Hindi alam ni Selena kung matatawa ba siya o maiiyak. “Ano pang silbi ng pag-asa? Bakit pa ako aasa kung hindi naman sila pupunta!” “Gusto mo ba talagang pumunta sila? Kung ganun, dapat imbitahan ko sila!” Ngumiti si Fane at kampanteng nagsalita, “Naniniwala ako na pangangalagaan nila ang dignidad ko!” “Hayy naku. Kung magsalita ka akala mo may dignidad ka talaga!” Inirapan siya ni Selena. Pagkatapos ay napansin niya na nakahawak sa hita niya si Fane. Hinawi niya ang kamay ni Fane habang namumula ang kanyang mukha. “Magmaneho ka ng maayos at huwag mong ilagay kung saan-saan ang kamay mo. Puro ka kalokohan!” “Heh. Mukhang nahihiya ka!” Natawa si Fane. “Ilalagay ko ‘to kahit saan kapag matutulog na tayo. Ayos lang ba yun?” Lalong namula ang mga pisngi ni Selena. “Bakit ba nagpapaabala pa ako sayo, manyak ka! Ngayon pareho tayong walang trabaho, at kinalaban mo pa ang Drake family. Sana lang talaga hindi tayo gantihan ni James, gaya ng sinabi mo!” “Huwag kang mag-alala. Ma
”Master, palalampasin na lang ba talaga natin yung nangyari? Ang young master… Ang kanyang…” Lumapit ang isa sa mga fighter at tinanong si James. Kahit na hindi niya masabi na hindi dapat na nangyari sa young master yun, ngunit dinala ni Fane ang asawa niya sa tahanan ng Drake family at binugbog niya si Young Master Drake. Siguradong nakita ng mga dumadaan ang buong pangyayari. Isa itong malaking kahihiyan para sa Drake family. Buti na lang, kaunti lang ang nakakita sa nangyari, ngunit isa itong malaking tagok sa reputasyon ng Drake family. “Hindi na natin ‘to malulusutan. Masyadong malakas si Fane. Imposibleng matalo siya ng isang tao!” Ngayon lamang nagsalita ulit si Elder Gordon pagkatapos niyang pag-isipan ang tungkol dito. Yung totoo, gusto niya sanang sabihin na walang mangyayari kahit na sabay-sabay pa nilang sugurin si Fane. Medyo iniba lang niya ang sinabi niya, alang-alang sa dignidad nila. “Halatang kampante si Fane base sa kung paano siya nagsalita kanina. Sigur
Mapait ang ngiti ni Selena. “Ma, nasabi na sakin ni Fane ang tungkol dito,” ang sabi niya. “Yung totoo, natanggal din ako sa trabaho. HIndi—nagbitiw na ako sa trabaho. Ayaw ko na yung trabaho ko!” “Ano?!” Agad na nanigas ang ngiti sa mukha ni Fiona. “Natanggal sa trabaho si Fane dahil kinalaban niya si Young Master Drake, at ginawa niya yun dahil sa 10 billion,” ang sabi niya. “Naiintindihan ko yun, pero bakit ka nagbitiw? Magkaibang bagay yun.” Nagpalipat-lipat ang tingin ni Selena kay Fane at Fiona. “Wala lang. Ayaw ko na lang talagang gawin yung trabahong yun,” nagsinungaling siya, natatakot siya na baka mag-alala ng husto ang nanay niya sa kanya. “Wala nang halaga yun para sakin. Bukod dun, hindi naman nakikinig sakin yung mga kasamahan ko sa trabaho, at kung anu-ano pa ang sinasabi nila tungkol sakin kapag hindi ako nakatingin!” “Nababaliw ka na, Selena. Wala nang trabaho si Fane ngayon, at ikaw din. Tsaka, napakalaki ng sahod mo!” Umiling si Andrew at uminom siya ng win
Napangiti na lamang si Fane. “Ma, nasaan ba yung kwintas na yun?” ang taong niya kay Fiona. “Bakit hindi ko narinig ang tungkol dito!” “Nasa second floor ng Tamsin Mall—sa pinakamalaking jeweler dun. Talagang napakamahal ng mga alahas na binebenta nila dun,” ang sagot niya. “Mahihiyang pumasok doon ang isang ordinaryong tao. Nasa 100 thousand o higit pa ang halaga ng bawat piraso ng alahas na binebenta nila!” Huminto sandali si Fiona bago siya nagpatuloy sa pagsasalita, “Nakita ko yung advertisement banner nila noong dumaan ako doon. Doon ko nalaman ang tungkol sa kwintas. Galing pa sa Gin City yung jewel nun, at naghahanda na sila para ilagay sa exhibit yun sa loob ng ilang araw. Inaadvertise din yun sa telebisyon! “Walang ordinaryong tao na mangangarap na masuot ang kwintas na yun!” Ngumiti lamang si Andrew. “Ang pinaka pambihirang bagay ang mga pinaka mamahaling bagay sa mundo. Syempre, magiging napakamahal ng kwintas na yun, kung nag-iisa lang yun. Normal lang na umabot sa
