Nang hinarap niya ang kanilang mga pangungutya, hinawakan ni Fane si Daniella mula sa bewang nito, hinila ito papalapit sa kanyang dibdib, at binaba ang kanyang ulo upang halikan ang mapula nitong mga labi. Mabilis na tumibok ang puso ni Daniella sa kanyang pagkagulat, at nagulat sa kung paano nagdesisyon si Fane na patunayan ang kanilang relasyon sa sandaling iyon sa isang mapangahas na paraan, hindi ba siya natatakot na baka ang mga taong ito ay ikapalat ang balita tungkol sa kanilang dalawa? Ano ang dapat nilang gawin kapag nalaman ng Hunt family ang tungkol dito? “Ikaw…” ANg lahat ng tatlong anak na lalake ng Norman family ay may gusto sa tatlong young mistresses ng Cabello family. Ang kanilang tunay na pakay ay si Daniella dahil sa mukha itong mas bata at masigla. Siya, sa madaling salita, ay nabihag sila. Paano nagawa ni Fane na mapaibig sila Helena at Daniella sa kanya? Nag-uumapaw ang ingit sa kanilang mga puso. Higit pa doon, kinamuhian nila kung paano ang babae na ma
"Tama ka, Kuya. Pambihira ang ganda ng babaeng to. Sayang naman kung papatayin natin siya nang basta-basta!" Malagim na ngumiti si Joshua. "Maliban roon, pwede nating patayin ang kahit na sinong gustuhin natin sa paligsahan na to. Haha. Kahit ang ama ni Daniella ay hindi magtatangkang gumawa ng kahit na ano sa'tin kung paglalaruan muna natin siya bago patayin!" Sumingit din si Conley, "Tama kayo pareho. Hindi nobya ni Fane si Daniella kaya may posibilidad na hindi pa siya nagagalaw. Hehe!" "Tama ka!" Isa pang henyo mula sa Norman family ang may malagim na ngiti sa kanyang mukha. Mayroon ring malalagim na ngiti ang dalawang iba pang dalawang lalaki mula sa Lagorio family. Tinitigan nila si Daniella at napalunok. Lalo na't mahirap makahanap ng isang magandang dalagang kagaya niya. Maraming lalaki ang nagnanasa sa mga anak na babae ng Cabello family, at makakapagyabang sila kung makukuha nila ang unang beses nila. Walang masabi ang dalawang dalaga mula sa Lagorio family. Nan
Lalo na’t ang lahat ng walong kalalakihang nasa harapan niya ay nasa true god realm, at dalawa sa kanila ay nasa intermediate stage. Malamang ay isa sila sa mga pinakamagagaling na kalahok ngayong araw . Kaya kayab ni Fane na saluhin ang mga atake nilang walo nang mag-isa?Ngunit isang maliit na ngiti ang lumitaw sa kanyang mga labi habang hinarap niya sila. Hinigpitan niya ang hawak niya sa itim na espadang nasa kamay niya habang dahan-dahan niyang binubuhos ang kanyang chi sa maliit na butas sa hawakan nito. Hum!Habang dumaloy ang chi rito, nagsimulang umugong nang nakakatakot ang espada. Nagnginig ang espada at lumakas ang aura ni Fane. “Ang lakas ng aura niya. Pinalakas siya ng espadang iyon!”Mabilis itong naramdaman ni Joshua at nagdilim ang kanyang ekspresyon. “Kuya, di ba sabi mo hindi mapapalakas ng flying sword ang may hawak nito?”Natakot si Conley pagkatapos niyang maramdaman ang bugso ng enerhiya mabilis siyang tumingin sa kanyang kuya para mapagaan ang kan
Kahit si Keith na may pinakamataas na cultivation level at ang pinakamalakas sa kanila, ay natakot, pakiramdam niya ay paparating na ang kamatayan sa kanila. Lumakas nang lumakas ang pakiramdam na iyon, at sobrang natakot ang pitong iba pa na tuluyang nawala ang kulay sa mga mukha nila. Napuno ng takot ang kanilang mga titig. “Wag kayong mag-alala. Tiyak na mananalo tayo. ,arami tayong umaatake sa kanya nang sabay-sabay. Matatalo natin siya!”Sa sobrang takot ni Conley ay nanginginig ang boses niya, pero hinawakan niya nang mahigpit ang espada at sinubukang palakasin ang loob ng mga kasama niya. Bang bang bang!Isang nakakatakot na pagsabog ang bumugso sa ere. Sa sumunod na segundo, nasira ang lahat ng mga atake mula sa mga henyo ng Lagorio na nasa beginning stage ng true god status. “Pfft!”Napasuka ng dugo ang mga taong iyon at nangiwi ang mga mukha nila. “Bw*sit. Ang daling nasira ng mga atake nila!”Naira ni Fane ang ilang mga atake. Malinaw na hindi na magtatagal ang m
