THE ANNOUCEMENT KATE POV Matapos ang pagkamangha ng lahat sa fireworks ay nagkanya-kanya na ng balik ang mga bisita sa kanilang mga upuan. Nagpatuloy na ang program , lahat ng bisita ay nagkakasiyahan . Maririnig ang malalakas na tawanan ng mga tao sa evernt place. Kanya -kanya na din ng pagkuha ng mga picture ang mga ito. Halos nakainom na din ang iba pa naming guest. Huminga ako ng malalim "ITO NA YUN. HAAAAAA KATE!" anas ko sa aking sarili. Nagpaalam ako kay James sandali para sa requets song na nais kong tugtugin ng bandang inarkila niya. "Anong gusto mong patugtog ako na ang magsasabi." sabi pa ni James sa akin. "It's fine love ako na lang. Kaya ko na yan. Makisayaw ka na muna kila William tinatawag ka na nila oh." anas ko naman sa aking asawa. "Are you sure?" aniya niya. "yes! 100%" sagot kong muli sa kaniya. Ngumiti siya at humalik sa akin, bago siya parang batang nanakbo papunta sa kaniyang mga kalaro. Pagka lapit ko sa event coordinator ay kinausap ko ang mga ito. I
CHARLOTTE POV "AHHHHH! (binato ang cell phone sa may kama) bwisit ka George sang lupalop ka ba naroroon?!" galit na galit na sabi ko sa aking sarili. Ilang beses na akong ngme-message at tumatawag kay George pero binabaliwala nito ang lahat ng messages at tawag ko. Sigurado akong sumama na ito sa hay*p na Kate na yan. Naiirita pa ako sa pag-iyak iyak nitong si Amara. Ang hirap patahanin nitong batang to. "ANO BA AMARA BWISIT NA BWISIT NA KO SAYO TUMIGIL KA SA KAKAINARTE MO?!" malakas na sigaw ko dito. "WAHHHHHH!! I HATE YOU! I HATE YOU! SANA HINDI NA LANG IKAW ANG MOMMY KO, SANA SI TITA KATE NA LANG ANG NAGING MOMMY KO!. HUHUHU! HINDI KITA GUSTO" pagwawala ni Amara sa akin. Hindi ko maintindihan kung ano ang gusto nitong batang to. "Bwisit ka! edi sumama ka kay Kate kung gusto mo, dagdag ka lang sa pabigat sa buhay ko! wala kang silbing bata ka (pinaghahahampas ko ito sa kaniyang puwet, lalo namang nilakasan ni Amara ang kaniyang pag-iyak.) Yung tatay mo hanggang ngayon hind
Matapos kong mag-impake ng gamit ni Amara ay dinala ko na siya kay Sheila. Hindi pa rin ito tumitigil sa pagwawala. Matindi ang tantrums niya ngayon lalo na at iiwan ko na siya dito. Buwanan ko na lang siya babalikan para makakilos ako ng maayos para mabuhay kami. Nakatira si Sheila sa taas ng kasa kaya inaashan na ang mausok na dadaanan namin papunta sa kaniyang silid. Ang mga katabi niya ding silid ay dalahan ng mga gustong mangupahan kay Tikya ng ilang oras na paggamit sa kwarto para sa mga taong nalilibug*n . May ibang silid din dito na ginagamit na session area para sa mga humihithit ng bato o ng marij*ana kaya maamoy mula pa lang sa baba ang amoy ng usok ng marij*ana. Wala akong pakielam kahit ganon ang kalakihan ni Amara wala naman siyang choice magpasalamat nga siya at gagastusan ko pa siya kahit walang pakinabang sakin ang tatay niya. Hindi naman ma raid raid iyang si Tikya dahil malakas ang lagayan sa itaas. Mismong mga parokyano niyan ang matataas na opisyal kaya hindi ko ta
GEORGE POV Hinayaan ko na si Ate Charlotte sa kakatawag niya sa akin. Hindi ko siya blinock pero hindi ko din siya sinasagot sa kaniyang mga tawag. Lahat ng messages niya ay ina-auto delete ko na lang. Ayoko na siyang kausap . Alam kong susulsulan lang na naman niya ako. Siguradong tungkol kay Mama na naman ang sasabihin niya. Sumasama din ang loob ko kay Ate Charlotte dahil mula pa nuon ay alam na pala niya ang tungkol sa totoong pagkataon namin ni Ate Kate pero hindi niya iyon sinabi samin. Hindi siya concern samin. Tawa pa nga siya ng tawa sa amin. Nag-alala lang ako para sa kaligtasan ng aking pamangkin. Kilala ko si Ate Charlotte maiksi ang pasensya niya para kay Amara. Kahit nga pag umuuwi ito saglit lang niya aalagaan si Amara pero nabubugbog pa niya ito. Pangako mag-iipon lang ako pagdating sa Italy at pag okay na ako. Gagawan ko ng paraan para makuha ko si Amara kay Ate magtatanong ako sa mga abugado lalo na at nalaman ko kay Ate Kate na pinaalis na ng lawyer sila ate Charl
Malapit na sana ako sa mga restaurant area ng biglang may mapansin akong pamilyar na tao para sa akin. Hinabol ko ito dahil papunta sila sa itaas na bahagi ng mall kung san naka locate ang sinehan. “FVCK tama nga hinala ko! Ang hay*p nga. Si Michael nga!” Nag isip pa ako sa gagawin ko kung lalapitan ko ito o pababayaan na lang. Ang saya saya niyang naglalakad habang may ka-akbay na babae. Mga limang minuto din akong nagtagal at nag isip kung dapat ko nga ba siyang sugurin pa. Hanggang sa mapagdesisyunan kong kuhaan na lang siya ng litrato at mas pinili kong pumikit na lang sa aking nakita. Hindi ko na siya nilapitan o kinausap. Hindi ko dudungisan ang ang aking kamay dahil sa mga walang kwentang tao. Tutal hindi din naman naging concern para sa akin si Ate Charlotte so bakit ko siya pakikiealaman ngayon kung hindi na pala sila okay ng asawa niya. Siguro ay kabayaran na din ito sa lahat ng kasalanang ginawa niya sa amin ni Ate. Lalong lalo na kay Ate Kate na walang ginawa kundi an
KATE POVLAST NIGHT IN PHILIPPINESHuling araw na ng namin dito sa Pilipinas. Sa sobrang init ng panahon. Pinapunta ko ang aking asawa kay Dorced para bumili ng block buster na Halo-halo at Leche Plan. " Love bilhan mo ko ng 10 Leche Plan babaunin ko sa byahe natin haha. Please . Tapos ang halo halo pati tukneneng wag mong kalimutan. Ok lang ba LOve?! Teka alam mo ba kung ano yung tukneneng?" paglalambing ko kay James"ok lang Love! oo yung pinuntahan natin malapit sa simabahan diba dun nakakabili? saka LOve kahit di ko alam magagawan ko ng paraan para makabili ng gusto mo masamang hindi nakakain ng buntis ang pinaglilihihan niya. Hindi din naman kalayuan yung bibilhan. Ayaw mo ba ng budbod sa may tapat ng puregold? yung nakainan natin na gustong gusto mo ?" tanong pa ni James sa akin"ay sige gusto ko yun. Pwede ba kong magbaon nun Love. Kasi mahaba byahe natin gusto kong may kain-kainin sa plane. Kung bibili ka dun please pasabay na din ng Hong Kong Style Fried Noodles, gusto ni ba
AFTER 2 MONTHSIN ITALYKATE POVMabilis na lumipas ang araw. Nabalitaan namin mula kay Mommy Adreana na nahatulan ng habang buhay na pagkakabilanggo itong si Mama Camila at Papa Arthur. Hindi na kami nakarating sa huling hearing nito kung saan binasahan sila ng sistensya nila dahil nagkaruon ng aberya ng araw na kami ay aalis. Isinugod akong bigla sa ospital sa araw ng mismong flight namin. Dahil sa distansya ng bahay namin sa airport ay dinugo ako habang nagbabyahe kami kaya inabisuhan ako ng doctor na mag bed rest na. Hirap na din ako dahil lagi akong nahihilo at nasusuka. Kaya naman napagdesisyunan namin ni James na hindi na tumuloy sa pagbyahe pauwing Pinas. Hindi din naman makauwi si George dahil siya na ang bagong namumuno dito sa Showroom. Nakibalita na lang kami kila Mommy Adreana. Sobrang tuwang tuwa ng mga ito sa naging desisyon ng judge. Makalipas ang 24 years ngayon ay nakamit na din nila ang hustisya sa pagkakadukot sa akin. Bilang selebrasyon ay bumyahe sila patungo dit
SA CORRECTIONALCAMILA POVNaghihimas sa rehas na nakaharang mula sa labas ng mundo kung saan malayang gumagalaw ang lahat. Nakatulala ako sa sa aking kinatatayuan. Malaki ang naging pagsisisi ko sa buhay sa lahat ng ginawa ko sa mga taong nagtiwala sakin noon. Ngayon ko mas naiintindihan ang bigat ng atrasong ginawa ko para sa lahat. Akala ko sa gagawinn kong iyon ay maiaahon ko ang buhay ng aking pamilya. Hindi pala , nagkamali ako pati ang magandang pagsasama naming mag-asawa ay nadungisan ko pa. Wala na akong magagawa nasistensyahan na ako ng habang buhay na pagkakabilanggo. Dito na iikot ang buong buhay ko.Mga kasalanang dapat pala ay hindi ko ginawa. Pumapatak ang aking mga luha bukod sa malayo na ako sa aking pamilya ay hiwalay pa sa kulungan kung saan nakapiit ang aking asawa. Madami ding mga bully ang nakasalamuha ko sa loob. Halos gulay na ako ng ilabas sa interrogation room para umamin sa kasalanang nagawa ko at ikanta ko kung sino ang naging kasabwat ko na nagpalusot sa ak
MADELINE POVPagkalipas ng ilang araw, nagsimula na ang paglilitis. Halos mapuno ang courtroom sa dami ng taong nais masaksihan ang kaso. Ang bawat kilos ng mga nasasakdal—sina Jasper, Bridget, at Nicole—ay nakatuon sa lahat ng mata. Sa gitna ng mahigpit na seguridad, tahimik akong nakaupo sa likuran, hawak ang kamay ni Liam. Ramdam ko ang tensyon sa paligid, lalo na nang magsimula ang mahabang balitaktakan ng mga abogado.Hukom: "Tayo'y magsimula. Atty. De Guzman, pakipresenta ang inyong mga unang tanong."Atty. De Guzman (Prosekusyon): "Maraming salamat,your honor. Unang tanong ko sa saksi, si Aaron. Aaron maaari mo bang ilarawan ang iyong relasyon sa mga akusado, sina Bridget at Nicole?"Aaron: "Oo, ako ay matagal nang nakatrabaho sina Bridget at Nicole. Kami ay magkaibigan, at sa simula, nagkakasundo kami sa mga desisyon. Ngunit, nang magtagal, napansin ko na may mga bagay silang ginagawa nang lihim na hindi ko alam. Hindi lang sila kundi ang boss kong si Jasper"Atty. De Guzman: "
MADELINE POV Tahimik akong nakamasid sa gilid habang binibitbit ng mga pulis sina Bridget at Nicole. Nakaposas ang kanilang mga kamay, at kahit pilit nilang itinatago ang kaba, bakas sa kanilang mga mukha ang galit at takot. Lahat ng ito ay nag-ugat sa ginawa ni Jasper, hindi nagtagal ang pag-interrogate kay Jasper ay tinuro niya at sinabi niya ang lahat ng kaniyang ginawa. "it's okay Love, ito na yun oh!, matatapos na ang lahat, pagkatapos nito i think you deserve a big vacation." malambing na sabi ni Liam sa akin "oo Love, salamat. " bumaling ako sa kaniyang balikat.Sa hindi kalayuan, nandoon si Jasper. Tahimik siyang nakamasid, pero kitang-kita sa kanyang mga mata ang kawalang-awa. Walang bahid ng pagsisisi ang kanyang mukha ni isang pag-alala sa pagkakaibigan nila nina Bridget at Nicole. Para sa kanya, tapos na ang lahat. Tatawa-tawa siyang nakangiti habang pinagmamasdang ipasok ang dalawang kasabwat niya, binanggit din niya ang tungkol sa pakikipagsabwatan ng mga
ILANG LINGGO ANG NAKALIPAS MADELINE POV "love, sorry fro bringing your family into our family's mess." malungkot kong sabi kay Liam. "hey!" malambing niyang sabi habang hawak ang aking pisngi "Don't be like that, hindi lang inaasahan na ang pamilya nating ay may mga nakaraang hindi pa rin naghilom, mabuti nga at satin na iyon sumabog dahil alam kong kaya nating malutas ang kasong ito! magtutulungan tayo Love, kaya natin to. I love you Madeline and i like how your family handle this problem." nakangiti niyang sabi sa akin. "thank you for understanding. Siguro kung ibang lalaki lang yan, dahil sa gulong ngyayari sa pamilya namin, sigurado akong iniwan na ako" sagot ko sa kaniya Bigla niya akong hinila papalapit sa kaniya sabay bulong sakin "ahhh... ahhhh... at yun naman ang hindi ko gagawin kahit kailan." sabay kindat niya sa akin. Natawa ako at malambing ko siyang hinalikan sa kaniyang mga labi. Sa piling ni Liam pakiramdam ko ay ligtas na ligtas ako. Alam kong hindi ako mapapano
Hindi makapaniwala si Tita Amara nang malaman niya ang patuloy na galit at plano nina Jasper, Nicole, at Bridget laban sa aming pamilya. Hindi niya maitanggi ang kaba at galit na bumalot sa kanya. Agad niyang kinuha ang telepono at tumawag kay Lola Kate, ang pinakamatanda at pinakamataas na kinikilala sa aming pamilya. “Hi Mommy, nangyayari na ang kinakataukan ko. Sila Madeline na ang inabutan nito. Kailangan nating mag meeting, ngayon din,” madiing sabi niya sa linya. “Hindi na ito pwedeng palampasin.” Sa kabilang linya, alam ni Lola Kate na hindi na ito simpleng problema lamang. “Sige, Amara. Ipagbibigay-alam ko sa lahat. Maghanda ka.” Kinabukasan, nagtipon ang buong pamilya sa ancestral house ng pamilya. Ang mansyon, na karaniwang puno ng tawanan at masayang kwentuhan, ay tila may bigat ngayon na hindi maitatanggi. Ito’y parang isang reunion, ngunit sa pagkakataong ito, hindi para magdiwang kundi para pag-usapan ang masalimuot na sitwasyon na hinaharap namin. Unang dumating si L
Madeline POV Tahimik akong nakaupo sa gilid ng sala habang pinagmamasdan si Tita Amara. Ang bawat salita niya ay bumabasag sa katahimikan, hinuhubaran ang mga nakatagong lihim na tila napakatagal nang iniingatan. Sa bawat kwento niya ay parang may bumabalik na pait mula sa nakaraan na hindi ko akalaing may kinalaman sa buhay ko ngayon. “Si Don Eduardo,” panimula ni Tita Amara, mahigpit ang hawak sa isang lumang photo album na may bakas ng panahon. “Siya ang puno’t dulo ng lahat ng ito. Sigurado ako, hindi niya kailanman mapapatawad ang pamilya natin. Lalong lalo na ako.” Napakunot ang noo ko, ramdam ang bigat ng kanyang boses. “Galit? Bakit siya galit sa’yo, Tita?” Napabuntong-hininga si Tita Amara, halatang mabigat ang alaala niya sa nakaraan, kahit na nabanggit sakin ni Mommy ang tungkol dito ay hindi ganuon ka detalyado ang nasabi niya sa amin. “Galit siya dahil mas pinili ko si Mommy Kate kaysa sa tunay kong ina na si Mommy Charlotte. Hindi niya matanggap na mas minahal ko
MADELINE POV Isang araw habang nasa ospital si Doc Liam at ako naman ay nasa bahay lang . Naupo ako sa harap ng laptop ko at pinilit alalahanin ang bawat detalye ng mga nakita ko sa email ko bago tuluyang nawala ito. Paulit-ulit na nag-replay sa isip ko ang mga pangalan - Eduardo, Bridget, at Nicole. Hindi ko maintindihan kung bakit tila pamilyar ang mga ito para sa akin, pero alam kong may kahalagahan sila sa kung anuman ang gusto naming malaman. Kasama si Doc Liam, sinubukan naming ibalik ang mga na-delete na file gamit ang iba’t ibang recovery tools, pero mukhang sobrang bihasa ang hacker. Kahit ang mga screenshot na inisip naming ligtas na, tuluyan na ring nawala. Habang tahimik akong nag-iisip, bumabalik sa akin ang mga alaala ng ilang pagkakataon kung saan narinig ko ang mga pangalang iyon. Hindi ko matiyak kung saan o kailan, pero alam narinig ko na yun walang duda. Hanggang sa naalala kong nagkuwento sa akin noon si Mommy tungkol sa paghihirap nila Tita Amara sa relasyon n
MADELINE POV Dalawang buwan na ang mabilis na nagdaan ngunit ang bigat ng nakaraan ay parang kahapon lang nangyari. Akala ko, kapag tinanggap na kami ng mga magulang namin, unti-unting magiging maayos na ang lahat. Pero hindi pala ganoon kasimple. Kahit tanggap na nila Mommy at Mommy ni Doc Liam ang relasyon namin ay hindi maikakaila na may bahagi pa rin ng pagsasama namin na hindi mabuo. Isang malaking katanungan ang bumabagabag sa amin—sino ang tunay na dahilan kung bakit nasira ang mga pamilya namin nuon. Nasimulan na namin ang mag-imbestiga kaya naman hindi na kami papayag na mahinto pa ito. May buhay ng naibuwis ng dahil sa mga taong nasa likod nito at patunay lang ito na sa tagal ng panahon ay hindi pa rin sila tumitigil kaya nakakatakot. Ngayong araw, tulad ng dati, nagpasya akong hintayin siya sa clinic, sa tuwing may duty siya at kahit na nakaleave ako ay palagi pa rin akong pumupunta sa ospital, mas panatag kasi ang kalooban ko sa tuwing magkasama kami. Pagdating ko ay
Matapos ang mahabang araw ng usapan at pagsasaliksik kasama ang aming mga pamilya, nagkaisa kaming lahat sa isang desisyon—kailangang makausap nila Mommy si Lorraine. Gusto nilang malaman ang buong detalye tungkol sa mga taong nasa likod ng iskandalong sumira sa aming mga pamilya. Para sa aming lahat, si Lorraine ang susi sa pagkakabuo ng kabuuang kwento. Sa kabila ng takot na baka may panganib pa, determinado kaming magpatuloy. Kinabukasan, bumalik kami ni Doc Liam sa bahay ni Lorraine at dahil weekends wala kaming shift sa ospital. Tahimik kaming nagmaneho papunta roon, kapwa iniisip ang magiging takbo ng usapan. Ngunit sa aming pagdating, bumungad sa amin ang hindi namin inaasahan. Ang buong lugar ay napapalibutan ng mga pulis. May mga caution tape na nakapalibot sa bahay, at sa gilid nito ay may nakaparadang ambulansya, ang mga ilaw nito’y kumikislap pa rin sa ilalim ng araw. Napahinto kami at natulala sa eksena. Agad naming naramdaman ang bigat ng sitwasyon. Ang kaba sa aking d
Halos isang linggo din ang paghihirap namin sa paghahanap kay Lorraine. Sa laki ng London swertehan na lang talaga na matagpuan namin siya. Its either bangkay na siya o pwede ding nasa pinas na siya ngayon. Daig pa namin ang mga detective na inupahan ni Doc Liam . Sa bawat araw na lumilipas, ramdam namin ni Doc Liam ang bigat ng tensyon sa pagitan ng aming mga pamilya. Tumagal ng halos isang linggo bago nagkaruon na lead ang detective at sa kabutihang palad ay nandito pa rin siya sa London. Matagal din bago namin natunton ang matagal nang nawawalang sekretarya. Sa wakas, natagpuan namin siya sa isang tahimik na bayan, malayo sa ingay ng lungsod. Nakita namin siya sa isang maliit na bahay na gawa sa bato at napapalibutan ng mga halaman sa gitnang palayan. Nang kumatok kami, isang babaeng nasa edad singkuwenta ang nagbukas ng pinto. Si Lorraine - matangkad, may mahinang kilos, ngunit may mga matang tila laging nakabantay. Kitang-kita sa kanyang mukha ang kaba at alinlangan nang maki