”Heh. Nagbibiro ka ba, sir? 900 million ang halaga nito, at gusto mong bilhin ‘to sa halagang 2 billion?” Nainis ang saleswoman sa mga sinabi ni Fane. Lumapit ang isa pang saleswoman nang marinig niya iyon. “Lumabas ka at tingnan mo ng maigi ang advertisement sa labas ng store namin, sir. Nakasulat ba ang 900 million doon? Kung 900 million lang ang halaga ng Heart of the Abyss, dapat ibenta na lang ng lahat ang lahat ng mga ari-arian nila para bilhin yun. Malaki ang kikitain nila pagkatapos nilang mabili yun!” “Hindi 900 million ang halaga nun?” Nakasimangot na lumabas si Fane; nakasunod sa kanya ang dalawang magandang saleswoman. Tiningnan niya ang price tag, binilang niya ang mga ‘0’ na kasunod ng 9. Tahimik niya itong binilang ng dalawang beses, at nagulat siya. “9 billion! Mukhang nagkamali ng bilang ng zero yung mother-in-law ko!” “Bakit hindi mo tingnan ang iba naming merchandise, sir? Halata namang may pambili ka, at marami kaming magagandang mga kwintas dito. Hindi
"Gusto ko 'to, babe! Pwede ko ba 'tong kunin?" Tanong ni Cecilia. "Syempre naman. Isusuot mo 'to sa araw ng kasal natin. Nasa 50 million ang halaga nito, tsaka hindi naman sayang 'to basta't magustuhan mo 'to. Bilhin mo na!" Ngumisi si Kelly. "Oh, napakaganda ng kwintas na 'to. Medyo may kamahalan nga lang. Nasa 100 million ang halaga nito!" Di nagtagal, napako ang tingin ni Cecilia sa isang napakagandang kwintas. Mamahalin ito, mas mamahalin pa ito kumpara sa ibang mga items sa shop. “Hah. Hindi naman yan kamahalan. Wala yun. Mukhang maganda ‘tong kwintas na ‘to. Siguradong ikaw ang pinakamaganda sa araw ng kasal natin kapag suot mo ‘to!” Tumawa si Kelly. Pagkalipas ng ilang oras, nakapili sila ng ilang piraso ng alahas. Umabot sa 300 million ang halaga ng mga pinamili nila. Binayaran nila ang mga alahas, pagkatapos ay napansin nila na wala pang nabili si Fane na kahit ano. Ngumiti si Cecilia. "Anong problema? Nahihiya kang pumili? Natatakot ka ba na baka pagtawan
Nagkapalitan ng tingin ang saleswoman na kaharap niya at ang saleswoman na suminghal kay Fane. Pareho silang huminga ng malalim. "Sir, si-sigurado ka bang 20 billion ang sinabi mo? Nagkakamali ba ako ng dinig?" Napalunok ang saleswoman. Hinala niya na gunuguni niya lang ang lahat. "Hindi ka nagkamali ng dinig. Isang negosyante ang boss niyo. Wala akong pakialam kung gaano kalaki ang jewelry business niyo, pero gustong kumita ng mga negosyante. Alam ko na hindi kayo makakagawa ng desisyon na kasing laki nito. Kaya bakit hindi niyo na lang tawagin ang superior niyo at itanong ang tungkol dito?" Ang sabi ni Fane pagkatapos niyang mag-isip ng maigi. "Sige. Kakausapin ko ang manager namin!" Nagmadaling pumunta sa opisina ang saleswoman ay tinawag ang manager. Ngunit hindi rin makagawa ng desisyon ang manager. Ngumiti siya kay Fane. "Sir, hindi namin dinidisplay ang Heart of Abyss sa labas. Sa halip, tinatago namin yun para mapanatili itong ligtas. Wala sakin ang huling d
"Pasensya na, sir, pero hindi namin binebenta 'to. Hindi ito nalinaw ng manager namin. Pasensya na dahil nasayang namin ang napakahalaga mong oras!" Halatang medyo masama ang loob ng magandang manager sa harap niya, ngunit alam ng manager na hindi maiisip ng isang ordinaryong tao na bilhin ang Heart of the Abyss. Yun ang dahilan kung bakit nakangiti siya kay Fane. "Ma'am, gusto niyang bilhin ang Heart of the Abyss sa halagang 20 billion. Kaya gusto ko sanang itanong sayo ang tungkol dito. Malaking halaga ang inaalok niya. Paano kung maisip ng mga nakakataas na ibenta 'to? Natatakot ako na baka sisihin mo ako kapag napalampas natin ang pagkakataong ito!" Kumurap ang mga mata ni Store Manager Lowe kay Manager Lynch. Nag-aalinlangan siyang nagsalita. “20 billion?” Natural, nagulat si Manager Lynch noong marinig niya ang halaga. Bumuka ang kanyang bibig. Masyadong malaki ang inaalok na halaga ng lalaking ito. Kwintas lang ito. Ganun ba talaga ito kahalaga para gumastos siya
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin