Mukhang para siyang nakarinig ng isang biro. Kalmado siyang tiningnan ni Harvey na para bang titigil rin kaagad ang pagtawa nito. Makalipas ang isang sandali, nagsalita na si Raphael habang tumatawa, “Nababaliw ka na ba talaga? Tingin mo ba talaga iisipin kong makakagawa ka ng two hundred pill runes sa loob ng ilang araw na nagpunta ka dito? Ngayon gusto mong tulungan kitang kumuha ng mga sangkap para sa mga sixth-grade pills?“Masyado ka naman atang mangmang? Nakakaawa ang kamangmangan mo. Hindi ko na alam ang sasabihin ko sa’yo!”Tumaas ang ikaly ni Fane nang ilabas niya ang isang ginintuang plaka mula sa Mustard Seed at iwinawagayway ito sa harapan ni Raphael.Mukhang tumigil ang utak ni Raphael nang makita niya ang gintong plaka. Kahit ang ngiti niya y huminto. Matagal bago siya muling makakibo.Nanlaki ang mata niya at halos malaglag na ito, “Ano ito?” malakas niyang sigaw.Tinikom ni Fane ang kanyang bibig sa inis. Kung hindi dahil sa kailangan niyang hintayin si Raphael na
”Ngayon, nakuha ko na ang gantimpalang ito. Pwede mong kunin ang gold plate kapalit ng tatlong tumpok ng mga sangkap para sa sixth-grade pill.”Nanginig ang kamay ni Raphael. Marami pa siyang gustong itanong, ngunit tinanggap niya pa rin ang gintong plaka. Natagalan siya bago sabihing, “Maghintay ka dito, kukunin ko para sa’yo.”Pagkatapos niya itong sabihin, tumalikod siya habang hawak ang gintong plaka. Ipapalit na sana niya ito ngunit paghakbang niya, pinigilan siya ni Fane.Narinig niya ang seryosong boses ni Fane, “Umaasa akong hindi mo sasabihin kahit kanino ang tungkol sa akin. Sa kahit anong paraan, kaya kitang patayin sa isang iglap.“Wala akong ibang gustong ipagawa sa’yo. Kailangan mo lang manahimik. Sana maintindihan mo ang tinutukoy ko.”Nanigas ang buong katawan ni Raphael. Gusto niyang ikalat ang impormasyong ito, ngunit napigilan ng salita ni Fane ang posibilidad na ito.Naintindihan niyang si Fane ay hindi isang taong pwede niyang galitin nang basta. Kapag talaga
”Higit pa rito, alam mo kung anong kalseng lugar ang Middle Province Alchemist Alliance. Kahit na mahusay ka, hindi naman maganda ang ugali mo. kapag nagpunta ka doon, siguradong mapapahiya ang Heavenly Pills dahil sa’yo!”Nainis nang sobra si Gilbert sa mga salitang iyon. Kanina, si Gilbert ay parang isang manok na nakalabas ang kuko, pero sa mga salitang iyon, naging isa siyang tigre na handang umatake. Lumapit siya at gustong hawakan sa leeg ang taong ito, pero ang ibang estudyante ay kaagad na kumilos, sumugod paharap para paglayuin ang dalawa.Napakagulo ng eksenang ito, at walang makatukoy kung sino ang mga tao dito.Nang matingnan ang eksena, kumirot ang labi ni Fane. Lumingon siya kay Raphael na nakasimangot.“Talaga bang maglalaban sila…?”Tumaas ang kilay ni Fane kay Raphael nang marinig niya ito. Mukhang matagal nang may galit ang dalawang iyon sa isa’t isa. Sa sandaling iyon, namumula na ang mga mata nila habang pinaglalayo sila ng mga estudyante.Habang nakatingin
Napaigkas si Raphael sa biglang pagbulong ni Fane sa kanya. Pagkatapos niyang huminga nang malalim, lumingon siya at seryosong sinabi, “Tama. Narinig ko na hindi talaga mapayapa doon. Mukhang may nangyaring masama. At kung ano man ito, wala akong alam.”“Ngunit parang nagkulang sila sa mga alchemist dahil sa nangyari doon. Kaya, sinusubukan ng Middle Province Alchemist Alliance na kumuha ng panibagong pangkat ng mga estudyante hanggat maaga para dumami sila.”Nang marinig ito, natulala si Fane, bigla siyang naging interesado sa bagay na ito. Higit sa lahat, ang lahat ng ginagawa niya ay para makuha ang alok na makuha ang pagsusulit sa Middle Province Alchemist Alliance.Maaaring ang Heavenly Pills ay isang magandang lugar para sa mga karaniwang estudyante, ngunit masyado itong maliit para sa isang tulad ni Fane. Nang maisip ito, kaagad na nagdesisyon si Fane. Kahit ang mukha niya ay nagbago.Si Raphael, na kanina pang nakatingin kay Fane, ay nagulat nang mapansin niya ang pagbabago
Tumawa ang vice-treasurer. “Nakakahiya. Nag-away talaga kayo sa harap ng mga kapwa niyo estudyante. Tingin niyo ba ikagaganda ng imahe niyo ‘yan? Hindi niyo ba kayang hayaan na ang kakayahan niyo ang magsalita? Para saan ang lahat ng ito?!”Mukhang may patama ang mga salitang ito. Pagkatapos magsalita ng treasurer, tinitigan niya si Gilbert. Nararamdaman ni Gilbert ang nanlilisik na titig nito at nanikip ang kanyang lalamunan.Parang gustong matawa ni Fane nang makita niya ang kalagayan ni Gilbert. Mukhang ang tapang ni Gilbert at kung umasta siya ay parang siya ang pinakamalakas sa Heavenly Pills. Ngunit kapag talagang mayroong importanteng tao, nanliliit siya nang sobra.Talagang hindi mahalaga si Gilbert.Natalo na ni Fane si Gilbert noon at ang bait na niya para magpakita ng awa. Dapat pala pinakita na lang ni Fane kay Gilbert noon kung sino ang hindi niya dapat binabangga.Siguro nakaramdam si Gilbert na may nakatitig sa kanya nang matagal at pagtingin niya sa taas, nakita ni
”Lahat kayo ay pwedeng lumahok. Ang unang makakabuo ng 300 pill runes ang ipapadala sa Middle Province Alchemist Alliance.”Lahat ng mga estudyante ay nagulantang sa sinabi ng vice-treasurer, tinitigan ang lalaki nang nagdududa. Isang maliit na estudyante ang huminga nang malalim bago magtapang. “Vice-treasurer, hindi man lang namin alam kung anong itsura ng Way of the Pill. Paano kami makakabuo ng tatlong daang pill runes? Sa labing-isang estudyante, ang pinakamatanda lamang ang nakakita ng Way of the Vermillion Fire—”Ngunit pinigilan siya bago pa siya matapos. “Talagang wala kang utak. Tingin mo ba totoo ang lahat ng nakikita mo ay totoo?”Nabigla ang estudyante sa mga salitang iyon. Tumitig siya paharap nang nagtataka, at tumingin sa vice-treasurer bago tumingin sa ibang mga estudyante.Suminghal si Fane at kaagad na naunawaan ang ibig-sabihin ng vice-treasurer. Bigla niyang naalala kung paano niya nakilala si Gilbert sa unang pagkakataong pumasok siya ng pill aura room.May
Biglang humarap nang seryoso ang estudyante kay Gilbert. “Gilbert, totoo ba ang sinasabi ni Andrew? Hindi talaga para sa kapakanan ko ang mga sinabi mo sa akin! Ang lahat ng ito ay para lang makuha mo ang lahat ng magagandang gawain!”Nagdilim ang mukha ni Gilbert sa mga pagbibintang na ito. Nagmadali siyang lumingon palayo, sinusubukang sagipin ang sitwasyon, ngunit nagkusa si Andrew. “Kaya sinabi ko nang maaaring sapat ang husay mo para maging estudyante ng Middle Province Alchemist Alliance, pero kakatawan ka pa rin sa Heavenly Pills.“Masyado kang tuso, at walang hiya. Kapag gumawa ka nang ganitong bagay sa Middle Province Alchemist Alliance, diba mapapahiya ang buong Heavenly Pills dahil sa’yo?!”Sa mga salitang iyon, tinitigan ni Andrew ang vice-treasurer. Nabigla ang vice-treasurer at bigla itong napatingin kay Gilbert.Natakot nang sobra si Gilbert. Nag-isip siya sandali bago siya umiling. “Vice-treasurer, makinig ka sa akin. Hindi ka dapat maniwala sa taong ito at sa mga s
Nanlaki ang mga mata ni Fane. Ang bumigla sa kanya ay ang katotohanan na walang laman ang loob ng pill aura room; isa lang itong kwarto na walang laman. Noon, nabalot na ng kadiliman ang lahat, ngunit sa mga oras na ito, naglaho ang kadiliman at wala itong iniwan na kahit na ano.Mabuti na lang, malaki ang espasyo. Kahit na pinapasok silang lahat doon sa loob ng vice-treasurer, hindi man lang sumikip ang lugar. Lahat sila ay nakatayo sa loob ng pill aura room, at ang matapang na amoy ng pill aura ay kaagad na pumasok sa kanilang mga ilong, na bumalot sa kanilang lahat. Nagtaas ng kilay si Fane sa kanyang pagtataka. Nagtataka siya kung bakit ang lugar ay nababalot sa kadiliman kung wala naman itong laman. Pakiramdam niya ay may tinatago silang kung ano. Sa simula, wala naman naramdaman si Fane tungkol dito dahil hindi pa naman niya ito lubos na nauunawaan para mapansin ang kahit na anong kakaiba. Pagkatapos itong tingnan, nagkaroon si Fane ng pagdududa. Ayun nga lang, hindi ni
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin