ADREANA POV Ngayong nasiguro kong si Kate na nga ang nawawala kong anak lalo kong pag-iigtingin ang pagpapahanap kay Camila. Hindi ako makakapayag na hindi niya pagbayaran ang kasalanang ginawa niya sa amin ni Bernardo. Tinawagan ko ang lahat ng aking mga kontak para mas pag igtingin ang paghahanap sa mga ito. 24 years ang ninakaw niya sa amin na sana ay masayang bonding ng aming pamilya. Ako ang dapat na naging saksi sa kaniyang development. Mangiyak ngiyak ako habang nasa loob ng sasakyan at inaalala ko ang mga huling araw na nakita ko si Kate at nakapitan sa aking mga bisig. Ang dati gabi gabi kong pag iyak ay napalitan ng matinding excitement na makita ko ang aking anak. Halos hindi na ako makatulog sa kakaisip na makita itong muli. Parang ang tagal ng oras. Hindi ko na mahintay ang magbukang liwayway. Inaya ko na si Bernardo na magtungo sa bahay nila Kate. Ilang araw na lang kasing mananatili ang mga ito dito sa Pilipinas. Kaya nais kong sulitin ang mga sandaling makakasama ko i
KATE POV Nakikinig lang ako sa usapan nila Mommy Samantha at Mommy Adreana. Tinitimbang ko din ang sitwasyon dahil kaharap din namin si George ayokong sumama ang loob ng aking kapatid sa kanila kahit na hindi ko siya kadugo ay tinuring ko talagang kapatid si George kaya mahalaga sa akin ang kanyang mararamdaman. Mabuti na lang at marunong makaintindi ang kapatid kong ito. Sa lahat ng napapag-usapan ay hindi sumasama ang loob niya. Nakikinig lang din siya sa mga plano at nais mangyari nila Mommy. "Sige Adreana sabihin mo ano ang maaari naming itulong sayo? Sabihin mo lang at hindi ka na magdadalawang salita pa." sagot naman ni Mommy Samantha "Nais sana namin ni Bernardo na magpa-press conference upang mas mapabilis ang pagpapahanap kila Camila, isa pa nais na din naming ipakilala officially si Kate sa buong mundo bilang anak namin. Dahil nais naming makilala ng lahat ang nag-iisang tagapagmana ng Delos Reyes Corporation. Alam kong nagbubuo na kayo ng sarili niyong negosyo anak (
GEORGE POVMadami pala talagang naging kasalanan si Mama sa totoong pamilya ni Ate Kate kahit na galit ako sa kanila ay wala din akong magagawa sila pa rin ang magulang ko pero hindi ko sila kukunsintihin tutulungan ko sila Ate Kate makamit ang hustisyang hinahanap nila. Naawa ako sa parents ni Ate na 24 years na naghintay bago nila nakasama ang kanilang anak. Habang nag-aayos ako ng aking mga gamit sa aking kwarto ay nanood ako ng press conference na ginanap sa tv station na pag-aari ng pamilya nila Kuya James. Masaya ako para kay Ate Kate dahil sa wakas ay natagpuan na din niya ang pamilyang mapagmahal. Ang pamilyang binibigyan siya ng importansya. Iba ang kinang sa mukha ni Ate ngayon nakikita kong masaya talaga siya. Natakot ako sa biglang pagbukas ng pinto namin sa baba. May taong pumasok sa aming bahay. Hininaan ko ang volume ng aking cellphone, sinilent ko din ang settings ng aking phone. Dahil hindi ko alam kung sino ito baka magnanakaw ito. Dahan dahan kong nilapitan ang pin
KATE POVAFTER NG PRESS CONFERENCEHindi ko alam na ganoon pala ang ginagawa pag press conference. Sobrang kinakabahan ako kahit na alam ko naman ang mga isasagot ko sa mga tanong ng tao mula sa media. Nakaka pressure palang sagutin ang bawat tanong na binibitawan ng mga press people. Ayokong magkamali sa aking sasabihin at ayokong makasakit ng damdamin ng taong mahal ko. Kahit pa nakapatay na ang camera sa pag roll ay tuloy tuloy pa rin ang ilang tao sa press na nagtatanong sa akin tungkol naman sa love story namin ni James. Hindi ko alam ang aking isasagot dahil sa totoo lang ay hindi naman talaga maganda ang simula ng aming love story. Mabuti na lang at maagap si James, hindi ito sumagot sa tanong ng mga ito at nakiusap na lang na tapos na ang tanungan. Ginalang naman ng mga tao mula sa press ang pakiusap ni James. Pagkatapos na umere ang aming interview ay ang dami na naming narereceive na tawag at messages na diumano nakita nila si Mama, madaming baseless na mga impormasyon ang
GEORGE POV Nagmamadali kong inilapag ang aking mga gamit sa kwatro na tinutuluyan ko sa bahay nila Kuya James. Binati ko naman si Manang ng makita ako nito. Hindi na ako nag aksaya ng oras tumawag na ako kaagad ng angkas rider para mabilis akong makapunta sa Ayala Mall matatagalan kasi ako kung taxi ang kukuhain ko para maghatid sa akin. Kinakabahan ako. Natatakot ako dahil sa aking nalaman. Pumapasok pa rin sa isip ko ang mga sinabi ni Mama tungkol sa pagkatao ko. Hindi lang pala si Ate Kate ang may lihim tungkol sa tunay niyang pagkatao pati pala ako ay hindi tunay na anak ni Papa kaya pala lagi siyang nagagalit sa akin. Pati sa graduation ko ay hindi siya umattend. Naluluha ako habang nakaangkas ako sa na book kong driver. Kailangang malaman din nila Ate Kate ang tungkol sa mga narinig ko sa bahay kanina. Mabuti naman at mabilis lang na dumating ang angkas rider na ito sa Ayala Mall alam kasi niya ang mga short cut na dadaanan. "Salamat po Manong, keep the change na po" sabi ko
“Bakit ka ba umiiyak bunso anong ngyari ?sabihin mo sakin?! Sinaktan ka ba nila Charlotte? Sabihin mo at papagawan natin ng paraan para maparusahan din siya.” Nag aalalang tanong ni Ate. Inabutan niya ako ng isang basong tubig para kumalma ako.“Ate, narinig ko kasi si Mama. Huhuhu! May sinabi siya kay Ate Charlotte. Hindi pala ako anak ni Papa! Huhuhu . Kaya naman pala palagi na lang mainit ang ulo sakin ni Papa. Kasi anak pala ako ni Mama sa ibang lalaki. Huhuhu. Narinig kong Abdullah ang pangalan ng tatay ko. Ate lahat pala ng ngyayari sa atin ay alam ni Ate Charlotte. Tumatawa pa siya kanina habang pinag-uusapan nila ni Mama ang tungkol sa pagkakuha niya sayo. Mahina lang ang kanilang pag-uusap kaya medyo hindi ako sigurado sa aking narinig. " malungkot na napayuko ako habang sinasabi ko iyon kay Ate. "Now i get it. Kaya naman pala si Charlotte lang ang laging pinapaboran nila Papa kasi siya lang ang tunay na anak nila ni Mama. Haist George ang tagal nating nagtiis sa trato satin
JAMES POV Agad kong tinawagan si William ng kumpirmahin ni George ang narinig niyang pag uusap ng kaniyang Mama at kapatid na si Charlotte. Noong una akala nito ay nagbibiro lamang ako. Puro talaga kalokohan itong si William. Hindi pa pala kasi niya napapanood ang tungkol sa isinagawang press conference. "zzup Bro?! long time no call? busyng busy ka na talaga kay Kate pinagpalit mo na kami aah. Anyways i dont care kasi nasakin na ang Mustang mo mula sa pustahan natin dahil kay Kate." pambungad nitong sabi sa akin "siraulo ka talaga! Don't mention it anymore. Hindi natin siya pinagpustahan period. Ayokong ma mis interpret niya kung malalaman niya ang tungkol sa naging pustahan natin noon. Dati lang yun nung hindi ko pa siya nakikilala." seryoso kong pagbibilin sa kaniya. "Bro kakailanganin ko ang tulong mo?!" sabi ko naman sa kank "chill chill Bro! noted sige hindi na mauulit na banggitin namin ang tungkol sa pustahan natin dati. Mukhang seryoso ka na talaga kay Kate aah. Im hap
