Tatlong kalaban ang nakapalibot kay Fane, ang kanilang mga tingin nagliliyab sa poot ngunit masaya nang maisip na pagpipirasuhin nila si Fane. Si Fane ay may alitan sa tatlong tao na ito, at alam niya na may kakayahan sila na pagpirapirasuhin siya gamit ng kanilang mga punyal.Si Fane ay nasa isang masalimuot na kalagayan sa sandaling ito. Alam niya na nasa matindi siyang panganib, na ang kanyang mga kalaban ay pahihirapan siya hanggang sa mamatay siya. Gusto niyang kumawala, ngunit pakiramdam niya ay para bang may halong semento ang kanyang katawan, at hindi siya makagalaw. Isang malamig na hangin ang umihip sa kanyang mga patilya, at bumilis ang tibok ng kanyang puso. Kaagad siyang lumingon at nakita ang lalaking nakamaskara na may hawak na patalim habang papalapit kay Fane. Ang dalawang natitirang tao ay papalapit na rin. Lahat silang tatlo ay may patalim na hawak, at alam niya kung ano ang kanilang gagawin. At ganun na nga, ang kanyang kinakatakutan ng husto ay nangyayari na.
Subalit, tinigil ni Fane ang pag-iisip na ito nung nakita niya ang pagbabago sa mga mata ng Divine Void Warrior. Ang multo na ito ay meron ngang pag-iisip!Ito…ay masyadong… Nagulantang si Fane dahil hindi niya mawari kung ano ang kanyang nararamdaman. Ano ba ang mga bagay na ito?“Pakawalan mo ko! Patawarin niyo na ako! Nagkamali ako! Hindi ko na ulit ito gagawin!” Isang nakakapanindig-balahibong sigaw ang nagmula sa kanyang gawing kaliwa, at lumingon si Fane para tingnan ito. Napansin niya na halos lahat ay nakatayo lang sa kanilang kinatatayuan, pero ang kanilang mga mukha ay nagpapakita ng matinding ekspresyon. Ang sigaw ay nagmula sa isang disipulo ng Muddled Origin Clan. Ang katawan ng disipulo ay nanigas habang isang takot na ekspresyon ang makikita sa buong mukha nito. Mukhang nagmamakaawa siya habang tumutulo ang luha sa kanyang mga pisngi, na bumasa sa kanyang damit sa proseso. Kitang kita na kanina pa siya umiiyak. Gayunpaman, hindi lang siya ang may ganitong reaksyon
Sila Fane at Theo ay gumawa ng isang malaking gulo sa oras na iyon, at ang mga disipulo ng Muddled Origin Clan ay hindi nangahas na sumunod kay Theo para gumawa ng gulo sa may Dual Sovereign Pavilion. Ang mga hindi sumama ay tinuon ang lahat ng kanilang pansin sa panig na iyon. Kaya naman, ang disipulong ito ay talagang nagulat nung napagtanto niya kung sino ang taong yun. Ang taong ito ay ang unang makawala sa ilusyon? Maswerte lang ba siya, o talagang may kakayahan siya? Ang disipulo ng Muddled Origin Clan at may madilim na ekspresyon sa kanyang mukha. Mas mataas siya ng isang realm kaysa kay Fane at nasa final stage na siya ng innate level. Lahat sila ay tinuon ang kanilang pansin sa kaguluhan nung ginugulo ni Theo si Fane. habang ang lalaking ito ay nasa intermediate stage pa lamang ng innate level, hindi nila siya binigyan ng pansin. Narinig nila na isa lang siyang elder disciple at hindi pa isang chosen disciple. Ang disipulo ng Muddled Origin Clan at hindi matanggap ang ka
Sa mga sandaling ito, marami na ang unti-unting nakawala mula sa kanilang ilusyon. Marami sa kanila ang mukhang nagulantang at nasa masamang kalagayan nung nakalabas sila sa kanilang mga ilusyon. Lalo na, ang Divine Void Illusion ay ginagamit ang kahinaan ng mga puso ng tao at ipinapakita sa kanila ang mga bagay na ayaw nilang harapin. Ang mga disipulo ay natakot at nagpasalamat nung nakatakas sila sa ilusyon. “O diyos ko! A—Anong klaseng illusion skill iyon? Masyado itong…nakakatakot na akala ko ay totoo ang lahat! Muntik na akong matalo!” “Oo! Second Senior Brother, gising ka na rin? Mas mabilis ka pa kaysa sa iba pang mga clan brothers!”Habang may mga nanalo, may ilang ding natalo sa laban. Marami sa kanila ang nabigo at sumuka ng dugo habang nanghihina ang kanilang mga isipan. Ang mga taong ito ay natural lang na nababalot sa mapulang kahel na liwanag at hindi na pwedeng umusad dahil nabigo sila sa hamon. Subalit, karamihan sa kanila ay nagtagumpay, at ang tiyansa nila na m
