Share

Kabanata 2218

Author: Moneto
last update Huling Na-update: 2023-05-20 19:00:00
”Kaagad kaming tatakbo para sa aming mga buhay. Sa sinasabi mo, ibig mo bang sabihin na hindi dapat tumakas ang aking junior brother? Namatay ba siya dapat kasama ni Frank? Hindi mo ba naiisip na ang sama ng sinasabi mo?”

Sumama ang ekspresyon ni Theo nung pinuna ni Nelson ng dirertsahan ang masamang sinabi niya.

Suminghal siya habang nakataas ang kanyang baba, “Sa tingin mo ba ay walang nakakita sa nangyari? Sinadya ko talagang tanungin ang disipulo ng Thousand Leaves Pavilion, na si Heath Vay, ang tungkol sa nangyari. Nakita niya na nagkaroon ka ng pagkakataon na harangin ang atake ng kalaban bago ka tumakas, pero hindi mo ginawa. Iniwan mo si Junior Brother Frank doon para saluhin ang lahat ng mga atake na iyon na ikinamatay niya, habang ikaw naman ay tumatakas!”

Kumibot ang gilid ng mga labi ni Fane nung narinig niya ito. Sa sobrang inis ni Fane ay wala siyang masabi. Lalo na, ang ginawa niya ay makatwiran naman.

Sasagot na sana si Fane nung nagsalita si Griffin ng may paghamak
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Corazon
bat parang domoble ??
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2219

    Ang biglaang pagbanggit ni Griffin na dati siyang sinaraan ni Fane ang kaagad naging dahilan para magkamali ang iba ng akala na ginawa na ito noon ni Fane. Nagtaas ng kilay si Fane. “Senior Brother Griffin, hanag naman talaga ako na kaya mong gumawa ng kasinungalingan. Dahil nabanggit mo na rin lang na siniraan kita, pwede mo bang sabihin sa lahat kung ano ang kasinungalingan na sinabi ko at kung anong paninira ko sayo?”Napabuntong hininga na lang si Nelson. Alam niya na kapag hinayaan pa niya itong magpatuloy, hindi ito magiging maganda para sa kanila Fane at sa Dual Sovereign Pavilion.Kaya naman, nilahad niya ang kanyang kamay at pinigilan si Fane mula sa pagsasalita bago nagmadali papunta kay Griffin. Pagkatapos ay binlaan niya si Griffin ng may malamig na ekspresyon, “Junior Brother Griffin, pakiusap at ingatan mo ang mga sinasabi mo. Dahil wala ka naman kinalaman sa bagay na ito, hayaan mo na kami ni Junior Brother Fane na asikasuhin ito.” Wala nang iba pang sinabi si Grif

    Huling Na-update : 2023-05-21
  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2220

    Parang may mali sa buong pangyayari na ito.Biglang tumingala si Fane at sinabi kay Theo, “Nabanggit mo na nakita ni Senior Brother Heath ang buong pangyayari, tama? Masama ang kanyang loob sa kung ano ang nangyari at sinabi sayo ang lahat, tama ba ako?”Luminga-linga ang tingin ni Theo sa paligid, pero hindi nagtagal ay huminahon siya at tumango. “Totoo yun. Pakiramdam ni Junior Brother Heath ay sumosobra ka na. Walang sinuman ang kayang sikmurain ang ganung kasama na gawain, kung kaya bakit niya sinabi sa akin ang lahat para sa katarungan! Wag ka nang makipagtalo na hindi nakita ni Junior Brother Heath ang lahat ng nangyari. Kahit na masama na ang kanyang lagay nung mga oras na iyon, hindi naman ganun kadelikado ang kanyang lagay. Ang iba pa ay nakatuon sa kanilang mga sariling laban, pero may oras siya para obserbahan ang lahat habang lumalaban kayo. Iyon ang kung paano niya nasaksihan kung gaano ka kasama!”Nagtaas-noo si Theo na para bang makatarungan ang kanyang sinasabi, na p

    Huling Na-update : 2023-05-21
  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2221

    Hindi magsasalita ng makatarungan si Heath para kay Frank tulad ng sinabi ni Theo, dahil kinamumuhian ni Heath si Frank. Ang lahat ng ito ay nakakatawa lang para kay Fane. higit pa doon, natatandaan niya na si Heath ay hindi kinaya na manatiling gising matapos masugatan ng lalaking nakamaskara. Paano naman niya magagawa na tumingin sa ibang mga bagay sa mga sandaling iyon?Kahit na nasa kalagitnaan ng isang laban si Fane nung mga oras na iyon, napapansin pa rin niya ang mga pagbabago sa paligid. Mukhang hindi totoo na nakita ni Heath ang lahat ng nangyari! Totoo na ang iba ay malalim na nakatuon sa kanilang mga laban, ngunit nagawang ilarawan ni Theo ng eksakto ang kanilang laban. Nangangahulugan lang ito na merong ibang tao na naglarawan ng nangyari kay Theo, pero ang taong ito ay hindi si Heath o si Edric! Biglang tinaas ni Fane ang kanyang ulo para tingnan si Theo ay malamig itong tiningnan. Binuka niya ang kanyang bibig at sinabi, “Hanga ako sayo! Paano mo nagawa ito kung kailan

    Huling Na-update : 2023-05-21
  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2222

    Tumigil si Fane pagkatapos niya itong sabihin. “May iba pang tao na nakakita sa buong pangyayari!”Nagbago ang ekspresyon ni Theo, at sisingitan na niya sana si Fane nung naunahan siya ni Fane. “Ito ay ang taong sinubukan kaming patayin sa sandaling iyon!” Tinuro niya ang direksyon kung nasaan ang lalaking nakamaskara nung natapos siyang magsalita. “Ang eldest senior brother na iyon mula sa Corpse Pavilion na nakamaskara ay nakatayo lang sa tabi at inoobserbahan ang buong laban pagkatapos niyang sugatan si Senior Brother Heath! Siya marahil ang nagsabi sayo tungkol sa lahat!”Ang sinabi ni Fane ang gumising sa lahat ng nandoon. Kahit na si Fane ay hindi tapat at hindi makatarungan, nasa mahina siyang panig. Suminghal siya at nagpatuloy, “Ang Corpse Pavilion ang gustong pumatay sa amin, at namatay si Frank sa mga kamay ng mga disipulo ng Corpse Pavilion. Ginugulo mo kami sa halip na inaakusahan ang Corpse Pavilion! Ito ba ang katapatan at katarungan?”Ang lahat ng nandoon ay biglang

    Huling Na-update : 2023-05-22
  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2223

    Napatingin si Byron kay Theo ng masama. Kinamumuhian niya ang mga taong nakikipagtulungan sa kanilang mga kalaban para sa maliit na halaga. Ngumiti siya ng malamig at sinabi, “Ang isang tao na gustong maghanap ng hustisya para sa kanyang junior brother ay nakikipagtulungan para sa tunay na pumatay sa kanyang junior brother. Talagang isa kang hindi makatarungan at malupit na tao! Ang lakas naman ng loob mo na sabihin na tinutulungan ko ang ibang tao? Tanungin mo nga ang sarili mo tungkol sa ginagawa mo!”Halos lahat ay napatingin kay theo ng may pandidiri pagkatapos ng sinabi ni Byron. Gamit ang testimonya ni Byron at ang nagkasalang ekspresyon ni Theo, nalaman ng lahat ang katotohanan.“Akala ko ay talagang masama ang kanyang loob tungkol sa pagkamatay ng kanyang junior brother. Ayun pala, naparito siya para akusahan ang ibang tao para sa ilang benepisyo!”“Wala siyang sinabi nung nakaharap niya ang tunay na pumatay sa kanyang junior brother, at nakipagsabwatan pa siya taong yun! Na

    Huling Na-update : 2023-05-22
  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2224

