Hindi niya alam kung sino iyon, ngunit hindi nila dapat binuksan ang kanyang pinto nang ganoon kabastos. Kung hinihigop niya ang mga alaala sa kalagitnaan, maaaring nawalan siya ng kontrol dahil sa kaguluhan!"Ikaw ba yun?! Ikaw siguro yun!" Tinuro ni Gilbert si Fane, namumula ang kanyang mga mata.Napatingin si Fane kay Gilbert ng kakaiba, hindi niya alam kung ano ang pinagsasabi ng lalaking iyon.Isang malamig na tawa ang pinakawalan ni Gilbert, "Huwag mong isipin na hindi ko alam ang ginagawa mo!"Pakiramdam ni Fane, parang nabaliw si Gilbert. Hindi man lang siya lumabas ng kwarto niya, kaya anong magagawa niya? Ang kakaibang paratang na iyon, sa ibabaw ng walang pakundangan na pagpasok ni Gilbert, ay naging sanhi ng tuluyang pagdilim ng mukha ni Fane.Ang Soul Swords ay namuo sa kanyang kamay. Napagpasyahan na ni Fane na turuan ng maayos si Gilbert ng leksyon, kahit na labag ito sa mga patakaran!Si Gilbert ay tila nasa hindi maiwasang galit. Nanginginig ang buong katawan niy
”Aray ko!” napasigaw si Gilbert sa sakit, napabaluktot ang kanyang katawan.Natawa si Fane habang lumalabas ng pinto. Sa sandaling iyon nakabaluktot na si Gilbert na parang isang bola. Ito ay pagkatapos pang maghinay-hinay ni Fane. Kung ginamit pa ni Fane ang apatnapung porsyento ng kanyang lakas kanina, namatay na siguro si Gilbert.Higit sa lahat, maaaring mahusay si Gilbert sa alchemy, ngunit siguradong hindi man lang niya matatalo si Nash sa isang laban.Sumigaw si Gilbert sa sakit. Gumulon siya habang sinusubukan niyang bumangon. Nang marinig ni John ang kaguluhan, kaagad siyang pumunta dito. Nagulat si John nang makita niyang gumugulong si Gilbert sa sahig. Pagkatapos nito, dalian niyang tinulungan si Gilbert na tumayo.Tinitigan ni John si Fane na nakatayo nang diretso. Sinadya ni Gilbert na ilagay si Fane sa isang liblib na lugar noon. Talagang isa lamang itong sirang kubo tulad ng inaasahan ni Fane.Dahil dito, nasaksihan ni John na mabugbog si Gilbert sa ganitong kalagay
Tulalang tumingin si Fane kay Gilbert habang nakatitig sa kanya si Gilbert nang may poot. Kahit sa kabila ng lahat ng nangyari, hindi pa rin maintindihan ni Fane kung anong sinasabi o ginagawa ni Gilbert.Bakit biglang pumasok si Gilbert para sigawan siya? Bakit masyado siyang pinagbibintangan ni GIlbert? Sa sandaling iyon, natatawa na lamang si Fane sa mga pagbabanta ni Gilbert. Huminga nang malalim si Gilbert bago tumalikod para titigan nang masama si Damien. “Huwag mo akong guluhin dito, asikasuhin mo na muna ang nangyayari doon!”Namutla si Damien. Naglaho na ang pagkailang niya sa pagtataboy sa kanya kanina. Lumingon siya at tumingin kay Fane bago tumingin pabalik kay Gilbert.Tumango si Damien, “Gagawin ko na ito agad, pero… tiningnan ko na ito kanina. Tama talaga ito.”Nanigas ang mukha ni Gilbert, gusto niya pa ring magsalita, ngunit kinain na lang niya ang mga salita niya.Tumango na lamang siya, “Alam ko, pero hindi natin pwedeng basta na lang ito balewalain!”Nang sa
”Pumasok ka sa kwarto ko nang walang paliwanag. Sinubukan mo akong atakihin, pero masyado kang mahina. Ngayon, hindi mo ako matalo pero pinagbibintangan mo pa rin ako nang ganito. Hindi ko talaga alam kung paanong naging ganito kakapal ang mukha mo.”Kumirot ang bibig ni John sa pagiging diretso ni Fane. Tiningnan niya si Gilbert sa tabi niya. Nanginginig ang katawan ni Gilbert sa sobrang galit. Mukhang wala siyang ibang gustong gawin bukod sa sumugod at kagatin si Fane.Tumawa si Fane nang ipagpatuloy niya, “Hindi ko alam kung bakit nakatayo ka pa rin diyan. Anong gusto mong sabihin? Tingin mo ba matatalo mo ako sa isang debate? Kaya mo man lang ba akong talunin sa laban?”Kaagad na nag-iba ang kulay ng mukha ni Gilbert. Para siyang sasabog sa sobrang galit niya kay Fane. Sa katotohanan, tama talaga si Fane. Hindi niya matalo si Fane, at hindi man lang niya matalo si Fane sa salita.Walang magagawa ang pagtayo niya doon bukod sa pagpapahiya sa kanyang sarili. Huminga siya nang mal
Ngunit ayos lang kahit hindi siya makilala. Kailangan lamang makilala ng tagapagsilbi ang suot ni Fane para matukoy kung sino si Fane. Sinuri ng tagapagsilbi si Fane bago sabihin, “Ikaw ba ang… eleventh student?”Medyo nabigla si Fane sa bagong pangalan. Ang eleventh student? Pagkatapos dumaan ng mga salitang iyon sa kanyang isip, bigla niyang naunawaan.Sinabi dati ni Chandler kay Fane na siya ang ikalabing-isang estudyante ng Heavenly Pills. Ang mga tagapagsilbing walang katayuan ay natural na tatawagin siya nang ganito.Tumango si Fane. Pagkatapos matukoy ng tagapagsilbi ang pagkatao ni Fane, hindi na ito masyadong nabahala sa tao sa harap nito. Tinikom nito ang bibig nito, dahil narinig nito noon na hindi magkasundo ang bagong estudyante at ang ikalawang estudyante, ngunit estudyante pa rin si Fane kahit anong mangyari. Sila ay mga hamak na tagapagsilbi lamang. Kapag ginalit nila si Fane dahil sa mga hindi magagandang salita, pwede silang mapalayas anumang oras kapag inireklam
Sa hindi inaasahan, interesado lamang si Fane sa mga alchemy room. Mukhang hindi napansin ni Fane si Raphael para bang hindi siya nakikita nito.Sumama ang mukha ni Raphael at inilapag niya ang tela sa lamesa. Lumapit siya nang nakasimangot at sinabi, “Ikaw siguro ang eleventh student.”Nahimasmasan si Fane sa sinabi ni Fane. Umubo si Fane at tumango. Tinitigan ni Raphael si Fane nang halatang naiinis.“Ako ang senior mo, ang fifth senior mo. Ang pangalan ko ay Raphael. Kahit na ito ang una nating pagkikita, ipapaalala ko sa’yo. Dapat may respeto ang mga estudyante sa isa’t isa dito. Kahit na kapwa estudyante kita, ako pa rin ang senior mo.”Gustong ipaalam ni Raphael na nabastos siya ni Fane. Kahit paano ay dapat binati siya ni Fane bago pumasok at nakipag-usap.Walang pakialam dito si Fane. Para bang walang kwenta si Raphael sa paningin ni Fane. Nagalit nang kaunti si Raphael dito, at natural na naiintindihan ni Fane ang kahulugan ng mga salitang iyon.Suminghal na lamang siya.
Kumirot ang kanyang labi nang titigan niya si Fane. Suminghal si Fane, inaasahan na niyang mangyayari ang ganito.Walang gana si Fane na makipaglaro kay Raphael sa sandaling ito. “Alam mo ba kung saan ako makakakuha ng mga sangkap para sa sixth-grade pill? Gusto kong subukang gumawa nito,” inulit ni Fane.Sa pagkakataong ito, malinaw ang pagkakasabi ni Fane, para bang mahalaga ang bawat salita. Ito ay upang masigurong naiintindihan ni Raphael ang kanyang pakiusap. Natural na naunawaan ito ni Raphael, at lalong tumindi ang pagkagulat sa kanyang mga mata.Kumirot nang matagal ang kanyang labi bago niya sabihin nang naiinis, “Sabihin mo, nakainom ka ba?”Walang masabi si Raphael. Hindi niya alam kung anong sinasabi ng bata sa harapan niya. Isang fifth-grade alchemist nagbabalak na gumawa ng sixth-grade pill bago pa matutunan ang Way of the Pill?Basta na lang ito sinabi ng batang ito. Nagtaka si Raphael kung may sakit ba sa utak si Fane.Suminghal si Fane. Alam niyang ang mga sagot
Subalit, ang Fane na ito na nasa harapan niya ay siguradong hindi man lang alam kung gaano karami ba ang mga pill aura rune, o kung paano ito iguhit, lalo na kung paano makarating sa limampung porsyento. Higit sa lahat, hindi pa nagkakaroon ng pagkakataon si Fane na pag-aralan ang Way of the Pill noon.Tumingin si Fane kay Raphael. “Mayroong kabuuang isang milyong pill aura rune. Ang bawat isang rune ay pwedeng ipatong sa ibang mga rune para makabuo ng kakaibang epekto.”Sa isip ni Fane ay karaniwang kaalaman lamang ito. Ang mga ito ay basta na lang pumapasok sa kanyang isipan. Ngunit mukhang kalokohan ang tingin ni Raphael sa sinasabi niya at tumawa nang malakas.Masyadong malakas ang tawang ito na para bang nakarinig siya ng nakakatawang biro. Kumunot ang noo ni Fane, hindi nagsasalita.Tinuro ni Raphael si Fane. “Fane, nakakatawa ka talaga. Siguro naman hindi mo inaakalang maniniwala ako kapag basta ka na lang nagbanggit ng kalokohan?“Kahit na hindi mo pa natututunan ang Way o
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin