KATE POV Pagdating namin sa Hotel Room ay tila nawala ang aking gana. Napansin naman kaagad ito ng aking asawa. Mabagal kong tinutulak ang mga maleta papasok, bagsak ang aking balikat at lutang ang aking isip sa nangyari kanina. Bumabalik pa rin sa aking isipan ng paulit ulit ang ginawa nila Mama kanina. Lumapit sa akin si James pagkapasok niya sa malalaki naming maleta. Hinawakan niya ang aking dalawang kamay at nakaharap sakin sinabi “Love its okay. Cheer Up! Diba nandito tayo para dumalo sa graduation ni George. Hayaan mo na lang parents mo. Besides ilang araw lang tayo dito, tiisin mo na lang. I know Love! medyo kakaiba silang magsalita sayo . Pero huwag mong hayaan na sirain nila ang bakasyon natin, diba ilang taon ka na din nakauwi at alam kong gustong gusto mo dito. Mag enjoy tayo . Lets chill!” Malambing na sabi sa akin ni James. Napangiti naman ako sa sinabi ng aking asawa. Sa totoo lang immune na ako sa sakit magsalita ni Mama pero hindi ko lang maatim ang pagsalitaan
Ibang-iba na ang itsura ni Charlotte ito ang unang beses na nakita ko ulit siya makalipas ang ilang taon mula ng pagtaksilan nila ako ni Michael. Humaba ang buhok niya, blonde ang kulay nito at may hikaw na siya sa kanyang dila. Kapansin-pansin din ang hikaw niya sa kaniyang pusod dahil sa suot niyang hanging blouse na tinernuhan niya ng maiksing short. Ang dami na niyang aksesorya sa kaniyang katawan. Pisturang-pistura ang kaniyang mukha. Hindi man kakapalan ang kaniyang make up pero kapansin pansin na tila nagpagawa ito ng kaniyang ilong dahil sa kakaibang tangos nito mula sa kaniyang normal na tangos ng ilong. “Aba Kate ganyan ba ang tamang pagpapakilala sa kapatid mo sa gwapong lalaking kasama mo?!” Malanding sabi nito , akmang hahawakan pa niya si James pero umiwas ito. Walang gana kong pinakilala si James dito. “Charlotte ito si James asawa ko! James si Charlotte kapatid kong babae, mama ni Amara” nakaismid man ang mukha kong sabi sa nanlalagkit na tingin ni Charlotte kay Ja
JAMES POVNagpipinting ang aking tainga sa mga salitang naririnig ko mula sa Mama at Papa ni Kate, hindi ako makapaniwala sa klase ng magulang na meron si Kate! Gustong gusto ko mang sumagot upang ipagtanggol ang aking asawa pero pinipigilan niya ako. Hindi ako makapaniwalang may mga ganiyang klaseng magulang na kayang pagsalitaan ng hindi maganda ang kanilang mga anak. Nang magkainitan naman ang naging pag-uusap ni Kate sa pagitan ng kaniyang magulang ay nagulat ako ng bigla itong tumayo at tumakbo palabas ng kanilang bahay na umiiyak. Bigla din akong tumayo at lumabas para sundan si Kate. Nagulat na lang din ako sa sabay na pagkiskis ng preno ng gulong ng isang sasakyan kasabay ang hiyawan ng mga taong sinisigaw ang pangalan ni Kate. Hindi ko pa man nakikita kung ano iyon ay tila alam ko na ang nangyari. “Ay puts* pre si Kate!” humahangos ang mga tao papunta sa direksyon ng malakas na tunog na iyon."PRE SI KATE!!!!!" sigaw ng mga kalalakihang naupo sa gilid ng kalsada. Dali-dali a
