Tumigil si Raphael mula sa pagtawa pang muli. Umubo siya ng mahina at hinimas ang kanyang ilong. “Bahala na nga kayo. Hindi ko na lang papansinin ang sinabi mo ngayong araw na to. Mabuti pang alagaan mo ng mas maayos ang sarili mo. Kung meron kang oras para tumambay dito, bakit hindi ka na lang kumuha pa ng maraming gawain para makalikom ng mas maraming merit points? Kapag meron ka nang dalawang daang merit points, pwede mo nang simulan pag-aralan ang Way of the Pill.” Napabuntong hininga na lang si Fane, habang sawa na sa mga nangyaring kalokohan nung araw na iyon. Matapos ang mahabang oras, sinabi niya, “Raphael, hindi mo ba naintindihan ang sinabi niya kanina? Gusto mo bang ulitin ko pa para sayo?”Dumilim ang mukha ni Raphael dahil sa mga salitang iyon. Sumimangot si Raphael at tinitigan ang lalaking may matigas na ulo na may nakakairitang ekspresyon. “Ano naman ikaw? Hindi mo naunawaan ang sinabi ko kanina? O nagtatanga-tangahan ka lang?” Pagkatapos nun, kumislap ang kanyan
Wala naman talagang naramdaman si Fane matapos siyang hamakin nito ng ganun. Lalo na, hindi naman alam ni Raphael ang kanyang kakayahan. Mukhang nawili na si Raphael sa paghamak kay Fane. Magtatanong na sana si fane kung pwede na siyang pumasok, pero hindi binigyan ng pagkakataon ni Raphael si Fane na makapagsalita. Nagpatuloy siya sa paghamak, “Marahil ay hindi ka pa nakakakita ng isang pill rune. Simula noong nakapasok ako sa Heavenly Pills, wala pa akong nakita na nakakuha ng isang gold plate maliban sa aming eldest student.“Mukhang sa tingin mo ay ikaw ang magiging pangalawang tao na makakakuha ng gold plate.”Kung pwede lang, sinampal na sana ni fane ang lalaking ito ng dalawang beses. Ang lalaking ito ay sobra na kung makapagsalita na para bang alam na nito ang lahat. Lumingon si Fane at tiningnan si Raphael ng may seryosong ekspresyon. “Kaya kong makakuha ng gold plate, kaya papasok na ako ngayon sa loob. Kapag nakagawa ako ng dalawang daang pill runes, ang pill aura room
"Nababaliw ka na ba talaga? Hindi mo pa natututunan ang Way of the Pill. Paano ka makakagawa ng mga pill aura rune? Alam mo man lang ba kung anong itsura nito?" Hindi na naman siya pinansin ni Fane. Hindi man lang lumingon si Fane nang isara niya ang pinto sa likuran niya. Biglang dumilim ang kanyang paligid. Walang kahit isang liwanag sa paligid niya. Bukod sa amoy ng mga pill, walang ibang nagtutukoy kung nasaan siya. Habang nakaharap sa dilim, hindi kinabahan si Fane. Wala namang panganib sa paligid niya, kaya natural na hindi siya mag-aalala. Paglakad niya patungo sa kung saan pinakamakapal ang amoy, sinabi niya, "Siguro aabutin ito ng apat na oras!" Binigyan ni Fane ang kanyang sarili ng apat na oras. Kailangan niyang pagsamahin ang kanyang isip at katawan sa apat na oras na iyon. Kumilos ang kanyang kamay habang umiikot ang mga liwanag sa kanyang daliri. Ang mga gintong liwanag ay parang buhok sa nipis. Habang gumagalaw ang daliri ni Fane, gumalaw sa ere ang liwanag nit
Higit sa lahat, ang kanyang katawan ay nahihirapan pang sumabay sa kanyang alaala. Kailangan niya pang magsanay para tuluyang masanay dito. Huminga siya nang malalim nang burahin niya ang lahat ng pill rune na kanyang nabuo. Pagkatapos ay biglang narinig ang boses ni Raphael mula sa labas, "Fane! Sapat na ba ang oras mo doon sa loob? Tapos na ang oras. Alam mo na ba kung anong lebel mo? "Pwede ka na bang lumabas? Ang pinakamatagal na oras ng pamamalagi ng isang tao sa pill aura room ay apat na oras. Kapag nanatili ka pa sa loob, makukuha mo ang oras ng lahat." Tumaas ang kilay ni Fane sa galak. Malaking surpresa sa kanya ang patakarang ito. Ang lahat ay pwedeng magsanay sa pill aura room sa loob ng apat na oras bawat araw. Basta magsanay siya araw-araw, gagaling na siya nang husto sa loob ng ilang araw! Nang maisip niya ito, tumawa siya nang marahan pagtalikod niya at binuksan ang pinto patungo sa pill room. Kaagad niyang nakita si Raphael na nakatingin sa kanya nang nakataas
”Huling beses ko nang sasabihin sa’yo ‘to, tigilan mo na ang panggugulo sa’kin kung wala kang kailangan dito. Kung hindi, mas malala pa yung gagawin ko sa’yo kaysa sa pambubugbog ko sa’yo kanina.”Sumiklab ang galit niya dahil sa mga sinabi ni Fane. Dahilan upang sumabog si Gilbert.Bigla siyang naglakad palapit kay Fabe at galit na galit siyang sumigaw, “Fane! Huwag kang masyadong mayabang. Kahit na hindi kita kayang talunin sa labanan, kaya pa rin kitang idispatya!”Tinikom ni Fane ang kanyang mga labi at sinabi niya ng walang anumang emosyon na, “Sige lang kung kaya mo, pero binabalaan kita. Hindi ito ang unang pagkakataon na narinig ko ‘yan sa mga kalaban ko. Pero sa huli, sila ang nagkakaroon ng malagim na katapusan.”Pagkatapos niyang sabihin iyon, nagpasya si Fane na tigilan na ang pag-aaksaya niya ng oras. Tumalikod siya at mabilis na umalis, at iniwan niya silang dalawa.Galit na galit si Gilbert kay Fane. Nanginginig ang buong katawan niya. Nakatitig ang mga mata niya sa
Iyon ang pinakamababang pamantayan. Walang nakakaalam kung ano ang magiging huling presyo ng mga ninth-grade spirit crystal, kung ito ba ay magkakahalaga ng siyamnapung milyon o hindi. Kailangang maging handa si Fane hangga't maaari. Alam ni Nash na lahat ng ginagawa ni Fane ay paghahanda sa pagpasok sa Wild Gorge Pass.Kumunot ang noo niya at sinabing, "Hindi lang mahirap pumasok sa lugar na iyon, delikado rin ito. Kailangan ba talaga nating kunin ang susi?"Walang pag-aalinlangan na tumango si Fane. "Kailangan. Ang Scarlet Case ay isang bagay na pinag-aagawan ng mga elder na ‘yun. Kahit na maayos ang lagay ko sa Hestia Continent, hindi ito ang huling destinasyon ko. Isa lang itong napakababang starting point. Kailangan nating patuloy tumingin sa itaas, at hindi tayo dapat makuntento sa kung anong mayroon tayo ngayon. Hindi tayo maaaring sumuko sa anumang pagkakataon upang patuloy tayong umangat.“Ang Scarlet Case at kung ano ang nasa loob nito. Gusto ko itong makuha. Binabagabag d
Hindi siya sinagot ni Fane, at sa halip ay mahinahong binuksan ni Fane ang pinto papasok sa pill aura room. Hindi na nakapagpigil pa si Raphael pagkatapos niyang tingnan ang kanyang mga kilos. Hindi niya napigilang sumugod kay Fane.Inabot niya ang kamay niya, hinila pabalik si Fane, at sinabing, "Fane, nabalitaan ko na wala ka pang nakuhang merit point simula nang pumasok ka sa Heavenly Pills. Tama ba iyon?"Huminga ng malalim si Fane. Gustong-gusto niyang sampalin si Raphael nang mga sandaling iyon, pero kung gagawin niya iyon, magdudulot talaga ito ng eksena. Sa halip, pinipigilan niya ang kanyang inis at galit habang taimtim na tumango.Siyempre, wala siyang pakialam sa alinman sa mga merit point na iyon. Para kay Fane, ang mga puntong iyon ay talagang walang kahulugan. Ang Vermillion Fire Pill ay isang napakahalagang kayamanan sa lahat ng mga taong nandito, ngunit mayroon na si Fane ng Divine Void Pill. Ang Vermillion Fire Pill ay isang bagay na walang silbi kay Fane. Isa itong
Hindi lumingon si Fane, at sumagot lang, "Pwede ka nang magtanong ngayon."Kung titingnan ang ugali ni Fane, medyo nalungkot si Raphael. Gayunpaman, alam niya na ang taong ito ay isang taong hindi man lang nag-abala kay Gilbert, pabayaan ang kanyang sarili.Kaya naman, pinigilan niya ang galit sa kanyang puso, at nagtanong, "Nabalitaan mo na ba ang nangyari kay Gilbert? Napakalaking kaguluhan ito nitong mga nakaraang araw. Lahat sila ay nagsasabi na may kinalaman ito sa iyo..."Bago pa matapos si Raphael ay pinutol na siya ni Fane, "Wala akong alam tungkol kay Gilbert. Simula nang pumasok ako sa Heavenly Pills, wala akong ginawa."Bukod sa kung kailan sinubukan ni Gilbert na guluhin ako ilang araw na ang nakakaraan, wala akong ibang ginawa. Kahit sino pa ang magsabi na may kinalaman ito sa akin, huwag kang maniwala sa kanila. Wala talaga akong ginawa."Pagkasabi nun ay sinara agad ni Fane ang pinto. Habang hawak pa rin ang tsaa, hindi na napigilan ni Raphael ang galit niya. "Yung