"ayun na nga madam! ang hay*p biglang bumalik hahahhaa hindi namin alam kung saan kami magattago kasi nakita na niya kami (humagalpak na kaming 3 ng kakatawa) sorry kami ng sorry, pero mabait si Baba (yung lalaking kuwaiti) kasi hindi siya nagalit sa amin. May tinignan lang daw siya, sabi pa niya it's okay take whatever you want to take. syempre hindi muna kami kumilos ang ginawa namin , naupo muna kami saglit sa labas tapos nung umalis na ulit siya ayun balik kami sa loob. aba ang mohammed nakipag unahan sa amin sa may aparador kasi ang damign alahas na iniwan na, may mga set set pa ng alahas na nakuha. Lahat binulsa niya. naunahan ko naman siya sa mga accessories pinasok ko kagad sa bag na nakita ko. Jewerlly box yung nakita ko ee. ang gaganda ng mga alahas pero hindi na siya makakapal. maninipis pero okay lang may nakuha pa akong real pearl." kwento pa niya. "loko ka sa susunod mag iingat kayo, baka mamaya ma frame up kayo." sagot ko naman. Matapos ng ngyari sa kanila sa Haris ni
"Sige magbibihis lang ako!" anas ni JamesPagka-akyat ni James ay siya namang lapit sakin ng dalawa kong kaibigan. “Kate anong ibig sabihin ni James sa sinabi niya kanina?!” Nakangiting pangungulit sakin ng dalawa.“Relax lang kayo mamaya hintayin natin si James pagbaba niya. Hinintay ko talaga siya kasi gusto kong pag sinabi ko sa inyo yung nandito din siya. “ sagot ko sa kanila.“Ikaw talaga madam ang dami mong pasabog kahit kailan.” excited na sabi ni Rona. Hindi nagtagal ay bumaba na din si James. "Love, hainan kita?! kakain ka ba?" malambing kong tanong sa aking asawa. "Hindi na Love busog pa ako , kumain na kami nila Mr.Abdullah pagkatapos ng meeting. "Sagot naman niya sa akin. "sa garden na lang siguro tayo muna Love, dun na natin sila kausapin para presko, mamaya kasi mag aayos na din ako ng gamit natin na gagamitin sa Pinas." saad ko pa sa kaniya"okay sige" sagot naman niya sa akin. Naglakad na kami at tinawag ko na din ang aking mga kaibigan. Nakaupo na kami sa garden,
MANILA PHILIPPINES KATE POV Nagsimula ng mag-announce ang flight stewardess ng kami ay papalapag na sa NAIA. “ Ladies and gentlemen, we have just landed at Ninoy Aquino International Airport. Philippine Airlines welcomes you to Manila for your safety, please remain seated with your seat belt fastened until the fasten seat belt sign has been switched off. Please refrain from removing any hand carry items from the overhead bins until the aircraft has come to a full stop and the cabin door has been opened for you to deplane on behalf of the Philippine Airlines flight deck and cabin crew. We would like to thank you for flying with us. It was a pleasure to have you on board. We hope to see you again soon in one of your future flights once again from Asia's sunniest and the heart of the Filipino. Mabuhay!” Nagsitayuan na ang mga kasabayan naming pasahero ng huminto na ang eroplanong sinasakyan namin. Maririnig ang palakpakan at hiyawan na tumatak na sa mga Pilipino nating kababayan sa t
SA BAHAY NILA MAMANang makarating kami sa aming lugar ay nahihiya ako kay James, alam kong hindi siya sanay sa ganitong klaseng lugar. Masikip, makipot, madaming taong nakakalat sa kalsada, may mga taong nag-iinuman sa gilid, at may mga nag-tsi-tsismisan sa may gilid ng kalsada . Lahat sila ay nakatingin sa amin ng bumaba kami ng sasakyan."Ay Puts* si Kate pala yan, kala ko kung sino ng artista!" Napapahampas pa sa lamesang sabi ni Aling Minda. "aba Kate, ayos tong kasama mo ang pogi, walang wala si Michael diyan, mukhang mapepay pati aah!" walang prenong sabi nito. "Ikaw talaga Aling Minda, sige na po mauna na po muna kami sa inyo." pagpapaalam ko sa kaniya. Namumula na ako sa hiya kay James."Love it's okay! wag kang mahiya, pulang pula ka na. Okay lang ako. Ayos nga mga tao dito sa community niyo kilala ang isa't isa." anas naman ni James na mukha naman talagang natutuwa sa mga tao sa paligid. Humalik pa siya sa aking ulo, alam kong nakita ng mga tsismosang kapitbahay namin ang
JAMES POV Ngayon ay naiintindihan ko na si Kate kung bakit ganoon na lang ang pagtutol niya sa aking pagsama sa pag-uwi dito sa Pilipinas. Nababalaan na din naman niya ako sa kung gaano kasakit magsalita ang kaniyang ina pero hindi ko inaasahan na kaya nitong ibaba ang pagkatao ng kaniyang anak na walang ginawa kundi ang suportahan ang kanilang buong buhay ng ganin kadali. Saksi ako kung pano nagsisikap si Kate sa buhay para lang may maipang-tustos sa pamilya niya. Gayundin para may mapatunayan siya sa kaniyang pangarap sa buhay ng walang tulong ng kahit na sinoman, kahit pa mula sakin. "Pasensya na po kung mangingielam ako. Ipapakilala ko lang po ang sarili ko" pagputol ko sa kanila , nanlaki pa ang mata ni Kate sa akin. Panay ang kaniyang pag senyas sa akin. Alam kong napag usapan na namin ni Kate ang pagtatago sa tunay kong katauhan pero hindi ko maatim na sobra kung maliitin nila ang aking asawa. "hindi na kelangan James, Aalis na lang tayo. Gusto ko na ding magpahinga muna,
"naku Minda nakita mo yung kasama ni Kate?" "OO Camilla nakita ko! ang gwapo ah at mukhang mayaman." sagot naman ni Aling Minda. “Iba talaga si Kate sa mga anak mo.” "Aling Camilla mukhang jackpot dun si Kate. Mahal po mga damit na suot niya saka nakita ko yung relo aah. Rolex po yun, milyon milyon ang halaga nun kung totoo yun!" sabat naman ni Jacky "ikaw talaga Jacky napaka-tsismosa mo pati ba naman yung relo nakita mo pa! (sabi ni Mama kay Jacky ng tumatawa, pinagmamayabang ni Mama si kuya James, bumaling naman siya kay Aling Minda) mayaman talaga yun! asawa na ni Kate ang lalaking yun. Siya lang naman ang may ari ng Santiago Corporation at may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ni Kate sa Kuwait. Oh diba?! nakaswerte si Kate!" sabi naman ni Mama sa kanila. "naku Aling Camilla, talaga ba? Naku alam mo bang gustong-gusto ko pong makapasok diyan baka naman pwede niyo kong ilakad kay Kate para sabihan niya ang asawa niyang ipasok ako sa kompanya na yun." nanginginang ang ma
KATE POV Pagdating namin sa Hotel Room ay tila nawala ang aking gana. Napansin naman kaagad ito ng aking asawa. Mabagal kong tinutulak ang mga maleta papasok, bagsak ang aking balikat at lutang ang aking isip sa nangyari kanina. Bumabalik pa rin sa aking isipan ng paulit ulit ang ginawa nila Mama kanina. Lumapit sa akin si James pagkapasok niya sa malalaki naming maleta. Hinawakan niya ang aking dalawang kamay at nakaharap sakin sinabi “Love its okay. Cheer Up! Diba nandito tayo para dumalo sa graduation ni George. Hayaan mo na lang parents mo. Besides ilang araw lang tayo dito, tiisin mo na lang. I know Love! medyo kakaiba silang magsalita sayo . Pero huwag mong hayaan na sirain nila ang bakasyon natin, diba ilang taon ka na din nakauwi at alam kong gustong gusto mo dito. Mag enjoy tayo . Lets chill!” Malambing na sabi sa akin ni James. Napangiti naman ako sa sinabi ng aking asawa. Sa totoo lang immune na ako sa sakit magsalita ni Mama pero hindi ko lang maatim ang pagsalitaan
Ibang-iba na ang itsura ni Charlotte ito ang unang beses na nakita ko ulit siya makalipas ang ilang taon mula ng pagtaksilan nila ako ni Michael. Humaba ang buhok niya, blonde ang kulay nito at may hikaw na siya sa kanyang dila. Kapansin-pansin din ang hikaw niya sa kaniyang pusod dahil sa suot niyang hanging blouse na tinernuhan niya ng maiksing short. Ang dami na niyang aksesorya sa kaniyang katawan. Pisturang-pistura ang kaniyang mukha. Hindi man kakapalan ang kaniyang make up pero kapansin pansin na tila nagpagawa ito ng kaniyang ilong dahil sa kakaibang tangos nito mula sa kaniyang normal na tangos ng ilong. “Aba Kate ganyan ba ang tamang pagpapakilala sa kapatid mo sa gwapong lalaking kasama mo?!” Malanding sabi nito , akmang hahawakan pa niya si James pero umiwas ito. Walang gana kong pinakilala si James dito. “Charlotte ito si James asawa ko! James si Charlotte kapatid kong babae, mama ni Amara” nakaismid man ang mukha kong sabi sa nanlalagkit na tingin ni Charlotte kay Ja