KATE POV Nakumpleto ko na din sa wakas ang mga gusto kong dalhin para sa byahe namin pa Italy. Hinanda ko na ang aming maleta . Inimpake ko na din ang mga damit, bags at sapatos na aming dadalhin. Ayoko kasing nagmamadali tuwing lalabas ako ng bansa gusto ko sa mga susunod na araw ay relax na lang kami bago magbyahe. Pati gamit ni James ay inayos ko na din. Hindi naman masyadong madami ang dadalhing gamit ni James kaya yung mga sobrang kilos na hindi niya magagamit ay kinuha ko. Sayang naman kasi ang ibinayad niya lalo at sa business class kami sasakay. Excited ako dahil sa ilang taon ko bilang isang OFW ay ito ang unang beses na ma-e-experience ko ang pagsakay sa business class. Napagkasunduan naman namin nila Rona na sa airport na lang sa Italy kami magkikita-kita. Isesend na lang ni James sa kanilang mga email ang kanilang flight details. Hindi ko na ito pinakielaman dahil naging busy na din ako sa dami ng ngyari nitong mga nakaraang araw. Sa susunod na araw ko na lang tatawagan
"Hon, patawarin mo ako. Matinding galit ang naramdaman ko noon kaya nagpadala ako sa mga taong gusto lang sirain tayo, imbes na magtiwala sa’yo bilang asawa ko. Mali ako. Hindi ko ginusto ang mga nangyari. Habang nasa mansion pa ako, ang dami nang nangyari. Ang mommy mo at si Annie, laging kinakampihan si Pearl. Nang masampal ko siya, hindi ko iyon sinadya. Nabigla lang ako. Sinabi nilang umamin ka raw kay Pearl na mas mahal mo siya kaya nananatili siya sa mansion kahit hiwalay na sila ni Jeff.“Dahil sobrang nasasaktan na ako, napagdesisyunan kong pumunta sa US para sundan ka. Miss na miss na kasi kita, kaya binalewala ko ang pride ko. Pero pagdating ko, nakita kita sa kama na may ibang babae. Napakasakit nun, Hon! Pero imbes na kausapin ka, umalis ako at dumiretso kina Mommy. Hindi ko inaasahan na sa pagbisita ko, mas malaking kawalang-hiyaan pa pala ang gagawin nila Jasmin sa akin."Malungkot ang naging reaksyon ni Haime. "Hon, sorry. Hindi ko rin alam kung paano napunta ang babaeng
“Okay. Tungkol ito kay Pearl at Jessie, ‘yung babaeng kasama niya sa restaurant na nakuhaan mo ng picture. Si Jessie ay nakababatang kapatid ni Pearl na lumaki sa Amerika. Isang kaibigan niya ang nagkumpirma na lahat ng nangyari kay Haime at Jessie ay pinagplanuhan. Sinundan ni Jessie ang bawat galaw ni Haime, mula sa disco bar hanggang sa makuha niya ang tiwala nito. Sinadya niya itong akitin dahil sa utos ni Pearl. Pati ang pagkuha ng litrato sa kwarto kasama si Haime ay plano nila para tuluyan mo siyang hiwalayan,” paliwanag ni Detective.“Sabi ko na nga ba, Natalie. Kilala ko si Haime. Hindi niya kayang gumawa ng ganitong kasamang bagay,” sabi ni Nicholai.“Kaya pala may pagkakahawig ang dalawang bruha! Sarap sabunutan,” inis na sabi ni Ryan.Ramdam ko ang galit na unti-unting lumalabas. Puno na ako ng inis at pagkadismaya sa nalaman ko. Ngunit iyon pa lang ang magandang balita. Kailangang maghanda ako sa masamang balita.“Ano naman ang masamang balita, Detective?” tanong ko, kina
Napasulyap ako kay Annie, na tila naintindihan ang tingin ko.“Kuya, wala kaming pinalayas. Kusa siyang umalis! Sinampal pa niya si Pearl bago siya umalis. Narinig ko rin sa mga kaibigan ko na nakatira na raw siya sa condo ni Mark,” sabi ni Annie habang si Pearl ay tahimik na nakatayo sa likod niya.“Annie, tigilan niyo na ang kakagawa ng kwento tungkol kay Natalie,” mariin kong sabi, napapadiin ang mga bagang ko.“Hindi kami gumagawa ng kwento. Tawagan mo si Mark para malaman mo,” sagot niya nang matapang. Hindi siya natatakot kahit galit na galit na ako.“Sige, tawagan mo, Haime. I-loud speaker mo para marinig ng lahat ang katotohanan,” dagdag pa ni Mommy, tila naghahamon.Kahit galit na galit ako, kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Mark. Sinunod ko ang gusto nila at niloud speaker ito.“Hello, Haime? Napatawag ka?” tanong ni Mark sa kabilang linya.“Mark, may gusto akong malaman. Sabihin mo sa akin ang totoo. Nakatira ba sa condo mo ang asawa ko?” tanong ko, puno ng tensyon
HAIME POVSa wakas, natapos din ang back-to-back meetings at branch visits namin dito sa US. Finally, makakauwi na rin ako. Makikita ko na si Natalie. Magkakausap na rin kami tungkol sa mga isyung nagdulot ng gulo sa amin, pati na rin kung bakit halos isang buwan na niyang hindi sinasagot ang mga tawag at mensahe ko.Habang naglalakad ako papunta sa lobby para isauli ang keycard ng hotel, naramdaman ko ang mga tingin at bulungan ng mga receptionist na kapwa Pilipino. Parang may gustong sabihin, pero hindi ko na sila pinansin. Gusto ko na lang talaga makauwi. Nang papaalis na ako, isa sa kanila ang mahina akong tinawag.“Sir, may gusto lang po sana kaming sabihin,” alanganing sabi ng receptionist. Nagtinginan pa sila at nagtuturuan kung sino ang magsasalita.Dahil sa pagkamausisa ko, napahinto ako. Lagi ko silang nakikitang nagbubulungan tuwing dumadaan ako, kaya hindi ko napigilang bumalik sa harapan nila.“Yes? Ano ’yun, Miss?” tanong ko sa babaeng receptionist.“Sir, kasi po, last m
malakas na tumawa si Jeff. "Kapatid ko si Haime, I'm his older brother," sagot niya, sabay tawa. "So you mean yung boss na sinasabi mong naiinis ka ay si Natalie?" tanong pa niya."MY GAWD! I think I'm in trouble!" sabi ko, napayuko sa gulat.Itinaas ni Jeff ang mukha ko para mawala ang pagkahiya ko. "It's ok. Hindi naman ako close sa hipag ko, at yung kapatid ko, dating live-in partner yun ng asawa ko. Ngayon finally na annuled na ako dahil kay Haime. Ayun, nagpapakasaya na naman ang malanding babaeng yun sa mansion." Mahabang paliwanag niya, hindi ko alam kung lasing ba siya o nagsasabi ng totoo.Napatingin ako sa kanya, hindi ko alam kung anong mangyayari. Sa tagal ng pagkakaibigan namin ni Natalie, hindi niya naikwento sa akin ang mga bagay na ito. Kaya siguro siya umalis sa bahay ng mga Rodriguez."Wohhhh! Cheers natin yan! Parehas pala tayong bwisit sa buhay!" nag-toast kami. Tapos may inilabas si Jeff na parang sigarilyo."Ok lang bang mag-smoke ako dito sa loob ng cubicle?" ta
JASMIN POVNakakainis talaga si Natalie, ang yabang, akala mo kung sino na. Akala niya kasi dahil nakapang-asawa ng mayaman, may karapatan na siyang magmataas. Kung hindi lang dahil kay Haime, hindi siya makikilala ng mga malalaking tao. Hindi siya dapat nandiyan, lumalago lang ang negosyo dahil sa tulong ng asawa niya. Tapos ngayon, ganyan ang mga ugali. “Bakit, nagagalit siya kasi hindi ko siya pinatira sa bahay nung tumawag siya? Aba, kasalanan ko ba na ang buong pamilya ko nakatira sa amin? Akala ko hindi na siya magche-check ng mga finances, kaya nga nila ako kinuha. Naiirita na talaga ako. Isa pa tong si Brett, puro abala na lang sa buhay ko. Bwisit na buhay!” naiinis kong bulong habang papasok sa office.Pinatawag ko ang isa sa mga tauhan ko at nagpaalam na uuwi muna ako, sila na lang ang bahala sa office. Ayokong dagdagan pa ang stress ko. Pero naiisip ko lang, bakit sila Natalie naging maayos ang buhay? Tapos ako, eto, ang daming problema. Naisipan kong dumiretso sa paborit
