Roar!Lumipad rin ang ibang mga Phantom Wolf. Ang mga pangil at kuko nila ay gustong pumatay. “Kita mo? Nasa tatlong daan sila, pero limampu o animnapu lamang ang nasa semi-god realm, ang nakakalipad. Higit sa lahat, mas mabagal sila sa atin!” Sa ilalim ng kontrol ni Fane, lumipad ang spada sa malayo. Ang limampung Phantom Wolf ay naiwan. “Ang bilis! Anong grade ang spiritual tool na ito?” Nang makita niya ang bilis ng flying sword, hindi mapigilan ni Venus na magtanong. “Second Sis, isa itong ultimate-grade spiritual tool. Ang lakas ni Fane ay pinapataas nang sobra ng spada na ito. Sa madaling salita, wala kang laban sa kanya kahit sampu pa kayo!” Hindi mapigilan ni Daniella na magmataas habang pinag-uusapan niya si Fane, habang puno ng yabang ang mga mata niya. “Wala akong laban sa kanya?” Nabigla si Venus. “Masyado ka naman ata, Daniella. Nasa intermediate stage ako ng true-god realm. Hindi ako natitinag!” Nagdududa niyang sinabi. “Kahit hindi ko siya matalo nang ma
Walang masabi si Fane. Ngumiti siya nang naiilang ngunit hindi niya tinanggap ang mga plaka. “Second Young Mistress Cabello, kalimutan mo na ang ugnayan natin. Nakakahiya para sa akin kung bibigyan mo ako ng mga plaka!” Isa pang lalaki mula sa Cabello family ang ngumisi pagkatapos marinig ito. “Second Young Mistress, huwag mong kalimutang siya ang kasintahan ng ate mo, at malapit mo na siyang maging brother-in-law,” Sinabi nito. “Heh. Hindi mo na siya kailangang bigyan ng plaka. Itabi mo na ‘yan!” “Tama. Si Young Master Woods ay kasintahan na ng First Young Mistress. Bakit niya gugustuhing kunin ang mga plaka mula sa’yo?” Isa pang babae mula sa Cabello family ang lumapit habang puno ng galak ang mukha nito. “Heh. Mabuti naman. Hindi natin kailangang matakot na baka apihin tayo kung kakampi natin siya!” Tinitigan ni Venus nang masama ang babae, at pagkatapos ay humarap siya kay Fane. “Ikaw ang tumanggi dito hindi dahil sa hindi kita inalok. Huwag kang magrereklamo na babawiin ko
Itinikom ni Daniella ang kanyang labi at sinabi kay Fane, “Pagabi na. Humanap na tayo ng matutulugan!” Tumango si Fane at naglakbay sa kagubatan. Makalipas ang isang saglit, nahanap ni Fane ang isang siwang na hindi madaling mapansin sa ibabaw ng bangin. Sapat na ang laki nito para matulog ang dalawang tao dito. “Hindi tayo makahanap ng kweba, at delikadong matulog sa isang puno. May siwang sa bangin na ito. Bakit hindi tayo dito matulog?” Tinignan ni Fane si Daniella. Maganda siya, oo, pero hindi niya alam kung kakayanin niya ito, lalo na lumaki ito sa isang first-class family mula pagkabata. “Sige. Tara na!” Hinawakan ni Daniella ang kamay ni Fane habang nakangisi. “Pwede akong matulog kahit saan kung kasama kita. Masaya akong nasa tabi kita!” Namula ang kanyang mukha pagkatapos niyang sabihin ito. “Nakakatuwa naman!” Ngumiti si Fane nang nanlulumo. Talagang para siyang nagsisimula pa lang umibig dahil sa pagiging inosente ni Daniella. Kaagad na lumipad ang dalawa
“Ikaw…” Ang babae na mula sa Lagorio family ay nag-alangan ng mga ilang sandali. Pagkatapos ay tumango din siya. “Sige na nga,” sumang-ayon din siya. “Seryoso. wala ng gagawa ng ganung bagay sa ganitong lugar…” Ngumiti ng masama si Nathan. “Hehehe.” Pagkatapos niya itong sabihin, sinabihan niya ang ilan pang mga miyembro ng Church family na nasa kanyang likuran, “Pumunta kayo dun sa itaas ng bangin at magpahinga. Susunod na lang kami ni Miss Lucy Lagorio pagkalipas ng mga ilang sandali!” “Hah, sige lang, Young Master Church. Sige lang!” Isang lalake ang nagbigay ng isang malupit na ngiti. “Huwag na kayong mag-aksaya pa ng oras, Young Master Church. Pati kami ay nahuhumaling na sa magandang babae na ito!” “Si Lucy yun!” Sa may guho ng bangin, napatalon si Daniella. “Ang sama talaga ng Lagorio family. Gumamit pa talaga sila ng isang mang-aakit para lang mauto ang iba pang mga henyo ng ibang pamilya na patayin ang mga henyo ng Woods family, dahil lang sa may malaki silang sa
Malamig na ngumiti si Fane, at sinadyang humakbang palabas. “Naku po. Hindi ko inaasahan an may iba pa palang magkasintahan ang nandito!” Si Nathan, na nasa bungad, ay nagulat ng makita niya sila Fane at Daniella. Pagkatapos ay pilyo siyang napangiti. “Fane?”Nagulat si Lucy nang makilala niya si Fane. “Tsk, tsk. Hindi ko inaasahan na kasama mo pala si Third Young Mistress Cabello, Fane,” mabilis niyang sinabi, habang nakangiti. “Hindi kailanman sa isang libong taon!”“Tama siya. Hindi ba’t may relasyon kayo ni First Young Mistress Cabello? Bakit palihim kayong gumagala kasama si Third Young Mistress Cabello dito!” Masamang ngumiti si Nathan. “Hindi ko inakala na kayong dalawa ay may ganitong relasyon!” Galit na humalukipkip ni Daniella. “Anong pinagsasabi niyo? Nagpapalipas lang kami ng gabi dito. Wala kaming ginagawang masama! Anong kalokohan ang pinagsasabi niyo!” Pagkatapos niyang sabihin iyon, dagdag pa niya ng may malamig na ngiti, “Ngayon ikaw naman, Lucy, at ta
“Sige, Young Master Church. Tulungan mo kong patayin siya. Talagang isa siyang malaking isda!”Kuminam ang mga mata ni Lucy nang marinig niya ito. “Young Master Church, kapag napatay mo ang lalakeng ito, mananatili ako sa tabi mo simula araw hanggang gabi sa buong buwan na ito!”MAsaya niyang sinabi. “Hah. Ikaw na mismo ang nagsabi!” Masiglang ngumiti si Young Master church pagkatapos niyang marinig iyon. Pinala pa nga niya ang pwetan ni Lucy. “Ang harot mo naman, Young Master Church!” Nagging maharot ang ekspresyon ni Lucy. “Ang dumi niyo!” Naiinip na napailing si Fane. “Nathan, narinig ko na ikaw ay ang apo ng Third Elder,” sabi niya kay Young Master Church, “at ikaw ang may pinakamalakas na talento at cultivation level sa Church family. MArahil ay naging mahirap para sayo na makarating sa advance stage ng true god realm!”“Heh. Ang dami mong alam tungkol sa akin, ah?” Tumawa si Nathan. “Wala ka nang takas. Hindi kita pakakawalan kahit na magmakaawa ka pa ng nakaluhod
Whoosh!Ngayon naman, si Nathan ang umatake at sumugod sa isang kisapmata, ang kanyang kamao ay pasugod kay Fane. Bang!Hindi nagtagal, isang nakakatakot na pagsabog ang umalingawngaw. “Ang ingay na ito ay mas nakakatakot pa kaysa sa naunang pagsabog.Ngunit nagawa ni Nathan na kayanin ito sa loob ng dalawang segundo bago mapatalsik ni Fane. “Young Master Church. Ano–anong nangyari? Wala kang laban sa kanya?” Labis na nagulantang si Lucy. Lumipad si Fane at tumayo sa may bangin, habang nakatingin sa kanila na puno ng pandidiri, na para bang siya ang pinakamakapangyarihang nilalang sa mundo. Ang kanyang mga mata ang naging dahilan upang pagdudahan ni Lucy ang abilidad ni Nathan. “Ako…” Labis na nahiya si Nathan. Nagngalit ang kanyang mga ngipin at pinitik ang kanyang palad. “Huwag kang mag-alala. Bihasa siya sa paggamit ng kanyang chi, ngunit ang sandata ko ay isang middle-grade spiritual tool,” sabi niya. “Hmph. Kasama ng aking second-grade elementary martial skill, duduru
Si Nathan, na nasa advanced stage ng tru god status, ay isa sa mga nakakaangat na henyo sa hanay ng eight reclusive families. Ang mga henyong ito ay itinuturing na mga alas ng kompetisyong ito. Kahit na hindi nila magawang talunin ang kanilang kalaban, hindi naman magiging problema para sa kanila na takasan ang mahirap na kalaban. Meron lang silang maliit na pagkakataon na mapatay. Maliban na lang kung mas malakas sa kanila ang kanilang nakalaban. Ang pagkamatay ni Nathan ang gumulantang sa mga miyembro ng Church family kaya namutla ang kanilang mga mukha. Hindi sila makapaniwala sa kanilang nakikita. “Takbo!” Ang lahat ay naghanda nang tumakas pagkatapos nilang pakalmahin ang kanilang mga sarili. May lakas ng loob si Fane na patayin ang apo ng kanilang Third elder, ano pa kaya sila, na mga may mas mababang lebel ng cultivation. Mas mababa pa ang kanilang posisyon kaysa sa karamihan ng mga miyembro ng Church family. Whoosh whoosh whoosh!Ngunit hinawakan ng mahigpit n
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin