"Napakayabang mo! Akala mo naman isa kang god of war." Napairap si Yvonne sa mga sinabi ni Fane. Maniniwala siya kung katumbas ng isang daang tao ang isang bodyguard ng Drake family, pero sobra na ang maging 'katumbas ng isang libong tao'. "Tara na. Tanghali na. Mas maaga, mas maganda kung pipili tayo ng mga gambling rock. Kung hindi natin aagahan, baka makuha ng isang tao na magaling pumili ang lahat ng magagandang bato!" Ang nakangiting sinabi ni Tanya. Nagulat si Yvonne sa sinabi ni Tanya. "Oh? Mukhang may alam ka kahit konti tungkol sa mga gambling rock, Tanya." Pinuri ni Yvonne si Tanya. Umirap lamang si Tanya. "Natutunan ko lang lahat yun sayo, okay? Baliw na baliw ka sa mga gambling rock na yun, lagi mo akong dinadala sa Gemstone Street. Maraming beses na akong nakapunta dun, kaya syempre may alam na ako tungkol dun!" Nagkwentuhan ang dalawa habang naglalakad sila papunta sa gitna ng courtyard sa labas ng mansyon. "Oo nga pala. May alam ka ba tungkol dito, Fane?" Tin
"Huwag kang mag-alala, sanay na ako. Hindi niya ako mapapansin!" Ngumiti ang bodyguard na nagmamaneho ng kotse at sinabing, "Hindi ka ba nagtataka kung bakit inutusan tayo ni Young Master Hugo at Young Master Clark na sundan si Fane at tingnan ang mga lugar na pinupuntahan niya? At kung may binibili ba siyang mamahaling bagay?" Sumagot ang bodyguard na katabi niya, "Sa tingin ko ito ang dahilan. Ang dinig ko nangako si Fane na magbibigay siya ng regalo na may halagang 10 million para sa ika-70 na kaarawan ng Old Master ng mga Taylor, sa harap mismo ng buong Taylor family! Napakalaking halaga ng 10 million, at kahit mga aristocrat napapasimangot sa ganun kalaking halaga.""Ah. Kung ganun, gusto ng dalawang Young Master na alamin natin kung ano ang bibilhin ng bwisit na yun. Tama ba?" Ang hula ng bodyguard na nagmamaneho ng kotse. "Gusto nilang alamin natin kung makakabili ba talaga ng regalo yung bwisit na yun, at nanakawin natin yun sa kanya kung talagang may pera siya para bumi
"Kung ako sayo, hindi na ako mag-aalala pa. May tiwala ako sa kakayahan ni Fane!" Nakangiting sumagot si Tanya. Hindi na niya pinansin pa ang matabang, si Michael Wilson, at sa halip ay sinuri na lamang ang mga batong nakalatag sa harap niya. Nagningning ang mga mata niya noong makapili siya ng bato. "Hmm. Mukhang maganda ang batong 'to," ang sabi ni Tanya. "Malaki at kwadrado ito, at may bakas ng jadeite sa labas nito. Hindi na masama!" "Magaling ka pumili, iha. Talagang malaki ang potensyal ng isang ito. At tingnan mo ang kulay nito—ito ang susi. Napakalinaw at makintab ang pagka-berde nito. Sa katunayan, nagdadalawang-isip din akong ibenta ito. Gusto ko rin sana itong subukan. Kaso, medyo kapos ako sa pera nitong mga nakaraan, kaya hindi ako nangangahas na sumugal!"Natawa ang matandang lalaki at inunat ang lima niyang daliri. "Hindi na 'to kailangang timbangin. Bibigyan na lang kita ng estimated na halaga nito. Baka malugi ako ng sobra kapag tinimbang pa natin 'to. 500 thousand
Sa madaling salita, hindi natuwa si Michael sa mga sinabi ni Fane. "Hmph. Kung hindi ka naniniwala, ikaw na mismo ang tumingin sa oras na mabuksan 'to! Pero payo ko sayo, iuwi mo muna yan bago mo yan buksan. Hindi ka gaanong mapapahiya kapag ginawa mo yun!" Tumawa si Fane. "Kalokohan. Sundalo ka lang. Ano bang alam mo tungkol dito? Nangahas lang akong sumugal sa batong 'to pagkatapos ko 'tong suriing maigi. Dalawang metro ang layo mo mula dito, hindi mo 'to nakikita ng malapitan. Paano mo malalaman na ordinaryong bato lang 'to?"Tumawa si Michael. "Sa tingin ko galit ka lang talaga sa mayayaman. Sinasabi mo yan kasi gusto mong mapahiya ako!" "Tama yun. Kakaiba talaga ang mga tao ngayon. Sinusumpa nila ang iba dahil lang mas marami silang pera!" "Tama. Paano naman siya magkakaroon ng kaalaman tungkol dito? Magkaiba ang mundo nila. Paanong mas marami ang alam niya kaysa sa young master ng isang mayamang pamilya?" Nagsimulang magbulung-bulungan ang ilan sa mga nanonood at pinat
"Young Master Wilson, mukhang nasayang lang ang 400 thousand mo sa pagkakataong ito." Noong mapansin ni Yvonne na naglaho ang lahat ng kulay mula sa mukha ni Michael, agad siyang napahalakhak ng malakas. Hindi siya tagahanga ni Michael Wilson. Hindi katanggap-tanggap ang lebel ng pagkahumaling ni Michael sa mga babae. Nangyari noon na ilang ulit tinitigan ni Michael ang mga hita ni Yvonne habang naglalakad siya. May nangyari pa nga na sinadya ni Michael na dumaan sa likuran ni Yvonne at nagpanggap siya na nawalan siya ng balanse para lang mahawakan niya ang puwet ni Yvonne. Tumatak sa isipan ni Yvonne ang mga pangyayaring iyon kaya ramdam niya ang matinding galit noong mga sandaling iyon. Kung hindi miyembro ng Drake family si Yvonne o kung hindi siya pinsan ni Tanya, baka may gawin pang mas imoral si Michael sa kanya! Kaya tuwang-tuwa siya nang makita niyang naloko si Michael. Ang pinakamahalaga dun, ay nahulaan ito ng tama ni Fane, na isang baguhan sa mga gambling rock. I
"Paano mo nasabi na walang magandang klase sa mga batong 'to? Hindi mo nga tiningnan ng maigi ang mga 'to! Tsaka, baguhan ka lang, kaya anong alam mo?" Sinermonan ng matandang may-ari ng tindahan ng mga gambling rock si Fane. Sa sobrang galit niya gusto niyang sakalin si Fane. Nandito ba 'tong taong 'to para sirain ang negosyo at reputasyon niya? "Manahimik ka na lang kung wala kang alam sa mga gambling rock!" Inirapan ni Yvonne si Fane at umupo para pumili ng bato niya. Pagkalipas ng ilang sandali, dinampot niya ang isang bato. "Ito," ang sabi niya. "Hindi na masama ang batong 'to!" Nagsalubong ang mga kilay ni Michael. Hindi siya kampante sa larong ito dahil alam niya na mas maraming karanasan si Yvonne kaysa sa kanya pagdating sa mga gambling rock, pero naniniwala siya na mas gumaling siya sa pagpili ng mga bato kaysa noon. Ilang ulit na pinag-isipan ni Michael ang ilang mga bato at di kalaunan ay nakapili na rin siya. "Itong batong 'to!" Tahimik na tiningnan ni Fane ang
Naramdaman ni Yvonne na bumilis ang tibok ng kanyang puso habang pinapanood niya na binubuksan ng apprentice ang bato ni Michael. Nagdasal siya na sana mas pangit ang gambling rock na napili Michael kaysa sa napili niya. Kung ordinaryong bato lang ang napili ni Michael o kahit na may laman itong kaunting jade, may pag-asa pa ring manalo sa pustahan si Yvonne. Sa wakas, nabuksan na ang bato at lumabas na mas mataas ang kalidad nito kaysa sa napili ni Yvonne, kahit na maliit lang ang halaga nito na aabot lang sa 20 hanggang 30 libong dolyar. Agad na humalakhak si Michael. "Please patawarin mo 'ko, Ms. Yvonne. Mukhang panalo ako sa pagkakataong 'to!" Tumawa si Michael at nagpatuloy siya sa pagsasalita, "Magbayad ka na! 300 thousand!" "Hmph! Nanalo ka lang kasi swinerte ka!" Suminghal si Yvonne bago siya nagbayad ng pera sa boss. Subalit, dahil natalo si Yvonne, tumingin siya ng masama sa may-ari ng tindahan at nagreklamo, "Tama si Fane. Walang magandang bato sa tindahan mo!"
Gayunpaman, naglakad si Fane papunta sa isang tindahan at nagtingin-tingin. "Huwag kang mag-alala, Ms. Yvonne. Kikita ka ng masmaraming pera, hindi ka malulugi. Kapag nalugi ka, babayaran kita!" "Kung yan ang gusto mo, sige! Iisipin ko na lang na nanghihiram ka ng pera sakin ngayon. Ako muna ang magbabayad para sayo." Hinawakan ni Yvonne ang kamay ni Tanya habang palapit sila kay Fane ng may ngiti sa kanyang mukha. "Kung ganun, kukunin ko ang batong 'to," Nagsalita si Fane at itinuro niya ang isang malaking bato. Kwadrado ang batong ito, at aabot sa 15 kilograms ang timbang nito base sa laki nito. Subalit, nasa ilalim ng puwetan ng may-ari ng tindahan ang malaking kwadradong bato na ito. Ginagamit itong bangko ng may-ari ng tindahan. "Ano? G-Gusto mo ang batong 'to?" Ang may-ari ay isang babaeng medyo may edad na. Napako siya sa kinauupuan niya sa loob ng ilang sandali bago siya tumayo sa kanyang upuan. Nakaramdam siya ng matinding saya dahil sa mga sinabi ni Fane. Isang
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin