Hindi naman agad siya sumagot sa aking katanungan. “Mmm opo sorry po pero hindi ko po kasi maintindihan ang mga ngyayari?! Bakit po kilala niyo si Mama? At bakit po alam ninyo ang eksaktong birthday ko?! (Bumulong pa ito kay James) Love sinabi mo ba sa kaniya ang mga impormasyon tungkol sa akin?! “ tanong nito sa kaniyang asawa, tumalikod pa siya sa akin at kaunting umatras ng kaniyang pagkakaupo. Nakita ko naman ang pag iling ni James sa kaniyang asawa. “Teka natakot ata kita Iha. Mayroon lang kami sanang gustong ipaliwanag sayo! Sa inyo! (Humarap ako sa kanilang lahat) Samantha hindi ba sinasabi ko sayo na magpasa hanggang ngayon ay hindi pa rin namin natatagpuan ang anak naming nawawala at dinukot noong nasa Saudi kami?!” Panimula kong sabi “Oo nabanggit mo nga ang tungkol diyan. Hindi ko maintindihan Adreana! Medyo magulo pa kasi. “Sagot naman ni Samantha sa akin. “Ang Mama ni Kate pati na ang taong dumukot sa aking anak ay iisa! (Nabigla ang lahat sa aking sinabi, ilang min
KATE POV"patawarin ako ng Diyos kung mapapatunayan naming ikaw man ang nawawala kong anak sisiguraduhin kong pagbabayaran ni Camila ang ginawa niya samin. Ilang taon akong nangulila para sa anak ko, ni hindi ko man lang nakita ang una mong paglalakad, dapat saksi ako sa unang salitang binigkas mo. huhuhu" malungkot na sagot naman niya sa akin. "Kate hihingi sana ako ng pahintulot sa iyo. Maari ba naming malaman ang address ng bahay ninyo. Si Camilla lang ang makakapag-turo sa amin ng kinaruruonan ng aming anak. HUHUHU! nagmamakaawa ako sa iyo." Naawa ako sa kalagayan ni Mrs. Delos Reyes kaya naman hindi ko ito hinindian, kung si Mama man ang Camila na tumangay sa kanilang anak ay hindi ko ito kukunsitihin, ako man o hindi ang kanilang anak na nawawala. Hindi tama ang kaniyang ginawa.Gulat sa aking mga nalaman. Ang tagal kong nagtiis sa naging trato sa akin nila Mama dahil sa ginagalang ko sila dahil sa sila parin ang mga magulang ko. Pero kung totoo man ang sinasabi ni Mrs. Delos Re
KATE POVMula ng magkakilala kami ni James ito pa lamang ang pangalawang beses na makakatuntong ako sa bahay nila. Noong unang ay ng ipakilala niya ako sa kaniyang mga magulang. Pero sa pagakakataong ito ay kasama ko na si George. Kagaya noong una kong dating sa bahay nila James napakabait sa akin nila Mommy ganun din ang naging trato nila kay George. Binigyan din nila ng sariling kwarto si George habang kami ay naninirahan sa mansyon nila James.“Huwag kayong mahihiyang kumilos dito sa bahay, Kate alam mo na naman kung kanino hihingi ng tulong kapag may kailangan kayo. Sabihan mo na lang din ang kapatid mo kung sakaling may kailangan kayo huwag kayong mahiyang magsabi kay Manang. Angkinin ninyong sarili niyo itong bahay” wika ni Mommy na tuwang tuwa..“Salamat po Mommy! magpahinga na din po kayo.“ yumakap ako sa kaniya at nagpaalam na munang magtutungo na sa aming silid para makapagpahinga. Halos ialng araw din kasi akong nasa ospital kahit na sabihing natutulog lang ako ay nakakaram
ADREANA POV Ngayong nasiguro kong si Kate na nga ang nawawala kong anak lalo kong pag-iigtingin ang pagpapahanap kay Camila. Hindi ako makakapayag na hindi niya pagbayaran ang kasalanang ginawa niya sa amin ni Bernardo. Tinawagan ko ang lahat ng aking mga kontak para mas pag igtingin ang paghahanap sa mga ito. 24 years ang ninakaw niya sa amin na sana ay masayang bonding ng aming pamilya. Ako ang dapat na naging saksi sa kaniyang development. Mangiyak ngiyak ako habang nasa loob ng sasakyan at inaalala ko ang mga huling araw na nakita ko si Kate at nakapitan sa aking mga bisig. Ang dati gabi gabi kong pag iyak ay napalitan ng matinding excitement na makita ko ang aking anak. Halos hindi na ako makatulog sa kakaisip na makita itong muli. Parang ang tagal ng oras. Hindi ko na mahintay ang magbukang liwayway. Inaya ko na si Bernardo na magtungo sa bahay nila Kate. Ilang araw na lang kasing mananatili ang mga ito dito sa Pilipinas. Kaya nais kong sulitin ang mga sandaling makakasama ko i
KATE POV Nakikinig lang ako sa usapan nila Mommy Samantha at Mommy Adreana. Tinitimbang ko din ang sitwasyon dahil kaharap din namin si George ayokong sumama ang loob ng aking kapatid sa kanila kahit na hindi ko siya kadugo ay tinuring ko talagang kapatid si George kaya mahalaga sa akin ang kanyang mararamdaman. Mabuti na lang at marunong makaintindi ang kapatid kong ito. Sa lahat ng napapag-usapan ay hindi sumasama ang loob niya. Nakikinig lang din siya sa mga plano at nais mangyari nila Mommy. "Sige Adreana sabihin mo ano ang maaari naming itulong sayo? Sabihin mo lang at hindi ka na magdadalawang salita pa." sagot naman ni Mommy Samantha "Nais sana namin ni Bernardo na magpa-press conference upang mas mapabilis ang pagpapahanap kila Camila, isa pa nais na din naming ipakilala officially si Kate sa buong mundo bilang anak namin. Dahil nais naming makilala ng lahat ang nag-iisang tagapagmana ng Delos Reyes Corporation. Alam kong nagbubuo na kayo ng sarili niyong negosyo anak (
GEORGE POVMadami pala talagang naging kasalanan si Mama sa totoong pamilya ni Ate Kate kahit na galit ako sa kanila ay wala din akong magagawa sila pa rin ang magulang ko pero hindi ko sila kukunsintihin tutulungan ko sila Ate Kate makamit ang hustisyang hinahanap nila. Naawa ako sa parents ni Ate na 24 years na naghintay bago nila nakasama ang kanilang anak. Habang nag-aayos ako ng aking mga gamit sa aking kwarto ay nanood ako ng press conference na ginanap sa tv station na pag-aari ng pamilya nila Kuya James. Masaya ako para kay Ate Kate dahil sa wakas ay natagpuan na din niya ang pamilyang mapagmahal. Ang pamilyang binibigyan siya ng importansya. Iba ang kinang sa mukha ni Ate ngayon nakikita kong masaya talaga siya. Natakot ako sa biglang pagbukas ng pinto namin sa baba. May taong pumasok sa aming bahay. Hininaan ko ang volume ng aking cellphone, sinilent ko din ang settings ng aking phone. Dahil hindi ko alam kung sino ito baka magnanakaw ito. Dahan dahan kong nilapitan ang pin
KATE POVAFTER NG PRESS CONFERENCEHindi ko alam na ganoon pala ang ginagawa pag press conference. Sobrang kinakabahan ako kahit na alam ko naman ang mga isasagot ko sa mga tanong ng tao mula sa media. Nakaka pressure palang sagutin ang bawat tanong na binibitawan ng mga press people. Ayokong magkamali sa aking sasabihin at ayokong makasakit ng damdamin ng taong mahal ko. Kahit pa nakapatay na ang camera sa pag roll ay tuloy tuloy pa rin ang ilang tao sa press na nagtatanong sa akin tungkol naman sa love story namin ni James. Hindi ko alam ang aking isasagot dahil sa totoo lang ay hindi naman talaga maganda ang simula ng aming love story. Mabuti na lang at maagap si James, hindi ito sumagot sa tanong ng mga ito at nakiusap na lang na tapos na ang tanungan. Ginalang naman ng mga tao mula sa press ang pakiusap ni James. Pagkatapos na umere ang aming interview ay ang dami na naming narereceive na tawag at messages na diumano nakita nila si Mama, madaming baseless na mga impormasyon ang
GEORGE POV Nagmamadali kong inilapag ang aking mga gamit sa kwatro na tinutuluyan ko sa bahay nila Kuya James. Binati ko naman si Manang ng makita ako nito. Hindi na ako nag aksaya ng oras tumawag na ako kaagad ng angkas rider para mabilis akong makapunta sa Ayala Mall matatagalan kasi ako kung taxi ang kukuhain ko para maghatid sa akin. Kinakabahan ako. Natatakot ako dahil sa aking nalaman. Pumapasok pa rin sa isip ko ang mga sinabi ni Mama tungkol sa pagkatao ko. Hindi lang pala si Ate Kate ang may lihim tungkol sa tunay niyang pagkatao pati pala ako ay hindi tunay na anak ni Papa kaya pala lagi siyang nagagalit sa akin. Pati sa graduation ko ay hindi siya umattend. Naluluha ako habang nakaangkas ako sa na book kong driver. Kailangang malaman din nila Ate Kate ang tungkol sa mga narinig ko sa bahay kanina. Mabuti naman at mabilis lang na dumating ang angkas rider na ito sa Ayala Mall alam kasi niya ang mga short cut na dadaanan. "Salamat po Manong, keep the change na po" sabi ko