Isa itong malaking pagkakataon para sa mga disipulo na patunayang mas malakas sila kay Fane. Sa kabilang banda, hindi nabahala si Fane sa iniisip nila, lumingon lamang siya palayo at binalewala ang mga ito. Subalit, akala ni Griffin kinakabahan dito si Fane, kaya ngumisi siya. "Sigurado namang hindi ka naniniwalang ang nakuha mong resulta kanina ay nangangahulugang mas magaling ka sa lahat ng nandito, tama?" Nagsalubong ang kilay ni Fane, ayaw talaga niyang makipag-usap sa langaw na ito. Sa kabilang banda, kapag hindi siya sumagot, iisipin ng iba na takot talaga siya, hindi man lang makasagot. Lumingon siya nang tinatamad. "Hindi ko naman gustong higitan ang kahit sino. Pwede bang manahimik ka? Kung gusto mo talagang patunayan ang galing mo, halika dito. Bakit ka nagsasayang ng oras sa kalokohan?!" Namula sa galit ang mukha ni Griffin habang tinuturo niya si Fane. "Sige ba! Ipapatikim ko sa'yo kung gaano talaga kalaki ang agwat ng husay natin!" Sa sandaling sinabi niya ito,
Napakalinis ng galaw ng lalaking nakamaskara. Maging ang pagtabi niya ng kanyang spada ay napakalinis. Ang mga kilos niya ay parang isang obra maestra. Klink. Itinabi niya ang kanyang machete. Hindi niya ibinalik sa space ring ang kanyang sandata at sa halip ay hinawakan niya lamang ito. "Diyos ko! Ang… ang galing. Ang Divine warrior ay parang putik lamang sa kanya. Pakiramdam ko ang Divine warrior na kinalaban ko ay hindi tulad ng kinalaban niya!" Marami sa kanila ang hindi mapigilang mapabulong. Ang ilan ay nag-usap-usap. Napag-usapan nila na parang ang dali tingnan nito dahil sa atake ng lalaking nakamaskara. Kumpara sa kanilang lahat na binuhos ang buong lakas nila, napakalaki ng agwat nito. Napahanga ang ilan sa kanila. "Kilala ko siya! Isa siyang disipulo ng Corpse Pavilion. Ang lahat ng ibang disciple ay ginagalang siya. Siguradong mataas ang posisyon niya sa Corpse Pavilion para itrato siya nang ganito ng ibang mga disciple. Siguro napakahusay din niya…" "Naiinis
Ganito pa rin ang ekspresyon ni Graham pagkatapos umikot sa ere. Hindi pa naglalaho ang mga dahong tumama sa Divine warrior. Sa halip, nagtipon ito sa spada ni Graham. Napakabilis pa rin ni Graham, at ang nangyari ay tulad ng sa lalaking nakamaskara kanina. Sobrang bilis ni Graham, at bago pa magkaroon ng pagkakataon ang Divine warrior na higupin ang kapangyarihan ng napatay na warrior, muling umatake si Graham, at pinatay ang warrior sa isang atake. Napakalinis ng pagkakagawa nito. Ngunit kumpara sa kung gaano kadaling tinalo ng lalaking nakamaskara ang Divine warrior, mukhang mas malaking enerhiya ang ginamit ni Graham. Ngunit alam ng lahat ng nandoon na hindi pa pinapakita ng dalawa ang tunay nilang lakas! Ito ang nakakatakot dito! Para makapasok sa Secret Place for Resources ay nangangahulugang mas mababa sila sa late stage ng innate level. Bukod kau Fane, ang lahat ng nandoon ay nasa ganitong lebel. Patas dapat ang kompetisyon dahil pareho ng lebel ang lahat. Ang lamang la
Sa sandaling iyon, sumugod rin ang Divine warrior sa kanan. Nang atakihin mula sa kaliwa at kanan, biglang namutla ang mukha ni Griffin. Maraming disipulo ang nahuli ng atakeng ito. Dahil hindi nila mapatay ang isa sa Divine warrior, ang isa ay kaagad na aatake. Dahil inaatake sila sa magkabilang panig, madali silang napupuruhan dito! Ngunit si Griffin ay isang chosen disciple. May sarili siyang skill, kaya sumigaw siya, "Misty Steps!" Iniwasan niya ang atake ng Divine warrior sa kanan na para bang isa siyang hito, at hindi siya nagdalawang-isip na atakihin ang warrior sa kaliwa. Sa pagkakataong ito, hindi siya nagpigil. Umilaw nang pula ang butong hawak niya habang sumisigaw siya nang malakas, "Mamatay ka na!" Tumagos ang buto sa katawan ng Divine warrior. Pagkatapos marinig ang isang malakas na tunog, ang Divine warrior ay naging isang liwanag. Ito ang pinakamahalagang sandali. Hindi niya dapat hayaan ang Divine warrior na mahigop ang liwanag. Kung hindi, lalakas nang husto
Si Brook, na malapit lang kau Fane, ay nanalo laban sa Divine warrior, at natapos ang kanyang laban. Lahat ng nakakakilala kay Fane ay tumingin sa kanya nang nagtataka. Bakit hindi kumikilos si Fane? Naghihintay ba siya ng tanghalian? Suminghal si Griffin, "Hindi kaya natatakot ka, Fane? O nag-aalala kang maipapakita mo ang kahinaan mo sa amin? Kung ganoon, huwag ka nang magpanggap na kalmado. Kung umasta ka parang ang dali mo lang matatalo ang Divine warrior sa harap mo!" Naningkit ang mata ni Fane, ayaw tumingin kay Griffin. Wala na siyang pake sa mga paghahamon na ito. Ngunit hindi siya kumilos dahil pinapanood niya ang ibang laban at nag-iisip siya. Kumislap ang mata niya nang tingnan niya ang Divine warrior sa harapan niya. Dahil hindi siya umatake, inakala ng Divine warrior na hindi pa handa si Fane, kaya hindi rin inatake ng Divine warrior si Fane. Sa katotohanan, ang husay ng Divine warrior ay katumbas ng isang taong nakarating na sa middle stage ng innate level. Kumpar
Nangyari ang lahat ng ito sa isang iglap. Hindi ito mas mabagal kay Graham at sa lalaking. Nakamaskara. Nanlaki ang mata ng mga nakasaksi sa laban ni Fane. Masyadong mabilis na napatay ni Fane ang mga Divine warrior. Higit pa ito sa isang karaniwang disipulo. Napanganga ang ilan sa kanila nang matapatan niya ang dalawang pinakamalakas na tao dito. "Ang batang ito ang naunang nakarating sa second stage! Pagkakaalala ko siya ang pinakamabilis. Siya ang unang nakatakas sa mga illusion. Hindi ako makapaniwalang ang husay niya ay talagang kapantay ng determinasyon niya!" "Hindi pa 'yan ang pinakamahalaga. Tingnan mo ang fighting prowess niya. Nasa middle stage lamang siya ng innate level. Talagang mas malakas siya sa lahat ng late-stage innate level disciple dito, at hindi lamang maliit ang lamang niya!""Sa lahat ng nandito, ang nakamaskarang disciple ng Corpse Pavilion at si Graham, ang leader ng mga estudyante ng Thousand Leaves Pavilion lamang ang makakatapat sa kanya! Tingnan mo
”Hindi! May mali sa tunog na ito. Bakit pakiramdam ko ay parang gusto akong patayin nito?”“Anong nangyayari? Bakit naririnig ko pa rin ito naririnig kahit na tinakpan ko na ang aking mga tenga?” Ang bawat tunog ay nagdudulot ng pagwawala ng daloy ng kanilang dugo. Ang ilan sa kanila ang nararamdaman na nagwawala ang kanilang mga dugo sa bawat pagtunog ng batingaw, at ilan sa kanila ay nagsimula nang sumuka ng dugo. Nagsalubong ang kilay ni Fane, pinaikot sa katawan niya ang kanyang true energy para harangin ang mga atake na dala ng tunog. Ang mga Divine Void Warrior sa kanyang harapan ay hindi pa rin gumagalaw ngunit nakatingin pa rin sa kaya ng may may panlilibak. At nung nagtataka si Fane kung ano pa ang meron bukod sa mga batingaw, kumislap ang kanyang paningin nang makarating siya sa isang espesyal na lugar.Ang eksena ay masyadong mabilis na nagbago para sa kanya para mahulaan kung ano ito. Nagtataka siya kung isa ba itong ilusyon uli, ngunit binalewala niya ang posibilid
Sa matinding kaba na dulot ng sandaling iyon, ang tunog ng pumipitong ihip ng hangin ang kanyang narinig. Kahit na sino ay alam na may mangyayari sa mga sandaling iyon. Tinapang ni Fane ang kanyang sarili, saka tinuon ang lahat ng kanyang atensyon sa kanyang kapaligiran. Sa sandaling may anumang kakaiba na mangyari, kaagad siyang kikilos. Lumakas ang hangin, na tumangay sa alikabok sa lupa, na nakasagabal sa paningin ni Fane. ang damit ni Fane ay pumapagaspas sa hangin. Hindi lang nakakasagabal ang hangin sa kanyang paningin, natakpan din nito ang anumang tunog sa kanyang kapaligiran. Biglang napadpad si Fane sa isang lugar na kung saan ay hindi niya magamit ang kanyang mga pandama. Huminga siya ng malalim, hindi magiging maganda kapag nagpatuloy pa ito! Isa pang malakas na ihip ng hangin ang dumaan sa kanya, na naging dahilan para mawalan ng balanse si Fane at muntik nang tangayin ang kanyang katawan ng sumisipol na hangin. Anong nangyayari?! Hindi niya alam kung gaano ka