Napaigkas si Raphael sa biglang pagbulong ni Fane sa kanya. Pagkatapos niyang huminga nang malalim, lumingon siya at seryosong sinabi, “Tama. Narinig ko na hindi talaga mapayapa doon. Mukhang may nangyaring masama. At kung ano man ito, wala akong alam.”“Ngunit parang nagkulang sila sa mga alchemist dahil sa nangyari doon. Kaya, sinusubukan ng Middle Province Alchemist Alliance na kumuha ng panibagong pangkat ng mga estudyante hanggat maaga para dumami sila.”Nang marinig ito, natulala si Fane, bigla siyang naging interesado sa bagay na ito. Higit sa lahat, ang lahat ng ginagawa niya ay para makuha ang alok na makuha ang pagsusulit sa Middle Province Alchemist Alliance.Maaaring ang Heavenly Pills ay isang magandang lugar para sa mga karaniwang estudyante, ngunit masyado itong maliit para sa isang tulad ni Fane. Nang maisip ito, kaagad na nagdesisyon si Fane. Kahit ang mukha niya ay nagbago.Si Raphael, na kanina pang nakatingin kay Fane, ay nagulat nang mapansin niya ang pagbabago
Tumawa ang vice-treasurer. “Nakakahiya. Nag-away talaga kayo sa harap ng mga kapwa niyo estudyante. Tingin niyo ba ikagaganda ng imahe niyo ‘yan? Hindi niyo ba kayang hayaan na ang kakayahan niyo ang magsalita? Para saan ang lahat ng ito?!”Mukhang may patama ang mga salitang ito. Pagkatapos magsalita ng treasurer, tinitigan niya si Gilbert. Nararamdaman ni Gilbert ang nanlilisik na titig nito at nanikip ang kanyang lalamunan.Parang gustong matawa ni Fane nang makita niya ang kalagayan ni Gilbert. Mukhang ang tapang ni Gilbert at kung umasta siya ay parang siya ang pinakamalakas sa Heavenly Pills. Ngunit kapag talagang mayroong importanteng tao, nanliliit siya nang sobra.Talagang hindi mahalaga si Gilbert.Natalo na ni Fane si Gilbert noon at ang bait na niya para magpakita ng awa. Dapat pala pinakita na lang ni Fane kay Gilbert noon kung sino ang hindi niya dapat binabangga.Siguro nakaramdam si Gilbert na may nakatitig sa kanya nang matagal at pagtingin niya sa taas, nakita ni
”Lahat kayo ay pwedeng lumahok. Ang unang makakabuo ng 300 pill runes ang ipapadala sa Middle Province Alchemist Alliance.”Lahat ng mga estudyante ay nagulantang sa sinabi ng vice-treasurer, tinitigan ang lalaki nang nagdududa. Isang maliit na estudyante ang huminga nang malalim bago magtapang. “Vice-treasurer, hindi man lang namin alam kung anong itsura ng Way of the Pill. Paano kami makakabuo ng tatlong daang pill runes? Sa labing-isang estudyante, ang pinakamatanda lamang ang nakakita ng Way of the Vermillion Fire—”Ngunit pinigilan siya bago pa siya matapos. “Talagang wala kang utak. Tingin mo ba totoo ang lahat ng nakikita mo ay totoo?”Nabigla ang estudyante sa mga salitang iyon. Tumitig siya paharap nang nagtataka, at tumingin sa vice-treasurer bago tumingin sa ibang mga estudyante.Suminghal si Fane at kaagad na naunawaan ang ibig-sabihin ng vice-treasurer. Bigla niyang naalala kung paano niya nakilala si Gilbert sa unang pagkakataong pumasok siya ng pill aura room.May
Biglang humarap nang seryoso ang estudyante kay Gilbert. “Gilbert, totoo ba ang sinasabi ni Andrew? Hindi talaga para sa kapakanan ko ang mga sinabi mo sa akin! Ang lahat ng ito ay para lang makuha mo ang lahat ng magagandang gawain!”Nagdilim ang mukha ni Gilbert sa mga pagbibintang na ito. Nagmadali siyang lumingon palayo, sinusubukang sagipin ang sitwasyon, ngunit nagkusa si Andrew. “Kaya sinabi ko nang maaaring sapat ang husay mo para maging estudyante ng Middle Province Alchemist Alliance, pero kakatawan ka pa rin sa Heavenly Pills.“Masyado kang tuso, at walang hiya. Kapag gumawa ka nang ganitong bagay sa Middle Province Alchemist Alliance, diba mapapahiya ang buong Heavenly Pills dahil sa’yo?!”Sa mga salitang iyon, tinitigan ni Andrew ang vice-treasurer. Nabigla ang vice-treasurer at bigla itong napatingin kay Gilbert.Natakot nang sobra si Gilbert. Nag-isip siya sandali bago siya umiling. “Vice-treasurer, makinig ka sa akin. Hindi ka dapat maniwala sa taong ito at sa mga s
Nanlaki ang mga mata ni Fane. Ang bumigla sa kanya ay ang katotohanan na walang laman ang loob ng pill aura room; isa lang itong kwarto na walang laman. Noon, nabalot na ng kadiliman ang lahat, ngunit sa mga oras na ito, naglaho ang kadiliman at wala itong iniwan na kahit na ano.Mabuti na lang, malaki ang espasyo. Kahit na pinapasok silang lahat doon sa loob ng vice-treasurer, hindi man lang sumikip ang lugar. Lahat sila ay nakatayo sa loob ng pill aura room, at ang matapang na amoy ng pill aura ay kaagad na pumasok sa kanilang mga ilong, na bumalot sa kanilang lahat. Nagtaas ng kilay si Fane sa kanyang pagtataka. Nagtataka siya kung bakit ang lugar ay nababalot sa kadiliman kung wala naman itong laman. Pakiramdam niya ay may tinatago silang kung ano. Sa simula, wala naman naramdaman si Fane tungkol dito dahil hindi pa naman niya ito lubos na nauunawaan para mapansin ang kahit na anong kakaiba. Pagkatapos itong tingnan, nagkaroon si Fane ng pagdududa. Ayun nga lang, hindi ni
Kung wala ang vice-treasurer doon, ang iba pang mga estudyante ay naghiyawan na sana para suportahan ang kanilang gustong suportahan. Walang sinabi si Fane at tumingin sa tabi. Huminga ng malalim ang vice-treasurer bago niya sinabi ng may mababang boses, “Simulan na.”Sa hudyat, bigla siyang may narinig na yabag ng mga paa sa kanyang tabi, at isang hindi pamilyar na mukha ang nagsimulang naglakad papuntang silangan. Bawat yabag na ginawa niya ay tuwid, ngunit hindi siya kagaya ni Gilbert mula kanina, na naglakad ng walang kabuluhan. Mukhang wala rin siyang pakialam tungkol sa mga gulat na tingin na natatanggap niya. Napanganga si Gilbert. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nagtaas ng kilay si Fane at mahinahon na sumagot, “Ikaw? Ano ang ginagawa mo dito?”Binalik niya ang tanong kay Gilbert, na naging dahilan para magalit si Gilbert. “Naparito ako upang ipakita sa mga taong ito kung sino ang mas malakas at para makuha ang karapatan para makapasok sa Middle Province Alchemist Alliance
Nanatiling walang pakialam si Fane sa mga kilos ni Gilbert habang sinasabi niya, “Marami ka nang inaksayang oras sa walang kwentang pagsasalita, at walang dahilan para magalit ka sa isang bagay na hindi naman makakaapekto sayo sa anumang paraan. Hindi ba’t tama naman iyon, Gilbert?”Humagalpak sa kakatawa si Andrew sa mga sinabi ni Fane. isang baliw man ang tingin niya kay Fane, ngunit ang kalaban ng kanyang kalaban ay kaibigan pa rin niya. Dahil sa hindi maganda ang relasyon nila Fane at Gilbert, kakampihan niya syempre si Fane. Higit pa doon, hindi iniisip ni Andrew na may tiyansa si Fane na manalo. Magiging kakaiba ang lahat kapag nanalo si Fane. Pagkatapos ng sandaling katahimikan, ang mga estudyante nakatayo sa likuran ng vice-treasurer ay biglang nag-usap-usap. Alam ni Damien kung sino si Fane. “Ang pangalan ng lalaking ito ay Fane. malamang ay may mali sa utak nito, alam ko yun. Maikling panahon pa lang siyang estudyante dito, ngunit sinusubukan na niyang sabayan sila Gil
Hindi na niya kailangang makipagtagisan pa ng galing. Parehong walang laban sila Gilbert at Andrew kay Fane.Pinakamahalagang bagay upang maging isang sixth-grade alchemist ay ang huling paglilinang sa pill at mga pill rune.Tanging ang 50-porsyento lamang at pataas na paglilinang ang magiging matagumpay. Ang paglilinang ay nakadepende sa kalidad ng mga pill rune ng isang alchemist.Hindi maikukumpara ang kalidad ng mga pill rune nila Gilbert at Andrew sa pill ruine ni Fane.Ang mga pill rune na ginawa ni Fane ay hindi lamang kumikinang sa enerhiya, ngunit ang bawat hiwa ng pill aura ay ipinamahagi nang pantay-pantay. Hindi na kailangang tingnan pa ito nang detalyado. Sa kanilang mga mata, madaling masabi na ang mga pill rune ni Fane ay napakataas ng kalidad.Kung ginamit niya ang mga ito sa pagpipino, ito ay ganap na aabot sa 50 porsiyento o higit pa sa pagpipino. Kahit na ang vice-treasurer lang roon ang natuto ng Way of the Pill, ito pa rin ang nakikita ng mata.Walang imik an