AFTER 2 MONTHSIN ITALYKATE POVMabilis na lumipas ang araw. Nabalitaan namin mula kay Mommy Adreana na nahatulan ng habang buhay na pagkakabilanggo itong si Mama Camila at Papa Arthur. Hindi na kami nakarating sa huling hearing nito kung saan binasahan sila ng sistensya nila dahil nagkaruon ng aberya ng araw na kami ay aalis. Isinugod akong bigla sa ospital sa araw ng mismong flight namin. Dahil sa distansya ng bahay namin sa airport ay dinugo ako habang nagbabyahe kami kaya inabisuhan ako ng doctor na mag bed rest na. Hirap na din ako dahil lagi akong nahihilo at nasusuka. Kaya naman napagdesisyunan namin ni James na hindi na tumuloy sa pagbyahe pauwing Pinas. Hindi din naman makauwi si George dahil siya na ang bagong namumuno dito sa Showroom. Nakibalita na lang kami kila Mommy Adreana. Sobrang tuwang tuwa ng mga ito sa naging desisyon ng judge. Makalipas ang 24 years ngayon ay nakamit na din nila ang hustisya sa pagkakadukot sa akin. Bilang selebrasyon ay bumyahe sila patungo dit
SA CORRECTIONALCAMILA POVNaghihimas sa rehas na nakaharang mula sa labas ng mundo kung saan malayang gumagalaw ang lahat. Nakatulala ako sa sa aking kinatatayuan. Malaki ang naging pagsisisi ko sa buhay sa lahat ng ginawa ko sa mga taong nagtiwala sakin noon. Ngayon ko mas naiintindihan ang bigat ng atrasong ginawa ko para sa lahat. Akala ko sa gagawinn kong iyon ay maiaahon ko ang buhay ng aking pamilya. Hindi pala , nagkamali ako pati ang magandang pagsasama naming mag-asawa ay nadungisan ko pa. Wala na akong magagawa nasistensyahan na ako ng habang buhay na pagkakabilanggo. Dito na iikot ang buong buhay ko.Mga kasalanang dapat pala ay hindi ko ginawa. Pumapatak ang aking mga luha bukod sa malayo na ako sa aking pamilya ay hiwalay pa sa kulungan kung saan nakapiit ang aking asawa. Madami ding mga bully ang nakasalamuha ko sa loob. Halos gulay na ako ng ilabas sa interrogation room para umamin sa kasalanang nagawa ko at ikanta ko kung sino ang naging kasabwat ko na nagpalusot sa ak
CHARLOTTE POVSA BAHAY SA RIZALIlang buwan na din ang nakalipas ng huli kong pagbisita dito sa bahay nila Mama.Pagkatapos kong pumunta sa kulungan ay dumiretso na ako dito para hindi ako mahirapan dahil kailangan ko pang dumaan kay Amara para bigay ang allowance niya kay Sheila. Bumaba ako mula sa kotseng binigay sakin ni Eduardo. Tinanggal ko ang aking itim na shades. Nakita ko ang mga tsismosang kapitbahay namin na nakatingin sa akin. Hindi ko sila masisisi malamang ay naiingit ang mga ito sa akin. Nginitian ko lang sila kahit pa panay ang bulungan nila. May sumisigaw pa sa aking pangalan na akala mo ay nagtatatawag ng atensyon ng kung sino. Ng tignan ko ito ay si Jomar pala ang malapit na kaibigan ni Michael gustuhin ko man siyang tanungin sa kinaruruonan ni Michael ay hinayaan ko na lang tutal mas maganda ang buhay ko ngayon kay Eduardo. Kahit na sabihing kulubot na ang balat ay may bango pa ring taglay, konting himas himas lang ay nilalabasan na kaagad hindi na ako laspag makuku
CHARLOTTE POV AFTER NG EKSENA KAY MICHAEL AT CHARLOTTE Ilang minuto din akong nagwawala sa loob ng bahay namin. Hindi naman ako mapakielaman ng aming mga kapitbahay. Lumabas ako at napagdesisyunang umalis na lang sa lugar na yun dahil sa kahihiyan. Kaya lang dala ng pakiki-usyoso ng mga tsismosa naming kapitbahay ay madami pa akong natuklasan. Kaya napahinto ako sa aking paglalakad papunta sa aking sasakyan. “Ay Charlotte alam mo bang pinagbebebenta na niyang si Michael yung ibang gamit niyo sa mga kapitbahay natin. Nung tanungin namin sabi niya ee sa kanila na daw yan sya naman daw ang bumili ng mga yan. Saka yung kinakasama niyan noon pa pala niya dwowa yan. Susme bago pa siya sumampa ng barko." pasigaw na sabi ni Joana. Naririnig ko naman ang mga tao sa aking paligid na walang tigil sa pagkukwentuhan at pagbubulungan. "Mabuti nga yan naku kawawa sa kanya si Kate noon. kay bait bait na bata nun inagaw sa kapatid ang fiance" "sinabi mo pa mare! akala mo kasi mauubusan ng lala
Mugtong mugto ang mata ng bata. Madungis ang mukha at kalat ang sipon sa kaniyang pisngi. Mukhang hindi pa ito naliligo dahil nanganamoy na ang damit ng bata. Naupo ako sa tabi ni Amara samantalang si Sheila ay bumaba muna para bumili ng softdrinks at tinapay na kakainin namin. Nakita kong may pancit canton at itlog na naka-taklob sa lamesa nito."wahhhhhh! huhuhuhu! ayoko na dito. Mommy hindi mo ba ko mahal? bakit mo ko iniiwan sa bruhang babaeng yan?" nagwawalang tanong ni Amara sakin"magtigil ka nga Amara buti nga may nag-aalaga sayo." inis kong sabi. Naaawa ako kay Amara pero naiirita talaga ako sa tuwing mag-aalumpihit ito ng kakaiyak. Hindi ko kayang pigilan pag nagwala na siya. Ang hirap alamin kung ano ang gusto niya. "GUSTO KO KAY AUNTIE KATE! hindi mo ko mahal! " kinapitan ko ang kamay nito dahil nagsimula na naman itong mag tantrums. Walang tigil ang kaniyang pagwawala at paghampas sa akin. Hindi ko ito kayang tagalan kaya naman pinagmadali ko na si Sheilang bumalik."oh
Humalik ako sa kaniya ng ako ay makalapit. Umiwas naman siya sa ginawa kong paghalik. "SAAN KA GALING?" tanong niya sa akin. Nilingkisan ko siya at malanding hinimas himas ang dibdib niya. "MY LOVE! ikaw naman saan pa ba ako manggagaling diba sabi ko sayo pupuntahan ko si Amara ngayon?!. saka dumaan na din ako kay Mama sa kulungan." sagot ko naman sa kaniya. Lalo kong nilandi ang aking boses at nagpaawa sa kaniya "Sigurado ka?!"tanong niya sa akin. Matalim na bumaling ang kaniyang mata, mapanakit ito at naninindak, "oo nga Love! dun lang" sagot ko naman. Tumayo siya at malakas na sampal ang aking inabot. "PAKKKKKK! sinungaling, gagawin mo pa kong tanga! Pumunta ka sa bahay niyo at nakipagkita sa dati mong asawa. Anong akala mo ganon- ganon mo lang matatakasan ang katarantad*han mo sakin?! ilang beses kong sasabihin sayong huwag na huwag ka ng dadalaw sa nanay mong kriminal?! anong sasabihin ng mga AMIGO KO SAKIN KUNG MALALAMAN NILANG NASA KULUNGAN ANG NANAY NG BABAE KO AT HINDI
AFTER 5 MONTHS KATE POV Mabuti naman at nakakalabas na ulit ako sau bahay ngayon. Binigyan na ako ng clearance ng aking doktor at natapos na din ang aking pagiging bed rest ng halos mag 9 na buwan. Isa na rin kasi sa palaging inaangal ko ang pananakit ng aking likod ng dahil sa palagiang paghiga. Mabuti na lang at matiyaga si James sa pag asikaso sa akin.. Hindi din niya ako iniwanan sa panahong naka bed rest lang ako. Lahat ng kanyang mga business meetings ay kinansela niya. Tutok din siya sa mga pagkaing kinakain ko. Sa loob ng mga panahong iyon halos pag CR at paliligo lng ang aking nagiging dahilan para tumayo ako sa higaan. Akala ko nga ay madadala na ako sa ospital para ma confine dahil lagi akong nahihilo sa tuwing tumatayo ako ng higaan mabuti na lang at may alam na mga herbal na pinapa-amoy sakin si Ate Tisay ang aming kasama sa bahay na taga Roma din. Tuwing umaga ay maaga kaming gumigising upang maglakad lakad sa park . Gusto ko din makalanghap ng sariwang hangin. Pab
"Naku wala akong alam tungkol diyan hindi pa naman siya nagsasabi sakin tungkol diyan. naawa nga ako diyan sa kaniya pano nasanay na siyang si Pana ang palaging nag-aayos ng lahat sa kaniya. Pati sa desisyon ayun daw ang nasusunod saka ang sakit kasi nun dadahilanan ka pang na deport siya sa lugar nila ayun pala bumalik lang ng kuwait at may iba na palang kinakasama, ibig sabihin nagsasama pa sila sa Kuwait babae na yun ni Pana." naiinis kong sabi "hay naku Love hayaan mo na i-accept ko na lang ang pagpapa transfer niya sa Poland pwede naman siyang bumalik dito sa Italy anytime na gustuhin niya. Oh siya wag na nating pag-usapan yan at sumasama na naman ang timpla mo" sabi pa niya sa akin ng makita niya akong naiinis na. Nang makapasok kami sa loob ng Vatican ay nag offer muna ako ng dasal. Sinama ko din sa aking panalangin sila Mommy, Daddy at Amara. Naupo muna kami sa gilid pagkatapos kong manalangin at lumuhod sa harap ng mga katawan ng santo . Excited naming napagkwentuhan ang k
MADELINE POVPagkalipas ng ilang araw, nagsimula na ang paglilitis. Halos mapuno ang courtroom sa dami ng taong nais masaksihan ang kaso. Ang bawat kilos ng mga nasasakdal—sina Jasper, Bridget, at Nicole—ay nakatuon sa lahat ng mata. Sa gitna ng mahigpit na seguridad, tahimik akong nakaupo sa likuran, hawak ang kamay ni Liam. Ramdam ko ang tensyon sa paligid, lalo na nang magsimula ang mahabang balitaktakan ng mga abogado.Hukom: "Tayo'y magsimula. Atty. De Guzman, pakipresenta ang inyong mga unang tanong."Atty. De Guzman (Prosekusyon): "Maraming salamat,your honor. Unang tanong ko sa saksi, si Aaron. Aaron maaari mo bang ilarawan ang iyong relasyon sa mga akusado, sina Bridget at Nicole?"Aaron: "Oo, ako ay matagal nang nakatrabaho sina Bridget at Nicole. Kami ay magkaibigan, at sa simula, nagkakasundo kami sa mga desisyon. Ngunit, nang magtagal, napansin ko na may mga bagay silang ginagawa nang lihim na hindi ko alam. Hindi lang sila kundi ang boss kong si Jasper"Atty. De Guzman: "
MADELINE POV Tahimik akong nakamasid sa gilid habang binibitbit ng mga pulis sina Bridget at Nicole. Nakaposas ang kanilang mga kamay, at kahit pilit nilang itinatago ang kaba, bakas sa kanilang mga mukha ang galit at takot. Lahat ng ito ay nag-ugat sa ginawa ni Jasper, hindi nagtagal ang pag-interrogate kay Jasper ay tinuro niya at sinabi niya ang lahat ng kaniyang ginawa. "it's okay Love, ito na yun oh!, matatapos na ang lahat, pagkatapos nito i think you deserve a big vacation." malambing na sabi ni Liam sa akin "oo Love, salamat. " bumaling ako sa kaniyang balikat.Sa hindi kalayuan, nandoon si Jasper. Tahimik siyang nakamasid, pero kitang-kita sa kanyang mga mata ang kawalang-awa. Walang bahid ng pagsisisi ang kanyang mukha ni isang pag-alala sa pagkakaibigan nila nina Bridget at Nicole. Para sa kanya, tapos na ang lahat. Tatawa-tawa siyang nakangiti habang pinagmamasdang ipasok ang dalawang kasabwat niya, binanggit din niya ang tungkol sa pakikipagsabwatan ng mga
ILANG LINGGO ANG NAKALIPAS MADELINE POV "love, sorry fro bringing your family into our family's mess." malungkot kong sabi kay Liam. "hey!" malambing niyang sabi habang hawak ang aking pisngi "Don't be like that, hindi lang inaasahan na ang pamilya nating ay may mga nakaraang hindi pa rin naghilom, mabuti nga at satin na iyon sumabog dahil alam kong kaya nating malutas ang kasong ito! magtutulungan tayo Love, kaya natin to. I love you Madeline and i like how your family handle this problem." nakangiti niyang sabi sa akin. "thank you for understanding. Siguro kung ibang lalaki lang yan, dahil sa gulong ngyayari sa pamilya namin, sigurado akong iniwan na ako" sagot ko sa kaniya Bigla niya akong hinila papalapit sa kaniya sabay bulong sakin "ahhh... ahhhh... at yun naman ang hindi ko gagawin kahit kailan." sabay kindat niya sa akin. Natawa ako at malambing ko siyang hinalikan sa kaniyang mga labi. Sa piling ni Liam pakiramdam ko ay ligtas na ligtas ako. Alam kong hindi ako mapapano
Hindi makapaniwala si Tita Amara nang malaman niya ang patuloy na galit at plano nina Jasper, Nicole, at Bridget laban sa aming pamilya. Hindi niya maitanggi ang kaba at galit na bumalot sa kanya. Agad niyang kinuha ang telepono at tumawag kay Lola Kate, ang pinakamatanda at pinakamataas na kinikilala sa aming pamilya. “Hi Mommy, nangyayari na ang kinakataukan ko. Sila Madeline na ang inabutan nito. Kailangan nating mag meeting, ngayon din,” madiing sabi niya sa linya. “Hindi na ito pwedeng palampasin.” Sa kabilang linya, alam ni Lola Kate na hindi na ito simpleng problema lamang. “Sige, Amara. Ipagbibigay-alam ko sa lahat. Maghanda ka.” Kinabukasan, nagtipon ang buong pamilya sa ancestral house ng pamilya. Ang mansyon, na karaniwang puno ng tawanan at masayang kwentuhan, ay tila may bigat ngayon na hindi maitatanggi. Ito’y parang isang reunion, ngunit sa pagkakataong ito, hindi para magdiwang kundi para pag-usapan ang masalimuot na sitwasyon na hinaharap namin. Unang dumating si L
Madeline POV Tahimik akong nakaupo sa gilid ng sala habang pinagmamasdan si Tita Amara. Ang bawat salita niya ay bumabasag sa katahimikan, hinuhubaran ang mga nakatagong lihim na tila napakatagal nang iniingatan. Sa bawat kwento niya ay parang may bumabalik na pait mula sa nakaraan na hindi ko akalaing may kinalaman sa buhay ko ngayon. “Si Don Eduardo,” panimula ni Tita Amara, mahigpit ang hawak sa isang lumang photo album na may bakas ng panahon. “Siya ang puno’t dulo ng lahat ng ito. Sigurado ako, hindi niya kailanman mapapatawad ang pamilya natin. Lalong lalo na ako.” Napakunot ang noo ko, ramdam ang bigat ng kanyang boses. “Galit? Bakit siya galit sa’yo, Tita?” Napabuntong-hininga si Tita Amara, halatang mabigat ang alaala niya sa nakaraan, kahit na nabanggit sakin ni Mommy ang tungkol dito ay hindi ganuon ka detalyado ang nasabi niya sa amin. “Galit siya dahil mas pinili ko si Mommy Kate kaysa sa tunay kong ina na si Mommy Charlotte. Hindi niya matanggap na mas minahal ko
MADELINE POV Isang araw habang nasa ospital si Doc Liam at ako naman ay nasa bahay lang . Naupo ako sa harap ng laptop ko at pinilit alalahanin ang bawat detalye ng mga nakita ko sa email ko bago tuluyang nawala ito. Paulit-ulit na nag-replay sa isip ko ang mga pangalan - Eduardo, Bridget, at Nicole. Hindi ko maintindihan kung bakit tila pamilyar ang mga ito para sa akin, pero alam kong may kahalagahan sila sa kung anuman ang gusto naming malaman. Kasama si Doc Liam, sinubukan naming ibalik ang mga na-delete na file gamit ang iba’t ibang recovery tools, pero mukhang sobrang bihasa ang hacker. Kahit ang mga screenshot na inisip naming ligtas na, tuluyan na ring nawala. Habang tahimik akong nag-iisip, bumabalik sa akin ang mga alaala ng ilang pagkakataon kung saan narinig ko ang mga pangalang iyon. Hindi ko matiyak kung saan o kailan, pero alam narinig ko na yun walang duda. Hanggang sa naalala kong nagkuwento sa akin noon si Mommy tungkol sa paghihirap nila Tita Amara sa relasyon n
MADELINE POV Dalawang buwan na ang mabilis na nagdaan ngunit ang bigat ng nakaraan ay parang kahapon lang nangyari. Akala ko, kapag tinanggap na kami ng mga magulang namin, unti-unting magiging maayos na ang lahat. Pero hindi pala ganoon kasimple. Kahit tanggap na nila Mommy at Mommy ni Doc Liam ang relasyon namin ay hindi maikakaila na may bahagi pa rin ng pagsasama namin na hindi mabuo. Isang malaking katanungan ang bumabagabag sa amin—sino ang tunay na dahilan kung bakit nasira ang mga pamilya namin nuon. Nasimulan na namin ang mag-imbestiga kaya naman hindi na kami papayag na mahinto pa ito. May buhay ng naibuwis ng dahil sa mga taong nasa likod nito at patunay lang ito na sa tagal ng panahon ay hindi pa rin sila tumitigil kaya nakakatakot. Ngayong araw, tulad ng dati, nagpasya akong hintayin siya sa clinic, sa tuwing may duty siya at kahit na nakaleave ako ay palagi pa rin akong pumupunta sa ospital, mas panatag kasi ang kalooban ko sa tuwing magkasama kami. Pagdating ko ay
Matapos ang mahabang araw ng usapan at pagsasaliksik kasama ang aming mga pamilya, nagkaisa kaming lahat sa isang desisyon—kailangang makausap nila Mommy si Lorraine. Gusto nilang malaman ang buong detalye tungkol sa mga taong nasa likod ng iskandalong sumira sa aming mga pamilya. Para sa aming lahat, si Lorraine ang susi sa pagkakabuo ng kabuuang kwento. Sa kabila ng takot na baka may panganib pa, determinado kaming magpatuloy. Kinabukasan, bumalik kami ni Doc Liam sa bahay ni Lorraine at dahil weekends wala kaming shift sa ospital. Tahimik kaming nagmaneho papunta roon, kapwa iniisip ang magiging takbo ng usapan. Ngunit sa aming pagdating, bumungad sa amin ang hindi namin inaasahan. Ang buong lugar ay napapalibutan ng mga pulis. May mga caution tape na nakapalibot sa bahay, at sa gilid nito ay may nakaparadang ambulansya, ang mga ilaw nito’y kumikislap pa rin sa ilalim ng araw. Napahinto kami at natulala sa eksena. Agad naming naramdaman ang bigat ng sitwasyon. Ang kaba sa aking d
Halos isang linggo din ang paghihirap namin sa paghahanap kay Lorraine. Sa laki ng London swertehan na lang talaga na matagpuan namin siya. Its either bangkay na siya o pwede ding nasa pinas na siya ngayon. Daig pa namin ang mga detective na inupahan ni Doc Liam . Sa bawat araw na lumilipas, ramdam namin ni Doc Liam ang bigat ng tensyon sa pagitan ng aming mga pamilya. Tumagal ng halos isang linggo bago nagkaruon na lead ang detective at sa kabutihang palad ay nandito pa rin siya sa London. Matagal din bago namin natunton ang matagal nang nawawalang sekretarya. Sa wakas, natagpuan namin siya sa isang tahimik na bayan, malayo sa ingay ng lungsod. Nakita namin siya sa isang maliit na bahay na gawa sa bato at napapalibutan ng mga halaman sa gitnang palayan. Nang kumatok kami, isang babaeng nasa edad singkuwenta ang nagbukas ng pinto. Si Lorraine - matangkad, may mahinang kilos, ngunit may mga matang tila laging nakabantay. Kitang-kita sa kanyang mukha ang kaba at alinlangan nang maki