Parehong nakahinga ng maluwag sila Fiona at Andrew noong marinig nila na hindi nakidnap ang anak nila. Pero, masama pa rin ang loob nila, dahil alam nila na hindi nila matatakasan ang mga mangyayari. Kasalanan 'tong lahat ni Fane. Hindi na bale kung hindi niya gusto si Sharon; kaso binigyan niya pa ng pampurga si Sharon at sinabi niya na pampapayat yun. Hanggang ngayon nagtatae pa rin yung kawawang babae na yun. "Aalis na ako, Sir." Nagbigay galang muna si Luca bago siya nagmadaling umalis. Alam niya na isang bodyguard si Fane at alam niya na mahusay si Fane sa pakikipaglaban, kaya humanap siya ng ilang tauhan na mahusay din sa pakikipaglaban at isinama ang mga ito. Doon lamang siya umalis at nagtungo sa tahanan ng Drake family. Napabuntong-hininga si Joan. Inasahan na niya ang lahat ng ginawa nila Fiona at ng iba pa. Subalit, hindi na siya nagsalita pa alang-alang sa kanyang anak. Alam niyang wala rin siyang magagawa, kahit na ipaliwanag pa niya ang lahat para sa anak ni
"Pumayat ako?" Agad na nagningning ang mga mata ni Sharon. "Bilis! Ikuha niyo 'ko ng timbangan. Sinabi ni Fane na mababawasan ng 15 kilos ang timbang ko sa loob ng isang araw. Gusto kong malaman ang timbang ko para malaman ko kung tumalab ba talaga yung gamot!" ang sabi ni Sharon. "Oh my goodness, huwag mong sabihin na makikita ko na agad ang resulta!" Nakaramdam ng matinding saya si Sharon. Kung talagang nabawasan ang timbang niya, siguradong matutuwa siya ng husto. Di nagtagal, dumating ang dalawang bodyguard dala ang isang napakalaking timbangan. Agad na tumuntong sa timbangan si Sharon. "Kakatimbang ko lang sa sarili ko nung isang araw," sabi niya. "106 kilos ang timbang ko noon. Malay niyo kung nabawasan talaga ang timbang ko!" Pagkatapos niyang sabihin yun, napansin niya ang mga numero sa timbangan. "Oh my goodness! 101.5 kilos na lang ang timbang ko ngayon!" agad siyang nagsisigaw sa tuwa. "Nabawasan ng 4.5 kilos ang timbang ko sa loob lang ng ilang sandali. Napakasaya
"Pumayat siya! Pumayat talaga siya!" Tuwang-tuwa din si Mrs. George. Isa itong himala. "Titimbangin ko ulit ang sarili ko!" Hindi na mapigilan ni Sharon ang sayang nararamdaman niya. Agad siyang tumuntong sa unang timbangan. Huminga siya ng malalim noong tinimbang niya ang kanyang sarili. "My goodness, 97.5 kilos na lang ang timbang ko ngayon. Hindi ako makapaniwala! Nabawasan nanaman ng 4 kilos ang timbang ko. Nabawasan pa rin ako ng 4 na kilo kahit na may sira ang timbangan na ito!""Siguro nga pumayat ka talaga!" Mukhang natuwa ng husto si Mr. George. Inobserbahan niya ang kanyang anak, napansin niya na maliban sa basang-basa ng pawis ang anak niya, tila masiglang-masigla siya. Kaya naman, mukhang walang kahit anong komplikasyon sa ngayon. Masayang tumuntong sa isa pang timbangan si Sharon at inobserbahan niya ang mga numero, at pagkatapos nito ay nagtatalon siya sa sobrang tuwa. "Mom, Dad, tingnan niyo 'to, dali. Pareho ang timbang ko! 97.5 kilos na lang ako. Ang galin
Napasimangot si Fane noong makita niya sila Kyle. "Sir. Huwag mong sabihin na gusto mo nanaman akong hamunin." "Hehe. Hindi 'no. Mas malakas ka sakin. Mas marami akong dapat gawin kaysa sa hamunin ka sa laban na alam ko namang matatalo lang ako." Tumawa si Kyle at lumapit siya kay Fane para iabot ang isang sigarilyo. "Easy ka lang, Brother Fane. Napag-isipan na namin 'tong maigi. Mula ngayon, ikaw na ang kuya ng mga bodyguard ng Drake family. At bilang kuya namin, makikinig kaming lahat sayo!" Hindi tinanggap ni Fane ang sigarilyo; sa halip ay nilabas niya ang White-Sand cigarette niya. "Itong brand lang na 'to ang ginagamit ko," ang sabi niya habang nakangiti. "Hindi ako sanay sa mga mamahaling sigarilyo!" Nailang si Kyle noong tinanggihan ni Fane ang sigarilyo. Napahiya siya bilang squad leader. Subalit, hindi niya inasahan ang pagpapaliwanag ni Fane. Agad na naglaho ang pagkailang nila dahil dito. Ngumiti siya at sinubo na lamang ang sigarilyo. "Heh. Kakaiba ka talaga, B
"Napakayabang mo! Akala mo naman isa kang god of war." Napairap si Yvonne sa mga sinabi ni Fane. Maniniwala siya kung katumbas ng isang daang tao ang isang bodyguard ng Drake family, pero sobra na ang maging 'katumbas ng isang libong tao'. "Tara na. Tanghali na. Mas maaga, mas maganda kung pipili tayo ng mga gambling rock. Kung hindi natin aagahan, baka makuha ng isang tao na magaling pumili ang lahat ng magagandang bato!" Ang nakangiting sinabi ni Tanya. Nagulat si Yvonne sa sinabi ni Tanya. "Oh? Mukhang may alam ka kahit konti tungkol sa mga gambling rock, Tanya." Pinuri ni Yvonne si Tanya. Umirap lamang si Tanya. "Natutunan ko lang lahat yun sayo, okay? Baliw na baliw ka sa mga gambling rock na yun, lagi mo akong dinadala sa Gemstone Street. Maraming beses na akong nakapunta dun, kaya syempre may alam na ako tungkol dun!" Nagkwentuhan ang dalawa habang naglalakad sila papunta sa gitna ng courtyard sa labas ng mansyon. "Oo nga pala. May alam ka ba tungkol dito, Fane?" Tin
"Huwag kang mag-alala, sanay na ako. Hindi niya ako mapapansin!" Ngumiti ang bodyguard na nagmamaneho ng kotse at sinabing, "Hindi ka ba nagtataka kung bakit inutusan tayo ni Young Master Hugo at Young Master Clark na sundan si Fane at tingnan ang mga lugar na pinupuntahan niya? At kung may binibili ba siyang mamahaling bagay?" Sumagot ang bodyguard na katabi niya, "Sa tingin ko ito ang dahilan. Ang dinig ko nangako si Fane na magbibigay siya ng regalo na may halagang 10 million para sa ika-70 na kaarawan ng Old Master ng mga Taylor, sa harap mismo ng buong Taylor family! Napakalaking halaga ng 10 million, at kahit mga aristocrat napapasimangot sa ganun kalaking halaga.""Ah. Kung ganun, gusto ng dalawang Young Master na alamin natin kung ano ang bibilhin ng bwisit na yun. Tama ba?" Ang hula ng bodyguard na nagmamaneho ng kotse. "Gusto nilang alamin natin kung makakabili ba talaga ng regalo yung bwisit na yun, at nanakawin natin yun sa kanya kung talagang may pera siya para bumi
"Kung ako sayo, hindi na ako mag-aalala pa. May tiwala ako sa kakayahan ni Fane!" Nakangiting sumagot si Tanya. Hindi na niya pinansin pa ang matabang, si Michael Wilson, at sa halip ay sinuri na lamang ang mga batong nakalatag sa harap niya. Nagningning ang mga mata niya noong makapili siya ng bato. "Hmm. Mukhang maganda ang batong 'to," ang sabi ni Tanya. "Malaki at kwadrado ito, at may bakas ng jadeite sa labas nito. Hindi na masama!" "Magaling ka pumili, iha. Talagang malaki ang potensyal ng isang ito. At tingnan mo ang kulay nito—ito ang susi. Napakalinaw at makintab ang pagka-berde nito. Sa katunayan, nagdadalawang-isip din akong ibenta ito. Gusto ko rin sana itong subukan. Kaso, medyo kapos ako sa pera nitong mga nakaraan, kaya hindi ako nangangahas na sumugal!"Natawa ang matandang lalaki at inunat ang lima niyang daliri. "Hindi na 'to kailangang timbangin. Bibigyan na lang kita ng estimated na halaga nito. Baka malugi ako ng sobra kapag tinimbang pa natin 'to. 500 thousand
Sa madaling salita, hindi natuwa si Michael sa mga sinabi ni Fane. "Hmph. Kung hindi ka naniniwala, ikaw na mismo ang tumingin sa oras na mabuksan 'to! Pero payo ko sayo, iuwi mo muna yan bago mo yan buksan. Hindi ka gaanong mapapahiya kapag ginawa mo yun!" Tumawa si Fane. "Kalokohan. Sundalo ka lang. Ano bang alam mo tungkol dito? Nangahas lang akong sumugal sa batong 'to pagkatapos ko 'tong suriing maigi. Dalawang metro ang layo mo mula dito, hindi mo 'to nakikita ng malapitan. Paano mo malalaman na ordinaryong bato lang 'to?"Tumawa si Michael. "Sa tingin ko galit ka lang talaga sa mayayaman. Sinasabi mo yan kasi gusto mong mapahiya ako!" "Tama yun. Kakaiba talaga ang mga tao ngayon. Sinusumpa nila ang iba dahil lang mas marami silang pera!" "Tama. Paano naman siya magkakaroon ng kaalaman tungkol dito? Magkaiba ang mundo nila. Paanong mas marami ang alam niya kaysa sa young master ng isang mayamang pamilya?" Nagsimulang magbulung-bulungan ang ilan sa mga nanonood at pinat