’Ano na ang gagawin ko ngayon? Bakit nandito ang lahat? Ang tanging taong may kakayahan na dalhin kaming lahat dito ay ang may-ari ng secret Place for Resources. Abo ba talaga ang balak niyang gawin?’ Bigla, sumagi sa isipan ni Fane ang sinabi ni Elder Godfrey.Ang Secret Place for Resources ay malamang na isang lugar na pamana na iniwan ng isang makapangyarihan na ninuno. Ang dahilan kung bakit iniwan niya ang lugar na ito ay para makahanap ng taong pwede niyang pasahan ng kanyang mantel. Hindi kaya tama ang hula ni Elder Godfrey?Bigla, isang matandang boses na may walang kapantay na lakas ang sumabog sa tenga ng lahat. “Ang lahat ng mga teleportation caves ay sarado na! Kung gusto niyong makabalik, kailangan niyon hanapin ang lagusan palabas ng sarili niyo. Bibigyan ko kayo ng palatandaan—ang lugar kung saan niyo pinasok ang Divine Void Slope ay ang lugar kung saan kayo pwedeng umalis!”Ang palatandaan na ito ang gumulo sa kanila kahit na kaya nilang hulaan ang kahulugan nito. An
Biglang huminto ang matandang boses.Ang lahat ay naging maligalig nang mabanggit ang pabuya. Kung nakatingin sila sa tuktok ng Divine Void Slope ay para bang lilipad pababa ang pabuya kapag tinitigan nila ito ng maigi. Ang mga umiilaw na mga bagay na nakita ni Fane kanina ay marahil ang mga pabiya na nabanggit ng matandang boses. Walang duda, ang mga bagay na ito ay malamang may napakalaking halaga dahil ang mga ito ay iniwan ng master ng Secret Place for Resources.Mukhang ang matandang boses ay gustong paigtingin ang kagustuhan ng lahat ng pagpapatuloy niya, “Masyadong marami ang mga pabuya, hindi na sila ipapaliwanag isa-isa, pero babanggitin ko ang ilan sa mga mas pangkaraniwan. Merong Ten Thousand Soul Pill, isang eighth-ranked spirited pill, Heaven Aroma Fruit, at Hundred Soul Grass, na parehong mga seventh-grade spirited grass, at limang spirited cores ng mga halimbawa na nasa divine-solidifying level!”Hindi magkandaumayaw ang lahat nung narinig nila ang huling sinabi ng ma
Dahil sa nababalot ang Divine Void Slope ng isang manipis na hamog, hindi niya magawa makita kung saan gawa ang dalisdis. Habang nakatuon ang kanyang isipan dito, narinig niya ang isang malinaw na boses na bigla na lang niyang narinig sa kanyang tenga. “Ikaw marahil si Junior Brother Fane?”Biglang napalingon si Fane at nakita ang isang makisig na lalaki na nakadamit ng pang Dual Sovereign Pavilion na nakatayo sa kanyang likuran. Ang lalaki ay nakatingin kay Fane ng may mabait na mga mata. Pagkatapos magpakilala, nalaman ni Fane na ang taong ito ay isang chosen disciple ng Dual Sovereign Pavilion, si Nelson Lester. Mukhang mas malakas si Nelson kaysa kay Griffin.Tinuro niya ang lugar 100 yarda sa kanyang likuran. “Ang lahat ng mga disipulo ng Dual Sovereign Pavilion ay nandoon. Bakit hindi mo kami samahan?”Tumango si Fane. bilang isang disipulo ng Dual Sovereign Pavilion, baka apihin siya ng iba kapag hindi siya sumama sa grupo. Para mapigilan ang kanyang sarili na masangkot sa ga
Iwinagayway ni Griffin ang kanyang manggas. Kung wala lang nakatayo sa harapan niya, sinugod na niya sana si Fane at kinolyaran ito para sampalin. “Sa tingin mo ba ay hindi ako kikilos laban sayo kung kailan marami ka nang atraso sa akin?! Kahit na nasa ilalim ka ng proteksyon ni Elder Godfrey, wala ka lang para sa amin, na mga chosen disciples. Madali lang kitang papatayin kung gusto ko!” Nagsalita si Griffin habang nagngangalit ang kanyang mga ngipin at para bang lulunukin na niya si Fane ng buo. Malamig na tumawa si Fane. Ang tanga talaga ni Griffin. Paano niya nagagawang sabihin ang bagay na iyon? Ang pagpatay sa iyong clan brother ay isang mabigat na krimen at ang may sala ay bibigyan ng mabigat na parusa kahit na saan ito mangyari. Subalit, binanggit ni Griffin ang bagay na ito ng walang alinlangan.At ganun na nga, dumilim ang ekspresyon ng mukha ni Nelson nung narinig niya ang sinabi ni Griffin. Bigla siyang lumingon at malakas na sinabi, “Junior Brother Griffin, pakiusap at
