Pinasalamatan n Fane si Byron, pero kinaway ni Byron ang kanyang kamay. “Wala lang ito. Ginawa ko lang ito hindi ko masikmura ang ugali ni Theo.”Silang dalawa ay nagpalitan ng ilang mga salita bago pinabalik ni Fane si Byron. Mabagal ang takbo ng oras, at makalipas ang isang oras, muli nilang narinig ang matandang boses, “Tapos na ang oras! Ngayon ay pwede na kayong umakyat sa Divine Void Slope! Makakalaban niyo ang mga Divine Void Warriors kapag nasa Divine Void Slope na kayo. Ang criteria para husgahan ang inyong pagbagsak ay kapag nawalan na kayo ng kakayahan na lumaban o kung umamin kayo sa inyong pagkatalo. Kapag natalo kayo sa Divine Void Warrior, hindi na kayo pwedeng magpatuloy sa pag-akyat sa Divine Void Slope.”Ang pamantayan sa pagsusuri ay patas dahil ang lahat ay pwedeng sumuko kung pakiramdam nila ay masusugutan sila malubha kapag nagpatuloy pa sila sa pakikipaglaban.“Sige! Ang mga gustong umakyat sa Divine Void Slope, pwede na kayong magsimula ngayon. Ang mga ayaw
Tumayo nang tatlong metrong layo mula sa likuran ni Fane ang lalaking nakamaskara at tinitigan siya nang maigi. Ngunit sumagot si Fane nang walang-bahala. "Maraming tao ang gustong pumatay sa akin, pero laging namamatay ang mga taong iyon." "Hmph! Napakayabang!" suminghal ang lalaking nakamaskara, parang sumabog ito mula sa kanyang dibdib. Binalewala ni Fane ang nangyayari sa likod at umapak siya sa Divine Void aslope. Sa sandaling umapak ang salawa niyang paa sa sahig, nakaramdam siya ng isang hindi nakikitang enerhiya na bumabalot sa buong katawan niya. Hindi siya makakilos dahil ang enerhiya ay kasintigas ng semento. Kasunod nito, kumilos siya nang mabilis at sumulpot sa hilagang bahagi ng bundok. Nang makagalaw na siya, nakakaramdam pa rin si Fane ng isang pwersang nakaharang sa paligid niya. Kahit na nakatayo sa parehong espasyong kinatatayuan ng iba, may kanya-kanya silang pwesto. Syempre, hindi lamang si Fane ang nakaramdam nito. Bang! Bang!Narinig ang isang bagay na
Ang tao ay nagulantang at biglang huminto sa paglalakad. Ang mapulang kahel na liwanag ay lumitaw lang ng mga ilang sandali bago kaagad na naglaho. Pagkatapos ay isang multo ang lumitaw sa kanyang harapan. Ang multo ay may seryosong mukha at mga matang puno ng sigla. May hawak itong bagay na mukhang isang bolang kristal. Ang bolang kristal ay lumulutang dahil sa true energy ng multo. Nakatayo ito ng tuwid na parang isang sundalo sa harapan ng tao. Kaagad nitong nahatak ang atensyon ng lahat; walang duda na ang multo ay ang Divine Void Warrior na nabanggit ng matandang boses. Pagkatapos lumitaw ng Divine Void Warrior, ang disipulo ng Thousand Leaves Pavilion at kaagad naghanda para sa isang matinding laban. Meron siyang seryosong ekspresyon sa kanyang mukha habang nakatitig sa Divine Void Warrior habang mahigpit na hawak ang kanyang espada. Ang nakakagulat lang, ang Divine Void Warrior ay hindi kaagad kumilos matapos lumitaw, at para bang ang paglitaw nito at para pigilan ang mga ta
Ang mga disipulong ito ay mga taong may pribilehiyo sa kanilang mga pavilion at ginugol ang kanilang buhay sa papuri. Hindi pa sila nakaranas ng ganitong paghamak, at ang tingin sa mga mata ng mga Divine Void Warriors ay sobrang nakakalungkot para sa kanila.“Mukha ba kaming mga basura? Bakit ganyan kayo makatingin sa amin? Kayo ay nasa initial stage lang naman ng innate level!” Ilan sa kanila ang nagreklamo. Ilan sa kanilang mga alalahanin ay naglaho dahil sa wala silang dapat na ikatakot nung ang kabilang partido ay kapareho lang nila ng lakas. Ang mga Divine Void Warriors na nakatayo sa harapan ng mga disipulong ito ay hindi sumagot. Ang mga mandirigma ay may parehong tingin sa kanilang mga mata at tahimik, na para bang walang narinig ang mandirigma. Humalukipkip si Fane at inobserbahan ang mga nangyayari sa kanyang paligid ng may interes. Ang iba naman ay walang masabi sa kanyang mga kinikilos. Habang nakatuon siya sa kanyang obserbasyon, bigla niyang naramdaman na para bang m
Tatlong kalaban ang nakapalibot kay Fane, ang kanilang mga tingin nagliliyab sa poot ngunit masaya nang maisip na pagpipirasuhin nila si Fane. Si Fane ay may alitan sa tatlong tao na ito, at alam niya na may kakayahan sila na pagpirapirasuhin siya gamit ng kanilang mga punyal.Si Fane ay nasa isang masalimuot na kalagayan sa sandaling ito. Alam niya na nasa matindi siyang panganib, na ang kanyang mga kalaban ay pahihirapan siya hanggang sa mamatay siya. Gusto niyang kumawala, ngunit pakiramdam niya ay para bang may halong semento ang kanyang katawan, at hindi siya makagalaw. Isang malamig na hangin ang umihip sa kanyang mga patilya, at bumilis ang tibok ng kanyang puso. Kaagad siyang lumingon at nakita ang lalaking nakamaskara na may hawak na patalim habang papalapit kay Fane. Ang dalawang natitirang tao ay papalapit na rin. Lahat silang tatlo ay may patalim na hawak, at alam niya kung ano ang kanilang gagawin. At ganun na nga, ang kanyang kinakatakutan ng husto ay nangyayari na.
Subalit, tinigil ni Fane ang pag-iisip na ito nung nakita niya ang pagbabago sa mga mata ng Divine Void Warrior. Ang multo na ito ay meron ngang pag-iisip!Ito…ay masyadong… Nagulantang si Fane dahil hindi niya mawari kung ano ang kanyang nararamdaman. Ano ba ang mga bagay na ito?“Pakawalan mo ko! Patawarin niyo na ako! Nagkamali ako! Hindi ko na ulit ito gagawin!” Isang nakakapanindig-balahibong sigaw ang nagmula sa kanyang gawing kaliwa, at lumingon si Fane para tingnan ito. Napansin niya na halos lahat ay nakatayo lang sa kanilang kinatatayuan, pero ang kanilang mga mukha ay nagpapakita ng matinding ekspresyon. Ang sigaw ay nagmula sa isang disipulo ng Muddled Origin Clan. Ang katawan ng disipulo ay nanigas habang isang takot na ekspresyon ang makikita sa buong mukha nito. Mukhang nagmamakaawa siya habang tumutulo ang luha sa kanyang mga pisngi, na bumasa sa kanyang damit sa proseso. Kitang kita na kanina pa siya umiiyak. Gayunpaman, hindi lang siya ang may ganitong reaksyon
Sila Fane at Theo ay gumawa ng isang malaking gulo sa oras na iyon, at ang mga disipulo ng Muddled Origin Clan ay hindi nangahas na sumunod kay Theo para gumawa ng gulo sa may Dual Sovereign Pavilion. Ang mga hindi sumama ay tinuon ang lahat ng kanilang pansin sa panig na iyon. Kaya naman, ang disipulong ito ay talagang nagulat nung napagtanto niya kung sino ang taong yun. Ang taong ito ay ang unang makawala sa ilusyon? Maswerte lang ba siya, o talagang may kakayahan siya? Ang disipulo ng Muddled Origin Clan at may madilim na ekspresyon sa kanyang mukha. Mas mataas siya ng isang realm kaysa kay Fane at nasa final stage na siya ng innate level. Lahat sila ay tinuon ang kanilang pansin sa kaguluhan nung ginugulo ni Theo si Fane. habang ang lalaking ito ay nasa intermediate stage pa lamang ng innate level, hindi nila siya binigyan ng pansin. Narinig nila na isa lang siyang elder disciple at hindi pa isang chosen disciple. Ang disipulo ng Muddled Origin Clan at hindi matanggap ang ka
Sa mga sandaling ito, marami na ang unti-unting nakawala mula sa kanilang ilusyon. Marami sa kanila ang mukhang nagulantang at nasa masamang kalagayan nung nakalabas sila sa kanilang mga ilusyon. Lalo na, ang Divine Void Illusion ay ginagamit ang kahinaan ng mga puso ng tao at ipinapakita sa kanila ang mga bagay na ayaw nilang harapin. Ang mga disipulo ay natakot at nagpasalamat nung nakatakas sila sa ilusyon. “O diyos ko! A—Anong klaseng illusion skill iyon? Masyado itong…nakakatakot na akala ko ay totoo ang lahat! Muntik na akong matalo!” “Oo! Second Senior Brother, gising ka na rin? Mas mabilis ka pa kaysa sa iba pang mga clan brothers!”Habang may mga nanalo, may ilang ding natalo sa laban. Marami sa kanila ang nabigo at sumuka ng dugo habang nanghihina ang kanilang mga isipan. Ang mga taong ito ay natural lang na nababalot sa mapulang kahel na liwanag at hindi na pwedeng umusad dahil nabigo sila sa hamon. Subalit, karamihan sa kanila ay nagtagumpay, at ang tiyansa nila na m