Ang nakakatakot na aura ng lalaking nakamaskara ay medyo mas pigil pagkatapos niyang lumapag sa lupa. “Kailangan ko pa bang ulitin? Umalis na lang kayo o mamatay. Wala sa inyong lima ang makakaligtas kapag nanatili pa kayo rito!”Nang matapos siyang magsalita, humakbang uli siya ng sampung beses pasulong, at may nakakatakot na aura na lumabas sa kanyang katawan. Malinaw pa rin nilang nararamdaman ang aura kahit na ilang dosenang yarda ang layo nila mula sa kanya. Napaatras si Heath, pero pinilit niya ang kanyang sarili muling humakbang pasulong na para bang ayaw niyang makalamang ang lalaking nakamaskara. Kumunot ng mahigpit ang noo ni Edric, at sinuri ng kanyang mata ang mga disipulo ng Corpse Pavilion. Pagkatapos, tiningnan niya ang mga miyembro ng kanyang grupo at sa wakas ay sinabi, “Brother Heath, huwag kang padalos-dalos. Alam mo na wala sa mga tao ng corpse Pavilion ang madaling talunin. Wala silang pakialam sa dangal at moralidad. Ung titingnan ng maigi, gagawin nila ang kah
Ang mga mukha ng pitong disipulo ng Corpse Pavilion ay kasing itim ng uling. Walang imik na nakatitig si Fane kay Frank at nagtataka kung meron bang maluwag na turnilyo sa kanyang ulo. Parra bang handa siyang kalabanin ang sino man hangga’t makakapagyabang siya.Kaagad na pinatong ni Edric ang kanyang kamay sa balikat ni Frank at binulong, “Nababaliw ka na ba? Pito sila at tingnan mo kung ano ang suot nila! Lahat sila ay mula sa Corpse Pavilion! Habang sa panig naman natin, lahat tayong lima ay mula sa magkakaibang Clan Associations, at bukdo dun ay si Fane ay nasa intermediate stage ng innate level! Huwag mong isipin na makakalabas tayo dito ng buhay kung disidido silang patayin tayo!” “Huwag ka ngang duwag, pwede? Paano mo makukuha ang respeto ng iba kung ganito ka? Hindi mo ba narinig kung paano nila tayo pinahiya kanina lang? Palalampasin mo lang ba sila? Takot ka sa kanila, pero ako hindi, dahil alam ko na malakas ako! Kahit na ang mga disipulo ng isang fourth-grade Clan Asso
Namula ang mukha ni Heath. “Ano naman kung kumalat yun, maikukumpara ba iyon sa ating kaligtasan? Hindi tayo tatakas ng may mga bahag na buntot, ngunit alam natin kung saan ang ating hangganan. Tayong lima ay walang laban sa kanilang pito, kaya bakit pa natin isusugal ang ating mga buhay!”Pakiramdam ni Frank ay nagkamali sa pag-intindi si Heath sa kanyang intensyon, at tumalon-talon sa inis. “Hindi ko naisip na isa kang malaking duwag! Syempre, alam ko na wala tayong laban sa kanila pero hindi naman sa wala tayong mapapatumba na ilan sa kanila! Bakit natin sila hahayaan na pahiyain tayo ng ganito? Ayos lang sa akin na umalis pero dapat tayong umalis sa paraan na ikararangal natin!” Nagging nakakatakot tingnan ang ekspresyon ni Heath matapos siyang sermonan ni Frank. Hindi niya inaasahan na lalabas ang mga salitang iyon sa bibig ni Frank. ‘Anong kalokohan ang ibig niyang sabihin sa pag-alis sa paraan na ikararangal namin? Sinasabi ba niya na dapat kaming umalis habang sinesermonan s
Ang paligid ay sobrang tensyonado na konti na lang at isang matinding labanan ang magaganap. Gusto sana ni Heath na makaalis doon ng matiwasay; magiging isang malaking kawalan sa kanilang panig kapag nagkaroon talaga ng isang labanan. Nang maisip niya ito, mabilis niyang inunat ang kanyang kamay at hinawakan ang braso ni Frank, para subukan na pigilan ito mula sa pagsabi ng kung ano, ng sa gayon ay makaalis sila kaagad sa lugar na iyon. Subalit, mukhang hindi siya napansin ni Frank habang sinisigawan niya ang mga disipulo ng Corpse Pavilion, “Huwag niyo kaming mamaliitin na mga Third-grade Clan Association! Kahit ang isang disipulo ng isang third-grade Clan Association ay kayang gampanan ang isang mas malaking papel kaysa sa inaakala niyo! Maghintay lang kayo! Pagkatapos kong umalis, sisiguraduhin ko na ikakalat klo ang balita tungkol sa kayamanan dito ng sa gayon ay may dumating na mga malakas dito!” Hindi mapigilan nila Heath at ng iba pa na manginig sa kanilang mga puso nang mat
Sumugod sa harap ang l nakamaskara ng mabilis. Tumayo siya sa gitna ng may tig-tatlong tao sa kanyang kanan at kaliwa, na nakaharap aky Heath. Ang lalaking nakamaskara ay nagtaas ng kilay, at bago pa man makakilos sila Heath at ang iba pa, bigla niyang kinumpas ang kanyang kanang kamay, at isang malakas na ihip ng hangin ang humampas sa kanilang lima. Kahit na si Heath at ang iba pa ay hindi kasing lakas ng kabilang partido, lahat sila ay may karanasan na sa pakikipaglaban. Kaagad nilang ginamit ang kanilang attached spirit para protektahan ang kanilang mga sarili nung kumilos ang lalaking nakamaskara. Huminga ng malalim si Fane, at sa loob ng isang segundo, isang malakas na ihip ng hangin ang tumama sa kanila. Akala niya ay ang enerhiyang ito ay malakas na babasagin ang kanilang mga attached spirits, pero hindi inaasahan, ang hangin ay walang mapaminsalang lakas kahit na malakas ang itsura nito. Subalit, ito ay natulak ng hangin. Silang lima ay tinangay ng ihip ng hangin. Mabut
Ang tatlong disipulo ng Corpse Pavilion ay nakatingin sa kanilang dalawa na para bang mga tupa na naghihintay na katayin. Ang saya sa kanilang mga mukha ay kitang kita, lalo na sa lalaking balbas-sarado na nakatingin kay Fane at Frank na para bang mga masarap silang pagkain. Doon lang napagtanto ni Frank na siya ang nagdala ng gulong ito. Ang lalaking balbas-sarado ay hindi sila kaagad inatake pero mapanghamak na tinitigan si Frank. “Hoy bata, bakit hindi ka na nagsasalita ngayon? Nasaan na ang katarungan mo ngayon? Sino nga ba ang nagsabi na hindi kaami mangangahas na patayin kayo dahil sa kahihinatnan?”Napalunok na lang ng laway si Frank at nanginig ang buong katawan. Ang lalaking balbas-sarado ay sumigaw a may kasamang pagtawa nung nakita niya kung paano kumilos si Frank; hindi niya hiniwalayan ng tingin si Frank kahit na ilang segundo. “Lalo ko tuloy gustong patayin ka! Hindi magtatagal ay makakaranas ka ng tadhana na mas masaklap pa sa kamatayan!” Kinilabutan si Frank nung n
Huminga nang malalim si Heath. Nakamaskara man o hindi, wala siyang pake. Pagkatapos ay naglabas siya ng dalawang spadang tatlong talampakan ang haba mula sa kanyang storage ring at hinawakan ito. Ang ginagamit niyang swordsmanship ay ang double-sword style, at nakatayo siya sa paraang kaya niyang umatake sa isang iglap. Muling tiningnan ng nakamaskarang lalaki si Heath. Nang makita ito, nakahinga nang maluwag si Fane, at muling ibinaling ang kanyang tingin sa tatlong disipulo ng Corpse Pavilion sa harapan niya. Tumingin sa kanya ang lalaking may balbas mula ulo hanggang paa, sinusubukan siyang basahin. Pagkatapos ay bigla siyang tumawa nang malakas at sinabi, "Ang talino mo para ibahin ang usapan, pero hindi 'yan makakatulong! Ako mismo ang magtatanggal ng maskara mo para makita kung sino ka!" Suminghal si Fane at binalewala ito, inilayo ang tingin niya dito. Sa katotohanan, mas ligtas si Frank kumpara sa tatlo. Maaaring tingin sa kanila ng lalaking nakamaskara at mga basura laman
Mayroong gulat sa mga mata ng lalaking may balbas. Tumingin ito kay Fane nang hindi makapaniwala at sinabi, "Hayop ka! Anong martial arts ang inaaral mo at kaya mong kalabanin ang mga apoy na gamit ko?!" Suminghal si Fane at hindi nagsalita. Ang Destroying the Void ay isang technique na inaaral niya ay isang heaven level skill. Kung hindi dahil sa alaalang iniwan ng mga sinaunang tao, hindi niya kaagad matutukoy kung anong martial skill ang apoy sa mountain-breaking ax, ngunit sa tulong ng alaalang ito, nakikita niya na ang apoy ay isang premium red level martial arts technique, kaya katulad ito ng ginamit ni Wesley. Subalit, ang martial arts technique ni Wesley ay hindi kasinlakas ng mga apoy. Ibig-sabihin nito na ang kasanayan ng lalaking may balbas sa apoy ay mas mataas kay Wesley kaya malaki ang agwat sa martial arts technique na pinakita ng dalawa. Maaaring mukhang kalmado sa labas ang lalaking may balbas, ngunit isang bagyo ang bumubugso sa loob nito. Alam niyang gusto ng l