Whoosh!Ngayon naman, si Nathan ang umatake at sumugod sa isang kisapmata, ang kanyang kamao ay pasugod kay Fane. Bang!Hindi nagtagal, isang nakakatakot na pagsabog ang umalingawngaw. “Ang ingay na ito ay mas nakakatakot pa kaysa sa naunang pagsabog.Ngunit nagawa ni Nathan na kayanin ito sa loob ng dalawang segundo bago mapatalsik ni Fane. “Young Master Church. Ano–anong nangyari? Wala kang laban sa kanya?” Labis na nagulantang si Lucy. Lumipad si Fane at tumayo sa may bangin, habang nakatingin sa kanila na puno ng pandidiri, na para bang siya ang pinakamakapangyarihang nilalang sa mundo. Ang kanyang mga mata ang naging dahilan upang pagdudahan ni Lucy ang abilidad ni Nathan. “Ako…” Labis na nahiya si Nathan. Nagngalit ang kanyang mga ngipin at pinitik ang kanyang palad. “Huwag kang mag-alala. Bihasa siya sa paggamit ng kanyang chi, ngunit ang sandata ko ay isang middle-grade spiritual tool,” sabi niya. “Hmph. Kasama ng aking second-grade elementary martial skill, duduru
Si Nathan, na nasa advanced stage ng tru god status, ay isa sa mga nakakaangat na henyo sa hanay ng eight reclusive families. Ang mga henyong ito ay itinuturing na mga alas ng kompetisyong ito. Kahit na hindi nila magawang talunin ang kanilang kalaban, hindi naman magiging problema para sa kanila na takasan ang mahirap na kalaban. Meron lang silang maliit na pagkakataon na mapatay. Maliban na lang kung mas malakas sa kanila ang kanilang nakalaban. Ang pagkamatay ni Nathan ang gumulantang sa mga miyembro ng Church family kaya namutla ang kanilang mga mukha. Hindi sila makapaniwala sa kanilang nakikita. “Takbo!” Ang lahat ay naghanda nang tumakas pagkatapos nilang pakalmahin ang kanilang mga sarili. May lakas ng loob si Fane na patayin ang apo ng kanilang Third elder, ano pa kaya sila, na mga may mas mababang lebel ng cultivation. Mas mababa pa ang kanilang posisyon kaysa sa karamihan ng mga miyembro ng Church family. Whoosh whoosh whoosh!Ngunit hinawakan ng mahigpit n
Itinabi ni Fane ang espada niya at bumaba para kolektahin ang mga martial ring mula sa lahat ng mga lalaking iyon. Bumaba rin si Daniella at matamis na nginitian si Fane. "Hindi ka man lang nagdalawang-isip nung sinusubukan ka niyang akitin. Hinahain niya ang sarili niya sa'yo! At hindi ka pa rin nahulog para sa kanya?" Sobrang nakuntento si Daniella sa mga kinilos ni Fane. Ang lalaking nagustuhan niya ay tunay na isang mabuting lalaki at hindi mahina sa mga ganitong tukso. "Heh, kailangan ko bang tanggapin ang isang tao kapag inihain niya ang sarili niya sa'kin?" Tumawa si Fane at nagsabi, "Maliban roon, ang isang babaeng kagaya niya ay parang isang p*ta na walang kaluluwa para sa'kin. Isang beses ko pa lang siyang nakikita. Paano ko siya magugustuhan?!" "Bumalik na tayo sa bitak at tignan natin kung anong nakuha natin!"Maliit ang ngiti ni Daniel at naghanda na lumipad sa langit papunta sa bitak. Ngunit mapait na ngumiti si Fane. "Wag na tayong pumasok ulit dun. Kung may
Nagsimulang kumislap ang isang maliit na apoy sa ilalim ng palayok. Pagkatapos ng ilang sandali, napainit na ni Fane ang buong palayok. Malinaw na matagal na niyang ginagawa ito. Hindi nagtangka si Daniella na putulin si Fane. Tahimik siyang nakaupo sa tabi, tinititigan niya ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Fane habang lumapit siya sa palayok. Mabilis na kumuha si Fane ng ilang sangkap at initsa ito sa palayok, kinontrol ang apoy gamit ng kanyang lakas ng loob, at nagsimulang kumuha ng likido mula rito. Pagkatapos ng isang sandali, nagdagdag siya ng ilan pang sangkap habang pinapakiramdaman niya ang pagbabago sa formula at kinukuha ang medisinal na likido. Lumipad ang oras. Pagkatapos ng isang sandali, initsa ni Fane ang lahat ng sangkap sa loob ng palayok. Pinagpawisan ang noo niya. May maliit na ngiti sa mga labi ni Daniella habang pinanood niya si Fane na magtimpla ng gamot. Ilang beses na nagsalubong ang kilay niya, at inisip ni Daniella na napakasaya niyang panoorin
"Mukhang isa tong malaking laban na sangkot ang maraming tao!" Kumunot ang noo ni Daniella. "Tara at tignan natin. Paano kung nandun ang mga kapamilya natin?!" "Sige!" Tumango si Fane at lumipad papunta sa direksyon ng tunog kasama ni Daniella. Pagkatapos nilang lumipad nang ilang sandali, nakakita sila ng higit isang dosenang kabataan mula sa Cabello family sa isang damuhan. Napapalibutan sila ng higit dalawampung henyo mula sa Lagorio family at isang dosena mula sa Hunt family. Mabangis na nakatitig ang dalawang pamilya sa biktima nila. May pito o walong henyong mula sa Cabello family ang nakahiga na sa lapag at hindi na hindi na sila humihinga. "Bw*sit. Napakawalang-hiya talaga ng Lagorio family. Talagang makipagtulungan sila sa Hunt family para patayin ang mga tao natin!" Sobrang nagalit si Daniella at nanginig siya. "Naroon rin ang pangalawa kong ate!" Nalulumong ngumiti si Fane sa sandaling makita niya siya mula sa malayo. Hindi siya nagulat sa ganitong pangya
"Bw*sit. Nandito ang batang yun mula sa Woods family!" Napansin ng isa sa Hunt family sina Fane at Daniella ay nagdilim ang ekspresyon niya. "Narinig ko na magaling ang batang yung sa pakikipaglaban!" "Malaking problema to!" Isa sa dalawang intermediate stage true god realm fighters mula sa Hunt family na nagngangalang Shawn ay hindi mapigilang kumunot ang noo nang makita niya si Fane. Gayumpaman, mabilis siyang ngumisi nang malamig. "Magiging malaking balakid siya, pero marami tayo," sabi niya. "At saka sugatan sina Venus at ang iba pang miyembro ng Cabello family. Wala silang laban sa'tin kahit na magtulungan pa sila. Pero baka mabawasan tayo nang kaunti!" "Ang kampante mo!" Nilahad ni Fane ang palad niya at nilabas ang kanyang itim na espada habang binuhos niya ang chi niya rito. "Napakalakas ng resonance mula sa espadang iyon!" Mabilis na napansin ng isa sa kanila na espesyal ang espadang iyon. Nagdilim ang ekspresyon niya habang sinabi niya ito sa dalawang manlalab
Nagdilim ang mukha ni Shawn. Naglaho na ang kagustuhan niyang makuha ang ultimate-grade spiritual tool na kuminang sa kanyang mga mata. Sa halip ay naging seryoso ang mga ito. Sa sandaling iyon, naramdaman niya kung gaano talagang nakakatakot si Fane, iniisip niya kung paanong ang lalaking nasa harapan niya ay isang matinding kalaban. "Heh. Hindi na ko magsasayang ng oras na makipaglaro sa'yo. Hindi ko hahayaang may mamatay pang miyembro ng Cabello family!" Tumawa si Fane at binuhos ulit ang kanyang chi sa espada. Mas lalo pang lumakas ang ugong na nagmula sa espada kumpara kanina. “Burning Chop!”Humakbang ng isang beses si Fane at malakas na humiwa gamit ng espada niya. Lumipad ang isang atake sa harapan niya. Bahagyang umilaw ang hiwa na para ba itong isang bulalakaw na nagbabantang sunugin ang lahat ng daraanan nito. Sa isang iglap, lumitaw ito sa harapan ni Shane. "Bw*sit. Anong martial skill to? Isang second-grade premium?" Sobrang natakot si Shawn at namutla ang m
Tumawa si Daniella kahit na malinaw na hindi masaya ang kapatid niya. Alam na alam niya na ang mga ate niya ay mga idolo ng mga kabataan sa pamilya. Pero ngayon, pinapaulanan ng Cabello family ng papuri si Fane, at siya na ang naging bagong idolo. Natural maiinis ang ikalawang ate niya tungkol dito. “Tama ka. Wala akong magagawa dito. Mas malakas siya sa akin.” Itinikom ni Venus ang kanyang bibig. Nag-isip siya sandali bago magsalita habang naiirita, “Pero nagawa niya iyon dahil mayroon siyang isang ultimate-grade spiritual tool. Kaya ko rin maging kasinlakas niya kung mayroon din ako nito!” Hindi niya inakalang iirap si Daniella. “Bakit hindi mo na lang sabihin na gusto mo ng superior-grade spiritual tool? Sabi sa alamat may isang kayamanan na mas malakas pa sa isang ultimate-grade spiritual tool, at iyon ang superior-grade spiritual tool. Misteryoso din ito parang ang ultimate god status. Sayang at wala pa talagang nakakakita nito noon. Ang kahit sinong makakakuha nito ay magig
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin