Kasabay ng isang malakas na tunog, ang mountain-breaking ax ni Zamian ay muling humampas patungo kay Fane. Handa na siyang ibato ang mga Soul Sword ngunit binago niya ang kanyang plano dahil sa ginawa ni Frank. Sa sandaling sumugod sa kanya ang palakol, sumugod siya kay Frank na lumilipad patungo sa kanya. Hindi nagtagal bago sila magbanggaan, at hindi lamang silang dalawa. Ang atake ng lalaking may balbas at ng dalawang disipulo ng Corpse Pavilion ay nakasunod din sa kanila, lalo na ang dragon ng mountain-breaking ax. Pakiramdam ni Frank parang lumubog sa sikmura niya ang puso niya. "Nababaliw ka na ba?!" Bakit hindi mo muna pigilan ang atake ni Zamian?" Ngumisi si Fane. Hindi ba ito ang binabalak ni Frank kung ito ang ginawa niya. Kaagad na naunawaan ni Frank ang ibig-sabihin ni Fane nang makita niya ang ngiti sa mukha nito. "Kung ganoon, magkasama tayong mamamatay!" sigaw niya nang tatama na sa kanila ang atake. Nagsalubong ang kilay ni Fane. Hindi niya ito pinansin. Ginam
Kapag nagkaroon ng pagkakataong tumakas ang iba, siguradong kukunin nila ito nang walang alinlangan, kaya natural lang na ganito rin ang gawin ni Fane. Huminga siya nang malalim at kaagad na nagpasya. Tumalikod siya, tumingkayad, at sumugod sa salungat na direksyon! Pagkatapos ay bigla niyang narinig ang tunog ng malakas na hangin, para bang isang mabangis na hayop ang humahabol sa kanya. Lumingon siya at nabigla siya nang makita niya ang lalaking nakamaskara sa likuran niya. Mas mabilis ito kay Fane. Sa loob ng ilang segundo, nakalapit na ito kay Fane. Sa bilis na ito, hindi magtatagal ay mahahabol na nito si Fane. Kinilabutan si Fane na para bang binuhusan siya ng malamig na tubig. 'Bakit ako biglang hinabol ng lalaking nakamaskara kahit na malinaw na nakatuon ang pansin niya sa nine-clawed python' Habang nag-iisip siya, at natatarantang tumatakas, isang nakakatakot na boses ang narinig niya, "Naaalala na kita. Mukhang hindi nagsisinungaling ang tangang 'yun. Nagsuot ka ng mask
Walang magawa si Fane kundi humiling na makasalubong niya ang mga taong kaya siyang iligtas habang tumatakas. Ngunit, lalong lumakas ang tunog na naririnig niya nang maisip niya ito. Tumingin siya sa gilid at nagulat siya na lalong bumilis ang lalaking nakamaskara. Wala nang dalawampung yarda ang layo nito sa kanya!Nagdilim ang mukha niya. Hindi magtatagal ay pwede na siyang atakihin ng lalaking nakamaskara, at sa oras na iyon ay wala nang magagawa si Fane kundi labanan ito, at mababawasan nito ang bilis niya. Ngumisi ang lalaking nakamaskara at sinabi, "Mukhang hindi ka susuko hanggang sa mabugbog kita nang husto, o talaga bang handa kang mamatay para sa lihim mo?" Gustong sumagot ni Fane, ngunit napigilan niya ang kanyang galit. Suminghal lamang sa kanya ang lalaking nakamaskara, at nagsimulang magtipin ang itim na enerhiya sa kanang kuko nito. Ang itim na enerhiya ay gumawa ng tunog na para bang gawa ito sa makakapal na kidlat! Hindi kailangang tumingin ni Fane para maramdaman n
Hindi makita ng malinaw ni Fane ang bagay na kumikislap sa tuktok ng dalisdis.“May isa pang dumating!” sabi ng isa.Lumingon si Fane at nakita ang isang grupo ng tao na nakatayo sa paligid. Mabuti na lang, ang lugar ay malawak. Mas malawak ito kaysa sa plaza sa harapan ng lugar ng pagtitipon para sa roll call sa Dual Sovereign Pavilion. Ang tantiya niya ay ang lugar ay kasya ang sampung libong tao.Bahagyang nanginginig ang kanyang mga kamay. Biglaan ang lahat ng mga pangyayari na hindi ito ma-proseso ni Fane. Kanina lang, nasa isang delikadong sitwasyon siyan at handa nang mamatay, pero sa sumunod na sandali, nahanap niya ang kanyang sarili sa isang hindi pamilyar na lugar kasama ang ibang mga tao na hindi niya kilala. Kahit na iba ang pananamit ng mga taong ito, kayang hulaan ni Fane mula sa kanyang pagkakaunawa sa West Cercie State na ang ilan sa mga taong ito ay mula sa Thousand Leaves Pavilion, Muddled Origin Clan, at Dual Sovereign Pavilion. May isang grupo ng tao na hindi