Ang lalaking nakamaskara ay nagpakawala ng isang mahabang buntong hininga habang naniningkit ang kanyang mga mata kay Fane. Ang kanyang tingin ay marahil matindi na naging dahilan para si Fane, na kahit nasa malaki ang gawat nila, ay mapalingon sa direksyon nito. Kahit na may nakatakip na maskara sa kanyang mukha, alam pa rin ni Fane kung ano ang ekspresyon na nasa ilalim ng maskara nito base lang sa mga mata nito. Ito ba ay paghamon? Inggit? O marahil kapaitan? Nagpakawala ng malamig na tawa si Fane. Ano ba ang pakialam niya kung ano ang nararamdaman ng lalaking nakamaskara? Ang pagkatalo ay isang pagkatalo. Ang malamig na ngisi ni Fane ang nagpasiklab sa poot ng lalaking nakamaskara. “Natutuwa ka na niyan sa sarili mo? Sa tingin mo ba ay nahigitan mo na ba ako? Mas mabilis ka sa akin, na tanging maihahambing ko lang sa iyong matatag na determinasyon. Kung talagang mas malakas ka sa akin, bakit lagi mo na lang akong tinatakasan kapag naglalaban tayo noon?” Ang boses ng lalaki
Ang atensyon ng lahat ay nakatuon sa lalaking iyon. Ang Divine warrior na nakatayo sa harapan niya ay nagsimulang kumilos sa sandaling ginamit ng disipulo ang skill na ito. Ang kulay lilang spada na hawak nito ay umilaw habang hinaharap nito ang Blood Wave habang sumusugod paharap. Ngunit sa sandaling iyon, narinig ang isang tunog habang umiilaw nang sobrang lakas ang aura ng Divine warrior at napapikit ang lahat. Ang Divine warrior ay nabalot ng isang kulay lilang liwanag. Naglaho ang kulay lilang liwanag kasunod nito, ngunit isang nakakagulat na eksena ang sumalubong sa lahat. Ang Divine warrior ay nahati sa dalawang magkamukhang Divine warrior. Dalawa silang may kulay lilang spada at hinarap ang atake ng disipulo mula sa Thousand Leaves Pavilion. "Isa pang illusory art! Isa namang phantom ngayon!" maraming disipulo ang napasigaw sa gulat. Ganito rin ang naisip ng disipulo mula sa Thousand Leaves Pavilion. Kumunot ang noo niyo at tinitigan ang Divine warrior na naging dalaw
Bago pa tumagal ang pagtataka ng mga disipulo, napansin nila na ang Divine warrior ay biglang naging kulay lilang liwanag, at kaagad na hinigop ng Divine warrior sa kanan. Napahinga nang malalim ang lahat sa eksenang ito. Ang kaninang nataga ay hindi ang tunay na katawan!Isang Divine warrior na lamang ang natira sa harapan ng disipulo ng Thousand Leaves Pavilion. Nanlaki ang mata nito nang titigan niya ang Divine warrior nang hindi makapaniwala. Doon niya napagtantong malinang hula niya… ngunit huli na ang lahat. Nasa harapan na ng disipulo ang spada ng Divine warrior. Narinig ng lahat na may nataga. Dahil hindi niya madepensahan ang kanyang sarili, napuruhan nang matindi ang disipulo ng Thousand Leaves Pavilion sa spada ng Divine warrior. Isa itong malalim na sugat mula sa kanyang kaliwang balikat hanggang sa kanang baywang. Sumuka ng dugo ang disipulo at bumagsak sa sahig. Nawalan na siya ng lakas na lumaban sa sugat na kanyang natamo. Namantsahan ng dugo ang kanyang dami
Isa itong malaking pagkakataon para sa mga disipulo na patunayang mas malakas sila kay Fane. Sa kabilang banda, hindi nabahala si Fane sa iniisip nila, lumingon lamang siya palayo at binalewala ang mga ito. Subalit, akala ni Griffin kinakabahan dito si Fane, kaya ngumisi siya. "Sigurado namang hindi ka naniniwalang ang nakuha mong resulta kanina ay nangangahulugang mas magaling ka sa lahat ng nandito, tama?" Nagsalubong ang kilay ni Fane, ayaw talaga niyang makipag-usap sa langaw na ito. Sa kabilang banda, kapag hindi siya sumagot, iisipin ng iba na takot talaga siya, hindi man lang makasagot. Lumingon siya nang tinatamad. "Hindi ko naman gustong higitan ang kahit sino. Pwede bang manahimik ka? Kung gusto mo talagang patunayan ang galing mo, halika dito. Bakit ka nagsasayang ng oras sa kalokohan?!" Namula sa galit ang mukha ni Griffin habang tinuturo niya si Fane. "Sige ba! Ipapatikim ko sa'yo kung gaano talaga kalaki ang agwat ng husay natin!" Sa sandaling sinabi niya ito,