Hindi pinansin ni Fane ang tingin ni Griffin, lumingon ng hindi ito tinitingnan bago naglakad ng dalawang hakbang pasulong papunta sa dulo kung saan nagtitipon ang mga disipulo ng Dual Sovereign Pavilion. Wala siyang balak na makihalubilo sa mga taong ito at ang gusto lang niya ay payapang maghintay para bumukas ang Divine Void Slope. Dahil sa nangyari ay naging malungkot ang paligid ng mga disipulo ng Dual Sovereign Pavilion.Si Brook, ang pinakamagaling sa mga formal disciples, ay tiningnan si Fane bago lumingon at nginitain ang iba pa. “Ano kaya ang ibig sabihin ng tunog na narinig natin nung sinabi nito na ang ating mga martial skills na gumagamit ng true energy ay mapipigilan?”Natural lang na sumali na ang iba pa sa usapan nung binago ni Brook ang paksa. Ang kapatid ni Griffin, na si Howard, ay sinabi, “Sa tingin ko ay simple lang ito. Sinasabi sa atin ng boses na kapag tumapak tayo sa Divine Void Slope, ang martial skill na ginagamit natin ay mapipigilan! Ibig sabihin nito ay
Tiningnan ni Nelson si Fane ng naguguluhan bago nagsalita, “Gusto ko lang malaman kung ano ang kailangan niyo sa amin.”Malamig na suminghal si Theo, dahil alam niya na wala siyang masamang sinabi. Sa halip, tiningnan niya si Fane at sinbi, “Junior Brother Fane, alam mo ba na ang aming Junior Brother Frank ay namatay?”Napangisi si Fane sa kanyang isipan. Nung una ay akala niya ay naparito sila para sa ibang bagay, pero mukhang tungkol ito sa pagkamatay ni Fane. kaya naman tumango si Fane ng walang alinlangan. “Alam ko, at nakita ko siyang mamatay ng sarili kong mga mata, pero ano naman ang kinalaman nito sa akin? Hindi naman ako ang pumatay sa kanya.”Mukhang may gustong sabihin si Edric pero kaagad niyang pinigilan ang kanyang sarili.Sinighilan siya ni Thea. “Mali ka. Walang nakakita kung paano namatay si Junior Brother Frank, at ikaw ang pinakamalapit sa kanya nung nangyari itol. Higit pa dun, kayong dalawa ay may sama ng loob sa isa’t isa, at walang maniniwala sayo kapag sinab
”Kaagad kaming tatakbo para sa aming mga buhay. Sa sinasabi mo, ibig mo bang sabihin na hindi dapat tumakas ang aking junior brother? Namatay ba siya dapat kasama ni Frank? Hindi mo ba naiisip na ang sama ng sinasabi mo?”Sumama ang ekspresyon ni Theo nung pinuna ni Nelson ng dirertsahan ang masamang sinabi niya.Suminghal siya habang nakataas ang kanyang baba, “Sa tingin mo ba ay walang nakakita sa nangyari? Sinadya ko talagang tanungin ang disipulo ng Thousand Leaves Pavilion, na si Heath Vay, ang tungkol sa nangyari. Nakita niya na nagkaroon ka ng pagkakataon na harangin ang atake ng kalaban bago ka tumakas, pero hindi mo ginawa. Iniwan mo si Junior Brother Frank doon para saluhin ang lahat ng mga atake na iyon na ikinamatay niya, habang ikaw naman ay tumatakas!”Kumibot ang gilid ng mga labi ni Fane nung narinig niya ito. Sa sobrang inis ni Fane ay wala siyang masabi. Lalo na, ang ginawa niya ay makatwiran naman.Sasagot na sana si Fane nung nagsalita si Griffin ng may paghamak
Ang biglaang pagbanggit ni Griffin na dati siyang sinaraan ni Fane ang kaagad naging dahilan para magkamali ang iba ng akala na ginawa na ito noon ni Fane. Nagtaas ng kilay si Fane. “Senior Brother Griffin, hanag naman talaga ako na kaya mong gumawa ng kasinungalingan. Dahil nabanggit mo na rin lang na siniraan kita, pwede mo bang sabihin sa lahat kung ano ang kasinungalingan na sinabi ko at kung anong paninira ko sayo?”Napabuntong hininga na lang si Nelson. Alam niya na kapag hinayaan pa niya itong magpatuloy, hindi ito magiging maganda para sa kanila Fane at sa Dual Sovereign Pavilion.Kaya naman, nilahad niya ang kanyang kamay at pinigilan si Fane mula sa pagsasalita bago nagmadali papunta kay Griffin. Pagkatapos ay binlaan niya si Griffin ng may malamig na ekspresyon, “Junior Brother Griffin, pakiusap at ingatan mo ang mga sinasabi mo. Dahil wala ka naman kinalaman sa bagay na ito, hayaan mo na kami ni Junior Brother Fane na asikasuhin ito.” Wala nang iba pang sinabi si Grif