’Ano na ang gagawin ko ngayon? Bakit nandito ang lahat? Ang tanging taong may kakayahan na dalhin kaming lahat dito ay ang may-ari ng secret Place for Resources. Abo ba talaga ang balak niyang gawin?’ Bigla, sumagi sa isipan ni Fane ang sinabi ni Elder Godfrey.Ang Secret Place for Resources ay malamang na isang lugar na pamana na iniwan ng isang makapangyarihan na ninuno. Ang dahilan kung bakit iniwan niya ang lugar na ito ay para makahanap ng taong pwede niyang pasahan ng kanyang mantel. Hindi kaya tama ang hula ni Elder Godfrey?Bigla, isang matandang boses na may walang kapantay na lakas ang sumabog sa tenga ng lahat. “Ang lahat ng mga teleportation caves ay sarado na! Kung gusto niyong makabalik, kailangan niyon hanapin ang lagusan palabas ng sarili niyo. Bibigyan ko kayo ng palatandaan—ang lugar kung saan niyo pinasok ang Divine Void Slope ay ang lugar kung saan kayo pwedeng umalis!”Ang palatandaan na ito ang gumulo sa kanila kahit na kaya nilang hulaan ang kahulugan nito. An
Biglang huminto ang matandang boses.Ang lahat ay naging maligalig nang mabanggit ang pabuya. Kung nakatingin sila sa tuktok ng Divine Void Slope ay para bang lilipad pababa ang pabuya kapag tinitigan nila ito ng maigi. Ang mga umiilaw na mga bagay na nakita ni Fane kanina ay marahil ang mga pabiya na nabanggit ng matandang boses. Walang duda, ang mga bagay na ito ay malamang may napakalaking halaga dahil ang mga ito ay iniwan ng master ng Secret Place for Resources.Mukhang ang matandang boses ay gustong paigtingin ang kagustuhan ng lahat ng pagpapatuloy niya, “Masyadong marami ang mga pabuya, hindi na sila ipapaliwanag isa-isa, pero babanggitin ko ang ilan sa mga mas pangkaraniwan. Merong Ten Thousand Soul Pill, isang eighth-ranked spirited pill, Heaven Aroma Fruit, at Hundred Soul Grass, na parehong mga seventh-grade spirited grass, at limang spirited cores ng mga halimbawa na nasa divine-solidifying level!”Hindi magkandaumayaw ang lahat nung narinig nila ang huling sinabi ng ma
Dahil sa nababalot ang Divine Void Slope ng isang manipis na hamog, hindi niya magawa makita kung saan gawa ang dalisdis. Habang nakatuon ang kanyang isipan dito, narinig niya ang isang malinaw na boses na bigla na lang niyang narinig sa kanyang tenga. “Ikaw marahil si Junior Brother Fane?”Biglang napalingon si Fane at nakita ang isang makisig na lalaki na nakadamit ng pang Dual Sovereign Pavilion na nakatayo sa kanyang likuran. Ang lalaki ay nakatingin kay Fane ng may mabait na mga mata. Pagkatapos magpakilala, nalaman ni Fane na ang taong ito ay isang chosen disciple ng Dual Sovereign Pavilion, si Nelson Lester. Mukhang mas malakas si Nelson kaysa kay Griffin.Tinuro niya ang lugar 100 yarda sa kanyang likuran. “Ang lahat ng mga disipulo ng Dual Sovereign Pavilion ay nandoon. Bakit hindi mo kami samahan?”Tumango si Fane. bilang isang disipulo ng Dual Sovereign Pavilion, baka apihin siya ng iba kapag hindi siya sumama sa grupo. Para mapigilan ang kanyang sarili na masangkot sa ga
Iwinagayway ni Griffin ang kanyang manggas. Kung wala lang nakatayo sa harapan niya, sinugod na niya sana si Fane at kinolyaran ito para sampalin. “Sa tingin mo ba ay hindi ako kikilos laban sayo kung kailan marami ka nang atraso sa akin?! Kahit na nasa ilalim ka ng proteksyon ni Elder Godfrey, wala ka lang para sa amin, na mga chosen disciples. Madali lang kitang papatayin kung gusto ko!” Nagsalita si Griffin habang nagngangalit ang kanyang mga ngipin at para bang lulunukin na niya si Fane ng buo. Malamig na tumawa si Fane. Ang tanga talaga ni Griffin. Paano niya nagagawang sabihin ang bagay na iyon? Ang pagpatay sa iyong clan brother ay isang mabigat na krimen at ang may sala ay bibigyan ng mabigat na parusa kahit na saan ito mangyari. Subalit, binanggit ni Griffin ang bagay na ito ng walang alinlangan.At ganun na nga, dumilim ang ekspresyon ng mukha ni Nelson nung narinig niya ang sinabi ni Griffin. Bigla siyang lumingon at malakas na sinabi, “Junior Brother Griffin, pakiusap at