Matapos kong mag-impake ng gamit ni Amara ay dinala ko na siya kay Sheila. Hindi pa rin ito tumitigil sa pagwawala. Matindi ang tantrums niya ngayon lalo na at iiwan ko na siya dito. Buwanan ko na lang siya babalikan para makakilos ako ng maayos para mabuhay kami. Nakatira si Sheila sa taas ng kasa kaya inaashan na ang mausok na dadaanan namin papunta sa kaniyang silid. Ang mga katabi niya ding silid ay dalahan ng mga gustong mangupahan kay Tikya ng ilang oras na paggamit sa kwarto para sa mga taong nalilibug*n . May ibang silid din dito na ginagamit na session area para sa mga humihithit ng bato o ng marij*ana kaya maamoy mula pa lang sa baba ang amoy ng usok ng marij*ana. Wala akong pakielam kahit ganon ang kalakihan ni Amara wala naman siyang choice magpasalamat nga siya at gagastusan ko pa siya kahit walang pakinabang sakin ang tatay niya. Hindi naman ma raid raid iyang si Tikya dahil malakas ang lagayan sa itaas. Mismong mga parokyano niyan ang matataas na opisyal kaya hindi ko ta
GEORGE POV Hinayaan ko na si Ate Charlotte sa kakatawag niya sa akin. Hindi ko siya blinock pero hindi ko din siya sinasagot sa kaniyang mga tawag. Lahat ng messages niya ay ina-auto delete ko na lang. Ayoko na siyang kausap . Alam kong susulsulan lang na naman niya ako. Siguradong tungkol kay Mama na naman ang sasabihin niya. Sumasama din ang loob ko kay Ate Charlotte dahil mula pa nuon ay alam na pala niya ang tungkol sa totoong pagkataon namin ni Ate Kate pero hindi niya iyon sinabi samin. Hindi siya concern samin. Tawa pa nga siya ng tawa sa amin. Nag-alala lang ako para sa kaligtasan ng aking pamangkin. Kilala ko si Ate Charlotte maiksi ang pasensya niya para kay Amara. Kahit nga pag umuuwi ito saglit lang niya aalagaan si Amara pero nabubugbog pa niya ito. Pangako mag-iipon lang ako pagdating sa Italy at pag okay na ako. Gagawan ko ng paraan para makuha ko si Amara kay Ate magtatanong ako sa mga abugado lalo na at nalaman ko kay Ate Kate na pinaalis na ng lawyer sila ate Charl
Malapit na sana ako sa mga restaurant area ng biglang may mapansin akong pamilyar na tao para sa akin. Hinabol ko ito dahil papunta sila sa itaas na bahagi ng mall kung san naka locate ang sinehan. “FVCK tama nga hinala ko! Ang hay*p nga. Si Michael nga!” Nag isip pa ako sa gagawin ko kung lalapitan ko ito o pababayaan na lang. Ang saya saya niyang naglalakad habang may ka-akbay na babae. Mga limang minuto din akong nagtagal at nag isip kung dapat ko nga ba siyang sugurin pa. Hanggang sa mapagdesisyunan kong kuhaan na lang siya ng litrato at mas pinili kong pumikit na lang sa aking nakita. Hindi ko na siya nilapitan o kinausap. Hindi ko dudungisan ang ang aking kamay dahil sa mga walang kwentang tao. Tutal hindi din naman naging concern para sa akin si Ate Charlotte so bakit ko siya pakikiealaman ngayon kung hindi na pala sila okay ng asawa niya. Siguro ay kabayaran na din ito sa lahat ng kasalanang ginawa niya sa amin ni Ate. Lalong lalo na kay Ate Kate na walang ginawa kundi an
KATE POVLAST NIGHT IN PHILIPPINESHuling araw na ng namin dito sa Pilipinas. Sa sobrang init ng panahon. Pinapunta ko ang aking asawa kay Dorced para bumili ng block buster na Halo-halo at Leche Plan. " Love bilhan mo ko ng 10 Leche Plan babaunin ko sa byahe natin haha. Please . Tapos ang halo halo pati tukneneng wag mong kalimutan. Ok lang ba LOve?! Teka alam mo ba kung ano yung tukneneng?" paglalambing ko kay James"ok lang Love! oo yung pinuntahan natin malapit sa simabahan diba dun nakakabili? saka LOve kahit di ko alam magagawan ko ng paraan para makabili ng gusto mo masamang hindi nakakain ng buntis ang pinaglilihihan niya. Hindi din naman kalayuan yung bibilhan. Ayaw mo ba ng budbod sa may tapat ng puregold? yung nakainan natin na gustong gusto mo ?" tanong pa ni James sa akin"ay sige gusto ko yun. Pwede ba kong magbaon nun Love. Kasi mahaba byahe natin gusto kong may kain-kainin sa plane. Kung bibili ka dun please pasabay na din ng Hong Kong Style Fried Noodles, gusto ni ba
AFTER 2 MONTHSIN ITALYKATE POVMabilis na lumipas ang araw. Nabalitaan namin mula kay Mommy Adreana na nahatulan ng habang buhay na pagkakabilanggo itong si Mama Camila at Papa Arthur. Hindi na kami nakarating sa huling hearing nito kung saan binasahan sila ng sistensya nila dahil nagkaruon ng aberya ng araw na kami ay aalis. Isinugod akong bigla sa ospital sa araw ng mismong flight namin. Dahil sa distansya ng bahay namin sa airport ay dinugo ako habang nagbabyahe kami kaya inabisuhan ako ng doctor na mag bed rest na. Hirap na din ako dahil lagi akong nahihilo at nasusuka. Kaya naman napagdesisyunan namin ni James na hindi na tumuloy sa pagbyahe pauwing Pinas. Hindi din naman makauwi si George dahil siya na ang bagong namumuno dito sa Showroom. Nakibalita na lang kami kila Mommy Adreana. Sobrang tuwang tuwa ng mga ito sa naging desisyon ng judge. Makalipas ang 24 years ngayon ay nakamit na din nila ang hustisya sa pagkakadukot sa akin. Bilang selebrasyon ay bumyahe sila patungo dit
SA CORRECTIONALCAMILA POVNaghihimas sa rehas na nakaharang mula sa labas ng mundo kung saan malayang gumagalaw ang lahat. Nakatulala ako sa sa aking kinatatayuan. Malaki ang naging pagsisisi ko sa buhay sa lahat ng ginawa ko sa mga taong nagtiwala sakin noon. Ngayon ko mas naiintindihan ang bigat ng atrasong ginawa ko para sa lahat. Akala ko sa gagawinn kong iyon ay maiaahon ko ang buhay ng aking pamilya. Hindi pala , nagkamali ako pati ang magandang pagsasama naming mag-asawa ay nadungisan ko pa. Wala na akong magagawa nasistensyahan na ako ng habang buhay na pagkakabilanggo. Dito na iikot ang buong buhay ko.Mga kasalanang dapat pala ay hindi ko ginawa. Pumapatak ang aking mga luha bukod sa malayo na ako sa aking pamilya ay hiwalay pa sa kulungan kung saan nakapiit ang aking asawa. Madami ding mga bully ang nakasalamuha ko sa loob. Halos gulay na ako ng ilabas sa interrogation room para umamin sa kasalanang nagawa ko at ikanta ko kung sino ang naging kasabwat ko na nagpalusot sa ak
CHARLOTTE POVSA BAHAY SA RIZALIlang buwan na din ang nakalipas ng huli kong pagbisita dito sa bahay nila Mama.Pagkatapos kong pumunta sa kulungan ay dumiretso na ako dito para hindi ako mahirapan dahil kailangan ko pang dumaan kay Amara para bigay ang allowance niya kay Sheila. Bumaba ako mula sa kotseng binigay sakin ni Eduardo. Tinanggal ko ang aking itim na shades. Nakita ko ang mga tsismosang kapitbahay namin na nakatingin sa akin. Hindi ko sila masisisi malamang ay naiingit ang mga ito sa akin. Nginitian ko lang sila kahit pa panay ang bulungan nila. May sumisigaw pa sa aking pangalan na akala mo ay nagtatatawag ng atensyon ng kung sino. Ng tignan ko ito ay si Jomar pala ang malapit na kaibigan ni Michael gustuhin ko man siyang tanungin sa kinaruruonan ni Michael ay hinayaan ko na lang tutal mas maganda ang buhay ko ngayon kay Eduardo. Kahit na sabihing kulubot na ang balat ay may bango pa ring taglay, konting himas himas lang ay nilalabasan na kaagad hindi na ako laspag makuku
CHARLOTTE POV AFTER NG EKSENA KAY MICHAEL AT CHARLOTTE Ilang minuto din akong nagwawala sa loob ng bahay namin. Hindi naman ako mapakielaman ng aming mga kapitbahay. Lumabas ako at napagdesisyunang umalis na lang sa lugar na yun dahil sa kahihiyan. Kaya lang dala ng pakiki-usyoso ng mga tsismosa naming kapitbahay ay madami pa akong natuklasan. Kaya napahinto ako sa aking paglalakad papunta sa aking sasakyan. “Ay Charlotte alam mo bang pinagbebebenta na niyang si Michael yung ibang gamit niyo sa mga kapitbahay natin. Nung tanungin namin sabi niya ee sa kanila na daw yan sya naman daw ang bumili ng mga yan. Saka yung kinakasama niyan noon pa pala niya dwowa yan. Susme bago pa siya sumampa ng barko." pasigaw na sabi ni Joana. Naririnig ko naman ang mga tao sa aking paligid na walang tigil sa pagkukwentuhan at pagbubulungan. "Mabuti nga yan naku kawawa sa kanya si Kate noon. kay bait bait na bata nun inagaw sa kapatid ang fiance" "sinabi mo pa mare! akala mo kasi mauubusan ng lala
Ngumiti siya sa akin, at naramdaman ko ang init sa puso ko. Kinuha ko ang singsing mula sa pari at marahang sinuot ito sa daliri niya. Habang ginagawa ko ito, tinignan ko siya at ngumiti. “Mahal kita, Ethan,” bulong ko Hinawakan ko ang singsing sa kamay ko, ramdam ang kabigatan ng bawat pangakong nakapaloob dito. Tumingin ako kay Ethan, at sa mga mata niya nakita ko ang pagmamahal na walang pag-aalinlangan. Huminga ako nang malalim at ngumiti. “ Ethan Anderson,” sabi ko, malumanay ngunit puno ng emosyon. “Kaya naman, Please wear this ring as a sign of my love and loyalty to you. For richer, for poorer, in sickness and in health, till death do us part. I, Kayline Eduardo are asking you to accept me as your lawfully wife?! Sa mata ng Diyos at sa nata ng tao?” Tumango siya, at biglang nagsalita ng malakas at malinaw. “I do!” sagot ni Ethan, punong-puno ng sigla at pagmamahal. Isinuot ko ang singsing sa daliri niya nang marahan, ramdam ang init ng kamay niya habang hinahawakan n
Ngunit paano? Paano ako kakalma kung narito sa harap ko ang babae ng buhay ko, papunta sa akin? Napailing ako, pilit pinipigilan ang namumuong luha, pero huli na. Pumatak ito, at hindi ko na nagawang itago pa. “Ang ganda niya,” bulong ko ulit, halos hindi ko marinig ang sarili ko. Ngumiti si Mommy, halatang naiiyak din. “Oo, anak. Ang ganda niya. At ikaw ang maswerteng lalaki na hinihintay niya sa altar. Masaya akong nakikita kang masaya” Nang magsimulang maglakad si Kayline, tumunog ang unang nota ng piano, at ramdam kong mas bumagal pa ang oras. Ang bawat hakbang niya ay parang sinadya para itatak sa isip ko ang araw na ito. Nakatingin siya sa akin, at sa mga mata niya, alam kong naroon ang parehong pagmamahal na nararamdaman ko. Hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Sa bawat hakbang niya papalapit sa akin, parang tumitigil ang oras. Ngumiti siya, at sa sandaling iyon, alam kong siya ang tamang desisyon. Hindi ko napigilang mapaluha ulit. Ito na iyon, sabi ko sa sarili ko. Walang
KAYLINE POV Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang kahapon lang, napakaraming pagsubok ang pinagdaanan namin ni Ethan. Pero ngayon, ito na—ang araw na pinapangarap ko. Araw ng kasal namin. Habang nasa loob ng sasakyan, naririnig ko ang tibok ng puso ko, parang kasing lakas ng tunog ng makina. Hinawakan ni Mommy ang kamay ko at nginitian ako. “Congratulations, anak,” sabi niya, puno ng pagmamahal ang boses. “Finally, ito na iyon. Napakaganda mo, at sigurado akong magiging napakaganda rin ng araw na ito para sa inyo ni Ethan. Wag kang kabahan, mag-relax ka lang.” Napangiti ako kay Mommy, kahit nararamdaman kong nangingilid ang luha ko. “Salamat, Mommy. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ko alam kung kakayanin ko ang lahat ng ito.” Pinisil niya ang kamay ko nang mahigpit. “Kayline, karapat-dapat kang maging masaya. Ngayon, huwag mo nang isipin ang iba. Enjoyin mo ang araw na ito.” Tumingin ako sa salamin at inayos ang belo ko. Pinipigilan kong maiyak dahil ayokong masira a
ETHAN POV Ito ang pinakahihintay na araw sa buhay ko, pero sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko maalis ang kabang nararamdaman ko. Rinig na rinig ko ang pintig ng puso ko. Kaninang umaga pa lang paulit-ulit kong tinitingnan ang cellphone ko. Tinawagan ko si Mommy ng maraming beses, pero palagi niyang binababa ang tawag ko. Hindi niya sinasagot kahit ang mga text ko. Huminga ako nang malalim at tumitig sa screen ng phone ko. Nabasa ko ang seen sa huling message ko: “Mommy, 4 PM sa St. Michael’s Church. Hihintayin kita, sana dumating ka.” Parang kinurot ang puso ko. Alam kong nasaktan siya sa mga nakaraang pangyayari, pero hindi ko maitatanggi na umaasa pa rin akong dadalo siya sa pinakamahalagang araw ng buhay ko. Pagdating ko sa simbahan, nauna akong bumaba ng kotse. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang pinagmamasdan ang tahimik na paligid. Madami na ding bisita ang nasa loob ng simbahan. "sir within 10 minutes magsisimula na po tayo" sabi sa akin ng
Kailangan kong protektahan si Kayline, lalo na sa mga banta ni Sofia. Pero alam ko rin na kailangan ko munang harapin ang mommy ko. Alam kong hindi magiging madali ang pag-uusap namin, pero hindi ko na rin kayang tiisin ang pananahimik niya tungkol sa mga ginagawa ni Sofia. Kinabukasan, sa bahay ng mommy ko Pagdating ko sa bahay, tahimik akong sinalubong ng kasambahay. “Sir Ethan, nasa veranda po si ma’am.” “Salamat,” sagot ko, saka ako dumiretso. Sa totoo lang, ayoko na talagang makipag-usap kay mommy tungkol sa gulong ito, pero kailangan kong malaman kung bakit tila siya kampi kay Sofia sa kabila ng lahat. Pagdating ko sa veranda, nakita ko siyang nakaupo habang iniinom ang paborito niyang tea. Napansin niya agad ang presensya ko, pero hindi siya nagsalita. “Mommy,” panimula ko, habang naupo sa harap niya. “Kailangan nating mag-usap.” Hindi siya tumingin sa akin. Patuloy lang siyang umiinom ng tea niya, pero halatang naghihintay siya sa susunod kong sasabihin. “Bakit
ETHAN POV Sigurado ako sa sarili ko. Hindi ako ang ama ng pinagbubuntis ni Sofia. Wala akong ginawa sa kanya noong gabing sinasabi niya. Pero syempre, mahirap ipilit ang katotohanan kung puro kasinungalingan ang binibigay niya. Kaya heto ako, dinala siya sa kaibigan kong doktor para matapos na ang lahat ng drama niya. Pagpasok pa lang namin sa clinic, halatang aligaga si Sofia. Panay ang hawak niya sa tiyan niya na parang gusto niyang magpaniwala agad na totoo ang sinasabi niya. Pati ang mommy ko, nasa tabi niya at mukhang nagdududa rin. “Ethan, ano ba to? Bakit mo pa kailangang dalhin dito? Hindi mo ba ako pinapaniwalaan?” ani Sofia, halatang naiinis. “Sinong maniniwala sayo , alam ko at sigurado akong walang ngyayari satin,” sagot ko nang diretso. “Isa pa gusto ko ng kasiguraduhan. Ayokong basta basta magpadaan sa kalokohan niyo.” Nagulat ako sa biglang pagdating ni Mommy “At ano naman ang gusto mong patunayan?” singit ni mommy, halatang kampi na kay Sofia. “Simple lang,
Hindi pa lumilipas ang ilang minuto nang makita ko siyang dumating sa opisina. Agad niyang napansin si Sofia na nakatayo roon. Tuwang tuwa ang mukha ni Sofia ng makita niya si Ethan, ang ngiti niyang nagpapakita ng kayabangan, na parang may laban siyang napanalunan na ako lang ang hindi nakakaalam. “Hi, Ethan,” bati ni Sofia sa kanya, matamis ang tono ng boses niya. Lumapit siya kay Ethan, pero nakikita kong mayroon siyang intensyon sa bawat galaw niya. Akmang yayakapin niya ito, ngunit agad kong nakita ang pagkakaiba sa reaksyon ni Ethan. Para siyang biglang naging yelo, malamig at puno ng galit. "baby anong ngyayari dito?" tanong ni Ethan sa akin na punong puno ng pagtataka. Tinitignan kong mabuti si Ethan pero nakita kong kahit siya ay naguguluhan sa maaring ginagawa ni Sofia sa loob ng opisina ko. Lumapit si Sofia kay Ethan na ngayon nakatayo sa gilid ko. Nilingkis ni Sofia ang balikat ni Ethan "ano ka ba naman, Ethan hindi mo ako dapat ini-stress. Buntis ako. Nung gabing ma
Hindi mapigilan ni Sofia ang pagbagsak ng mga luha niya. “Please, Kayline. Alam kong ikaw ang mahal niya, pero… pero hindi ko kayang palakihin ang anak namin nang mag-isa. Kailangan ko siya. Kailangan ng bata ng ama at wag mo sanang ipagjait yun!” Sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Tumingin ako kay Sofia, at sa kabila ng galit na nararamdaman ko, nakita ko ang takot sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, galit ba o awa? “At bakit sakin mo sinasabi lahat ng to?” tanong ko, halos wala na akong boses pero nagpapakita pa rin ako ng katatagan. “Bakit hindi mo sabihin kay Ethan mismo? At siya ang hayaan mong magdesisyon! Hindi ko na kapit anong gagawin niya dito. Napayuko siya, hindi ko alam kung panibagong drama na naman nila to ng Mommy ni Ethan. “Sinubukan kong sabihin sa kanya… pero hindi ko kayang makita siyang nagagalit o tinatanggihan ako. Alam kong nasaktan siya sa paghihiwalay niyo dati, pero hindi ko inasahang mangyayari ito. Oo aaminin ko naging har
CURRENT TIME PAGKATAPOS NG PROPOSAL KAYLINE POV Matapos kumalat ang video ng proposal ni Ethan sa akin, hindi ko inasahan ang dami ng atensyon na natanggap namin. Nakakatuwa na madaming mga kakilala at nagtatrabaho para sa akin ang nagbigay ng kanilang mga congratulatory message. Hindi ako makapaniwalang sa lahat ng pinagdaanan namin ni Ethan ay mauuwi din kami sa totoong kasalan, this time walang pilitang ngyari. Sabik na sabik ako sa buhay na naghihintay sa akin kasama si Ethan. Ngunit sa kalagitnaan ng araw, habang abala ako sa trabaho, biglang bumukas ang pinto ng aking opisina. Nagulat ang sekretarya ko at mabilis siyang sumunod para sana pigilan si Sofia na walang pakundangang pumasok. Hindi ko alam kung paano siya nakalusot sa sekretarya ko. “Mam pasensya na po kanina ko pa po siya pinipigilan pero nagpumilit po talaga siya , hindi ko na po naawat nagwala na po kasi siya sa labas. Hinagis niya ang mga papeles na nasa lamesa ko kaya po pinulot ko muna saka ko siya sinundan.