KATE POV Nakumpleto ko na din sa wakas ang mga gusto kong dalhin para sa byahe namin pa Italy. Hinanda ko na ang aming maleta . Inimpake ko na din ang mga damit, bags at sapatos na aming dadalhin. Ayoko kasing nagmamadali tuwing lalabas ako ng bansa gusto ko sa mga susunod na araw ay relax na lang kami bago magbyahe. Pati gamit ni James ay inayos ko na din. Hindi naman masyadong madami ang dadalhing gamit ni James kaya yung mga sobrang kilos na hindi niya magagamit ay kinuha ko. Sayang naman kasi ang ibinayad niya lalo at sa business class kami sasakay. Excited ako dahil sa ilang taon ko bilang isang OFW ay ito ang unang beses na ma-e-experience ko ang pagsakay sa business class. Napagkasunduan naman namin nila Rona na sa airport na lang sa Italy kami magkikita-kita. Isesend na lang ni James sa kanilang mga email ang kanilang flight details. Hindi ko na ito pinakielaman dahil naging busy na din ako sa dami ng ngyari nitong mga nakaraang araw. Sa susunod na araw ko na lang tatawagan
KATE POVKaunting kwentuhan muna kami sa harap ng hapag ng matapos kaming kumain ng aming hapunan. Na-wi-wirdohan ako kay James ngayong araw dahil hindi siya mapakali sa kaniyang pagkakaupo. Parang kanina pa ito may gustong sabihin sa akin. Ilang beses siyang tayo ng tayo. At tumitingin sa akin. Nagsasalita ang kaniyang mga mata. Kilala ko na si James. Hindi ko naman siya tinatanong hinayaan ko lang siyang kusang magsabi ngunit hanggang sa matapos na kaming maghapunan ay wala naman siyang binabanggit kaya hindi ko na siya tinanong pa. Abala din kaming mag-usap nila Mommy Samantha. Habang nagkakasarapan na kami sa aming kwentuhan ay biglang nag ring ang aking cellphone hindi ko pa sana ito sasagutin ng makita kong si Mommy Adreana pala itong tumatawag.“Excuse lang po tumatawag si Mommy baka importante ang sasabihin niya sa akin” tumayo muna ako at pumunta sa kitchen area. Nakita kong nakatingin sa akin si James. Nagtatanong ang kaniyang mga mata. Nagkibit balikat lang ako sa kanya."
BORACAYJAMES POVHabang kami ay nasa loob ng eroplano, panay ang pagbalik ko sa CR para hudyatan ang mga taong nag-aabang samin sa ibaba na malapit ng mag land ang aming sinasakyang eroplano. Pinagpapawisan na ako ng malagkit. Ito ang unang beses na nakaramdam ako na kabahan sa isang bagay na gagawin ko. Panay ang tanong pa sakin ni Kate dahil napansin niya na hindi ako komportable sa aking pagkakaupo. "okay ka lang Love?! kanina ka pa ata ihi na ihi. Sinasamaan ka ba?" nag-aalala niyang tanong sa akin. Natatawa naman sila Mommy sa akin. Mabuti at marunong itong umiwas kaagad sa mga tingin ni Kate. Humingi na ako ng isang glass ng wine sa stewardess para makapag relax ang aking isip. "im okay Love. Excited lang sigurong makita sila William matagal na din kasi ng huli naming pagkikita kita." pagdadahilan ko sa kaniya. Ilang minuto na lang ang nakalipas at bumaba naang eroplanong sinasakyan namin. Dumiretso na kami sa luggage area para kuhain ang mga luggage namin at dumiretso na sa
The Wedding KATE POV Para pa rin akong lumulutang sa alapaap. Nagulat ako sa sopresa na naman ng aking asawa. Hindi pa man ako nakaka move on sa proposal sa akin ni James sa Dubai heto na naman siya isang sorpresa na ite-treasure ko habang buhay. Marunong din tu-mi-ming itong si James kasi Sa panahong nag iisip at nai-stress ako ay may naisip siyang gawin para mapasaya ako. Lalo pa at kasama ko ang aking mga magulang sa espesyal na araw na ito. Matapos ang aming hapunan ay nag-anunsyo na si James na lumabas kami pansamantala sa may lanay ng hotel para manuod ng fireworks na pinahanda ni James. Halos patakip silim pa lang ng mga sandaling iyon. Pero ng magsimula ang pagsindi ng fireworks ay lumutang ang ganda ng fireworks. Namangha lahat ng aming bisita pati na ang mga guest sa resort hotel ni James. Tumagal ito ng trenta minutos. Na-appreciate ko lahat ng ginagawa sakin ni James pero bilang isang OFW minsan ay napagsasabihan ko si James na sayang din ang ginagastos niya pagdati
Marahan niyang pinunasan ng kaniyang panyo ang aking mga luha. Napangiti naman ako kay James sa kaniyang ginawa. Noon hindi ko maintindihan ang Panginoon kung bakit ngyari sa amin ni Michael ang ganoon klaseng paghihiwalay . Sabi ko pa anong kasalanan ko bakit ako piangtaksilan ng aking kapatid. Nagtatanong pa ako sa Panginoon noon kung ano ba ang dahilan niya bakit niya pinaranas sakin ang ganoon klaseng sakit. Sakit na akala ko kahit kailan ay hindi ko na malalampasan. Ilang panahon akong nagmukmok sa aking flat. Binugbog ko ang aking sarili sa pagiging abala sa trabaho at bahay. Ngayon ko napatunayan na hindi lahat ay ibibigay niya ng isahan. May mga pagkakataong kaya nangyari ay dahil hinahanda niya tayo para sa isang mas magandang pangyayari. Ngayon ko naiintindihan ang tunay niyang dahilan kung bakit ito lahat ngyari kasi ianalis niya lang ako (God) sa isang sitwasyon na habang buhay kong pagsisisihan. Pinakita niya sa akin (God) na may tao pang mas higit kesa kay Michael at
Kinapitan ni James ang aking kamay naging seryoso naman ang mga mata niya. Tumingin siya sa akin ng mata sa mata. Napakapungay ng mata ni James, kinikilig ako. Sobrang landi ko talaga. "Kate, My Love. Sabi nga save the best for last haha .Love madaming pagbabago ang nangyari sa akin simula ng nagkakilala tayo. As you said hindi man maganda ang ating naging simula ay naging biyaya naman ang pagtatagpo nating iyon para sa isang mas malalim na pagmamahalan. Ikaw ang nagsilbing inspirasyon ko sa lahat ng ginagawa ko. Palagi man akong asarin ng aking mga kaibigan (tumingin sa side ng kaniyang mga kaibigan na sila William at Daniel , nagtawanan pa ito at umiwas ng tingin sa kaniya) haha just kidding bro!. Palagi mong tatandaan na palagi kong pipiliin ang tama. Palagi kong iisipin ang nararamdaman mo at iisipin mo sa kahit sa anong bagay na aking gagawin. Love, hindi man ako perpekto pero pipilitin kong ibigay sayo ang lahat ng bagay sa mundo. Ibibigay ko sayo ang puro at buong pagmamahal .
THE ANNOUCEMENT KATE POV Matapos ang pagkamangha ng lahat sa fireworks ay nagkanya-kanya na ng balik ang mga bisita sa kanilang mga upuan. Nagpatuloy na ang program , lahat ng bisita ay nagkakasiyahan . Maririnig ang malalakas na tawanan ng mga tao sa evernt place. Kanya -kanya na din ng pagkuha ng mga picture ang mga ito. Halos nakainom na din ang iba pa naming guest. Huminga ako ng malalim "ITO NA YUN. HAAAAAA KATE!" anas ko sa aking sarili. Nagpaalam ako kay James sandali para sa requets song na nais kong tugtugin ng bandang inarkila niya. "Anong gusto mong patugtog ako na ang magsasabi." sabi pa ni James sa akin. "It's fine love ako na lang. Kaya ko na yan. Makisayaw ka na muna kila William tinatawag ka na nila oh." anas ko naman sa aking asawa. "Are you sure?" aniya niya. "yes! 100%" sagot kong muli sa kaniya. Ngumiti siya at humalik sa akin, bago siya parang batang nanakbo papunta sa kaniyang mga kalaro. Pagka lapit ko sa event coordinator ay kinausap ko ang mga ito. I
CHARLOTTE POV "AHHHHH! (binato ang cell phone sa may kama) bwisit ka George sang lupalop ka ba naroroon?!" galit na galit na sabi ko sa aking sarili. Ilang beses na akong ngme-message at tumatawag kay George pero binabaliwala nito ang lahat ng messages at tawag ko. Sigurado akong sumama na ito sa hay*p na Kate na yan. Naiirita pa ako sa pag-iyak iyak nitong si Amara. Ang hirap patahanin nitong batang to. "ANO BA AMARA BWISIT NA BWISIT NA KO SAYO TUMIGIL KA SA KAKAINARTE MO?!" malakas na sigaw ko dito. "WAHHHHHH!! I HATE YOU! I HATE YOU! SANA HINDI NA LANG IKAW ANG MOMMY KO, SANA SI TITA KATE NA LANG ANG NAGING MOMMY KO!. HUHUHU! HINDI KITA GUSTO" pagwawala ni Amara sa akin. Hindi ko maintindihan kung ano ang gusto nitong batang to. "Bwisit ka! edi sumama ka kay Kate kung gusto mo, dagdag ka lang sa pabigat sa buhay ko! wala kang silbing bata ka (pinaghahahampas ko ito sa kaniyang puwet, lalo namang nilakasan ni Amara ang kaniyang pag-iyak.) Yung tatay mo hanggang ngayon hind
Ngumiti siya sa akin, at naramdaman ko ang init sa puso ko. Kinuha ko ang singsing mula sa pari at marahang sinuot ito sa daliri niya. Habang ginagawa ko ito, tinignan ko siya at ngumiti. “Mahal kita, Ethan,” bulong ko Hinawakan ko ang singsing sa kamay ko, ramdam ang kabigatan ng bawat pangakong nakapaloob dito. Tumingin ako kay Ethan, at sa mga mata niya nakita ko ang pagmamahal na walang pag-aalinlangan. Huminga ako nang malalim at ngumiti. “ Ethan Anderson,” sabi ko, malumanay ngunit puno ng emosyon. “Kaya naman, Please wear this ring as a sign of my love and loyalty to you. For richer, for poorer, in sickness and in health, till death do us part. I, Kayline Eduardo are asking you to accept me as your lawfully wife?! Sa mata ng Diyos at sa nata ng tao?” Tumango siya, at biglang nagsalita ng malakas at malinaw. “I do!” sagot ni Ethan, punong-puno ng sigla at pagmamahal. Isinuot ko ang singsing sa daliri niya nang marahan, ramdam ang init ng kamay niya habang hinahawakan n
Ngunit paano? Paano ako kakalma kung narito sa harap ko ang babae ng buhay ko, papunta sa akin? Napailing ako, pilit pinipigilan ang namumuong luha, pero huli na. Pumatak ito, at hindi ko na nagawang itago pa. “Ang ganda niya,” bulong ko ulit, halos hindi ko marinig ang sarili ko. Ngumiti si Mommy, halatang naiiyak din. “Oo, anak. Ang ganda niya. At ikaw ang maswerteng lalaki na hinihintay niya sa altar. Masaya akong nakikita kang masaya” Nang magsimulang maglakad si Kayline, tumunog ang unang nota ng piano, at ramdam kong mas bumagal pa ang oras. Ang bawat hakbang niya ay parang sinadya para itatak sa isip ko ang araw na ito. Nakatingin siya sa akin, at sa mga mata niya, alam kong naroon ang parehong pagmamahal na nararamdaman ko. Hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Sa bawat hakbang niya papalapit sa akin, parang tumitigil ang oras. Ngumiti siya, at sa sandaling iyon, alam kong siya ang tamang desisyon. Hindi ko napigilang mapaluha ulit. Ito na iyon, sabi ko sa sarili ko. Walang
KAYLINE POV Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang kahapon lang, napakaraming pagsubok ang pinagdaanan namin ni Ethan. Pero ngayon, ito na—ang araw na pinapangarap ko. Araw ng kasal namin. Habang nasa loob ng sasakyan, naririnig ko ang tibok ng puso ko, parang kasing lakas ng tunog ng makina. Hinawakan ni Mommy ang kamay ko at nginitian ako. “Congratulations, anak,” sabi niya, puno ng pagmamahal ang boses. “Finally, ito na iyon. Napakaganda mo, at sigurado akong magiging napakaganda rin ng araw na ito para sa inyo ni Ethan. Wag kang kabahan, mag-relax ka lang.” Napangiti ako kay Mommy, kahit nararamdaman kong nangingilid ang luha ko. “Salamat, Mommy. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ko alam kung kakayanin ko ang lahat ng ito.” Pinisil niya ang kamay ko nang mahigpit. “Kayline, karapat-dapat kang maging masaya. Ngayon, huwag mo nang isipin ang iba. Enjoyin mo ang araw na ito.” Tumingin ako sa salamin at inayos ang belo ko. Pinipigilan kong maiyak dahil ayokong masira a
ETHAN POV Ito ang pinakahihintay na araw sa buhay ko, pero sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko maalis ang kabang nararamdaman ko. Rinig na rinig ko ang pintig ng puso ko. Kaninang umaga pa lang paulit-ulit kong tinitingnan ang cellphone ko. Tinawagan ko si Mommy ng maraming beses, pero palagi niyang binababa ang tawag ko. Hindi niya sinasagot kahit ang mga text ko. Huminga ako nang malalim at tumitig sa screen ng phone ko. Nabasa ko ang seen sa huling message ko: “Mommy, 4 PM sa St. Michael’s Church. Hihintayin kita, sana dumating ka.” Parang kinurot ang puso ko. Alam kong nasaktan siya sa mga nakaraang pangyayari, pero hindi ko maitatanggi na umaasa pa rin akong dadalo siya sa pinakamahalagang araw ng buhay ko. Pagdating ko sa simbahan, nauna akong bumaba ng kotse. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang pinagmamasdan ang tahimik na paligid. Madami na ding bisita ang nasa loob ng simbahan. "sir within 10 minutes magsisimula na po tayo" sabi sa akin ng
Kailangan kong protektahan si Kayline, lalo na sa mga banta ni Sofia. Pero alam ko rin na kailangan ko munang harapin ang mommy ko. Alam kong hindi magiging madali ang pag-uusap namin, pero hindi ko na rin kayang tiisin ang pananahimik niya tungkol sa mga ginagawa ni Sofia. Kinabukasan, sa bahay ng mommy ko Pagdating ko sa bahay, tahimik akong sinalubong ng kasambahay. “Sir Ethan, nasa veranda po si ma’am.” “Salamat,” sagot ko, saka ako dumiretso. Sa totoo lang, ayoko na talagang makipag-usap kay mommy tungkol sa gulong ito, pero kailangan kong malaman kung bakit tila siya kampi kay Sofia sa kabila ng lahat. Pagdating ko sa veranda, nakita ko siyang nakaupo habang iniinom ang paborito niyang tea. Napansin niya agad ang presensya ko, pero hindi siya nagsalita. “Mommy,” panimula ko, habang naupo sa harap niya. “Kailangan nating mag-usap.” Hindi siya tumingin sa akin. Patuloy lang siyang umiinom ng tea niya, pero halatang naghihintay siya sa susunod kong sasabihin. “Bakit
ETHAN POV Sigurado ako sa sarili ko. Hindi ako ang ama ng pinagbubuntis ni Sofia. Wala akong ginawa sa kanya noong gabing sinasabi niya. Pero syempre, mahirap ipilit ang katotohanan kung puro kasinungalingan ang binibigay niya. Kaya heto ako, dinala siya sa kaibigan kong doktor para matapos na ang lahat ng drama niya. Pagpasok pa lang namin sa clinic, halatang aligaga si Sofia. Panay ang hawak niya sa tiyan niya na parang gusto niyang magpaniwala agad na totoo ang sinasabi niya. Pati ang mommy ko, nasa tabi niya at mukhang nagdududa rin. “Ethan, ano ba to? Bakit mo pa kailangang dalhin dito? Hindi mo ba ako pinapaniwalaan?” ani Sofia, halatang naiinis. “Sinong maniniwala sayo , alam ko at sigurado akong walang ngyayari satin,” sagot ko nang diretso. “Isa pa gusto ko ng kasiguraduhan. Ayokong basta basta magpadaan sa kalokohan niyo.” Nagulat ako sa biglang pagdating ni Mommy “At ano naman ang gusto mong patunayan?” singit ni mommy, halatang kampi na kay Sofia. “Simple lang,
Hindi pa lumilipas ang ilang minuto nang makita ko siyang dumating sa opisina. Agad niyang napansin si Sofia na nakatayo roon. Tuwang tuwa ang mukha ni Sofia ng makita niya si Ethan, ang ngiti niyang nagpapakita ng kayabangan, na parang may laban siyang napanalunan na ako lang ang hindi nakakaalam. “Hi, Ethan,” bati ni Sofia sa kanya, matamis ang tono ng boses niya. Lumapit siya kay Ethan, pero nakikita kong mayroon siyang intensyon sa bawat galaw niya. Akmang yayakapin niya ito, ngunit agad kong nakita ang pagkakaiba sa reaksyon ni Ethan. Para siyang biglang naging yelo, malamig at puno ng galit. "baby anong ngyayari dito?" tanong ni Ethan sa akin na punong puno ng pagtataka. Tinitignan kong mabuti si Ethan pero nakita kong kahit siya ay naguguluhan sa maaring ginagawa ni Sofia sa loob ng opisina ko. Lumapit si Sofia kay Ethan na ngayon nakatayo sa gilid ko. Nilingkis ni Sofia ang balikat ni Ethan "ano ka ba naman, Ethan hindi mo ako dapat ini-stress. Buntis ako. Nung gabing ma
Hindi mapigilan ni Sofia ang pagbagsak ng mga luha niya. “Please, Kayline. Alam kong ikaw ang mahal niya, pero… pero hindi ko kayang palakihin ang anak namin nang mag-isa. Kailangan ko siya. Kailangan ng bata ng ama at wag mo sanang ipagjait yun!” Sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Tumingin ako kay Sofia, at sa kabila ng galit na nararamdaman ko, nakita ko ang takot sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, galit ba o awa? “At bakit sakin mo sinasabi lahat ng to?” tanong ko, halos wala na akong boses pero nagpapakita pa rin ako ng katatagan. “Bakit hindi mo sabihin kay Ethan mismo? At siya ang hayaan mong magdesisyon! Hindi ko na kapit anong gagawin niya dito. Napayuko siya, hindi ko alam kung panibagong drama na naman nila to ng Mommy ni Ethan. “Sinubukan kong sabihin sa kanya… pero hindi ko kayang makita siyang nagagalit o tinatanggihan ako. Alam kong nasaktan siya sa paghihiwalay niyo dati, pero hindi ko inasahang mangyayari ito. Oo aaminin ko naging har
CURRENT TIME PAGKATAPOS NG PROPOSAL KAYLINE POV Matapos kumalat ang video ng proposal ni Ethan sa akin, hindi ko inasahan ang dami ng atensyon na natanggap namin. Nakakatuwa na madaming mga kakilala at nagtatrabaho para sa akin ang nagbigay ng kanilang mga congratulatory message. Hindi ako makapaniwalang sa lahat ng pinagdaanan namin ni Ethan ay mauuwi din kami sa totoong kasalan, this time walang pilitang ngyari. Sabik na sabik ako sa buhay na naghihintay sa akin kasama si Ethan. Ngunit sa kalagitnaan ng araw, habang abala ako sa trabaho, biglang bumukas ang pinto ng aking opisina. Nagulat ang sekretarya ko at mabilis siyang sumunod para sana pigilan si Sofia na walang pakundangang pumasok. Hindi ko alam kung paano siya nakalusot sa sekretarya ko. “Mam pasensya na po kanina ko pa po siya pinipigilan pero nagpumilit po talaga siya , hindi ko na po naawat nagwala na po kasi siya sa labas. Hinagis niya ang mga papeles na nasa lamesa ko kaya po pinulot ko muna saka ko siya sinundan.