Gusto ka daw makausap para maisampa mo ang kaso sa nahuli nilang nanunog sa inyo. Ayon sa nakalap nilang mga ebidensiya at sa mga nasabi ng mga witness, malakas ang laban ng kaso mo kung makikipagtulungan ka lalo na at ikaw lang ang namatayan."Iyon ang hinihintay niya. Ang magsampa ng kaso sa dahilan ng pagkamatay ng kanyang mahal na ina. Hindi na siya makapaghintay pang makaharap ang hayop na gumawa no'n. Gusto niyang pa
CHAPTER SEVENTY-TWOGusto niyang lapitan si Diane, yakapin at iparamdam ang kanyang pagmamahal ngunit ayaw na niyang lalo lang itong maguluhan. Yung sampal sa kanya kanina ay simbolo na hindi sa kanya ito naniniwala. Hindi na siya pinagkakatiwalaan. Pero naiintindihan niya si Diane. Sobrang hirap na ng mga pinagdadaanan nito at lalong nag-uumigting ang galit niya sa taong gumawa ne'to sa kanila. Panalo si Ringgo ngayon ngunit hinding-hindi siya susuko. Mangingibabaw ang kabutihan sa kasamaan. Lalabas din ang katotohanan. Ang tanging ipinagpapasalamat niya ay naihanda na niya ang lahat ng dapat ayusin bago nangyari ito. Napapayag at nakausap na niya ang dapat niyang mga kausapin. Sana hindi siya mabigo. Hinding-hindi pa tapos ang laban. Para sa legacy ng pamilya niya at para kay Diane, kahit pa makulong siya ng gaano katagal, hinding-hindi siya tuluyang matatalo ni Ringgo. Bago siya pumasok sa sasakyan ng mga pulis ay nagtagpo ang mga mata ni Diane."Babalik ako, hindi ko alam kung gaa
Sa huling gabi ng burol ay magkakatabi silang magkakapatid malapit sa kabaong ng Mama nila. Walang humpay ang pag-iyak ng mga ito. Pinakamalakas ang iyak ng kanilang bunso ngunit si Diane, tahimik lang ang kanyang pagluha. Pinipilit niyang tanggapin sa sarili na wala na ang kanilang ina para makapagsimula na rin siyang iahon ang mga kapatid. Bumabalik sa kanyang alaala ang lahat ng masasayang sandali nila ng Mama niya. Alam ng Mama niya na matatag siya at patutunayan niya iyon kahit wala na ito sa piling nila. Tanging ang pangarap na lang niya ang kinakapitan niya ngayon. Hinding-hindi siya titigil hangga't hindi niya iyon makakamtan.Sa gabing iyon ay dumating si Sofia sa burol. Nagpunta ito nang wala si Diane kaya hindi sila nagkita. Kay Sackey na lang niya inihabilin ang nahanap niyang abogado na hahawak sa kaso sa Mama ni Diane.Nakita ni Diane si Sofia na nagdasal muna ng taimtim sa tabi ng nakasarang kabaong ng Mama niya bago siya nilingon saka nilapitan. Hinihiling nitong mag-u