JAMES POVNapabalikwas ako ng lingon ng marinig ko ang boses ng Mama ni Kate. Habang hawak hawak ko pa rin si Kate sa aking bisig. Inaasahan kong kahit papano ay magiging concern na ito sa aking asawa, ngunit iba pala ang intensyon nito sa pagpunta niya sa insidente."hindi ko po sinasadya, nasa ospital po kasi ang anak ko emergency kaya nagmamadali ako" sabi ng lalaking nakasagasa kay Kate. "Please po patawarin niyo na ako huhuhu! wala din po akong pera, hiniram ko lang ang sasakyan na to para mailipat ng ospital ang anak ko para sa kaniyang operasyon. huhuhu" pagsusumamo ni Manong driver."Hay naku wala akong pakielam kung ano pang rason mo! Kailangan bayaran mo ang ngyari kay Kate! hindi pwedeng basta basta na lang ganito, hay naku!” bulyaw ng Mama ni Kate sa driver ng nakasagasa sa kanya.“Ano aling Camila gusto mo baldahin na namin to!” Tanong naman ng isang lalaki sa mama ni Kate, habang kapit nila ito at kinukwelyuhan.“Sige! Tutal ayaw naman niyang magbayad sa pagkabangga kay
"ganon ba?! (kinuha ang aking cell phone, dinial ko ang ospital ng aking kaibigan na malapit na sa area nila Kate upang sabihan itong gagamitin namin ang kanilang roof top para pag landingan ng aking helicopter) teka lang give me a minute.""okay sir! pero wala na po tayo masyadong mahabang oras para maghintay" sagot naman ng medical staff sa akin. Lumayo muna ako at kinontak ito."Hello Sandro! si James ito, Bro i need your help. Hindi na ko magpapaligoy ligoy pa dahil wala na din kaming mahabang oras. Kailangan kong gamitin ang rooftop mo para pag landingan ng helicopter. Nasagasaan kasi si Kate Bro at nagkaruon na siya ng internal hemmorhage kailangan daw siyang dalhin sa mas malaking hospital, hindi na aabot ang asawa ko kung maghihintay pa kami dahil sa sobrang traffic na sa madadaanan" hindi na ako nahiyang humingi ng pabor dito."Ano ka ba James, syempre naman walang problema. Hindi mo kailangan makiusap. No problem, ipapahanda ko na ang lugar ngayon para pagdating niyo ay maka
"George sino ang blood type ay AB+ sa pamilya ninyo?!" tanong ko sa kanya. "naku kuya sa pagkakaalam ko O ang blood type ko, ni Mama at ni ate Charlotte at B naman si Papa!" sagot naman ni George sa akin. "Doc is it possible ba na walang kadugo si Kate sa kaniyang pamilya?!" nagtataka kong tanong. Niyaya akong papalayo ng Doctor at kinausap ng masinsinan tungkol sa aking katanungan. Ayaw nitong marinig ni George ang kaniyang sasabihin. Nakatingin lang si Mommy at Daddy sa akin. Panay ang pag-iyak ni Mommy na inaalo naman ni Daddy."James, hindi maaaring mawalan ng ka blood type ang isang tao kung siya ay isang legitimate daughter not unless hindi siya tunay na anak ng kanyang parents. Adopted ba si Kate ng kaniyang mga magulang? kailangan malaman natin kaagad dahil wala na tayong masyadong mahabang panahon para makahanap na tayo kaagad ng magiging blood donor natin. Tumingin na din kasi kami sa blood bank ng red cross ngunit walang availbale na blood type na AB+ ." nag-aalalang sago
Panay ang naging pasasalamat sa akin ni James ng makuhaan na ako ng dugo. Nagkita kita naman kami ng kaniyang ina at ama. "Maraming salamat Adreana sa pagbibigay mo ng dugo sa aking daughter in law. Tatanawin namin itong isang malaking utang na loob sa iyo." sabi naman ni Samantha sa akin. "wala iyon Samantha alam mo namang hindi ko kayang tiisin kapag may isang buhay na nangangamba lalo na at asawa pala ito ni James, mabuti na nga lang at nagkabanggaan kami kanina sa hall way. Kaya nalaman kong nagka banggan kami. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin kami nawawalan ng pag-asang makikita namin ang aming anak na ninakaw sa ospital noong nasa Saudi pa kami nitong si Bernardo!" pagkukwento ko kay Samantha. "mabuti pa siguro Eddie kumain na tayo sa retaurant sa malapit dito. Sabi naman ng doctor sa amin ay after 3 hours pa ilalabas si Kate. Nagugutom na din kami, inabot na kami ng gabi sa paghihintay sa kanila.” Pag-aaya naman ni Daddy sa mga ito. “Oo nga naman Adreana tanggapin niy
GEORGE POVNakkatuwang isipin na mahal ng pamilya ni kuya James si Ate Kate, sa tingin ko nga ay mas mahal pa ng mga ito si Ate kesa sa pinapakitang pagmamahal nila Mama para kay Ate. Naririnig ko rin ang nagiging pag-uusap nila Kuya James at mga taong ito na nag donate ng dugo kay Ate. Hindi pala basta basta ang pamilya nila Kuya James. Alam kong mayaman siya pero hindi ko inakalang SOBRANG YAMAN pala nila. Sabihin ng OA pero ganon talaga i describe ang klase ng yaman na meron itong sila Kuya James pati na ang mag-asawang nakabangga niya. Nalulula ako sa mga pinag-uusapan nilang mga halaga sa kanilang mga investment. Parang naiilang na nahihiya naman ako kasi hindi ako makapagsalita dahil mula lang kami sa simpleng pamilya pero hindi iyon pinaparamdam sa akin ni Kuya James, hindi niya hinahayaang maging aloop ako o ma- OP ako.“Okay ka lang George? You want something? Mag order ka lang kapag may gusto ka pa mamaya maya ay babalik na tayo sa kwarto ng ate mo. Siguradong nailipat na si
Ngumiti siya sa akin, at naramdaman ko ang init sa puso ko. Kinuha ko ang singsing mula sa pari at marahang sinuot ito sa daliri niya. Habang ginagawa ko ito, tinignan ko siya at ngumiti. “Mahal kita, Ethan,” bulong ko Hinawakan ko ang singsing sa kamay ko, ramdam ang kabigatan ng bawat pangakong nakapaloob dito. Tumingin ako kay Ethan, at sa mga mata niya nakita ko ang pagmamahal na walang pag-aalinlangan. Huminga ako nang malalim at ngumiti. “ Ethan Anderson,” sabi ko, malumanay ngunit puno ng emosyon. “Kaya naman, Please wear this ring as a sign of my love and loyalty to you. For richer, for poorer, in sickness and in health, till death do us part. I, Kayline Eduardo are asking you to accept me as your lawfully wife?! Sa mata ng Diyos at sa nata ng tao?” Tumango siya, at biglang nagsalita ng malakas at malinaw. “I do!” sagot ni Ethan, punong-puno ng sigla at pagmamahal. Isinuot ko ang singsing sa daliri niya nang marahan, ramdam ang init ng kamay niya habang hinahawakan n
Ngunit paano? Paano ako kakalma kung narito sa harap ko ang babae ng buhay ko, papunta sa akin? Napailing ako, pilit pinipigilan ang namumuong luha, pero huli na. Pumatak ito, at hindi ko na nagawang itago pa. “Ang ganda niya,” bulong ko ulit, halos hindi ko marinig ang sarili ko. Ngumiti si Mommy, halatang naiiyak din. “Oo, anak. Ang ganda niya. At ikaw ang maswerteng lalaki na hinihintay niya sa altar. Masaya akong nakikita kang masaya” Nang magsimulang maglakad si Kayline, tumunog ang unang nota ng piano, at ramdam kong mas bumagal pa ang oras. Ang bawat hakbang niya ay parang sinadya para itatak sa isip ko ang araw na ito. Nakatingin siya sa akin, at sa mga mata niya, alam kong naroon ang parehong pagmamahal na nararamdaman ko. Hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Sa bawat hakbang niya papalapit sa akin, parang tumitigil ang oras. Ngumiti siya, at sa sandaling iyon, alam kong siya ang tamang desisyon. Hindi ko napigilang mapaluha ulit. Ito na iyon, sabi ko sa sarili ko. Walang
KAYLINE POV Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang kahapon lang, napakaraming pagsubok ang pinagdaanan namin ni Ethan. Pero ngayon, ito na—ang araw na pinapangarap ko. Araw ng kasal namin. Habang nasa loob ng sasakyan, naririnig ko ang tibok ng puso ko, parang kasing lakas ng tunog ng makina. Hinawakan ni Mommy ang kamay ko at nginitian ako. “Congratulations, anak,” sabi niya, puno ng pagmamahal ang boses. “Finally, ito na iyon. Napakaganda mo, at sigurado akong magiging napakaganda rin ng araw na ito para sa inyo ni Ethan. Wag kang kabahan, mag-relax ka lang.” Napangiti ako kay Mommy, kahit nararamdaman kong nangingilid ang luha ko. “Salamat, Mommy. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ko alam kung kakayanin ko ang lahat ng ito.” Pinisil niya ang kamay ko nang mahigpit. “Kayline, karapat-dapat kang maging masaya. Ngayon, huwag mo nang isipin ang iba. Enjoyin mo ang araw na ito.” Tumingin ako sa salamin at inayos ang belo ko. Pinipigilan kong maiyak dahil ayokong masira a
ETHAN POV Ito ang pinakahihintay na araw sa buhay ko, pero sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko maalis ang kabang nararamdaman ko. Rinig na rinig ko ang pintig ng puso ko. Kaninang umaga pa lang paulit-ulit kong tinitingnan ang cellphone ko. Tinawagan ko si Mommy ng maraming beses, pero palagi niyang binababa ang tawag ko. Hindi niya sinasagot kahit ang mga text ko. Huminga ako nang malalim at tumitig sa screen ng phone ko. Nabasa ko ang seen sa huling message ko: “Mommy, 4 PM sa St. Michael’s Church. Hihintayin kita, sana dumating ka.” Parang kinurot ang puso ko. Alam kong nasaktan siya sa mga nakaraang pangyayari, pero hindi ko maitatanggi na umaasa pa rin akong dadalo siya sa pinakamahalagang araw ng buhay ko. Pagdating ko sa simbahan, nauna akong bumaba ng kotse. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang pinagmamasdan ang tahimik na paligid. Madami na ding bisita ang nasa loob ng simbahan. "sir within 10 minutes magsisimula na po tayo" sabi sa akin ng
Kailangan kong protektahan si Kayline, lalo na sa mga banta ni Sofia. Pero alam ko rin na kailangan ko munang harapin ang mommy ko. Alam kong hindi magiging madali ang pag-uusap namin, pero hindi ko na rin kayang tiisin ang pananahimik niya tungkol sa mga ginagawa ni Sofia. Kinabukasan, sa bahay ng mommy ko Pagdating ko sa bahay, tahimik akong sinalubong ng kasambahay. “Sir Ethan, nasa veranda po si ma’am.” “Salamat,” sagot ko, saka ako dumiretso. Sa totoo lang, ayoko na talagang makipag-usap kay mommy tungkol sa gulong ito, pero kailangan kong malaman kung bakit tila siya kampi kay Sofia sa kabila ng lahat. Pagdating ko sa veranda, nakita ko siyang nakaupo habang iniinom ang paborito niyang tea. Napansin niya agad ang presensya ko, pero hindi siya nagsalita. “Mommy,” panimula ko, habang naupo sa harap niya. “Kailangan nating mag-usap.” Hindi siya tumingin sa akin. Patuloy lang siyang umiinom ng tea niya, pero halatang naghihintay siya sa susunod kong sasabihin. “Bakit
ETHAN POV Sigurado ako sa sarili ko. Hindi ako ang ama ng pinagbubuntis ni Sofia. Wala akong ginawa sa kanya noong gabing sinasabi niya. Pero syempre, mahirap ipilit ang katotohanan kung puro kasinungalingan ang binibigay niya. Kaya heto ako, dinala siya sa kaibigan kong doktor para matapos na ang lahat ng drama niya. Pagpasok pa lang namin sa clinic, halatang aligaga si Sofia. Panay ang hawak niya sa tiyan niya na parang gusto niyang magpaniwala agad na totoo ang sinasabi niya. Pati ang mommy ko, nasa tabi niya at mukhang nagdududa rin. “Ethan, ano ba to? Bakit mo pa kailangang dalhin dito? Hindi mo ba ako pinapaniwalaan?” ani Sofia, halatang naiinis. “Sinong maniniwala sayo , alam ko at sigurado akong walang ngyayari satin,” sagot ko nang diretso. “Isa pa gusto ko ng kasiguraduhan. Ayokong basta basta magpadaan sa kalokohan niyo.” Nagulat ako sa biglang pagdating ni Mommy “At ano naman ang gusto mong patunayan?” singit ni mommy, halatang kampi na kay Sofia. “Simple lang,
Hindi pa lumilipas ang ilang minuto nang makita ko siyang dumating sa opisina. Agad niyang napansin si Sofia na nakatayo roon. Tuwang tuwa ang mukha ni Sofia ng makita niya si Ethan, ang ngiti niyang nagpapakita ng kayabangan, na parang may laban siyang napanalunan na ako lang ang hindi nakakaalam. “Hi, Ethan,” bati ni Sofia sa kanya, matamis ang tono ng boses niya. Lumapit siya kay Ethan, pero nakikita kong mayroon siyang intensyon sa bawat galaw niya. Akmang yayakapin niya ito, ngunit agad kong nakita ang pagkakaiba sa reaksyon ni Ethan. Para siyang biglang naging yelo, malamig at puno ng galit. "baby anong ngyayari dito?" tanong ni Ethan sa akin na punong puno ng pagtataka. Tinitignan kong mabuti si Ethan pero nakita kong kahit siya ay naguguluhan sa maaring ginagawa ni Sofia sa loob ng opisina ko. Lumapit si Sofia kay Ethan na ngayon nakatayo sa gilid ko. Nilingkis ni Sofia ang balikat ni Ethan "ano ka ba naman, Ethan hindi mo ako dapat ini-stress. Buntis ako. Nung gabing ma
Hindi mapigilan ni Sofia ang pagbagsak ng mga luha niya. “Please, Kayline. Alam kong ikaw ang mahal niya, pero… pero hindi ko kayang palakihin ang anak namin nang mag-isa. Kailangan ko siya. Kailangan ng bata ng ama at wag mo sanang ipagjait yun!” Sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Tumingin ako kay Sofia, at sa kabila ng galit na nararamdaman ko, nakita ko ang takot sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, galit ba o awa? “At bakit sakin mo sinasabi lahat ng to?” tanong ko, halos wala na akong boses pero nagpapakita pa rin ako ng katatagan. “Bakit hindi mo sabihin kay Ethan mismo? At siya ang hayaan mong magdesisyon! Hindi ko na kapit anong gagawin niya dito. Napayuko siya, hindi ko alam kung panibagong drama na naman nila to ng Mommy ni Ethan. “Sinubukan kong sabihin sa kanya… pero hindi ko kayang makita siyang nagagalit o tinatanggihan ako. Alam kong nasaktan siya sa paghihiwalay niyo dati, pero hindi ko inasahang mangyayari ito. Oo aaminin ko naging har
CURRENT TIME PAGKATAPOS NG PROPOSAL KAYLINE POV Matapos kumalat ang video ng proposal ni Ethan sa akin, hindi ko inasahan ang dami ng atensyon na natanggap namin. Nakakatuwa na madaming mga kakilala at nagtatrabaho para sa akin ang nagbigay ng kanilang mga congratulatory message. Hindi ako makapaniwalang sa lahat ng pinagdaanan namin ni Ethan ay mauuwi din kami sa totoong kasalan, this time walang pilitang ngyari. Sabik na sabik ako sa buhay na naghihintay sa akin kasama si Ethan. Ngunit sa kalagitnaan ng araw, habang abala ako sa trabaho, biglang bumukas ang pinto ng aking opisina. Nagulat ang sekretarya ko at mabilis siyang sumunod para sana pigilan si Sofia na walang pakundangang pumasok. Hindi ko alam kung paano siya nakalusot sa sekretarya ko. “Mam pasensya na po kanina ko pa po siya pinipigilan pero nagpumilit po talaga siya , hindi ko na po naawat nagwala na po kasi siya sa labas. Hinagis niya ang mga papeles na nasa lamesa ko kaya po pinulot ko muna saka ko siya sinundan.