Share

Kabanata 772

Author: Moneto
"Pasensya na, sir, pero hindi namin binebenta 'to. Hindi ito nalinaw ng manager namin. Pasensya na dahil nasayang namin ang napakahalaga mong oras!"

Halatang medyo masama ang loob ng magandang manager sa harap niya, ngunit alam ng manager na hindi maiisip ng isang ordinaryong tao na bilhin ang Heart of the Abyss. Yun ang dahilan kung bakit nakangiti siya kay Fane.

"Ma'am, gusto niyang bilhin ang Heart of the Abyss sa halagang 20 billion. Kaya gusto ko sanang itanong sayo ang tungkol dito. Malaking halaga ang inaalok niya. Paano kung maisip ng mga nakakataas na ibenta 'to? Natatakot ako na baka sisihin mo ako kapag napalampas natin ang pagkakataong ito!"

Kumurap ang mga mata ni Store Manager Lowe kay Manager Lynch. Nag-aalinlangan siyang nagsalita.

“20 billion?”

Natural, nagulat si Manager Lynch noong marinig niya ang halaga. Bumuka ang kanyang bibig. Masyadong malaki ang inaalok na halaga ng lalaking ito.

Kwintas lang ito. Ganun ba talaga ito kahalaga para gumastos siya
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 773

    Pagod na si Fane para ipagpatuloy pa ang pakikipag negosasyon sa kanila. Patindi ng patindi ang pag-aalinlangan sa mukha ng matanda, ibig sabihin lamang nito na hindi isang ordinaryong alahas ang ‘Heart of the Abyss’. Tsaka, para kay Fane, maliit na halaga lang ang 50 billion. “Si...Sigurado ka ba? 50 billion?” Halatang natuwa ang boss sa ganun kalaking halaga. “Hehe, boss, mukha ba akong nagbibiro?” Natawa si Fane. “Pumapayag na ako!” “Nagpapasalamat kami sa pagpili mo sa aming ‘Heart of the Abyss’. Bilang kinatawan ng Cathysia Juwel, bibigyan kita ng 20 million dollar worth na mga alahas na maaari mong piliin!” Ang masayang sinabi ng boss. “Wow! Ayos yan! Kailangan ko ding bumili ng mga diamond ring at mga hikaw!” Gumaan ang pakiramdam ni Fane, masaya siyang tumawa. “Glad to be doing business with you!” “Ako rin!” Tinapos na ng boss ang video call sa kanyang mobile phone. Tuwang-tuwa siya sa mga customer na gaya ni Fane—galante at mabait. Ngayon lang siya naka

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 774

    Subalit, aminado si Fane na maganda at kaakit-akit ang manager sa harap niya, anuman ang ugali o hubog ng katawan niya. Higit na mas kaakit-akit ang mga mata niya. Kung isang ordinaryong lalaki si Fane, baka nahulog na siya sa patibong niya. Kinuha niya ang kahon at ngumiti siya, “Sa tingin ko hindi mo na kailangang gawin yan. Hindi naman malayo ang bahay namin mula dito. Kung kailangan kong bumili ng alahas, pwede akong dumaan dito at magtingin!” Makikita ang pagkadismaya sa mga mata ni Manager Lynch; nalungkot siya sa mga sinabi ni Fane. Bigla siyang may naisip na hindi maganda at pagkatapos ay nagkunwari siya na natapilok siya at nahulog siya sa mga bisig ni Fane. “Ah!” Ang agad na naging reaksyon ni Fane ay ang pigilan na bumagsak si Manager Lynch at alalayan siya na tumayo. “Ayos ka lang ba?” “Pasensya na, pasensya na talaga! Masyadong mataas ang heels na ‘to at hindi ito komportable sa paa. Muntik na akong madapa dahil sa mga ‘to!” Namula ang mukha ni Manager Lynch, at

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 775

    ”Hindi nga? Seryoso ka? Pwede rin kaming pumunta?” Muntik nang mapatalon sa sobrang tuwa si Store Manager Lowe dahil sa imbitasyon ni Fane. Ang makapunta sa birthday party ng isang napakayamang tao ang pinaka pinapangarap ng isang taong gaya niya! Tsaka, siguradong hindi mga ordinaryong tao ang dadalo sa party. Malamang mataas ang katayuan nila sa Middle Province. “Syempre naman! Basta pumunta kayo kahit wala kayong dala at sabihin niyo sa mga guwardiya na inimbitahan ko kayo!” Pagkatapos niyang pag-isipan ang tungkol dito, muling ngumiti si Fane at umalis siya sa shop. “Teka lang. Parang may mali. Hindi ba adopted son-in-law lang siya? Pwede bang magkaroon ng ganun karaming pera ang isang son-in-law?” Pagkalabas ni Fane sa pinto, si Store Manager Lowe, na sa wakas ay huminahon na, ay may naisip at biglang napasigaw. “Masyadong low profile ang taong yun. 50 billion para sa isang kwintas? Grabe talaga! Kaya pala nangako siya na bibigyan niya ng birthday party na yayanig sa buo

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 776

    "Anong pinagsasasabi mo, Ma? Nararapat lang kay Young Master Drake na mabugbog. At saka, nangyari na ang nangyari. Sa tingin ko, walang ginawang mali si Fane. Tinulungan niya akong ibuhos ang galit ko––kaya binugbog niya si Young Master Drake!" Sobrang nagalit si Selena nang marinig niya ang sinabi ng nanay niya. Sininghalan niya si Fiona. "Hindi ko rin ginustong mangyari yun sa'yo, Selena. Pero nagmula siya sa Drake family. Parang pinirmahan mo na rin ang death certificate mo kapag ginalog mo sila!" Talagang nag-aalala si Fiona. "Anong nangyayari, Ma?" Lumabas sina Ben at Andrew, nakakunot ang kanilang noo sa pag-aalala. Bumuntong hininga si Fiona at tinitigan nang masama si Fane. "Narinig ko na binugbog ng lalaking to ang young master ng Drake family," paliwanag niya kay Ben. "Hindi ba nakakainis? Narinig ko na nasa ospital pa rin si Young Master Drake at hindi pa sigurado ang kanyang kalagayan!" "Hala. Hindi ba masyado kang nagpapadalos-dalos, Fane? Naiintindihan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 777

    Tinitigan niya si Fane. "Sige. Mali ang paratang ko sa'yo kanina," sabi niya. "Akala ko binugbog mo ang young master dahil sa nangyari sa trabaho ninyo ni Selena. May katanggap-tanggap ka naman palang dahilan para bugbugin sila kung ganun ang nangyari!" "Ma, paano mo pala to nalaman?" Tanong ni Selena kay Fiona pagkatapos niya itong pag-isipan. "Oh, narinig ko lang sa ilang ka nagchichismisan tungkol dito nung lumabas ako para mag-shopping. Sobra akong natakot na kaagad akong umuwi!" Tinapik ni Fiona ang dibdib niya pero kinakabahan pa rin siya habang iniisip niya ito. "Pero paano kung gantihan tayo nang palihim ng Drake family, imbis na lantaran? Mas mahirap pigilan yun. Sa tingin ko talaga dapat manatili muna tayo sa bahay at wag lumabas!" "Hindi pwede, Ma. Kakabukas pa lang ng cybercafé ko. Kailangan kong siguraduhin na maayos ang takbo ng lahat sa ilang araw na to, lalo na at marami kaming customer!" Nakangiting sabi ni Ben,"May tiwala ako sa mga sinabi ni Fane. Ku

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 778

    "Sabihan mo ang lahat na ititigil muna natin ang trabaho sa ngayon! Titignan natin kung anong magiging sitwasyon pagkatapos ng dalawang araw. Sa isang iglap, nanumbalik ang sigla ni Lee. Maganda kung papatayin ng Drake family si Fane. Wala na siyang gagawin kung ganoon. "Magaling. Napakagaling. Haha!" Nasasabik rin si Ken. Tumawa siya nang malakas habang lumitaw siya sa harapan nina Ivan, Neil, at Xena bago umupo. "Anong nangyayari, Young Master Clark? Parang sabik na sabik ka!" Ngumiti si Ivan. Gumaling na siya sa mga sugat niya at pwede na siyang bumalik sa mansyon ng Taylor family. Inisip niya rin na ipakilala si Xena sa kanyang pamilya sa susunod na ilang araw. Nang maisip niya ang mga ekspresyon sa mukha nina Ben at ng iba pa ay napuno siya ng tuwa. "Naghanap na naman ng gulo si Fane. Hah! Hindi talaga siya tumitigil sa paglalaro ng apoy." Simula noong umapak si Young Master Clark sa coffee shop ay hindi siya tumigil sa pagngisi. "Sa tingin ko hindi na natin

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 779

    Medyo nag-aalala siya. Paano kung malala ang pagkabugbog kay Young Master Drake at sobrang nagalit ang kanyang ama? Malaking problema ito kung babawian nila sina Ivan at ang iba pa. Isa tong maliit na posibilidad, pero hindi ito pwedeng ipagpawalang-bahala. Maliban roon, hindi naging madali para sa kanya na maging nobya ni Ivan. Hindi naman patas kung madadamay siya rito at mapapatay kagaya ng iba. Hindi man lang siya mabibigyan ng pagkakataon na sulitin ang kanyang buhay sa maikling panahon! Hindi niya ito hahayaang mangyari. "Tumawag ang Drake family para ipaalam sa'min na opisyal na kaming tinanggal sa Southern Hills development project. At hindi nila kami bibigyan ng kahit magkanong kompensasyon sa pagbuwag sa kontrata!" Mapait na ngumiti si Ivan. "Galit na galit ang lolo ko ngayon. Nagtawag siya ng meeting para sa lahat ng miyembro ng pamilya." Habang nagsalita siya ay biglang sumigla ang kanyang mga mata. "Pumunta pala tayo. Ngayon na ang pagkakataon. Sumama ka sa'kin

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 780

    "Anong problema? Anong problema! Syempre, gumawa na naman ng gulo yang bugnuting mong asawa!" Sa sandaling ito, pumasok si Ivan kasama ni Xena nang may mapangutyang ngiti sa kanyang mga labi. "Ivan, bakit mo siya dinala rito? Hindi ba siya ang girlfriend ni Ben?" Hindi mapigilang kumunot ang noo ni Theodore nang makita niya ang anak niyang pumasok kasama ni Xena. Tusong ngumiti si Ivan. Sinadya niyang tingnan si Ben bago nagsalita, "Heh. Oo, si Xena ang girlfriend ni Ben. Pero wala siyang kwenta. Nasa dalawampung taon na siya pero wala pa rin siyang alam gawin. Syempre, mas gugustuhin ni Xena ang isang lalaking may narating na!" Ngumiti siya sa lahat at pinakilala siya, "Kayong lahat, siya di Xena Jackson, at siya ang girlfriend ko. Itinadhana kami sa isa't-isa." Nangiwi ang ekspresyon ni Ben at namula ang kanyang mga mata kahit alam na niyang napakasamang tao ni Xena. Ang isang babaeng kagaya niya ay hindi nararapat para sa pagmamahal niya, pero matagal niya siyang

Pinakabagong kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status