JAMES POVNapabalikwas ako ng lingon ng marinig ko ang boses ng Mama ni Kate. Habang hawak hawak ko pa rin si Kate sa aking bisig. Inaasahan kong kahit papano ay magiging concern na ito sa aking asawa, ngunit iba pala ang intensyon nito sa pagpunta niya sa insidente."hindi ko po sinasadya, nasa ospital po kasi ang anak ko emergency kaya nagmamadali ako" sabi ng lalaking nakasagasa kay Kate. "Please po patawarin niyo na ako huhuhu! wala din po akong pera, hiniram ko lang ang sasakyan na to para mailipat ng ospital ang anak ko para sa kaniyang operasyon. huhuhu" pagsusumamo ni Manong driver."Hay naku wala akong pakielam kung ano pang rason mo! Kailangan bayaran mo ang ngyari kay Kate! hindi pwedeng basta basta na lang ganito, hay naku!” bulyaw ng Mama ni Kate sa driver ng nakasagasa sa kanya.“Ano aling Camila gusto mo baldahin na namin to!” Tanong naman ng isang lalaki sa mama ni Kate, habang kapit nila ito at kinukwelyuhan.“Sige! Tutal ayaw naman niyang magbayad sa pagkabangga kay
"ganon ba?! (kinuha ang aking cell phone, dinial ko ang ospital ng aking kaibigan na malapit na sa area nila Kate upang sabihan itong gagamitin namin ang kanilang roof top para pag landingan ng aking helicopter) teka lang give me a minute.""okay sir! pero wala na po tayo masyadong mahabang oras para maghintay" sagot naman ng medical staff sa akin. Lumayo muna ako at kinontak ito."Hello Sandro! si James ito, Bro i need your help. Hindi na ko magpapaligoy ligoy pa dahil wala na din kaming mahabang oras. Kailangan kong gamitin ang rooftop mo para pag landingan ng helicopter. Nasagasaan kasi si Kate Bro at nagkaruon na siya ng internal hemmorhage kailangan daw siyang dalhin sa mas malaking hospital, hindi na aabot ang asawa ko kung maghihintay pa kami dahil sa sobrang traffic na sa madadaanan" hindi na ako nahiyang humingi ng pabor dito."Ano ka ba James, syempre naman walang problema. Hindi mo kailangan makiusap. No problem, ipapahanda ko na ang lugar ngayon para pagdating niyo ay maka
"George sino ang blood type ay AB+ sa pamilya ninyo?!" tanong ko sa kanya. "naku kuya sa pagkakaalam ko O ang blood type ko, ni Mama at ni ate Charlotte at B naman si Papa!" sagot naman ni George sa akin. "Doc is it possible ba na walang kadugo si Kate sa kaniyang pamilya?!" nagtataka kong tanong. Niyaya akong papalayo ng Doctor at kinausap ng masinsinan tungkol sa aking katanungan. Ayaw nitong marinig ni George ang kaniyang sasabihin. Nakatingin lang si Mommy at Daddy sa akin. Panay ang pag-iyak ni Mommy na inaalo naman ni Daddy."James, hindi maaaring mawalan ng ka blood type ang isang tao kung siya ay isang legitimate daughter not unless hindi siya tunay na anak ng kanyang parents. Adopted ba si Kate ng kaniyang mga magulang? kailangan malaman natin kaagad dahil wala na tayong masyadong mahabang panahon para makahanap na tayo kaagad ng magiging blood donor natin. Tumingin na din kasi kami sa blood bank ng red cross ngunit walang availbale na blood type na AB+ ." nag-aalalang sago
Panay ang naging pasasalamat sa akin ni James ng makuhaan na ako ng dugo. Nagkita kita naman kami ng kaniyang ina at ama. "Maraming salamat Adreana sa pagbibigay mo ng dugo sa aking daughter in law. Tatanawin namin itong isang malaking utang na loob sa iyo." sabi naman ni Samantha sa akin. "wala iyon Samantha alam mo namang hindi ko kayang tiisin kapag may isang buhay na nangangamba lalo na at asawa pala ito ni James, mabuti na nga lang at nagkabanggaan kami kanina sa hall way. Kaya nalaman kong nagka banggan kami. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin kami nawawalan ng pag-asang makikita namin ang aming anak na ninakaw sa ospital noong nasa Saudi pa kami nitong si Bernardo!" pagkukwento ko kay Samantha. "mabuti pa siguro Eddie kumain na tayo sa retaurant sa malapit dito. Sabi naman ng doctor sa amin ay after 3 hours pa ilalabas si Kate. Nagugutom na din kami, inabot na kami ng gabi sa paghihintay sa kanila.” Pag-aaya naman ni Daddy sa mga ito. “Oo nga naman Adreana tanggapin niy
GEORGE POVNakkatuwang isipin na mahal ng pamilya ni kuya James si Ate Kate, sa tingin ko nga ay mas mahal pa ng mga ito si Ate kesa sa pinapakitang pagmamahal nila Mama para kay Ate. Naririnig ko rin ang nagiging pag-uusap nila Kuya James at mga taong ito na nag donate ng dugo kay Ate. Hindi pala basta basta ang pamilya nila Kuya James. Alam kong mayaman siya pero hindi ko inakalang SOBRANG YAMAN pala nila. Sabihin ng OA pero ganon talaga i describe ang klase ng yaman na meron itong sila Kuya James pati na ang mag-asawang nakabangga niya. Nalulula ako sa mga pinag-uusapan nilang mga halaga sa kanilang mga investment. Parang naiilang na nahihiya naman ako kasi hindi ako makapagsalita dahil mula lang kami sa simpleng pamilya pero hindi iyon pinaparamdam sa akin ni Kuya James, hindi niya hinahayaang maging aloop ako o ma- OP ako.“Okay ka lang George? You want something? Mag order ka lang kapag may gusto ka pa mamaya maya ay babalik na tayo sa kwarto ng ate mo. Siguradong nailipat na si
ADREANA POV Habang kami ay papalapit sa silid ni Kate ay walang tigil sa pagkabog ng aking dibdib hindi ko maipaliwanag ngunit meron talagang kakaiba sa aking pakiramdam ng mga sandaling ito. Nanlalamig na ang buo kong katawan. Kaya naman napakapit ako sa braso ni Bernardo habang kami ay naglalakad sa pasilyong iyon. "Anong ngyayari sayo ang lamig lamig ng kamay mo Adreana?! gusto mo bang magpatingin na muna sa Doctor?" tanong sa akin ng aking asawa. "hindi na, okay lang naman ako. Hindi ko nga din maintindihan kung bakit parang bigla akong kinabahan habang papalapit tayo sa silid ni Kate." sagot ko naman sa aking asawa. "Adreana! (kalmado niyang sabi sa akin, huminto kami saglit at humarap siya sa akin, kinapitan niya ang aking kamay) ayokong masaktan ka na naman kung hindi si Andrea ang makikita natin sa loob ng silid ni Kate. Alam kong iniisip mong baka mamaya si Andrea nga iyan. Lagi kang ganyan sa tuwing may nakikilala tayong ka edad ni Andrea pero pagdating ng oras ay na
Hindi naman agad siya sumagot sa aking katanungan. “Mmm opo sorry po pero hindi ko po kasi maintindihan ang mga ngyayari?! Bakit po kilala niyo si Mama? At bakit po alam ninyo ang eksaktong birthday ko?! (Bumulong pa ito kay James) Love sinabi mo ba sa kaniya ang mga impormasyon tungkol sa akin?! “ tanong nito sa kaniyang asawa, tumalikod pa siya sa akin at kaunting umatras ng kaniyang pagkakaupo. Nakita ko naman ang pag iling ni James sa kaniyang asawa. “Teka natakot ata kita Iha. Mayroon lang kami sanang gustong ipaliwanag sayo! Sa inyo! (Humarap ako sa kanilang lahat) Samantha hindi ba sinasabi ko sayo na magpasa hanggang ngayon ay hindi pa rin namin natatagpuan ang anak naming nawawala at dinukot noong nasa Saudi kami?!” Panimula kong sabi “Oo nabanggit mo nga ang tungkol diyan. Hindi ko maintindihan Adreana! Medyo magulo pa kasi. “Sagot naman ni Samantha sa akin. “Ang Mama ni Kate pati na ang taong dumukot sa aking anak ay iisa! (Nabigla ang lahat sa aking sinabi, ilang min
KATE POV"patawarin ako ng Diyos kung mapapatunayan naming ikaw man ang nawawala kong anak sisiguraduhin kong pagbabayaran ni Camila ang ginawa niya samin. Ilang taon akong nangulila para sa anak ko, ni hindi ko man lang nakita ang una mong paglalakad, dapat saksi ako sa unang salitang binigkas mo. huhuhu" malungkot na sagot naman niya sa akin. "Kate hihingi sana ako ng pahintulot sa iyo. Maari ba naming malaman ang address ng bahay ninyo. Si Camilla lang ang makakapag-turo sa amin ng kinaruruonan ng aming anak. HUHUHU! nagmamakaawa ako sa iyo." Naawa ako sa kalagayan ni Mrs. Delos Reyes kaya naman hindi ko ito hinindian, kung si Mama man ang Camila na tumangay sa kanilang anak ay hindi ko ito kukunsitihin, ako man o hindi ang kanilang anak na nawawala. Hindi tama ang kaniyang ginawa.Gulat sa aking mga nalaman. Ang tagal kong nagtiis sa naging trato sa akin nila Mama dahil sa ginagalang ko sila dahil sa sila parin ang mga magulang ko. Pero kung totoo man ang sinasabi ni Mrs. Delos Re
Ngumiti siya sa akin, at naramdaman ko ang init sa puso ko. Kinuha ko ang singsing mula sa pari at marahang sinuot ito sa daliri niya. Habang ginagawa ko ito, tinignan ko siya at ngumiti. “Mahal kita, Ethan,” bulong ko Hinawakan ko ang singsing sa kamay ko, ramdam ang kabigatan ng bawat pangakong nakapaloob dito. Tumingin ako kay Ethan, at sa mga mata niya nakita ko ang pagmamahal na walang pag-aalinlangan. Huminga ako nang malalim at ngumiti. “ Ethan Anderson,” sabi ko, malumanay ngunit puno ng emosyon. “Kaya naman, Please wear this ring as a sign of my love and loyalty to you. For richer, for poorer, in sickness and in health, till death do us part. I, Kayline Eduardo are asking you to accept me as your lawfully wife?! Sa mata ng Diyos at sa nata ng tao?” Tumango siya, at biglang nagsalita ng malakas at malinaw. “I do!” sagot ni Ethan, punong-puno ng sigla at pagmamahal. Isinuot ko ang singsing sa daliri niya nang marahan, ramdam ang init ng kamay niya habang hinahawakan n
Ngunit paano? Paano ako kakalma kung narito sa harap ko ang babae ng buhay ko, papunta sa akin? Napailing ako, pilit pinipigilan ang namumuong luha, pero huli na. Pumatak ito, at hindi ko na nagawang itago pa. “Ang ganda niya,” bulong ko ulit, halos hindi ko marinig ang sarili ko. Ngumiti si Mommy, halatang naiiyak din. “Oo, anak. Ang ganda niya. At ikaw ang maswerteng lalaki na hinihintay niya sa altar. Masaya akong nakikita kang masaya” Nang magsimulang maglakad si Kayline, tumunog ang unang nota ng piano, at ramdam kong mas bumagal pa ang oras. Ang bawat hakbang niya ay parang sinadya para itatak sa isip ko ang araw na ito. Nakatingin siya sa akin, at sa mga mata niya, alam kong naroon ang parehong pagmamahal na nararamdaman ko. Hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Sa bawat hakbang niya papalapit sa akin, parang tumitigil ang oras. Ngumiti siya, at sa sandaling iyon, alam kong siya ang tamang desisyon. Hindi ko napigilang mapaluha ulit. Ito na iyon, sabi ko sa sarili ko. Walang
KAYLINE POV Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang kahapon lang, napakaraming pagsubok ang pinagdaanan namin ni Ethan. Pero ngayon, ito na—ang araw na pinapangarap ko. Araw ng kasal namin. Habang nasa loob ng sasakyan, naririnig ko ang tibok ng puso ko, parang kasing lakas ng tunog ng makina. Hinawakan ni Mommy ang kamay ko at nginitian ako. “Congratulations, anak,” sabi niya, puno ng pagmamahal ang boses. “Finally, ito na iyon. Napakaganda mo, at sigurado akong magiging napakaganda rin ng araw na ito para sa inyo ni Ethan. Wag kang kabahan, mag-relax ka lang.” Napangiti ako kay Mommy, kahit nararamdaman kong nangingilid ang luha ko. “Salamat, Mommy. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ko alam kung kakayanin ko ang lahat ng ito.” Pinisil niya ang kamay ko nang mahigpit. “Kayline, karapat-dapat kang maging masaya. Ngayon, huwag mo nang isipin ang iba. Enjoyin mo ang araw na ito.” Tumingin ako sa salamin at inayos ang belo ko. Pinipigilan kong maiyak dahil ayokong masira a
ETHAN POV Ito ang pinakahihintay na araw sa buhay ko, pero sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko maalis ang kabang nararamdaman ko. Rinig na rinig ko ang pintig ng puso ko. Kaninang umaga pa lang paulit-ulit kong tinitingnan ang cellphone ko. Tinawagan ko si Mommy ng maraming beses, pero palagi niyang binababa ang tawag ko. Hindi niya sinasagot kahit ang mga text ko. Huminga ako nang malalim at tumitig sa screen ng phone ko. Nabasa ko ang seen sa huling message ko: “Mommy, 4 PM sa St. Michael’s Church. Hihintayin kita, sana dumating ka.” Parang kinurot ang puso ko. Alam kong nasaktan siya sa mga nakaraang pangyayari, pero hindi ko maitatanggi na umaasa pa rin akong dadalo siya sa pinakamahalagang araw ng buhay ko. Pagdating ko sa simbahan, nauna akong bumaba ng kotse. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang pinagmamasdan ang tahimik na paligid. Madami na ding bisita ang nasa loob ng simbahan. "sir within 10 minutes magsisimula na po tayo" sabi sa akin ng
Kailangan kong protektahan si Kayline, lalo na sa mga banta ni Sofia. Pero alam ko rin na kailangan ko munang harapin ang mommy ko. Alam kong hindi magiging madali ang pag-uusap namin, pero hindi ko na rin kayang tiisin ang pananahimik niya tungkol sa mga ginagawa ni Sofia. Kinabukasan, sa bahay ng mommy ko Pagdating ko sa bahay, tahimik akong sinalubong ng kasambahay. “Sir Ethan, nasa veranda po si ma’am.” “Salamat,” sagot ko, saka ako dumiretso. Sa totoo lang, ayoko na talagang makipag-usap kay mommy tungkol sa gulong ito, pero kailangan kong malaman kung bakit tila siya kampi kay Sofia sa kabila ng lahat. Pagdating ko sa veranda, nakita ko siyang nakaupo habang iniinom ang paborito niyang tea. Napansin niya agad ang presensya ko, pero hindi siya nagsalita. “Mommy,” panimula ko, habang naupo sa harap niya. “Kailangan nating mag-usap.” Hindi siya tumingin sa akin. Patuloy lang siyang umiinom ng tea niya, pero halatang naghihintay siya sa susunod kong sasabihin. “Bakit
ETHAN POV Sigurado ako sa sarili ko. Hindi ako ang ama ng pinagbubuntis ni Sofia. Wala akong ginawa sa kanya noong gabing sinasabi niya. Pero syempre, mahirap ipilit ang katotohanan kung puro kasinungalingan ang binibigay niya. Kaya heto ako, dinala siya sa kaibigan kong doktor para matapos na ang lahat ng drama niya. Pagpasok pa lang namin sa clinic, halatang aligaga si Sofia. Panay ang hawak niya sa tiyan niya na parang gusto niyang magpaniwala agad na totoo ang sinasabi niya. Pati ang mommy ko, nasa tabi niya at mukhang nagdududa rin. “Ethan, ano ba to? Bakit mo pa kailangang dalhin dito? Hindi mo ba ako pinapaniwalaan?” ani Sofia, halatang naiinis. “Sinong maniniwala sayo , alam ko at sigurado akong walang ngyayari satin,” sagot ko nang diretso. “Isa pa gusto ko ng kasiguraduhan. Ayokong basta basta magpadaan sa kalokohan niyo.” Nagulat ako sa biglang pagdating ni Mommy “At ano naman ang gusto mong patunayan?” singit ni mommy, halatang kampi na kay Sofia. “Simple lang,
Hindi pa lumilipas ang ilang minuto nang makita ko siyang dumating sa opisina. Agad niyang napansin si Sofia na nakatayo roon. Tuwang tuwa ang mukha ni Sofia ng makita niya si Ethan, ang ngiti niyang nagpapakita ng kayabangan, na parang may laban siyang napanalunan na ako lang ang hindi nakakaalam. “Hi, Ethan,” bati ni Sofia sa kanya, matamis ang tono ng boses niya. Lumapit siya kay Ethan, pero nakikita kong mayroon siyang intensyon sa bawat galaw niya. Akmang yayakapin niya ito, ngunit agad kong nakita ang pagkakaiba sa reaksyon ni Ethan. Para siyang biglang naging yelo, malamig at puno ng galit. "baby anong ngyayari dito?" tanong ni Ethan sa akin na punong puno ng pagtataka. Tinitignan kong mabuti si Ethan pero nakita kong kahit siya ay naguguluhan sa maaring ginagawa ni Sofia sa loob ng opisina ko. Lumapit si Sofia kay Ethan na ngayon nakatayo sa gilid ko. Nilingkis ni Sofia ang balikat ni Ethan "ano ka ba naman, Ethan hindi mo ako dapat ini-stress. Buntis ako. Nung gabing ma
Hindi mapigilan ni Sofia ang pagbagsak ng mga luha niya. “Please, Kayline. Alam kong ikaw ang mahal niya, pero… pero hindi ko kayang palakihin ang anak namin nang mag-isa. Kailangan ko siya. Kailangan ng bata ng ama at wag mo sanang ipagjait yun!” Sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Tumingin ako kay Sofia, at sa kabila ng galit na nararamdaman ko, nakita ko ang takot sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, galit ba o awa? “At bakit sakin mo sinasabi lahat ng to?” tanong ko, halos wala na akong boses pero nagpapakita pa rin ako ng katatagan. “Bakit hindi mo sabihin kay Ethan mismo? At siya ang hayaan mong magdesisyon! Hindi ko na kapit anong gagawin niya dito. Napayuko siya, hindi ko alam kung panibagong drama na naman nila to ng Mommy ni Ethan. “Sinubukan kong sabihin sa kanya… pero hindi ko kayang makita siyang nagagalit o tinatanggihan ako. Alam kong nasaktan siya sa paghihiwalay niyo dati, pero hindi ko inasahang mangyayari ito. Oo aaminin ko naging har
CURRENT TIME PAGKATAPOS NG PROPOSAL KAYLINE POV Matapos kumalat ang video ng proposal ni Ethan sa akin, hindi ko inasahan ang dami ng atensyon na natanggap namin. Nakakatuwa na madaming mga kakilala at nagtatrabaho para sa akin ang nagbigay ng kanilang mga congratulatory message. Hindi ako makapaniwalang sa lahat ng pinagdaanan namin ni Ethan ay mauuwi din kami sa totoong kasalan, this time walang pilitang ngyari. Sabik na sabik ako sa buhay na naghihintay sa akin kasama si Ethan. Ngunit sa kalagitnaan ng araw, habang abala ako sa trabaho, biglang bumukas ang pinto ng aking opisina. Nagulat ang sekretarya ko at mabilis siyang sumunod para sana pigilan si Sofia na walang pakundangang pumasok. Hindi ko alam kung paano siya nakalusot sa sekretarya ko. “Mam pasensya na po kanina ko pa po siya pinipigilan pero nagpumilit po talaga siya , hindi ko na po naawat nagwala na po kasi siya sa labas. Hinagis niya ang mga papeles na nasa lamesa ko kaya po pinulot ko muna saka ko siya sinundan.