POV NATALIEIlang minuto lang ang nakalipas at dumating na ang doktor at ibinigay sa akin ang discharge papers. Mali ang pagkakakilala ko kay Mr. Tan—akala ng lahat, isa siyang babaero. Pero nagulat ako sa naging kilos niya nang maaksidente ako. Mabait pala siya at marunong rumespeto sa isang relasyon. Alam niya kung saan siya lulugar. Simula nang pumayag akong mangupahan sa isa niyang condo unit, ni minsan ay hindi siya pumunta rito. Malaya akong nakakagalaw at walang nararamdamang pressure mula sa kanya.Iniwasan ko ang pamilya ni Haime, pati na rin siya mismo. Kahit si Mayet na paulit-ulit na nangangamusta, hindi ko pa rin sinasagot ang mga tawag at emails ni Haime. Tuwing binabasa ko ang mga mensahe niya, wala man lang akong nakikitang paghingi niya ng tawad. Siguro, hindi niya alam na nahuli ko siya noong araw na iyon—o baka naman, nalason na ng pamilya niya ang isip niya.Ayos lang naman ako, lalo na ngayon na nalaman kong magkaka-baby na ako. Kaya ko namang buhayin mag-isa ang
Pagdating namin sa ospital, agad na sinuri ng doktor si Natalie."Doc, kumusta na siya?" tanong ko habang pinupunasan ang sarili kong basang damit dahil sa ulan. Ramdam ko ang pag init ng katawan ko, tila sinamaan ako dahil naulanan ako pero hinayaan ko na lang."Mabuti naman siya, Mr. Tan," sagot ng doktor. "Buti na lang at nakasuot siya ng seatbelt nang mangyari ang aksidente. Bibigyan na rin kita ng gamot para sa sipon mo, baka lumala pa."Habang nag-uusap kami ng doktor, unti-unting dumilat si Natalie. Napatingin siya sa suwero na nakakabit sa kanya, tapos nilinga-linga ang paligid na tila naguguluhan. Halata sa mukha niya ang pagkalito kaya nilapitan ko siya para pakalmahin."Natalie, nasa ospital ka. Nakita ka namin sa kalsada kanina at naaksidente ka," mahinahon kong paliwanag."Ahhh... salamat," sagot niya nang may halong pagkalito.Nagpatuloy naman ang doktor sa pagsasalita. "At isa pa, Mr. Tan, mabuti na lang at hindi naapektuhan ang sanggol sa sinapupunan niya. Malakas ang
Kaagad kong ini-start ang makina ng kotse at pinaharurot ito sa kalsada. Sa totoo lang, wala akong ideya kung saan ako pupunta. Naibenta ko na ang townhouse ko, at ang condo ni Haime na dati naming tinirhan ay okupado na ng mga estudyante. Wala akong ibang matakbuhan kaya naisipan kong tawagan si Jasmin."Jasmin, pwede ba akong humingi ng pabor?" Pilit kong pinipigilan ang aking luha, ayokong malaman niya agad ang pinagdadaanan ko."Ano yun, Natalie?" tanong niya, may bahid ng pag-aalala sa boses niya."Pwede bang makituloy muna ako sa inyo?" mahina kong tanong."Bakit? May problema ba? Okay lang naman, kaya lang nandito rin ang pamilya ni Ate ngayon. Di ba nasunugan sila? Siksikan kami dito sa bahay. Okay lang ba sa'yo?" paliwanag niya."Aah, ganun ba? Sige, wag na lang, magho-hotel na lang ako para hindi ako makadagdag sa abala, nakakahiya din sa Ate mo. Nandiyan pala sila ngayon." sagot ko, pilit na pinapatawa ang sarili."Sigurado ka, sis? Ayos ka lang ba?" tanong niyang muli, ram