Natawa si Edric at sinabi, “Sa totoo lang, hindi naman ito nakakapagtakka. Higit sa lahat, wala tayo sa labas. Ang mundo sa Secret Place for Resources na ito ay ibang-iba sa labas. Baka hindi hilig ng mga monster beast dito na kumain ng ibang monster beast.” Tumango sila Heath, pwede na ang paliwanag na ito. Hindi nakinig si Fane sa usapan nila, at sa halip ay tumingkayad siya at tiningnan ang nine-clawed python mula sa taas hanggang baba.Idiniin niya ang dulo ng kanyang daliri sa paa sa sahig, pinagana ang kanyang true energy at lumipad pataas. Mula sa taas, tiningnan niya ang nine-clawed python. Nasa ilang yarda ang taas niya sa ere nang makita niya ang isang mahinang liwanag sa ilalim ng ulo ng nine-clawed python.Masyadong mahina ang liwanag na ito at madali itong makaligtaan. Hindi niya ito mapapansin kung hindi niya ito tinitingnan mula sa itaas. Ngumiti si Fane, at sumugod siya sa direksyon kung saan nagmumula ang liwanag.Ang malaking nine-clawed python ay nakabaluktok na
Nakita ni Fane ang kasakiman sa mata ni Heath. Siya ang laging nagsasabing ang spirited grass ay mapupunta sa sinumang unang makakita nito, ngunit dahil hindi niya ito binanggit, malinaw na nakalimutan na niya ang patakarang ito.Hindi tanga si Fane. Hindi niya hahayaang pagsamantalahan siya ng iba. Sadyang mahihirapan siyang suriin ang gamit na ito ngayong nakaharang ang isang pader.Tumawa si Frank nang nanghahamak at tumingin kay Fane. “Nagtataka ako kung bakit sumusugod ka bigla at ngayon alam na! Balak mong sarilihin ang lahat!”Biglang humarap sa kanya si Fane. ‘Diyos ko, nakakainis talaga siya! Bakit ba lagi niya akong pinag-iinitan?’“Nabagok ka ba? Nakalimutan mo na ba ang ground rules? Na ang spirited grass at spirited flower ay mapupunta sa unang makakakita nito? Natural lang na kunin ko ito dahil ako ang nakakita nito!” sinabi ni Fane.Nagdilim ang mukha ni Frank sa sinabi niya. Hindi niya inakalang sasagot si Fane sa kanya. Sasagutin na niya sana ito nang marinig nila
“Tama nga si Master. Talagang may magagandang gamit sa lugar na ito.” sinabi ng lalaking nakatayo sa harapan.Sa sandaling sabihin ito, nagulat ang iba ngunit hindi ito makikita sa mukha nila. Ngunit kaagad na yumuko si Fane at nagtago sa likod ni Heath, para bang natusok siya ng karayom. Masyadong hindi halata ang ginawa niya, na bukod kay Frank, walang nakapansin sa kanya. Ang tanging dahilan kung bakit nakita siya ni Frank ay dahil kanina pa nakatayo sa likuran ni Fane si Frank.Ngumisi si Frank at tiningnan si Fane nang nanghahamak. “Aba, aba, mukhang may nawalan ng tapang ngayon. Bakit ka nagtatago sa likuran ni Brother Heath? Huwag mong sabihing natatakot ka sa mga disciple ng Corpse Pavilion.” Kumirot ang labi ni Fane. Wala siyang pakialam kay Frank sa sandaling iyon; balak niyang masigurong nakatago ang mukha niya dahil ang taong tinatawag na ‘Senior Brother’ ay ang lalaking nakamaskara na nakita niya sa Mount Beasts.Nakasuot pa rin ng maskara ang taong ito, na parehong-p
”Kayong mga hipokrito ay laging bukang bibig ang karangalan at kahihiyan. Huwag niyong sabihin na gusto niyo lang na hindi mapahiya sa pamamagitan ng hindi maligaw. Halata naman na gusto niyo kaming labanan para sa kayamanan!”Nang matapos magsalita ang lalaking nakamaskara, ang lalaking balbas-sarado naman na nakatayo sa tabi niya ay humagalpak sa kakatawa. “Kayong mga duwag ay mga hipokrito. Halata naman na wala kayong balak na isuko ang kayamanan at gusto niyo lang na humanap ng ‘makatarungan’ na dahilan para magmukhang makatarungan kayo! Hindi kami mga hipokrito kagaya niyo, at may lakas kayo na labanan kami para sa kayamanan? Baka gusto niyong tingnan ang mga sarili niyo sa salamin bago yun!” Dumilim ang mukha ni Heath. Sa buong taon na nabuhay siya, wala pang nagpahiya sa kanya ng ganito. Galit niyang tinuro ang balbas saradong lalaki at sinigaw, “Hindi kami mga hipokrito. Ikaw ang halatang nasa mali dito ngunit inaakusahan mo kami ng pagiging mga hipokrito?”Hindi mapigilan
Ang nakakatakot na aura ng lalaking nakamaskara ay medyo mas pigil pagkatapos niyang lumapag sa lupa. “Kailangan ko pa bang ulitin? Umalis na lang kayo o mamatay. Wala sa inyong lima ang makakaligtas kapag nanatili pa kayo rito!”Nang matapos siyang magsalita, humakbang uli siya ng sampung beses pasulong, at may nakakatakot na aura na lumabas sa kanyang katawan. Malinaw pa rin nilang nararamdaman ang aura kahit na ilang dosenang yarda ang layo nila mula sa kanya. Napaatras si Heath, pero pinilit niya ang kanyang sarili muling humakbang pasulong na para bang ayaw niyang makalamang ang lalaking nakamaskara. Kumunot ng mahigpit ang noo ni Edric, at sinuri ng kanyang mata ang mga disipulo ng Corpse Pavilion. Pagkatapos, tiningnan niya ang mga miyembro ng kanyang grupo at sa wakas ay sinabi, “Brother Heath, huwag kang padalos-dalos. Alam mo na wala sa mga tao ng corpse Pavilion ang madaling talunin. Wala silang pakialam sa dangal at moralidad. Ung titingnan ng maigi, gagawin nila ang kah
Ang mga mukha ng pitong disipulo ng Corpse Pavilion ay kasing itim ng uling. Walang imik na nakatitig si Fane kay Frank at nagtataka kung meron bang maluwag na turnilyo sa kanyang ulo. Parra bang handa siyang kalabanin ang sino man hangga’t makakapagyabang siya.Kaagad na pinatong ni Edric ang kanyang kamay sa balikat ni Frank at binulong, “Nababaliw ka na ba? Pito sila at tingnan mo kung ano ang suot nila! Lahat sila ay mula sa Corpse Pavilion! Habang sa panig naman natin, lahat tayong lima ay mula sa magkakaibang Clan Associations, at bukdo dun ay si Fane ay nasa intermediate stage ng innate level! Huwag mong isipin na makakalabas tayo dito ng buhay kung disidido silang patayin tayo!” “Huwag ka ngang duwag, pwede? Paano mo makukuha ang respeto ng iba kung ganito ka? Hindi mo ba narinig kung paano nila tayo pinahiya kanina lang? Palalampasin mo lang ba sila? Takot ka sa kanila, pero ako hindi, dahil alam ko na malakas ako! Kahit na ang mga disipulo ng isang fourth-grade Clan Asso
Namula ang mukha ni Heath. “Ano naman kung kumalat yun, maikukumpara ba iyon sa ating kaligtasan? Hindi tayo tatakas ng may mga bahag na buntot, ngunit alam natin kung saan ang ating hangganan. Tayong lima ay walang laban sa kanilang pito, kaya bakit pa natin isusugal ang ating mga buhay!”Pakiramdam ni Frank ay nagkamali sa pag-intindi si Heath sa kanyang intensyon, at tumalon-talon sa inis. “Hindi ko naisip na isa kang malaking duwag! Syempre, alam ko na wala tayong laban sa kanila pero hindi naman sa wala tayong mapapatumba na ilan sa kanila! Bakit natin sila hahayaan na pahiyain tayo ng ganito? Ayos lang sa akin na umalis pero dapat tayong umalis sa paraan na ikararangal natin!” Nagging nakakatakot tingnan ang ekspresyon ni Heath matapos siyang sermonan ni Frank. Hindi niya inaasahan na lalabas ang mga salitang iyon sa bibig ni Frank. ‘Anong kalokohan ang ibig niyang sabihin sa pag-alis sa paraan na ikararangal namin? Sinasabi ba niya na dapat kaming umalis habang sinesermonan s
Ang paligid ay sobrang tensyonado na konti na lang at isang matinding labanan ang magaganap. Gusto sana ni Heath na makaalis doon ng matiwasay; magiging isang malaking kawalan sa kanilang panig kapag nagkaroon talaga ng isang labanan. Nang maisip niya ito, mabilis niyang inunat ang kanyang kamay at hinawakan ang braso ni Frank, para subukan na pigilan ito mula sa pagsabi ng kung ano, ng sa gayon ay makaalis sila kaagad sa lugar na iyon. Subalit, mukhang hindi siya napansin ni Frank habang sinisigawan niya ang mga disipulo ng Corpse Pavilion, “Huwag niyo kaming mamaliitin na mga Third-grade Clan Association! Kahit ang isang disipulo ng isang third-grade Clan Association ay kayang gampanan ang isang mas malaking papel kaysa sa inaakala niyo! Maghintay lang kayo! Pagkatapos kong umalis, sisiguraduhin ko na ikakalat klo ang balita tungkol sa kayamanan dito ng sa gayon ay may dumating na mga malakas dito!” Hindi mapigilan nila Heath at ng iba pa na manginig sa kanilang mga puso nang mat