Mayroong gulat sa mga mata ng lalaking may balbas. Tumingin ito kay Fane nang hindi makapaniwala at sinabi, "Hayop ka! Anong martial arts ang inaaral mo at kaya mong kalabanin ang mga apoy na gamit ko?!" Suminghal si Fane at hindi nagsalita. Ang Destroying the Void ay isang technique na inaaral niya ay isang heaven level skill. Kung hindi dahil sa alaalang iniwan ng mga sinaunang tao, hindi niya kaagad matutukoy kung anong martial skill ang apoy sa mountain-breaking ax, ngunit sa tulong ng alaalang ito, nakikita niya na ang apoy ay isang premium red level martial arts technique, kaya katulad ito ng ginamit ni Wesley. Subalit, ang martial arts technique ni Wesley ay hindi kasinlakas ng mga apoy. Ibig-sabihin nito na ang kasanayan ng lalaking may balbas sa apoy ay mas mataas kay Wesley kaya malaki ang agwat sa martial arts technique na pinakita ng dalawa. Maaaring mukhang kalmado sa labas ang lalaking may balbas, ngunit isang bagyo ang bumubugso sa loob nito. Alam niyang gusto ng l
"Sino ka ba?! Siguro tinatago mo lang ang cultivation mo!" Imposibleng ang isang disipulong nasa intermediate stage ng innate level ay matatalo siya nang ganito. Hindi lamang siya napuruhan nang matindi, nabitawan rin niya ang kanyang sandata. Magiging katatawanan siya kapag kumalat ang tungkol dito! Ang mga nakakapasok sa Secret Place for Resources ay mga matataas ang ranggo sa mga Clan association. Natural na nakasalubong na niya ang mga taong lumalaban sa mga taong mas mataas ang lebel sa kanila. Sa katotohanan, taglay niya ang kakayahang gawin ito, ngunit ibang bagay ito. Ang lahat ng nasa Secret Place for Resources ay mga henyo, at sa isip ng lalaking may balbas, ang laban sa pagitan ng dalawang henyo kung saan ang isa ay mas mataas ang lebel ay kakaiba. Bukod na lang kung ang henyong ito ay ang lalaking may maskara, na sa husay pa lamang ay sapat na para talunin siya, at sinadyang ibaba ang sarili nitong cultivation para makapasok sa Secret Place for Resources. Sa sandaling
Subalit, ang mga salitang ito ay nagmula sa bibig ni Fane. Higit pa rito, nanatiling kalmado si Fane sa buong pangyayari, kaya kumbinsido si Zamian na hindi pa nilalabas ni Fane ang buong lakas niya, at kung ganoon nga, malamang na matatalo rin si Zamian sa susunod na laban. Napalunok siya at tumingin siya kay Fane nang may takot. Sa sandaling ito ay biglang may dumaan sa kanila. Lahat sila ay napatingin nang sabay sa taong ito. Isa itong lalaking nakasuot ng berdeng damit, na pinatalsik ng malakas na hangin. Ang taong ito ay tumalsik nang ilang yarda palayo bago bumagsak nang malakas sa sahig. Napalaktaw ng tibok ang puso ni Fane: kaagad siyang lumapit at sumigaw, "Brother Heath, ayos ka lang ba?!" Umubo nang malakas si Heath nang dalawang beses, at sumuka nang dugo na para bang hindi siya nauubusan; masyadong malala ang natamo niyang sugat at namutla na ang kanyang mukha. Habang may mantsa ng dugo ang kanyang labi, sinubukan niyang bumangon. Ngunit nagawa lamang niyang makabang
Suminghal si Zamian sa loob niya. Siguradong ituturing siyang mahina ng lalaking nakamaskara kapag nanghingi siya ng tulong ngayon. Ayaw niyang mag-iwan ng masamang impresyon, kaya nagtapang na lang siya. Naningkit ang mata ni Fane at biglang nag-isip ng plano. Ito na ang pagkakataon niyang tumakas dahil nasa iba ang atensyon ng lalaking nakamaskara. Kapag hindi siya umalis ngayon, mamamatay siya kasama ng iba. Nang maisip niya ito, ginamit niya ang kanyang internal energy at inilabas ang pinakamalakas niyang skill. Labinlimang Soul Sword ang lumitaw sa kanyang palad. Matagumpay siyang nakabuo ng labinlimang Soul Sword sa Soul Hall pagkatapos higupin ang mga Shattered Soul Crystal. Ang labinlimang Soul Sword na ito na naglalabas ng itim na liwanag ang alas ni Fane; puno ito ng hindi-mawaring lakas habang umiikot ito sa palad ni Fane. Napalaktaw ng tibok ang puso ni Zamian nang makita niya ang mga Soul Sword. Masama ang kutob niya dito. Subalit, wala naman siyang magagawa kundi la
Kasabay ng isang malakas na tunog, ang mountain-breaking ax ni Zamian ay muling humampas patungo kay Fane. Handa na siyang ibato ang mga Soul Sword ngunit binago niya ang kanyang plano dahil sa ginawa ni Frank. Sa sandaling sumugod sa kanya ang palakol, sumugod siya kay Frank na lumilipad patungo sa kanya. Hindi nagtagal bago sila magbanggaan, at hindi lamang silang dalawa. Ang atake ng lalaking may balbas at ng dalawang disipulo ng Corpse Pavilion ay nakasunod din sa kanila, lalo na ang dragon ng mountain-breaking ax. Pakiramdam ni Frank parang lumubog sa sikmura niya ang puso niya. "Nababaliw ka na ba?!" Bakit hindi mo muna pigilan ang atake ni Zamian?" Ngumisi si Fane. Hindi ba ito ang binabalak ni Frank kung ito ang ginawa niya. Kaagad na naunawaan ni Frank ang ibig-sabihin ni Fane nang makita niya ang ngiti sa mukha nito. "Kung ganoon, magkasama tayong mamamatay!" sigaw niya nang tatama na sa kanila ang atake. Nagsalubong ang kilay ni Fane. Hindi niya ito pinansin. Ginam
Kapag nagkaroon ng pagkakataong tumakas ang iba, siguradong kukunin nila ito nang walang alinlangan, kaya natural lang na ganito rin ang gawin ni Fane. Huminga siya nang malalim at kaagad na nagpasya. Tumalikod siya, tumingkayad, at sumugod sa salungat na direksyon! Pagkatapos ay bigla niyang narinig ang tunog ng malakas na hangin, para bang isang mabangis na hayop ang humahabol sa kanya. Lumingon siya at nabigla siya nang makita niya ang lalaking nakamaskara sa likuran niya. Mas mabilis ito kay Fane. Sa loob ng ilang segundo, nakalapit na ito kay Fane. Sa bilis na ito, hindi magtatagal ay mahahabol na nito si Fane. Kinilabutan si Fane na para bang binuhusan siya ng malamig na tubig. 'Bakit ako biglang hinabol ng lalaking nakamaskara kahit na malinaw na nakatuon ang pansin niya sa nine-clawed python' Habang nag-iisip siya, at natatarantang tumatakas, isang nakakatakot na boses ang narinig niya, "Naaalala na kita. Mukhang hindi nagsisinungaling ang tangang 'yun. Nagsuot ka ng mask
Walang magawa si Fane kundi humiling na makasalubong niya ang mga taong kaya siyang iligtas habang tumatakas. Ngunit, lalong lumakas ang tunog na naririnig niya nang maisip niya ito. Tumingin siya sa gilid at nagulat siya na lalong bumilis ang lalaking nakamaskara. Wala nang dalawampung yarda ang layo nito sa kanya!Nagdilim ang mukha niya. Hindi magtatagal ay pwede na siyang atakihin ng lalaking nakamaskara, at sa oras na iyon ay wala nang magagawa si Fane kundi labanan ito, at mababawasan nito ang bilis niya. Ngumisi ang lalaking nakamaskara at sinabi, "Mukhang hindi ka susuko hanggang sa mabugbog kita nang husto, o talaga bang handa kang mamatay para sa lihim mo?" Gustong sumagot ni Fane, ngunit napigilan niya ang kanyang galit. Suminghal lamang sa kanya ang lalaking nakamaskara, at nagsimulang magtipin ang itim na enerhiya sa kanang kuko nito. Ang itim na enerhiya ay gumawa ng tunog na para bang gawa ito sa makakapal na kidlat! Hindi kailangang tumingin ni Fane para maramdaman n
Hindi makita ng malinaw ni Fane ang bagay na kumikislap sa tuktok ng dalisdis.“May isa pang dumating!” sabi ng isa.Lumingon si Fane at nakita ang isang grupo ng tao na nakatayo sa paligid. Mabuti na lang, ang lugar ay malawak. Mas malawak ito kaysa sa plaza sa harapan ng lugar ng pagtitipon para sa roll call sa Dual Sovereign Pavilion. Ang tantiya niya ay ang lugar ay kasya ang sampung libong tao.Bahagyang nanginginig ang kanyang mga kamay. Biglaan ang lahat ng mga pangyayari na hindi ito ma-proseso ni Fane. Kanina lang, nasa isang delikadong sitwasyon siyan at handa nang mamatay, pero sa sumunod na sandali, nahanap niya ang kanyang sarili sa isang hindi pamilyar na lugar kasama ang ibang mga tao na hindi niya kilala. Kahit na iba ang pananamit ng mga taong ito, kayang hulaan ni Fane mula sa kanyang pagkakaunawa sa West Cercie State na ang ilan sa mga taong ito ay mula sa Thousand Leaves Pavilion, Muddled Origin Clan, at Dual Sovereign Pavilion. May isang grupo ng tao na hindi