    Pinasalamatan n Fane si Byron, pero kinaway ni Byron ang kanyang kamay. “Wala lang ito. Ginawa ko lang ito hindi ko masikmura ang ugali ni Theo.”Silang dalawa ay nagpalitan ng ilang mga salita bago pinabalik ni Fane si Byron. Mabagal ang takbo ng oras, at makalipas ang isang oras, muli nilang narinig ang matandang boses, “Tapos na ang oras! Ngayon ay pwede na kayong umakyat sa Divine Void Slope! Makakalaban niyo ang mga Divine Void Warriors kapag nasa Divine Void Slope na kayo. Ang criteria para husgahan ang inyong pagbagsak ay kapag nawalan na kayo ng kakayahan na lumaban o kung umamin kayo sa inyong pagkatalo. Kapag natalo kayo sa Divine Void Warrior, hindi na kayo pwedeng magpatuloy sa pag-akyat sa Divine Void Slope.”Ang pamantayan sa pagsusuri ay patas dahil ang lahat ay pwedeng sumuko kung pakiramdam nila ay masusugutan sila malubha kapag nagpatuloy pa sila sa pakikipaglaban.“Sige! Ang mga gustong umakyat sa Divine Void Slope, pwede na kayong magsimula ngayon. Ang mga ayaw

    Huling Na-update : 2023-05-23
  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2225

    Tumayo nang tatlong metrong layo mula sa likuran ni Fane ang lalaking nakamaskara at tinitigan siya nang maigi. Ngunit sumagot si Fane nang walang-bahala. "Maraming tao ang gustong pumatay sa akin, pero laging namamatay ang mga taong iyon." "Hmph! Napakayabang!" suminghal ang lalaking nakamaskara, parang sumabog ito mula sa kanyang dibdib. Binalewala ni Fane ang nangyayari sa likod at umapak siya sa Divine Void aslope. Sa sandaling umapak ang salawa niyang paa sa sahig, nakaramdam siya ng isang hindi nakikitang enerhiya na bumabalot sa buong katawan niya. Hindi siya makakilos dahil ang enerhiya ay kasintigas ng semento. Kasunod nito, kumilos siya nang mabilis at sumulpot sa hilagang bahagi ng bundok. Nang makagalaw na siya, nakakaramdam pa rin si Fane ng isang pwersang nakaharang sa paligid niya. Kahit na nakatayo sa parehong espasyong kinatatayuan ng iba, may kanya-kanya silang pwesto. Syempre, hindi lamang si Fane ang nakaramdam nito. Bang! Bang!Narinig ang isang bagay na

    Huling Na-update : 2023-05-23
  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2226

    Ang tao ay nagulantang at biglang huminto sa paglalakad. Ang mapulang kahel na liwanag ay lumitaw lang ng mga ilang sandali bago kaagad na naglaho. Pagkatapos ay isang multo ang lumitaw sa kanyang harapan. Ang multo ay may seryosong mukha at mga matang puno ng sigla. May hawak itong bagay na mukhang isang bolang kristal. Ang bolang kristal ay lumulutang dahil sa true energy ng multo. Nakatayo ito ng tuwid na parang isang sundalo sa harapan ng tao. Kaagad nitong nahatak ang atensyon ng lahat; walang duda na ang multo ay ang Divine Void Warrior na nabanggit ng matandang boses. Pagkatapos lumitaw ng Divine Void Warrior, ang disipulo ng Thousand Leaves Pavilion at kaagad naghanda para sa isang matinding laban. Meron siyang seryosong ekspresyon sa kanyang mukha habang nakatitig sa Divine Void Warrior habang mahigpit na hawak ang kanyang espada. Ang nakakagulat lang, ang Divine Void Warrior ay hindi kaagad kumilos matapos lumitaw, at para bang ang paglitaw nito at para pigilan ang mga ta

    Huling Na-update : 2023-05-24

Pinakabagong kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

DMCA.com Protection Status