Lumipad nang paarko ang atake at lumapag sa mga dibdib ng magkapatid na kaagad na pumatay sa kanila.“Na–napakalakas niya!” Natulala si Daniella. Inabot siya ng ilang segundo bago siya lumunok at nagsalita. Kinuha ni Fane ang mga martial ring mula sa walong bangkay at lumitaw sa harapan ni Daniella. Nginitian niya siya. “Dalian na natin at umalis na tayo rito. Kung hindi, baka may makaalam pa na pinatay ko sila. Kung malalaman to ng Norman family, tiyak na magdadala sila ng problema sa mga pamilya natin kahit na hindi sila bumawi kaagad!”“Sige!”Mahinihing tumango si Daniella at hinawakan ang kamay ni Fane. lumipad ang dalawa at tumakas mula sa eksena ng insidente. Huminto lang sila pagkatapos ng ilang sandali. Kinuha ni Fane ang mga plaque, spirited grass, at iba pang mahahalagang bagay mula sa mga martial ring at tinapon ang mga ito pagkatapos niyang ilagay sa kanyang martial ring ang mga kinuha niya. Uminit ang pakiramdam ng dibdib ni Daniella. Pinatay talaga ni Fane ang
Hindi nagtagal pagkatapos nilang umalis, ilang mga kalahok mula sa Norman family ang dumating sa eksena ng labanan. Nagdilim ang eklspresyon nilang lahat nang makita nila ang mga bangkay. “Bw*sit. Patay na ang lahat ng talong young masters. Ano-ano nang gagawin natin?”Nagsalubong ang kilay ng isa sa mga lalaki na nasa beginning stage ng true god realm. “Lalo na sina Young Master Keith at Young Master Joshua, sila ang pinakamagandang kandidato para maging tigapagmana, at sila ang pinakamalalakas mula sa pamilya natin. Tiyak na matatalo tayo sa paligsahan ngayong patay na sila!” Natuwa naman ang isa pang lalaki. Sa sandaling ito, malagim siyang ngumiti. “Malaking kawalan nga ito, pero ngayong patay na ang tatlong anak ng master natin, ibig sabihin ay mayroon tayong pag-asang makuha ang posisyon ng tigapagmana.”Natuwa ang lalaking nasa beginnning stage ng true god status nang marinig niya ang balitang ito. Patay na ang tatlong henyo. Ngayon, ang cultivation level nila ay kabilan
“Fane, tingnan mo. May isa pang plaka!” Hindi nagtagal, nakahanap si Daniella ng isa pang itim na plaka at dinampot ito. Lumipad siya papunta sa kung nasaan si Fane at itinulak ito papunta sa kanya. “Hindi ka ba natatakot na baka magalit ang tatay mo kapag nalaman niya ang tungkol dito?” Malungkot na ngumiti si Fane at itinabi ang plaka. Lumipad silang dalawa nang may agwat sa isa’t isa upang mapalawak ang paghahanap. Malinaw na mas madali para kay Fane na mahanap ang mga plaka sa tulong ni Daniella. “Wala akong pake kung magalit siya. Hmph. Magiging asawa na din kita, kaya susunod ako sa anumang gagawin mo!” Galit na suminghal si Daniella. Tapos nahihiya niyang idinagdag, “Wala namang masama kung gusto kong tulungan ang asawa kong hanapin ang mga plaka at makakuha ng magandang resulta!” Nagkaroon ng init sa dibdib ni Fane, at kaagad niyang naisip si Selena pagkatapos, na nasa Woods family estate pa. Suminghal siya. “Hindi ko nga alam kung sasabihin ko ba kay Selena. Kumust
“Imposible. Isang hukbo?” Huminga nang malalim si Daniella pagkatapos marinig ang sinabi ni Fane. Malakas na ang mga halimaw nang mag-isa, at mahirap silang patumbahin, lalo na kung isang hukbo ito. “Tara na. Magiging mahirap na patumbahin sila. Isa itong wolf pack na binubuo ng ilang daang lobo. Higit pa rito, mayroong apat hanggang limang malalaking lobo na mas malakas sa kahit sinong nasa beginning stage ng true-god realm. Magiging mahirap na makatakas kapag napaligiran nila tayo!” Hiningal si Venus nang makalapit siya. “Sobrang dami nila, Young Master. Halos lahat kami dito ay nasa beginning stage ng true-god realm, at may ilang ninth-grade grandmasters. Wala kaming lakas na lumaban sa isang hukbo ng Phantom Wolf. Ang kahit sinong gagawa nito ay mamamatay!” Sumugod rin palapit si Kayla at nagbalita kay Fane habang hinihingal. Mula noong kinuha siya ni Fane sa main family ng Woods family, nakalagpas siya mula sa pagiging isang ninth-grade grandmaster papunta sa isang beg
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin