Huminto si Xena at bumuntong hininga bago siya nagpatuloy na magsalita, "Hay, napakabayolente talaga ni Fane. Pinatay niya ang mga taong yun dahil lang sa pera. Anong mangyayari sa'tin kung may magawa tayong mali sa kanya sa hinaharap? Ganoon din kaya…" hindi na nagpatuloy si Xena pero malinaw sa iba ang ibig sabihin nito. Nagkatinginan sina Fiona at Ben at kinilabutan silang dalawa. Totoo na pumatay nga si Fane ng tao para sa pera at sumobra na siya. Kung sinaktan siya ng mga ito, dapat turuan lang niya sila ng leksyon. Ngunit, kung alam lang nila ang tunay na sitwasyon na may tumutok ng baril kay Fane ay hindi sila mag-iisip ng ganito. "Totoo na mainitin ang ulo ni Fane, sinaktan niya rin si Young Master Clark nang walang paliwanag! Buti na lang walang sinabi si Young Master Clark dahil natatakot siya na mawala ang kanyang dangal pag sinabi niya sa pamilya niya ang tungkol doon!" Kumunot ang noo ni Ben at humithit ng sigarilyo. "Kailangang kontrolin ni Fane ang galit niya. Lalo
Nang marinig ito nina Andrew at Fiona ay nanginig sila sa takot. Hindi nila inaasahan na ganito siya mag-isip. "Kuya, wag mong gawin to. Si Fane ang habol ninyo. Wala siyang kinalaman sa'min, isa lang siyang stay-in son-in-law. Ayaw na ayaw ko sa kanya. Hehe, palayain mo na kami. Inosente kami!" Pakiusap ni Fiona habang tumatawa. "Anong lugar to?" Lumingon sa paligid si Xena at pakiramdam niya ay masyadong malaki ang lugar. Wala siyang ideya kung anong pamilya ito, pero tignan na mas mayaman ito kaysa sa Taylor family. "Siya ang master ng George family!" Singhal ng isa sa mga servant. "Dahil nahuli kayo, wag na kayong mag-isip na makakalabas kayo rito." "George family! Ang first-class aristocratic family!" Nabigla si Xena at wala siyang masabi. Bakit ginalit ni Fane ang George family? Ang malas niya talaga. Kung alam niya lang na mangyayari ito, sana nakipaghiwalay na lang siya kay Ben. Ang orihinal niyang plano ay makakilala pa ng mayayaman na tao gamit ni Ben. Hindi lang sa
"Tigilan niyo na ang drama ninyo. Ang sabi ko, walang makakaligtas sa inyong lahat!" Malagim na ngumiti si Mr. George at nagsabing, "Saan nagtatrabaho sina Fane at Selena? Sabihin niyo na, o papatayin ko kayong lahat ngayon rin!" Natakot si Fiona, pero nang maisip niya ang sarili niyang anak ay nagawa niyang magsalita, "Mr. George, pakawalan mo na kami. Hindi namin alam na pinainom ni Fane ang anak mo ng isang kakaibang gamot. Ginawa niya yun nang hindi namin alam. Inosente kami." "Sabihin niyo sa'kin ngayon. Saan sila nagtatrabaho?" Mukhang nawawalan na ng pasensya si Mr. George. Hinila niya ang kwelyo ni Fiona at galit na nagtanong. "Bitawan mo ang asawa ko!" Kaagad na sumugod si Andrew.Bang! Sa kasamaang palad, sinipa siya ni Mr. George at natumba siya. Lumapit rin ang mga bodyguard at pinalibutan siya. "Sabihin niyo sa'kin!" Tinitigan nang masama ni Mr. George si Fiona. "Kung hindi niyo sasabihin sa'kin, papatayin ko kayong lahat ngayon!" Sa sandaling iyon ay takot na
Parehong nakahinga ng maluwag sila Fiona at Andrew noong marinig nila na hindi nakidnap ang anak nila. Pero, masama pa rin ang loob nila, dahil alam nila na hindi nila matatakasan ang mga mangyayari. Kasalanan 'tong lahat ni Fane. Hindi na bale kung hindi niya gusto si Sharon; kaso binigyan niya pa ng pampurga si Sharon at sinabi niya na pampapayat yun. Hanggang ngayon nagtatae pa rin yung kawawang babae na yun. "Aalis na ako, Sir." Nagbigay galang muna si Luca bago siya nagmadaling umalis. Alam niya na isang bodyguard si Fane at alam niya na mahusay si Fane sa pakikipaglaban, kaya humanap siya ng ilang tauhan na mahusay din sa pakikipaglaban at isinama ang mga ito. Doon lamang siya umalis at nagtungo sa tahanan ng Drake family. Napabuntong-hininga si Joan. Inasahan na niya ang lahat ng ginawa nila Fiona at ng iba pa. Subalit, hindi na siya nagsalita pa alang-alang sa kanyang anak. Alam niyang wala rin siyang magagawa, kahit na ipaliwanag pa niya ang lahat para sa anak ni
"Pumayat ako?" Agad na nagningning ang mga mata ni Sharon. "Bilis! Ikuha niyo 'ko ng timbangan. Sinabi ni Fane na mababawasan ng 15 kilos ang timbang ko sa loob ng isang araw. Gusto kong malaman ang timbang ko para malaman ko kung tumalab ba talaga yung gamot!" ang sabi ni Sharon. "Oh my goodness, huwag mong sabihin na makikita ko na agad ang resulta!" Nakaramdam ng matinding saya si Sharon. Kung talagang nabawasan ang timbang niya, siguradong matutuwa siya ng husto. Di nagtagal, dumating ang dalawang bodyguard dala ang isang napakalaking timbangan. Agad na tumuntong sa timbangan si Sharon. "Kakatimbang ko lang sa sarili ko nung isang araw," sabi niya. "106 kilos ang timbang ko noon. Malay niyo kung nabawasan talaga ang timbang ko!" Pagkatapos niyang sabihin yun, napansin niya ang mga numero sa timbangan. "Oh my goodness! 101.5 kilos na lang ang timbang ko ngayon!" agad siyang nagsisigaw sa tuwa. "Nabawasan ng 4.5 kilos ang timbang ko sa loob lang ng ilang sandali. Napakasaya
"Pumayat siya! Pumayat talaga siya!" Tuwang-tuwa din si Mrs. George. Isa itong himala. "Titimbangin ko ulit ang sarili ko!" Hindi na mapigilan ni Sharon ang sayang nararamdaman niya. Agad siyang tumuntong sa unang timbangan. Huminga siya ng malalim noong tinimbang niya ang kanyang sarili. "My goodness, 97.5 kilos na lang ang timbang ko ngayon. Hindi ako makapaniwala! Nabawasan nanaman ng 4 kilos ang timbang ko. Nabawasan pa rin ako ng 4 na kilo kahit na may sira ang timbangan na ito!""Siguro nga pumayat ka talaga!" Mukhang natuwa ng husto si Mr. George. Inobserbahan niya ang kanyang anak, napansin niya na maliban sa basang-basa ng pawis ang anak niya, tila masiglang-masigla siya. Kaya naman, mukhang walang kahit anong komplikasyon sa ngayon. Masayang tumuntong sa isa pang timbangan si Sharon at inobserbahan niya ang mga numero, at pagkatapos nito ay nagtatalon siya sa sobrang tuwa. "Mom, Dad, tingnan niyo 'to, dali. Pareho ang timbang ko! 97.5 kilos na lang ako. Ang galin
Napasimangot si Fane noong makita niya sila Kyle. "Sir. Huwag mong sabihin na gusto mo nanaman akong hamunin." "Hehe. Hindi 'no. Mas malakas ka sakin. Mas marami akong dapat gawin kaysa sa hamunin ka sa laban na alam ko namang matatalo lang ako." Tumawa si Kyle at lumapit siya kay Fane para iabot ang isang sigarilyo. "Easy ka lang, Brother Fane. Napag-isipan na namin 'tong maigi. Mula ngayon, ikaw na ang kuya ng mga bodyguard ng Drake family. At bilang kuya namin, makikinig kaming lahat sayo!" Hindi tinanggap ni Fane ang sigarilyo; sa halip ay nilabas niya ang White-Sand cigarette niya. "Itong brand lang na 'to ang ginagamit ko," ang sabi niya habang nakangiti. "Hindi ako sanay sa mga mamahaling sigarilyo!" Nailang si Kyle noong tinanggihan ni Fane ang sigarilyo. Napahiya siya bilang squad leader. Subalit, hindi niya inasahan ang pagpapaliwanag ni Fane. Agad na naglaho ang pagkailang nila dahil dito. Ngumiti siya at sinubo na lamang ang sigarilyo. "Heh. Kakaiba ka talaga, B
"Napakayabang mo! Akala mo naman isa kang god of war." Napairap si Yvonne sa mga sinabi ni Fane. Maniniwala siya kung katumbas ng isang daang tao ang isang bodyguard ng Drake family, pero sobra na ang maging 'katumbas ng isang libong tao'. "Tara na. Tanghali na. Mas maaga, mas maganda kung pipili tayo ng mga gambling rock. Kung hindi natin aagahan, baka makuha ng isang tao na magaling pumili ang lahat ng magagandang bato!" Ang nakangiting sinabi ni Tanya. Nagulat si Yvonne sa sinabi ni Tanya. "Oh? Mukhang may alam ka kahit konti tungkol sa mga gambling rock, Tanya." Pinuri ni Yvonne si Tanya. Umirap lamang si Tanya. "Natutunan ko lang lahat yun sayo, okay? Baliw na baliw ka sa mga gambling rock na yun, lagi mo akong dinadala sa Gemstone Street. Maraming beses na akong nakapunta dun, kaya syempre may alam na ako tungkol dun!" Nagkwentuhan ang dalawa habang naglalakad sila papunta sa gitna ng courtyard sa labas ng mansyon. "Oo nga pala. May alam ka ba tungkol dito, Fane?" Tin