Tulalang tumingin si Fane kay Gilbert habang nakatitig sa kanya si Gilbert nang may poot. Kahit sa kabila ng lahat ng nangyari, hindi pa rin maintindihan ni Fane kung anong sinasabi o ginagawa ni Gilbert.Bakit biglang pumasok si Gilbert para sigawan siya? Bakit masyado siyang pinagbibintangan ni GIlbert? Sa sandaling iyon, natatawa na lamang si Fane sa mga pagbabanta ni Gilbert. Huminga nang malalim si Gilbert bago tumalikod para titigan nang masama si Damien. “Huwag mo akong guluhin dito, asikasuhin mo na muna ang nangyayari doon!”Namutla si Damien. Naglaho na ang pagkailang niya sa pagtataboy sa kanya kanina. Lumingon siya at tumingin kay Fane bago tumingin pabalik kay Gilbert.Tumango si Damien, “Gagawin ko na ito agad, pero… tiningnan ko na ito kanina. Tama talaga ito.”Nanigas ang mukha ni Gilbert, gusto niya pa ring magsalita, ngunit kinain na lang niya ang mga salita niya.Tumango na lamang siya, “Alam ko, pero hindi natin pwedeng basta na lang ito balewalain!”Nang sa
”Pumasok ka sa kwarto ko nang walang paliwanag. Sinubukan mo akong atakihin, pero masyado kang mahina. Ngayon, hindi mo ako matalo pero pinagbibintangan mo pa rin ako nang ganito. Hindi ko talaga alam kung paanong naging ganito kakapal ang mukha mo.”Kumirot ang bibig ni John sa pagiging diretso ni Fane. Tiningnan niya si Gilbert sa tabi niya. Nanginginig ang katawan ni Gilbert sa sobrang galit. Mukhang wala siyang ibang gustong gawin bukod sa sumugod at kagatin si Fane.Tumawa si Fane nang ipagpatuloy niya, “Hindi ko alam kung bakit nakatayo ka pa rin diyan. Anong gusto mong sabihin? Tingin mo ba matatalo mo ako sa isang debate? Kaya mo man lang ba akong talunin sa laban?”Kaagad na nag-iba ang kulay ng mukha ni Gilbert. Para siyang sasabog sa sobrang galit niya kay Fane. Sa katotohanan, tama talaga si Fane. Hindi niya matalo si Fane, at hindi man lang niya matalo si Fane sa salita.Walang magagawa ang pagtayo niya doon bukod sa pagpapahiya sa kanyang sarili. Huminga siya nang mal
Ngunit ayos lang kahit hindi siya makilala. Kailangan lamang makilala ng tagapagsilbi ang suot ni Fane para matukoy kung sino si Fane. Sinuri ng tagapagsilbi si Fane bago sabihin, “Ikaw ba ang… eleventh student?”Medyo nabigla si Fane sa bagong pangalan. Ang eleventh student? Pagkatapos dumaan ng mga salitang iyon sa kanyang isip, bigla niyang naunawaan.Sinabi dati ni Chandler kay Fane na siya ang ikalabing-isang estudyante ng Heavenly Pills. Ang mga tagapagsilbing walang katayuan ay natural na tatawagin siya nang ganito.Tumango si Fane. Pagkatapos matukoy ng tagapagsilbi ang pagkatao ni Fane, hindi na ito masyadong nabahala sa tao sa harap nito. Tinikom nito ang bibig nito, dahil narinig nito noon na hindi magkasundo ang bagong estudyante at ang ikalawang estudyante, ngunit estudyante pa rin si Fane kahit anong mangyari. Sila ay mga hamak na tagapagsilbi lamang. Kapag ginalit nila si Fane dahil sa mga hindi magagandang salita, pwede silang mapalayas anumang oras kapag inireklam
Sa hindi inaasahan, interesado lamang si Fane sa mga alchemy room. Mukhang hindi napansin ni Fane si Raphael para bang hindi siya nakikita nito.Sumama ang mukha ni Raphael at inilapag niya ang tela sa lamesa. Lumapit siya nang nakasimangot at sinabi, “Ikaw siguro ang eleventh student.”Nahimasmasan si Fane sa sinabi ni Fane. Umubo si Fane at tumango. Tinitigan ni Raphael si Fane nang halatang naiinis.“Ako ang senior mo, ang fifth senior mo. Ang pangalan ko ay Raphael. Kahit na ito ang una nating pagkikita, ipapaalala ko sa’yo. Dapat may respeto ang mga estudyante sa isa’t isa dito. Kahit na kapwa estudyante kita, ako pa rin ang senior mo.”Gustong ipaalam ni Raphael na nabastos siya ni Fane. Kahit paano ay dapat binati siya ni Fane bago pumasok at nakipag-usap.Walang pakialam dito si Fane. Para bang walang kwenta si Raphael sa paningin ni Fane. Nagalit nang kaunti si Raphael dito, at natural na naiintindihan ni Fane ang kahulugan ng mga salitang iyon.Suminghal na lamang siya.
Kumirot ang kanyang labi nang titigan niya si Fane. Suminghal si Fane, inaasahan na niyang mangyayari ang ganito.Walang gana si Fane na makipaglaro kay Raphael sa sandaling ito. “Alam mo ba kung saan ako makakakuha ng mga sangkap para sa sixth-grade pill? Gusto kong subukang gumawa nito,” inulit ni Fane.Sa pagkakataong ito, malinaw ang pagkakasabi ni Fane, para bang mahalaga ang bawat salita. Ito ay upang masigurong naiintindihan ni Raphael ang kanyang pakiusap. Natural na naunawaan ito ni Raphael, at lalong tumindi ang pagkagulat sa kanyang mga mata.Kumirot nang matagal ang kanyang labi bago niya sabihin nang naiinis, “Sabihin mo, nakainom ka ba?”Walang masabi si Raphael. Hindi niya alam kung anong sinasabi ng bata sa harapan niya. Isang fifth-grade alchemist nagbabalak na gumawa ng sixth-grade pill bago pa matutunan ang Way of the Pill?Basta na lang ito sinabi ng batang ito. Nagtaka si Raphael kung may sakit ba sa utak si Fane.Suminghal si Fane. Alam niyang ang mga sagot
Subalit, ang Fane na ito na nasa harapan niya ay siguradong hindi man lang alam kung gaano karami ba ang mga pill aura rune, o kung paano ito iguhit, lalo na kung paano makarating sa limampung porsyento. Higit sa lahat, hindi pa nagkakaroon ng pagkakataon si Fane na pag-aralan ang Way of the Pill noon.Tumingin si Fane kay Raphael. “Mayroong kabuuang isang milyong pill aura rune. Ang bawat isang rune ay pwedeng ipatong sa ibang mga rune para makabuo ng kakaibang epekto.”Sa isip ni Fane ay karaniwang kaalaman lamang ito. Ang mga ito ay basta na lang pumapasok sa kanyang isipan. Ngunit mukhang kalokohan ang tingin ni Raphael sa sinasabi niya at tumawa nang malakas.Masyadong malakas ang tawang ito na para bang nakarinig siya ng nakakatawang biro. Kumunot ang noo ni Fane, hindi nagsasalita.Tinuro ni Raphael si Fane. “Fane, nakakatawa ka talaga. Siguro naman hindi mo inaakalang maniniwala ako kapag basta ka na lang nagbanggit ng kalokohan?“Kahit na hindi mo pa natututunan ang Way o
Tumigil si Raphael mula sa pagtawa pang muli. Umubo siya ng mahina at hinimas ang kanyang ilong. “Bahala na nga kayo. Hindi ko na lang papansinin ang sinabi mo ngayong araw na to. Mabuti pang alagaan mo ng mas maayos ang sarili mo. Kung meron kang oras para tumambay dito, bakit hindi ka na lang kumuha pa ng maraming gawain para makalikom ng mas maraming merit points? Kapag meron ka nang dalawang daang merit points, pwede mo nang simulan pag-aralan ang Way of the Pill.” Napabuntong hininga na lang si Fane, habang sawa na sa mga nangyaring kalokohan nung araw na iyon. Matapos ang mahabang oras, sinabi niya, “Raphael, hindi mo ba naintindihan ang sinabi niya kanina? Gusto mo bang ulitin ko pa para sayo?”Dumilim ang mukha ni Raphael dahil sa mga salitang iyon. Sumimangot si Raphael at tinitigan ang lalaking may matigas na ulo na may nakakairitang ekspresyon. “Ano naman ikaw? Hindi mo naunawaan ang sinabi ko kanina? O nagtatanga-tangahan ka lang?” Pagkatapos nun, kumislap ang kanyan
Wala naman talagang naramdaman si Fane matapos siyang hamakin nito ng ganun. Lalo na, hindi naman alam ni Raphael ang kanyang kakayahan. Mukhang nawili na si Raphael sa paghamak kay Fane. Magtatanong na sana si fane kung pwede na siyang pumasok, pero hindi binigyan ng pagkakataon ni Raphael si Fane na makapagsalita. Nagpatuloy siya sa paghamak, “Marahil ay hindi ka pa nakakakita ng isang pill rune. Simula noong nakapasok ako sa Heavenly Pills, wala pa akong nakita na nakakuha ng isang gold plate maliban sa aming eldest student.“Mukhang sa tingin mo ay ikaw ang magiging pangalawang tao na makakakuha ng gold plate.”Kung pwede lang, sinampal na sana ni fane ang lalaking ito ng dalawang beses. Ang lalaking ito ay sobra na kung makapagsalita na para bang alam na nito ang lahat. Lumingon si Fane at tiningnan si Raphael ng may seryosong ekspresyon. “Kaya kong makakuha ng gold plate, kaya papasok na ako ngayon sa loob. Kapag nakagawa ako ng dalawang daang pill runes, ang pill aura room